You are on page 1of 5

Cyberbullying

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng


teknolohiya, isang uri ng pambu-bully ang nabigyang-daan nito; ang
cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng
pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masamang salita maging sa text o
e-mail at social media; pag-bash o pag po-post ng mga nakasisira at walang
basehang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning
mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang
sarling account ng tao; sa paninira sa may ari nito; at iba pa pang uri ng
harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng
pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa naging biktima nito.

Paano Naiiba ang Cyberbullying sa Harapang Pambu-bully?

Napakalaking Tulong ang naibibigay ng cellphone, tablet, computer. At internet sa


tao. Ang social media ay isa ring malaking biyaya lalo na kung pakikipaugnayan sa
napapalayong kapamilya o kaibigan ang pag-uusapan. Ang internet ay isa sa
pinakamahalagng kagamitan sa ikadalawampu’t isang siglo sapagkat sa pamamagitan nito’y
“lumiliit” ang mundo. Nagpalalapit nito ang magkakalayong magkakapamilya, napupunan
nito ang kasabikang Makita at makausap ang isang minamahal, at nakatutulong ito upang
magawa ang maraming bagay tulad ng pagbili ng mga bagay-bagay, pag-a-aaply sa trabaho,
paggawa ng transaksyon sa bangko, at iba pa kahit ikaa’y nasa bahay lamang at hindi na
kailang lumabas. Nakatutulong din ito nang Malaki na paghahanap ng naumang
impormasyong mahalaga sa tao.

Subalit sa kabilang banda, napadadali rin ng internet ang paggawa ng ibat’ibang


krimen, panloloko sa kapwa, at paggawa ng maraming hindi mabubuting bagay tulad ng
cyberbullying. Para sa isang biktima mas mahirap at mas matindi ang cyberbullying kaysa
sa harapang pambu-bully. Ang harapang pambu-bully ay nagyayari sa isang lugar at isang
panahon. Kapag hindi magkaharap ang bully at ang biktima ay walang pambu-bully na
nagaganap. Samantala, ang cyberbullying ay maaaring mangyari nanag 24/7. Ibig sabihin,
kahit hindi magkaharap ang biktima at ang bully, o kahit natutulog ang biktima, onasa loon
ng kanyang tahanan, ang cyberbullying ay patuloy na nangyayari. Maari ding magtago ang
kanyang tunay na pagkatao ang nambu-bully upang hindi makilala kung sino siya hanbang
ipinapakalat niya ang anumang bagay na makasisisra sa kanayang biktima. Minsa’y mahirap
amlaanman o ma trace kung sino ang nagpasimula ng pagkakalat nito. Kapag nai-post o
naipadala na sa iba ang mga bagay na ito, napakahirap ng mawala o maihinto ang pagkalat
ng mga nakasisirang bagay sapagkat wala nang control ang nag-post sa puwedeng gawin ng
bawat makatatangap o makakikita sa kanyang post. Ang reaksyon kasi ng makatanggap ay
maaring huwag pansinin o hayaan na lang, I delete at huwag patulan, o maaring I share rin
sa iba na lalong magdudulot ng pagkasira ng biktima dahil sa napakabilis napagklat ng mga
bagay na naka-upload na sa internet.

Ano-ano ang Epekto ng Cyberbullying?

Maaaring sa cyberbullying ay walang pisikal na pananakit na anagyayari di tulad na


harapang pambu-bully na kung minsa’y humahantong sa pananakit subalit mas matindi ang
sakit at pagkasugat ng emosyon o emotional at psychological trauma na maari maranasan ng
isang biktima ng cyberbullying. May pangmatagalang epekto ito sa tao lalo na kung hindi
maaagapan o matulunagn ma-proseso ang damdamin ng isang naging biktima nito. Maari
siyang magkaroon ng mga isyung sikolohikal hindi lang sa kasalukuyan kundi sa mga
darating pang panahon.

Naririto ang ilan pa sa mga epekto ng cyber bullying:

 Mga senyales ng depresyon- Ang sugat sa emosyon ay mas matindi pa kaysa pisikal na
sugat. Kapag matindi ang emosyonal na trauma dahil sa mga nakasisirang post internet,
ang biktima ay nakararanas ng mga sintomas ng depresyon tulad ng hindi maipaliwanag
na kalungkutan, hindi makatulog, kawalan ng ganag kumain, o minsa’y humantong sa
pananakit sa sarili, o pag-iisip na waksan na ang sariling buhay,
 Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot- Ito ay nagiging paraan ng
biktima upang makalimot o magkaroon ng tapang o lakas ng loob na harapin ang bully at
ang mundo. Madalas, dahil dito’y hindi niyanamamamlayang nagiging bully sa senior
high o sa kolehiyo ay ang mga taong nakaranas ma-bully noong sila ay nasa middle
school o high school.
 Pagliban o Pag-iwas sa pagpasok sa paaralan-Ito’y isang paraan upang makaiwas sa
taong nambu-bully.
 Pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan- Ang madalas na pagliban at kawalan ng
konsentrasyon sa pag-aaral dahil sa kakaisip sa nangyayari pambu-bully ay nagre-resulta
sa mababang marka sa paaralan.
 Pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng mababang self-esteem- Ang mga alala ng
panunukso o panankit ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala sa sarili o mababang
pagpapahalaga sa sarili.
 Pagkakaroon ng problema sa kalusugan- karaniwan ang mga biktima ng bullying ay
nakarararnas o nagsasabing sila ay may sakit tulad ng karaniwang ubo,sipon,sakit ng
ulo,sakit ng tiyan, at iba pa.
 Pagiging biktima rin ng harapang bullying-Minsan bago pa magyari o kapag nangyari na
ang cyberbullying dahilnawawala ang tiwala niya sa sarili at ang kakayahang gawin ang
nararapat upang maipagtanggol ang kanyang karapan.

