You are on page 1of 4

NICKSON D.

MENDOZA
ABM 12/ST. MICHAEL

FILIPINO SA PILING LARANG

Kabataan, Isipin ang Kinabukasan

“Kabataan pag-asa ng bayan”, Kasabihan na sadyang nakatatak na sa ating


mga isipan. Ano nga ba ang ating kinabukasan?

Ako’y narito sa inyang harapan upang ipahayag ang nasa aking isipan. Bilang
isng kabataan, isang kabataan na minsan nang naligaw ng landas at nagkamali.
Ngunit sa aking pagkaluklok sa kawalan, napagtanto ko na mali pala ang aking
ginagawa. Kaya heto ako ngayon, Nagbago! at patuloy pang nag-sisikap upang
mapaganda ang aking bukas.

Marami sa mga kabataan ngayon ang sinisira ang buhay. Pinapag-aral ng mga
magulang ngunit ano ang ginagawa? Ayon! Gimik don! Gimik dito! Natuto ng
mga bisyong hindi dapat: nag-iinom ng alak, naninigarilyo, at ang ibang mga
babae ay sa murang edad ay nabubuntis na. Nasaan na ang tinatawag na moralidad?
Di nyo ba alam na dugo at pawis ang puhunan ng ating mga magulang para lang
tayo ay makapag-aral at mabigyan ng magandang kinabukasan.

Alam ba niyo na kung gugustuhin lamang natin ay mapapaganda natin ang


ating mga hinaharap? Maging responsable at isipan ang naghihintay na bukas.
Dahil kung magiging tulog ka lamang sa katotohanan, ano pa ang naghihintay
sayong bukas? Tiyak wala kang mararating.

Kaya mga kabataan, makinig! May bukas pa, subalit bakit pa hihintayin ang
bukas kung pwede naman ngayon na. KKK! Katatagan, Katalinuhan, at kaayusan.
Iyan ang sagot sa magandang kinabukasan. Kaya ngayon pa lamang… “Kabataan,
Isipan ang kinabukasan”.
NICKSON D. MENDOZA
ABM 12/ST. MICHAEL

FILIPINO SA PILING LARANG

Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng bayan?

Ayon sa isang sikat na kasabihan, ang kabataan ay ang pag-asa ng Bayan. Tayong
mga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. Iaahon
natin ito sa kahirapan at ibibigay natin ang hinahangad nitong kasaganaan. Iwawagayway
natin ang bandilang ating bayan patunay na tayo’y malaya sa anumang pang-aalipin ng
mga dayuhan. Ito ay ilan lamang sa mga katangian at kaugaliang inaasahan natin na
taglay ng bawat kabataan para sa ikauunlad ng ating bayan.
Noon, masasabi kong napakatatag ang ating paniniwala sa naturang kasabihan at sa
kaisipang nais nitong iparating sa atin. Ngunit ngayon parang humina ang paniniwalang
‘to. Masyado na yatang mabilis ang takbo ng panahon. Kasabay sa paglipas nito at sa
pagsilang ng bagong henerasyon ay marahil ang paglipas din ng paniniwalang pag-asa ng
bayan ang mga kabataan.
Tumatayo ako ngayon dito sa harapan ninyong lahat bilang isa sa mga kabataan ng
makabagong henerasyon tulad ninyo. Bigyan ninyo ng katahimikan ang inyong pag-iisip
sa mga sandaling ito at alalahanin ninyo ang lahat ng mga pinaggagawa ninyo. Ngayon,
sagutin ninyo ang tanong ko: kayo ba’y pag-asa pa rin ng bayan? Kung ako ang inyong
tatanungin, hindi ako mahihiya at mag-aatubiling sabihing “Oo!” Sapagkat lahat tayo ay
pag-asa pa rin ng bayan. Sakabila ng katotohanang may iilan sa atin na mga nagrerebelde,
pasaway, batugan at parang wala ng tamang nagawa sa buhay. Umaasa akong balang
araw maintindihan nila ang tunay nilang tungkulin at pananagutan.
NICKSON D. MENDOZA
ABM 12/ST. MICHAEL

