You are on page 1of 1

Ayon sa ating pambansang bayani na si Gat.

Jose Rizal, “ang


kabataan ang pag-asa ng bayan.” Habang-buhay nang nakaakibat ang mga
tanyag na salitang ito sa atin. Tayong mga kabataan ang inaasahang
magbibigay ng maganda at matagumpay na kinabukasan sa ating bayan.
Tayo – at sa ating mga palad ang hinahangad na kasaganaan. Tayo – ang
magpapamalas at magwawagayway ng bandila ng Pilipinas sa dati nating
mga manlulupig, na tayo’y malaya na – na tayo pa rin ang pag-asa ng masa. 

Subalit, habang lumilipas ang panahon, marami na ang nagdududa sa ating


mga kabataan kung tama pa nga ba ang mga kataga ng ating bayani. Tama
pa nga ba?

Sa pagdaan ng dalawang taon na pandemya, maraming pagbabago ang


nangyari sa panahon ng isolasyon. Dalawang klase ng sakit ang
pinagdusahan ng bansa: ang literal na sakit na dulot ng pandemya, at ang
pagkabansot ng nasyonalismo. Ang patuloy na paggamit ng mga salitang
balbal na tanyag sa social media at dayuhang wika ang siyang humahadlang
sa pagpapalago ng pagkadalubhasa sa sariling wika.

Bukod dito, bilang mga pag-asa ng bayan, dapat tayo ay may paninindigan at
prinsipyong hinahawakan kahit na bata pa lamang. Tayo ay dapat na
nagkakaisa at ginagampanan ang ating mga tungkulin na nakakatulong sa
ating lipunan. Subalit, tila ba’y may pagkabansot na nagaganap sa ating
isipan, puso, at diwa. Hindi na prioridad ang pagpapaunlad ng katauhan at
kaisipan. Unti-unti nang nawawala ang kagandahang-asal at respeto sa mga
nakakatanda, sa bayan at sa sarili. Mas madalas na tayo’y nakapikit at sarado
ang isipan sa mga kaganapang nangyayari sa ating bansa. 

Marami man tayong kailangang matutunan at baguhin sa sarili, alam kong


darating ang panahon na mapapatunayan natin ang ating mga sarili na tayo
nga’y karapat-dapat na tawaging pag-asa ng bayan. Tayong mga kabataan
ang daan para sa kaunlaran ng ating bayan. Tayo ang magtatapos sa mga
nasimulan ng ating mga bayani na nagbuwis ng buhay para makamit ang
kalayaang inaasam ng bansa. Panahon na para tayo ay sumulong! Huwag
nating balewalain ang kanilang sakripisyo upang makamit ang tagumpay at
tunay na kasaganahan ng Pilipinas. Nasa ating mga kamay ang kaunlaran at
kalayaan. Patunayan nating tayo’y pag-asa pa rin ng Inang Bayan.

Taas noo nating isigaw na, Oo! Tayo paring mga kabataan ang pag-asa ng
bayan!

You might also like