You are on page 1of 1

ANG AKING SIMPLENG BUHAY

Ako ay simpleng tao, simpleng babae na ang pangarap ay simple lang din, maging isang
matagumpay balang araw. Isang tao na naghahangad ng mabuti hindi lang para sa sarili kundi pati na rin
sa pamilyang hindi ako iniwan hanggang sa huli. Mahirap man ang pinagdadaanan hindi ito magiging
hadlang upang maabot ang pinapangarap na tagumpay.

Sisimulan ko ang pagpapakilala sa kung ano ang aking mga hilig. Mahilig akong magbasa, hilig ko
rin ang magsulat ng kung anong bumabagabag sa aking isipan, isa itong paraan upang mailabas ang
aking nararamdaman. Isa rin sa aking mga hilig ang manood ng mga pelikula na nagiging paraan ko
upang mabawasan ang stress na nararamdaman ko. Ang pagluluto ay isa rin sa mga bahay na aking
nakahiligan lalo na noong nagkaroon ng pandemya, isa ito sa aking mga naging libangan.

Sa buhay may mga pagsubok tayong kinakaharap na minsan hindi natin maintindihan kung kaya
pa ba natin, madalas akong panghinaan ng loob sa tuwing nagkakaroon ng mga pagsubok at sa tingin ko
hindi ko kakayanin, ngunit mayroon akong isang bagay na pinaniniwalaan ito ay ang bawat problema at
pagsubok na kinakaharap natin ito ay palaging mayroong kaakibat na solusyon at hindi ito ibibigay ng
Diyos kung alam Niyang hindi natin kaya. Ako yung taong mas tumitingin sa mas magandang panig
upang maibsan ang paghihirap at lungkot na dala ng problema.

Kaugnay nito, mayroon din akong pananaw sa buhay na nakakatulong upang maibsan ang
problemang kinakaharap ko, ito ay ang imbis na isipin ang isang bagay o problema na nararanasan at
gumugulo sayo, bakit hindi ka mag-isip ng napakaraming pagpapala na patuloy na ipinagkakaloob sayo.
Sa pananaw na ito mas nagiging matatag ako sa bawat pagsubok at problemang kinakaharap ko. Isa rin
sa aking pananaw na ang pag-aaral ang magiging susi ko patungo sa tagumpay na inaasam ko, kaya
naman nag-aaral ako ng mabuti at ginagawa ko ang lahat upang mas lalo pang mapagbuti ang aking pag-
aaral. Hindi sapat ang nag-aaral ka lang kailangan ang sipag at tiyaga sa pag-aaral.

Dahil sa mga bagay na aking pinaniniwalaan ay mas lalong tumataas ang kumpyansa ko sa aking
sarili na balang araw ay makapagtatayo ako ng sarili kong negosyo at makakatulong sa mga taong
nangangailangan. Iyan ang ilan sa mga plano ko sa buhay, ngayon pa lamang ay nagkakaroon na ako ng
plano na nais kong tuparin sa oras na makapagtapos ako ng pag-aaral, nais kong madala ang buong
pamilya ko sa mga lugar na alam kong magiging masaya kami. Isa ito sa paraan upang masuklian ko ang
lahat ng paghihirap nila para sa akin. Hindi naman masama ang magkaroon ng pangarap, isa itong
paraan upang ako’y mas lalong magpursige at magtiyaga sap ag-aaral. Ginagawa ko itong motibasyon at
inspirasyon sa pag-abot sa aking mga plano sa buhay.

You might also like