You are on page 1of 2

Edukasyon ay isa sa pinakamakapangyarihang sandata na magagamit natin upang makamtan ang

pagbabago sa ating mundo. Kailangan itong makamit ng lahat ng tao upang maging progresibo at
matagumpay sa kinabukasan. Ngunit, hindi lahat ay mapalad. May mga mamamayan na nahihirapan sa
estado ng kanilang pamumuhay at mas piniling magtrabaho na lamang sa murang edad. Buti na lang, ang
edukasyon ay hindi lamang sa mga kabataan. Habang may oras pa, may kakayahan pa, may
determinasyon pa ito ay makukuha ng kahit sino. Ito ay ang adbokasiya ni Dominic Ocampo, nagbibigay
siya ng edukasyon sa mga gusto pang makamit ang edukasyon. Kahit sino, matanda, mahirap, o may
pamilya na, basta’t gusto mo, may paraan at pag-asa.

Isang napakalungkot na pagdama ang aming napagdaanan habang pinapanood ang video. Isa
itong matinding pag-unawa sa totoong pangyayari dito sa ating bansa. May mga taong handa pang mag-
aral kahit sila’y pagod na sa trabaho, kahit sila’y matanda na, tulad lamang ni Bernabe Calo na isang 69
anyos na magsasaka. Ang edad niya mismo ang magsisilbing ehemplo na ang edukasyon ay karapat-dapat
talagang makamit, dahil siya ay isang senior citizen na ngunit pursigido pa rin siyang mag-aral. Grabe
ang sakripisyo na kanilang ginagawa upang makamit lamang ang kanilang hinahangad, na matuto at
umunlad ang buhay. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon para makapag-aral dahil sa kahirapan at
kakulangan na rin ng aksyon dito sa ating bansa.

Sa aming napanood, napagtanto namin na mayroong mga estudyante, tulad na lamang sa aming
paaralan sa Ateneo de Zamboanga University Senior High School, na pabaya sa pag-aaral at binabalewala
lamang ito, hindi nila nakikita ang kahalagahan nito sa kanilang buhay. Mayroon na silang komportable at
malamig na silid-aralan pero hindi nila ginagawa lahat para ayusin ang kanilang pag-aaral. Napakaraming
mga may gustong makapag-aral na hindi nabibigyan ng pagkakataon. Dapat ay mapalad tayo sa
tinatamasa nating ginhawa sa buhay. Bilang isang mag-aaral dapat mas bigyan pa namin ng tuon ang
aming pag-aaral. Ang edukasyon ang susi ng tagumpay kaya isipin natin ang pagbabago na maaaring
maidulot ng nito sa ating buhay. Dapat gawin nating huwaran kung paano nagsumikap si manong
Bernabe para maiahon ang kaniyang pamilya sa kahirapan. Ayon pa sa kanya, “...ayaw kong nakahiga
lang na mahirap” na tumagos sa aming isipan para mapagtanto na habang may buhay may pag-asa. Ang
mga katagang din iyon ay nagbukas sa aming isipan kung gaano kami kapalad na magkaroon ng
komportableng buhay. Gawin natin itong inspirasyon para mas magsumikap para maabot natin ang ating
mga mithiin sa buhay at para makatulong na rin sa ating kapwa na nangangaylangan ng ating tulong. Sa
sitwasyon nila ay isang kompletong kabaligtaran ng aming nararanasan.

Sa makatuwid, hadlang ang kahirapan at maging ang edad sa pagtamo ng edukasyon. Ito ay isa
sa mga karapatang pantao na dapat ay pinapahalagahan at ang pagkakataong makapag-aral ay hindi dapat
isinasawalang bahala. Nakalulungkot isipin na may mga taong hindi nabigyan ng pagkakataong makapag-
aral dahil sa iba’t ibang mga salik, ngunit mas nakalulungkot isipin na ang ibang mag-aaral ay
nagwawalwal lamang at sinasayang ang pribilihiyong makapag-aral. Ang mga katulad ni Mang Barnabe
ay magsisilbi sanang inspirasyon sa ating lahat. Walang imposible kung gugustuhin mo, at kung gusto mo
ay makakaya mo. Nawa’y buksan nito ang mga mata nating nakapikit sa katotohanan na ang mga
sitwasyon kawangis nito ay nangyayari sa tunay na buhay. Kami ay naniniwala na sa mga tamang
hakbang ng pamahalaan at tamang paggamit ng kapangyarihan, malulutas ang suliranin sa kakulangan ng
edukasyon sa mga liblib na lugar. Kami ay hindi nawawalan ng pag-asang maaari pang umunlad ang
ating bayang sinilangan sa pamamagitan ng pamamahgi ng pantay-pantay na karapatan sa ating mga
kababayang Pilipino na makapag-aral at magtamo ng edukasyon. Sa pagtutulungan, maaaring maging
tulay ang edukasyon tungo sa kaunlaran.

You might also like