You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Paruparo

Noong unang Panahon may isang diwatang ubod ng pangit at pahingkud –hingkud kung lumakad
.Nakatira ang diwata sa maganda ay kaakit-akit na bahay sa dalampasigan.

Isang umaga may isang batang nagngangalangang Paru. Si Paru ay ay isang tamad at makulit na
bata, na naglayas sa kanilang tahanan. Sa kaniyang paglalakad, siya ay napapadpad siya sa bahay ng
diwata .

Naamoy niya ang halimuyak ng mga bulaklak at natakam siya sa mga bunga ng mga puno sa
loob ng hardin. Naakit ang bata at dali- daling pumasok sa hardin. Kumuha ng mga bunga at mga
bulaklak si Paru.Sa sobrang libang niya ay nalimutan ni Paru ang oras.

Dumating ang Diwata, nakaamoy siya ng ibang tao sa loob ng kaniyang Hardin,at nakita si Paru.

“Sino kang nangahas na pumasok sa hardin ko?.bakit mo ipinutol ang aking mga bulaklak at kinain ang
mga bunga ng aking mga puno?” Sigaw ng Diwata kay Paru.

“ Paumanhin po !sadyang gutom lang po talaga ako,handa po akong manilbihan upang


mabayaran ang aking nagawang kasalanan”pakiusap ng bata.

Napaisip ang diwata, siya ay bumulong at sa isang iglap ay naging isang magandang diwata..

“Dahil nagandahan ka sa aking hardingagawin kitang isang hardinero” wika ng diwata

“Mula ngayon ay mahahawakan mo ang aking mga bulaklak, at maaaring magpakabusog sa


aking mga bunga”, sabay turo ng mahiwagang baton kay Paru.Biglang nagkaroon ng mga pakpaksi Paru.

Nagpadapo-dapo sa mga bulaklaksi Paru .Ang kaniyang mga pakpak ay binigyan ng


napakagandang kulay. Mula noon ay masayang nabuhay si Paru sa halamanan ng Diwata.

You might also like