You are on page 1of 10

I.

Rasyonale

Ayon kay Cain (2012) “ang introversion at extroversion ay dalawa sa pinakasinasaliksik

na paksa sa kasalukuyan na pumupukaw sa pansin ng daang-daang siyentipiko. Ang mga dalub-

agham na ito’y nakatuklas ng napakaraming mga bagay ukol sa paksang ito sa tulong ng rin ng

mga makabagong teknolohiya, ngunit ang lahat ng ito’y bahagi lamang ng isang masmahabang

kwento.. Ang mga makata at mga pantas ay naniniwala na ang introversion at extroversion ay

umiral na bago pa man naitala ang oras at panahon. Kapwa ang dalawang personalidad na ito ay

makikita sa bibliya at maging sa mga sinaunang panahon sa kasulatan ng mga Griyego at

Romano. May mga dalubhasa na nagsabi na ang introversion at extroversion ay makikita rin sa

mga inaasal ng mga hayop katulad ng mga fruit fly, rhesus monkey, at pumpkinseed fish. (p.29)

Ayon sa Grolier Dictionary (1998) ang introversion ay estado ng pagiging introvert.

Maaring tawaging introvert ang isang tao kung ninanais niyang mapag-isa kaysa mapaligiran ng

mga taong maaaring makausap. Ang pagiging introvert/extrovert ay saklaw ng mga pag-aaral at

mga teoryang nabuo ukol sa mga personalidad ng tao. Ito ay ipinakilala sa mundo ni Carl Jung,

isang neuroscientist.

Ang pagiging introvert ay minsan maikokonekta sa Big Five Personality Traits, isang

modelo ng pagkukumpara ng mga personalidad ng tao base sa common language descriptions.

Ayon dito, ang introversion at extroversion ay iisa. Samantala, sina Carl Jung at ang nagtaguyod

ng Myers-Briggs Type Theory Indicator ay naniniwala na ang lahat ng tao ay may kani-kaniyang

introverted at extroverted na panig, ngunit may panig na mas nananaig kaysa sa isa.

Ayon sa Wikipedia (n.d) “Ang sukat ng introversion, gaya ng extroversion ay mas

nasusuri sa pamamagitan ng personal na pangsukat, o self-report measures subalit ang

1
interpersonal na panukat (peer reports) at third party observations ay maaari ring gamitin. Ang

mga sukat leksikal o mga pahayag ay gumagamit ng mga pang-uring maaaring magpakita ng

pagiging extrovert/introvert gaya ng pagiging palakaibigan, mahinhin, at iba pa. Ang mga

nasabing uri ay may ibat’-ibang bilang na maaaring sumukat sa antas ng pagiging introvert.

Mga pangkaraniwang katangian ng introvert ayon kay Cherry (2016)

 Kilalang-kilala ang sarili

 Mapagpakumbaba

 Maaalahanin

Ayon rin kay Cherry (2016), kaniyang nasabi na “nadiskubri ng mga mananaliksik na ang

mga taong introvert ay mas may kaunting bilang ng mga kaibigan na kanyang nakakasalamuha.

Ang kanilang relasyon sa kanilang mga kaibigan ay mas makahulugan at mas malalim. Mas

pinipili nilang makipagtalakayan sa mas kaunting tao kaysa sa mga mas malaking piging.”

 Natutuwa sa pagsasaulo ng mga detalye

 Interesado sa pansariling kaalaman at sa pansariling pagkakaunawa

 Mas pinipili ang pribadong buhay

 Tahimik sa mga matataong lugar

 Mas masamahin sa mga lubos nilang kakilala.

