You are on page 1of 1

Ang Hirap Maging Mahirap

Isang pagbati ng magandang araw sa ating lahat. Gaano kahirap maging mahirap? Sino nga ba ang nais
mamuhay ng dukha? Ating tignan ang ating bansa, luntian, mayaman. Ngunit sa kabila nito, nakabalot sa
suliraning deka dekada na sa atin. Dinadaing ng karamihan ngunit ang iba’y nagbubulag-bulagan.

Sa tingin niyo, ano kaya ang pinakamalalang problema sa lipunan? Maaaring pagnanakaw, kakulangan sa
trabaho o korapsyon? Subalit halos lahat ng mga ito ay resulta ng kahirapan. Marami tayong nakikitang
mga kabataan na hindi nakakapagaral dahil sa kakulangan sa kagamitan at pera. Kaya marami ang
ninanais na magtrabaho na lamang para matulungan ang pamilya at pangkain sa araw araw. Dahil sa
kahirapan mas pinipili na lamang ng iba na isantabi ang kaalaman.

Kung kaya’t ang iba ay kumakapit sa patalim, pumupunta sa kalyeng madilim. Dala ng kakulangan sa
pera, napipilitang gumawa ng hindi maganda. Mga taong nalululong sa mga bisyo, sigarilyo doon, at alak
dito. Nauubusan ng pera dahil sa pagsusugal at droga. Samantala, ang iba’y pagod na pagod kakahanap ng
trabaho. Walang mahanap, walang makita dahil sa mataas na kwalipikasyon ng bansa.

Minsan nga mas inuuna pa ang luho kaysa sa pangangailangan. Bili dito! Bili doon! Kaya pagdating sa
totoong pangangailangan ay wala nang pambili. Minsan pa nga pati pangbayad sa renta ng bahay ay
napupunta pa sa luho kaya imbis na may masilungan, sa kalsada na lang naninirahan. “Katamaran ay
katumbas ng kahirapan” sabi nga nila. “Bahala na” o “bukas na lang” na madalas nating marinig, bakit
hindi na lang natin gawin? At kaysa matuwa dahil may narating ang iba, naiingit pa.

Kailan pa tayo kikilos upang mabago ang takbo ng ating buhay? Bilang kabataan, magaaral, at
mamamayan, lahat tayo ay may magagawa para sa ating kinabukasan. Ang solusyon ay minsa’y nasa atin
na ding mga kamay. Edukasyon, at determinasyon upang tayo ay manalo sa hamon. Walang taong
gustong maging mahirap, dahil mahirap maging mahirap. Maraming dukha sa ating lipunan, masasabi pa
ba kayang isang maunlad ang bansang sinilangan?

Jheizel Kisean M. Apellido


Grade 9 Mendel

You might also like