You are on page 1of 1

MAY HUKLUBANG AMA SA TUMBA-TUMBA

Tula: May Huklubang Ama sa May Tumba Tumba


May huklubang ama sa tumba-tumba
At ikaw, binata, ang kaniyang kausap,
Dumuduyan-duyan sa buntung-hininga.

Hangad mo ang palad ng kaniyang dalaga


Kaya nagtatakang hingin ang basbas
Ng huklubang ama sa may tumba-tumba.

Iyong hinintay ang tamang entrada


Ngunit dila’y putol, wika’y tumatakas,
Dumuduyan-duyan sa buntung hininga.

Kada isang kilos, wari’y minamata


At ngayon, para bang gusto mong lumayas
Ang huklubang ama sa may tumba-tumba.

Ang iyong kongklusyon inipong pag-asa’y


Mistulang kulisap sa lantang bulaklak,
Dumuduyan-duyan sa buntung hininga.

Ngunit kung puso mo’y ipagbukas pa,


Baka magsisi ka at maging katulad
Ng huklubang ama sa may tumba-tumba
Dumuduyan-duyan sa buntung-hininga.

(Vladimeir Gonzales, halaw satulang Proposals ni EdwinThumboo, Ugat, 2003)

You might also like