You are on page 1of 2

KAHIRAPAN

Sa aking mga mahal na Guro at sa mga ginoo at binibini na naririto, naway sa maikling sandali ay
making kayo sa aking talumpati. Ako ay may katanungan sa aking isip tungkol sa problema sa
ating lipunan ano nga ba ang pinakamalalang problema n gating lipunan sa panahon ngayon?
Pagnanakaw? Pagbebenta ng droga? Kurapsyon? Sa aking pagninilay nilay napagtanto ko na ang
lahat ng mga problemang nabanggit kanina ay resulta lang ng isang problema, kahirapan, tama?
Ito ang isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema n gating bansa. Isang problema o suliranin
na deka dekada nang problema n gating bansa. Isang suliranin na kahit anong gawin ay mahirap
mawala, kung titignan natin ang bansa ito’y maganda, masaya at puno ng mababait at
magagalang na mga Pilipino ngunit, datapwat subalit, pero alam ba ninyo na sa kabila ng
magandang imahe ng ating bansa ay nagkukubli anf isang suliraning batid ng karamihan pero
bulag sa kasagutan.

Ang kahirapan ang nag uudyok sa mga tao upang gumawa ng masama, ang iba kahit alam nilang
mali ay ginagawa parin nila, bakit? Dahil sa kahirapan at dahil sa kawalan ng pera ng mga
mamamayan. Ang iba ay nag nanakaw para may pantustos sa pag aaral ng kanilang anak ang iba
ay nagbebenta ng droga dahil Malaki ang kita ng pera at iniisip na maaahon ang kanilang pamilya
sa kahirapang natatamasa at ang mas malala ay ang pagbebenta o pagbubugaw ng kanilang
katawan sa iba upang may maiuwing pagkain sa kanilang lamesa lahat iyon ay mali. Maraming
nagagawang mali mga tao dahil sa kahirapan, para silang kumakapit sa patalim upang
malagpasan ang suliranin para silang kumakapit sa patalim upang mabuhay sa ating mundong
ginagalawan. Kaya’t saludo ako sa mga magulang na kahit ay nag hihirap gumagawa parin ng
mabuting paraan para mapaaral ang kanilang mga anak gaya ng pangangalakal.

Isa din ang maagang pag bubuntis ng mga dalaga na kung minsan ay hindi pinapanagutan ng
binata. Maraming ganyan sa henerasyon natin ngayon bumubuo ng pamilya kahit wala pang
trabaho at sapat na pera na resulta ng kahirapan. Maraming kabataan ang ganyan mas inuuna
ang sarap kaysa sa pangarap. Ngayon mas lalo kong naisip na mahalaga ang edukasyon at tama
na ang edukasyon ay ang ating kayamanan na hindi mananakaw ng iba. Hindi naman magiging
mahirap ang isang tao kung mag aaral siya ng mabuti, makapagtapos at makahanap ng
permanente at magandang trabaho. Isa sa mga dahilan ng kahirapan ay ang katamaran nating
mga Pilipino, ako bilang isang kabataan at mag aaral layunin kong gawin ang aking makakaya
upang hindi mag hirap balang araw. Sa simpleng pamamaraan, ako’y mag sisikap ng sa gayon ay
magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, lahat tayo ay
kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa
kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit, maipagmamalaki at higit sa lahat ay
maipapamana sa susunod pang henerasyon.
Hindi pa huli ang lahat masosolusyunan pa natin ang suliraning ito sa simpleng pag bibigay mo ng
burger na nabili mo sa Mcdo o ng dos tres na hindi naman ganun kabigat sa bulsa o kaya naman
ng pag mamahal na mas kinakailangan nila. Masusulusyunan pa natin itong kahirapang ating
kinakaharap dahil hindi binigay sayo yan ng Diyos kung hindi mo kayang lagpasan,
masosolusyunan natin ito kung ito ay sisimulan natin sa ating sarili mismo mag aral tayong lahat
ng mabuti sa tulong n gating mga Guro at sana’y di na tayo mapabilang sa mga taong nag hihirap
sa ating lipunan upang umunlad ang bansa kasabay ng pagkawala ng kahirapang ating
natatamasa.

You might also like