You are on page 1of 1

KABANATA l l

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

SINTESIS

Ang epekto ng pagpupuyat ng mga mag aaral ay hindi pangkariniwan o


kung kaya ito ay masama para sa kanila . Isa sa mga sinasabing dahilan kung
bakit sila nagpupuyat ay dahil sa labis na paggamit ng gadgets kasama na ang
paggamit ng social networking sites tulad ng Facebook, Instagram at marami
pang iba.
Ang napili naming ng pag-aaral ay may pagkakahalintulad sa mga sagot
at pahayag ng ibang mananaliksik. Batay sa mga impormasyong nakuha ay
maraming nagsasabi na hindi maganda ang dulot ng pagpupuyat. Ito ay ayon
sa mga isinagawang pag-aaral ng National Sleep Foundation at Live Science.
Ang pagkakaparehas ng pananaliksik na ito sa mga kaugnay napag-
aaral na nakalap ng mga mananaliksik ay ang pagkaroon ng parehong
respondenteng mag aaral.
Ang mga pananaw ng mga mananaliksik tungkol sa epekto ng pagpupuyat ng
mga mag-aaral ay magkakahalintulad. Nagkakapareho din ang mga ninanais
na makuhang resulta ng pananaliksik na ito upang mabawasan ang bilang ng
mga mag-aaral na madalas magpuyat.

HUGPONG

Hindi kagaya ng mga pag-aaral na ginawa ng ibang mga organisasyon


tulad ng pag-aaral na ginawa ng mga estudyante ng Willamette University sa
Oregon na gumagamit ng mga partisipante upang sukatin ang kanilang brain
activity, ang pag-aaral na ito ay gumamit lamang ng mga mag-aaral bilang
mga respondente . Ang ginamit na instrument ng pananaliksik ay sarbey-
kwestyoneyr, hindi tulad ng ginawa ng nakasaad na pag-aaral na ang kanilang
ginamit na instrument ay sarbey at eksperimentasyon sa pamamagitan ng
pagsukat ng brain activity ng mga partisipante na may sapat na tulog at mga
partisipante na kulang sa tulog. Iba rin ang target na bilang ng mga
respondente sa pag-aaral na ito kung saan ang respondente ay hanggang 111
lamang. Samantalang sa iba pag-aaral na nakalap ng mga mananaliksik ay
umabot sa libo ng bilang ng mga respondente.

You might also like