 Mas natututo sa pamamagitan ng pagsubaybay

Hindi magkatulad ngunit maiwawangis ang kaumiran (shyness) sa introversion. Ayon

kina Schmidt at Buss ang pakikipag-usap ay nakabase sa motibo, batibot man o latag, ay ang

kagustuhang makipagsalamuha. Ang kaumiran ay tumutukoy sa ugaling napapamalas ng tao

2
habang nakikisalamuha, pigil man o lantaran, at maging ang pakiramdam ng pagkabahala o

pagkabalisa. Ang kaumiran ay tumutukoy sa takot sa ibang tao o maging mga piging. Ang mga

introverts, sa kabilang banda, ay tuwirang di gusto ang pakikipag-ugnayan sa maraming tao.

Gayunman, kailang ikinalulugod ang pakikisama sa mga taong malapit o lubos nilang kilala. Sila

ay nababagot sa mga “maliit na usapan” ngunit sila ay naaaliw sa mga usapang makabuluhan. Sa

isang artikulo sa pahayagang Atlantic Monthly, natukoy ni Jonathan Rauch (2003) ang ilan sa

mga miskonsepsiyon tungkol sa mga introvert. Habang ang introverts ay kadalasang kilala bilang

mahiyain, malayo sa karamihan, at mapagmataas. Nasabi ni Roach na “ang mga ito’y buhat nang

kabiguan ng mga extroverts na maunawaan ang tunay na tungkulin ng mga introvert.” Dagdag pa

niya “ang extroverts ay may kaunti o walang pag-unawa sa mga introvert.” Kanilang iniisip na

ang pakikisama, lalo na sa kanilang mga kaanob ay laging kalugod-lugod. Hindi nila sukat isipin

na bakit pa kailangan ng isang taong mapag-isa; kaya naman ang kanilang sama nang loob ay

kanilang binabahagi sa iba.

Base sa mga naunang sarbey, ang mga extrovert ay mas marami ang bilang kaysa sa mga

introverts sa sukat na tatlo laban isa. Pansin ng mga introverts ang pagsubok ng mga tao na sila

ay baguhin o magmungkahi na may “mali sa kanila”. Kahit na mas kaunti ang kanilang bilang,

walang mali o tamang personalidad. Sa halip, kapwa ang mga introverts at extrovert ay dapat

maunawaan ang kani-kaniyang pagkakaiba at pagkakatulad.

Sa ating pagkakaalam, ang mga trabahong nangangailangan ng lubos na

pakikipagtalastasan sa mga tao ay kadalasang mas hindi pinapaboran ng mga introverts. Sa

kabilang dako, ang mga trabahong nangangailangan ng mapag-isa ay kadalasang pinipili ng mga

introverts. Bilang halimbawa, ang isang introvert ay maaaring masiyahan sa pagtatrabaho bilang

3
isang manunulat., isang kontador, isang computer programmer, isang graphic designer, isang

parmasyotiko, o kaya isang pintor.

Introverts Extroverts
 Nakukuha ang sigla mula sa sarili nila  Nakukuha ang sigla mula sa

 Taong maideya at basal ang kaisipan pakikitungo sa iba

 Mahirap unawain  Taong mas makamundo, political,

 Madalas mahiyain madaling unawain at palakaibigan

 Masintahin at nagkikimkim ng  Mas maraming kaibigan

damdamin  Madaling guluhin

 Mas may kaunting bilang ng mga  Mas verbal, madaling magdesisyon

malalapit na kaibigan

 Matagal gumawa ng desisyon

Ayon rin kay Cain (2012) sa kaniyang aklat na Quiet: The Power of the Introverts in a

World that Can’t Stop Talking, kaniyang inihayag na “napakaraming mga introverts ang

nagpapanggap na mga extroverts. Sila ay namumuhay sa pamantayan na tinatawag na Extrovert

Ideal – Ang paniniwalang lahat tayo ay marapat lang na makisama, tinititingala at kinikilala ng

iba, at marami pa. Ang mga introverts na namumuhay sa pamantayang ito ay mawawangis sa

mga babaeng namumuhay sa panlalakeng kamunduhan,nababawasan ang halaga dahil sa

sapagkat kanilang kinukubli ang tunay sa sarili. Ang pag-akap sa Extrovert-Ideal ng mga

introvert ay isang napakalaking kamalian. Ang ilan sa mga ideya at mga bagay na tinatamasa sa

kasalukuyan nanggaling sa mga tahimik at likas na matatalinong mga tao. Sila ang mga taong

4
nakatuklas sa pagpapahalaga sa pansariling katangian, pagpapakatotoo sa kanilang mga sarili, at

pag-aalaga sa angkin nilang mga yaman.”