FILIPINO SA PILING LARANG

Ngunit paano nga ba natin magagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? Aba
simple lang naman! Kailangan lang natin ng kasipagan, katapatan, pagkamakabayan,
disiplina at pagmamahal. Ipamalas natin ang ating kasipagan sa lahat ng bagay na
nakakabuti o nakatutulong. Hindi ‘yong tipong upo lang ng upo habang hawak ang
cellphone at nanunuod ng tv maghapon. Katapatan – maging matapat tayo sa lahat lalo na
sa ating sarili. Pagkamakabayan – ang pagtangkilik sa produktong sariling atin ay
halimbawa ng gawaing makabayan. Pagmamahal – sino ba naman ang di nakaranas ng
pagmamahal? Lahat tayo ay nagmahal at minahal. Kung disipina naman ang pag-uusapan,
lahat ng nabanggit ay may kaakibat na pagdisiplina. Lagi nating tatandaan na magtatapos
din ang ating pagiging kabataan ngunit tayo’y magiging magulang nagagabay at
magtuturo sa susunod na henerasyon ng kabataan.

Tayo mismo ang tagaguhit ng ating kapalaran sa sarili nating mga palad. Lagi nating
isipin na magtatagumpay tayo kung ito’y ating nanaisin. Kapag tayo naman ay nalugmok,
ito ay dahil sa kagagawan din natin. Pagkatandaan na importante ang oras. Huwag na
nating ipagpabukas pa ang ating mga gawain kung puwede naman nating gawin ngayon.
Panahon na para tayo ay sumulong! Nasa ating mga kamay ang kaunlaran at kalayaan.
Tayo nga’y malaya ngunit ang kalayaa’y hindiu pang gawin ang bawat naisin ngunit
upang gawin ang tama at nararapat. Tara na kapwa kabataan! Patunayan nating tayo’y
pag-asa pa rin ng Bayan!

Nasan na…..Ang Kabataan?

Una sa lahat,akoy bumabati ng magandang araw, lalo na sa mga kabataan


sapagkat ang tema ng aking talumpati ay tungkol sa kabataan. Kabataan na
sinasabing "Pag-asa ng Bayan". Kabataan na nagsusulong sa ating bayan tungo sa
kaunlaran, katahimikan, o kapayapaan. Ngunit nasaan na ang kabataan?
NICKSON D. MENDOZA
ABM 12/ST. MICHAEL

FILIPINO SA PILING LARANG

Ang ating kabataan ngayon ay ibang-iba na kung ikukumpara noon. Lubhang


mapupusok na sila sa mga gawaing illegal at mabibilang na lang sa mga kabataan
ang gumagawa ng mabuti. Dahilan sa ngayon ang kabataan ay lulong na sa
maraming bisyo gaya ng alak, sigarilyo,sugal at paggamit ng ipinagbabawal na
gamot. Ang masaklap pa nito, hindi lang kalalakihan maging kababaihan ay lulong
na rin sa ganitong bisyo. Kaya iilan na lamang ngayon ang matitino.

Iilan na lang ang sumusunod sa mga patakaran.Kaya pano pa natin masasabi


na ang kabataan ay pag-asa ng bayan? kung sarili nila ay hindi nila kayang
pahalagahan at nasisira ang kanilang pagkatao nang dahil sa bisyo. Pano natin
makakamtan ang katahimikan o kapayapaan kung ang ating kabataan ay walang
pagkakaisa? dahil ang hanap nila ngayon ay puro gulo, away at basag ulo. kaya
nasan na ang kabataan?

Kabataan, "Tayo ang Pag-asa ng ating Bayan." Tayo ang dapat magmulat sa
mga mga susunod sa ating mga yapak.Ipakita natin na karapat dapat tayong
mamuno sa pagsulong ng ating bayan.Maging masikap tayo tumutulong sa mga
may katungkulan upang palaganapin ang batas.Sa pamamagitan ng pangunguna sa
pagsunod sa mga patakaran.Itigil ang ipinagbabawal na gamot, bisyo at makiisa
bilang mamayanan.

Magkaroon tayo at disiplina at respeto sa sarili natin at sa ating kapwa


magkaisa tayo na ang kapayapaan ay ating makamtan. Tayo ng mamuno at ipakita
na ang "kabataan ay ang Pag asa ng Bayan".

You might also like