You are on page 1of 2

Iba’t-ibang klaseng ng mga patimpalak na may iba’t-ibang layon ang ginaganap

sa buong mundo. Ang pagsali sa mga eksklusibong patimpalak ay nagbibigay daan sa


mga tao upang maging boses ng nakararami at nagbibigay ng pagkakataon upang
maipakita ng mga kumakatawan dito ang kanilang mithiin na maipaglaban ang kanilang
mga inilatag na mga adbokasiya hingil sa mga karapatang nais mabigyan ng pansin
nang sa gayon ay maging isang inspirasyon sa karamihan. Ang kadalasang kilalang
patimpalak ay kinasasangkutan ng mga kababaihan sa pagnanais na marinig ang mga
karapatan ng mga babae sa iba't ibang antas at upang ipagdiwang ang kahalagahan at
kagandahan ng kababaihan. Kung kaya't nakasanayan na nating mapanood ang mga
kababaihan sa telebisyon na sumasali sa ganoong klaseng patimpalak.

Ang pagsali ng mga transgenders sa eksklusibong patimpalak ay nagiging mainit na


usapin na umaani naman ng hating mga opinyon mula sa mga miyembro at di
miyembro ng LGBTQIA+. Ang Transgender ay isang term na kumakatawan sa
mga taong hindi nakakakilala sa biological sex na ipinagkaloob sa kanila mula sa
kanilang pagsilang. Sila rin ay kabilang sa miyembro ng LGBTQIA+ na may layuning
maipakita sa mundo na hindi sila naiiba sa atin na kaya din nilang gawin ang isang
bagay na magpapamangha sa iba. Layunin rin nilang mairespeto dahil ito ang kanilang
kagustuhan katulad ng pagrerespeto natin sa ating sarili at nagpapaalala na pantay
pantay tayong lahat anuman ang ating piniling kasarian. Gayunpaman, ang aming
grupo ay hindi sumasangayon sa pakikilahok ng mga LGBTQIA+ partikular na ng mga
transgenders sa mga eklusibong patimpalak na para lamang sa babae at sa lalake.
Ayon nga sa pahayag kay JC Buendia isang kilalang fashion designer, ang kanyang
hindi pagsang-ayon sa pagsali ng mga transgender o transwoman sa mga patimpalak
na para sa pambabae lamang ay ayon sa kanyang paniniwala na dahil sa mga
pamantayan ng pisikal na anyo, ito ay magiging hindi patas dahil kadalasan ang mga
transwoman ay mas matangkad, slim at minsan ay mas matalino’t mas maganda pa
kaysa sa natural na mga babae. Kung papansining mabuti ang kanyang pahayag, ay
magmumuka ngang dehado ang mga natural na babae sa kanilang pisikal na anyo lalo
pa’t hindi naman ipinagbabawal ng organisasyon ng mga beauty pageants ang pagsali
ng mga kandidatong may inayos o pinabago sa ilang parte ng kanilang pisikal na anyo.
Ayon naman kay Renee Salud, isang fashion designer at pageant enthusiast, tradisyon
ng babae ang sumasali sa mga eksklusibong patimpalak na gaya na lamang ng Miss
Universe, dagdag pa nito, may sarili ring patimpalak ang mga transgender na kung
saan ay kanila ring naipapakita ang kanya-kanyang adbokasiya.

You might also like