Ayon kay Cain (2012), kung wala ang mga introverts, ang mundo ay walang:

Teorya ng Gravity

Teorya ng Relativity

Mga nocturnes ni Chopin

Google

Facebook; at maging

Harry Potter

5
II. Layunin

Napakalawak ng paksang introversion, mabusisi at masinsinan ang mga pag-aaral ng mga

siyentipiko ttulad ng mga psychologists upang ito’y lubos na maunawaan at mabigyang-

kasagutan ang ilang sa mga katanungang pumapaloob rito. Kami ay may tatlong hangarin at

tunguhin sa aming isasagawang pag-aaral. Una, nais naming makuha ang panig at persepsyon ng

mga mag-aaral ukol sa paksang ito. Nais rin naming alamin ang kanilang mga nalalaman sa

nasabing paksa. Pangalawa, nais naminbaguhin ang ilang mga maling paniniwala at

miskonsepsyon ng mga tao particular na ang mga mag-aaral tungkol sa Introversion at

pasubalian ang mga nalalaman ng mga tao ukol rito. Huli, nais naming patunayan na ang

personalidad na Introversion ay hindi kailanman magiging hadlang sa pagkamit ng mga

introverts ng kanilang mga mithiin at mga pangarap sa buhay.

Ang unang layunin ng aming isasagawang pag-aaral ay upang makuha ang panig ng mga

kapwa mag-aaral ng Senior high school ng Ateneo de Zamboanga University ukol sa

introversion na minsan na ring natalakay sa asignaturang SSC o Personality development. Ibig

naming malaman kung sila ba’y minsan nang nakatagpo ng mga Introvert, o sila mismo ay

Introverted at nais naming malaman kung sumasang-ayon ba sila sa aming mga datos at

impormasyon na magpapatunay sa aming kredibilidad bilang mananaliksik.

Mula sa naunang layunin, aming nabuo ang aming pangalawang layunin na baguhin ang

mga kuro-kuro ng mga tao ukol sa introversion dahil ‘di maipagkakaila na napakaraming mga

maling ideya ang pumapasok sa isip ng mga tao patungkol sa introversion. Aming ipapa-alam sa

kanila ang tunay na kahulugan ng introversion. Base sa hangaring ito, maiiba at maiwawasto

6
naming ang mga pangkaraniwang miskonsepsyon ng mga tao sa paksang ito. Nais rin naming

malaman ang pagkakatulad ng kaumiran (shyness) sa introversion.

Ang pangatlo’t panghuli naming layunin ay patunayan na ang personalidad na

Introversion ay hindi kailanman hadlang sa pagkamit ng mga mithiin partikular ng mga mag-

aaral, bagkus ay maaari itong gamitin bilang isang inspirasyon sa pagtamo ng mga ninanais sa

buhay. Sa pamamagitan ng aming pagsagawa ng pananaliksik, aming tutukuyin ang mga

maaaring gawin ng isang introvert upang magamit ang kaniyang tinatago na kakayahan

7
III. Metodolohiya

Sa aming konseptong papel, qualitative ang pamamaraang ginamit namin sa pagkalap ng

impormasyon. Hindi gaanong sensitibo at kontrobersyal ang aming paksa kaya sapat nang

maging basehan ang aming mga pananaw, persepsyon, at pag-unawa sa natukoy na suliranin.