Ano na ba ang sitwasyong ng Cyberbullying sa Pilipinas?

Ayon sa ulat ng Google Trends, ang ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan
may pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang
pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isa nang realidad sa ating
bansa. Bagama’t sa kasakuluyan ay walang pang opisyal na estadistika ang Pilipnas
patungkol sa cyberbullying, sa bansang Amerika ay lumabas na nasa 9% ng mga mag-aaral
sa Grades 6 hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at 2011 at noong 2013,
tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa Grades 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.

Sa sarbey na isinagawa ng www.stopcyberbullying.org, ang sumusunod ang isingawa


ng mga naging biktima ng cyberbullying:

 36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-bully niya


 34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangang ang komunikasyon sa bully
 34% ang nagsabi sa mga kaibigan ukol sa pambu-bully
 29% ang walang ginawang anuman ukol sa pambu-bully
 28% ang nag sign-offline
 11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa nangyayaring cyberbullying

Ano ang Maaaring Gawin ng Isang taong nabiktima ng Cyberbullying?

Ang cyberbullying tulad din ng iba pang-uri ng bullying ay nagkakaroon ng


matitinding epekto sa buhay at pagkatao ng biktima kaya ipinapayo ng mga ekspertong hindi
dapat basta manahimik lang ang sinumang nakararanas ng ganitong pangyayri sa buhay.
Ipinapayo ni Sonnie Santos, isang eksperto sa cyberbullying ang pagsasagawa ng alinman sa
sumusunod,

 Laging kunan ng screenshot ang mga nakaksirang mensahe at i-save ito para magamit
bilang ebidensiya o katibayan sa ginawang pambu-bully.
 Ipaalam sa mga kapamilya ang mga pangyayari o pag-aatake.
 I-report sa awtoridad tulad ng guro guidance counselor kung sa paaralan ito nagyayari o
sa human Resources ang pambu-bully ay nangyayari sa trabaho.
 I-report sa pamunuan ng social media (Tulad ng facebook o Twitter) ang nagyayari
upang magawa nila ang karampatang hakbang.
 Magpalit ng numero ng telepono kung cell phone ang ginamit sa pag-ata
 I-deactivate ang lahat ng social media account at huwag munang mag-online
pansamantala. Gayunpaman,magtalaga ng kapamilya o kaibigang magmo-monitor sa
mga pangyayari sa online.
 Sumangguni sa propesyonal na tagapayo kung kinakailangan.
 Suportahan ang mga grupong nagla-lobby para sa isang batas patungkol sa cyberbullying
o harassment para sa lahat at hindi lang para sa kabataang wala pa sa tamang gulang,
Kaugnay nito, isang batas ang ipinasa sa mababang kapulunagn ukol sa pagpaparusa sa
mga taong nasasangkot sa cyberbullying gamit ang social media. Ito ang Soccial Media
Regulation Act 2014 na ipinasa ni Leyte Rep. Sergio Apostol upang matulungan ang mga
biktima ng pambu-bully gamit ang social media. Sa nasabing batas, ang tao o mga taong
mapatutunayang nagkasala ng cyberbullying ay mapapatawanan ng mula anim
hanggaang labindalawang taong pagkabilanggo. Maaari din silang magmulta ng mula

PH30,000 hanggang PH50,000.

May Pag-asa pa bang Makabangon mula sa cyberbullying?

Ang Pagiging biktima ng cyberbullying ay hindi katapusan ng mundo. Maraming biktima


ang nagtagumpay na malampasan ang ganitong kalagayan sa sarili nilang pagsisikap, matibay na
pananalig sa diyos, at sa tulong ng mga taong nagmalasakit upang sila’y muling makabangon
mula sa masakit na karansan. Isa sa mga ito si Paula Jamie salvosa, ang babae binansagang
“Amalyer girl” nang LRT habang paulit-ulit niyang sinasabi ang “Do you think I’m a liar.” Nang
mai=post ang vidyong ito ay naging viral sa internet at umaani ng napakaraming basahing ang
“Amalayer girl.” Halos hindi niya nakayanan ang pangungutya, galit at pambabantang natangap
mula sa netizen na nakapanood ng video. Nahusgahan ang kanyang pagkatao nang dahil sa video
at pangyayaring ito napatunayan niyang ang panahon nga ang pinakamabisang lunas. Sa paglipas
ng panahon ay unti-unting nalimot ng tao ang pangyayari at kasabay nito’y unti-unti rin siyang
nakabangon sa mapait na karanasan. Ngayon siya’y aktibo sa kanilang simbahan at nangangaral
ng salita ng diyos. Marami pang ibang tulad ni Salvosa na nabiktima rin ng cyberbullying ang
nakabangon at nabigyang-pagkakataong ipagpatuloy ang kanilang

buhay.

You might also like