You are on page 1of 2

SANCHEZ, Jinggoy C.

TALUMPATI PARA SA KAHIRAPAN

Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking


mga masasayahin at kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay
hayaan ninyong hiramin ko ang inyong mga taynga.

Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano
ang pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw?
Korupsyon? Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Sa aking matagal at
masinsinang pagninilay-nilay, aking napagtanto na lahat ng mga problemang
aking nabanggit kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking
kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.

Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala


ng kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na
hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa
ating bansa. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding
krisis. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang
tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema
ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan.

Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng


gobyerno. Ninanakaw nila ang ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana
sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng
mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang
dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod
sunod na pagtaas ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na
pamumuhay kung ang mga pangunahing pangangailangan pa nga lang ay
hindi na natin kayang tustusan?

Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali


nating mga Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng
paghihirap ng mga tao. Wala silang tiyaga na maghanap ng mga posibleng
paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang
tinatamasa. Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay
nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay.
Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari
kong ibahagi sa inyo. Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng
paglaganap ng kahirapan sa ating bansa.

Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi


tayo makaahon sa kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang
takbo ng ating buhay?

Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking
makakaya para hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang
basura lamang sa aking lipunan. Sa simpleng pamamaraan, akoy magsisikap
makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang
kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay
kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may
magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na
magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod
pang henerasyon.

Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang
kahirapan na ating natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo
habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay!

You might also like