May sarili na kaming mga ideya at interpretasyon na nagmula sa mahigit-kumulang 12 na taon

naming pag-aaral. Sa loob ng mga taong ito, nagkaroon kami ng pagkakataong makipagkilalala

sa iba’t-ibang kapwa mag-aaral namin na may kanya-kanyang personalidad. Kaya naman

masasabi naming lubos na naming naintindihan ang paksang ito dahil kami ay may mga

karanasan na sa mga introvert.

Sapat man ang taglay naming kaalaman, kailangan pa rin namin ang mga pananaw ng

ibang tao para masiguro ang kredibilidad ng aming mga itinatag na mga pahayag kaya naman

kami ay nagsagawa ng mga impormal na interbyu at “question and answer”. Nakapanayam

namin ang ilan sa aming mga extrovert na kamag-aral tungkol sa kanilang mga opinion at

suhestiyon sap pag-uugali ng mga introvert. Syempre nakapanayan din naming ang ilan sa mga

introvert naming mga kakilala upan malaman at mas maintindihan kung ano nga ba talaga ang

pagiging introvert.

Panghuli, kami ay nagsagawa ng mga oberbasyon. Pumili kami ng ilang mga introvert na

candidato para obserbahan. Ang pokus ng aming obserbasyon ay ang kanilang pakikitungo sa

mga extrovert, kung paano sila nakikipagtalastasan, ang kanilang mga mannerism at mga

preferability. Bumuo rin kami ng mga inperensiya base sa mga aming naobserbahan.

8
IV. Inaasahang Resulta

Sa pagtatapos ng aming pananaliksik, aming masisiguro na napagtibay ang mga naitatag

na mga pahayag upang masiguro ang kredibilidad ng aming pananaliksik at kami ay paniwalaan

ng mga mambabasa. Masisiguro namin na napatunayan at naibahagi namin na ang pagiging

introverted ng isang mag-aaral ay hindi kailanman hadlang sa pagkamit ng kanilang mga mithiin

at pangarap sa buhay kaya’t sila ay magkakaroon ng lakas nang loob upang ipakita ang kanilang

angkin na mga kakayahan.

Aming malulutas ang ilang mga suliranin na sa mga mata ng ibang tao ay depekto ng

isang introvert at mabibigyan ng kasagutan ang mga katanungan na naglalaro sa mga isipan ng

mga mambabasa gaya ng kung ano ba talaga ang inroversion. Masisiguro namin na aming

nabigyan linaw at napasubalian ang mga argumento na bumabagabag sa isipan ng mga hindi

kumbinsido ng aming mga pahayag at katayuan sa aming paksa.

Magkakaroon nang patas na pagtingin sa pagitan ng mga introvert at extrovert bilang

mga mag-aaral na parehong may kakayahang abutin ang kanilang mga pangarap at mithiin.

Nabago ang persepsyon ng mga mag-aaral ng Ateneo de Zamboanga University Senior High

School sa mga taong introvert, para ang lahat ay mamuhay sa mga komunidad nang mapayapa,

may respeto, at dignidad sa bawat isa.

9
V. Bibliyograpiya

Cain, S. (2012). Quiet: The power of the introverts in a world that can’t stop talking.

N.Y.: Crown Publishers

Sword, L. (2002). The gifted introvert. Galing sa

http://talentdevelop.com/articles/GiftIntrov.html.

Rauch, J. (2003). Caring for you introvert. The Atlantic Monthly. Galing sa

http://www.atlanticmonthly.com/magazine/archive/caring-for-your-introvert

Extraversion and Introversion. (n.d.). Galing sa https://en.m.wikipedia.org./wiki/Extraversion-

and-Introversion.

Rampton, J. (n.d). 23 Amazingly successful introverts. Galing sa http://www.inc.com/john-

rampton/23-amazingly-successful-introverts-throughout-history.html.

10

You might also like