Filipino Essay

You might also like

You are on page 1of 1

“Isang Kahig, Isang Tuka”

Matagal na panahon na ang nakakalipas ng magsimulang malugmok ang bansa sa


kahirapan. Ang krisis na hanggang ngayon ay hindi pa rin matuldukan. Maraming tao ang
tinaggalan nito ng pangarap, at marami rin naman ang nagsimulang mangarap dahil sa kahirapan.
Madalas natin na marinig ang paglalarawan sa buhay ng mga mahihirap bilang “Isang kahig,
isang tuka” gaya ng isang manok na bago pa makatuka ng isang palay ay kakailanganing
kumahig ng maraming beses. Ganito ang buhay ng mga mahihirap, minsan ang sikmura ay
nalalamanan, madalas ay kumakalam.

Sa kasalukuyan, ang bansa ay nanatiling lugmok sa kahirapan. Malaking porsyento ng


mamamayang Pilipino ang mahihirap. Araw-araw na sumusugal, nagbababanat ng buto,
kumakayod para lamang makaraos sa isang araw. Marami ang pulubi, namamalimos sa kalye at
kumakatok sa bawat bintana ng magarang sasakayan para sa munting barya. Dahil sa lumalagong
kahirapan, iba’t-ibang uri ng krimen ang nag-uugat mula rito. Gaya ng iba na mas pinili na
magnakaw dala nv kahirapan na minsan ay nauuwi pa sa pagpatay at karahasan. Ngunit bakit nga
ba marami ang naghihirap? Maraming dahilan kung bakit nanantiling umiiral ang kahirapan sa
bansa, una na ay ang korapsyon aa pamahalaan. Ang pera na para sana sa pagpapaunlad ng
buhay ng mga mamamayan ay napupunta sa bulsa ng mga korap na politiko. Dahil sa kanilang
kasakiman, kapalit nito ay ang paghihirap ng milyun-milyong pamilya. Isa ring dahilan ay ang
kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mataas na pagpapataw ng buwis, hindi
pagkakaroon ng sapat na edukasyon at marami pang iba.

Ang kahirapan ay usang krisis na matagal na panahon ng hindi nasusugpo. Tila ito’y
isang apoy naiwang naglalagablab na ngayo’y magirap ng sugpuin. Noon pa man, magpa-
hanggang sa ngayon, ito ay nararapat bigyan ng kaukulang pansin, sapat na aksyon at mabisang
solusyon dahil hindi maari at hindi dapat mangyaring magpatuloy na habang ang ilan ay
nagpapakasasa sa buhay, ang milyong oamilya ay nananatiling isang kahig isang tuka.

You might also like