You are on page 1of 4

MICHAEL G.

CORTEZ
BSAb2

Ang wika ng katawan o pananalita ng katawan (Ingles: body language, kinesic
communication) ay isang uri ng pagpapahayag o komunikasyong hindi ginagamitan ng mga
salitang sinasabi o isinusulat, ngunit binubuo ng mga manerismo o kilos ng katawan, mga tindig
o tikas, at mga anyo o hitsura ng mukha na maaaring ipaliwanag bilang hindi namamalayang
pakikipag-ugnayan, pakikipagtalastasan, o pagpapadama ng mga damdamin o kalagayang
sikolohikal ng isang tao. Ito ang mga kilos o galaw ng mga bahagi ng katawan, katulad ng mga
kamay, mga bahagi ng mukha, galaw o asal ng mata, tayo, asta o bikas ng buong katawan, o
iba pang katulad ng mga ito, na nagpapakita o nagpapahiwatig ng ibig sabihin o nais gawin, na
naglalantad o nagpapahalata sa pisikal, mental, at emosyonal na katayuan ng isang tao, at
ipinaaalam o ipinababatid ng taong ito sa ibang mga tao habang hindi gumagamit ng nasasatitik
at pasabi o pasalitang wika. Tinatawag din itong komunikasyong kinesiko.
Kinesiks o kinesika ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng galaw o kilos at
ekspresyon ng katawan. Pinasimulan ang larangang ito ni Ray L. Birdwhistell, isang
antropologong umakda sa Introduction to Kinesics ("Pagpapakilala sa Kinesiks") noong 1952.

MGA NILALAMAN:
1 Kahalagahan
2 Sa sikolohiya
3 Sa medisinang pangtao
4 Sa medisinang panghayop

KAHALAGAHAN:
Bilang isang pakikipag-ugnayang hindi ginagamitan ng mga salita, nagaganap ang wika ng
katawan sa tuwing may nakakaharap na ibang tao ang isang tao. Nagsasabi ito ng tunay na
mga damdamin ng ibang tao sa isang tao. Nakakapagbigay-alam din ito ng kung paano
natatanggap ng ibang tao ang mga salitang binitawan o binigkas ng isang tao.
Umaabot sa 60 hanggang 80 bahagdan ng mga mensahe ang naipapakita at naipababatid sa
ibang tao sa pamamagitan ng wika ng katawan. Tanging 7 hanggang 10 bahagdan lamang ang
nangagaling sa talagang binabanggit na mga salita ng isang usapan o huntahan. Kaya't
mahalaga ang kakayanang basahin o unawain at ipaliwanag ang wika ng katawan ng ibang tao
upang magkaroon ng mabuting pagtanggap ng ibang tao, at hindi ang kabaligtarang masamang
pakikitungo ng ibang tao. May gampanin ito sa panayam sa paghahanap ng hanap-buhay, sa
isang pagpupulong, sa isang tungkuling pangnegosyo, at maging sa personal na buhay, katulad
ng pakikipagtiyap, pakikipagtagpo, o pakikipagkita sa maaari mong maging kasintahan.

SA SIKOLOHIYA:
Sa larangan ng sikolohiya, ito ang walang pagsasalitang pagsisiwalat, pagpapabatid, at
pamamahagi ng kabatiran o impormasyon sa pamamagitan ng sinasadya (habang may malay-
tao, gising, nakakaramdam, mulat, at may ulirat) o hindi namamalayang mga galaw, kumpas,
tindig, at iba pang kilos ng katawan o mga bahagi nito. Pinakakahulugan din ng pariralang "wika
ng katawan" ang pagpapahayag ng mga tahimik na pabatid o mensaheng hindi binabanggit o
binubukambibig na pasalita sa pamamagitan ng mga kilos ng katawan ng taong pinagmumulan
o kinakikitaan ng mga galaw na ito, kasama na ang pinapamalas na wangis, bikas, o hilatsa ng
mukha (katulad ng kiya, ismid, ingos, at iba pang mga katulad nito), tunog, tono at kahinaan o
kalakasan ng tinig, at iba pa. Isa itong impormal o hindi pormal na anyo o porma ng
komunikasyong hindi nakasandig sa kultura, kung saan ipinapahayag ang mga damdamin, mga
emosyon, mga motibo, at mga kaisipan sa pamamagitan ng mga pagbabago ng hitsura ng
mukha, mga kumpas, tikas, posisyon ng katawan, at iba pang mga hudyat na hindi ginagamit
ng salitang binibigkas ng bibig.
Sa larangan ng sikolohiyang sosyal, lahat ng ugali o kaasalang isinasagawa o isinasakatuparan
ng isang o maraming tao sa harap o sa piling ng iba pang mga tao ay itinuturing na
komunikasyon, pakikipag-ugnayan, o pakikipagkapwa-tao. Kaya't ang mapayapa o tahimik na
"wika ng katawan" ay isa ring uri ng komunikasyon. Nagpapahayag ang wika ng katawan ng
mga emosyon at saloobin o kalooban, na minsan taliwas o salungat sa mga mensaheng
ipinapakita o ipinababatid ng wikang pabigkas o pasalita. May ilang mga pagpapahayag na
hindi pasalita na nauunawaan ng mga taong mula sa lahat ng mga kalinangan. Subalit may
ibang mga ekspresyon o pagpapadamang partikular lamang sa tiyak o espesipikong mga
kultura.


SA MEDISINANG PANTAO:
Ang wika ng katawan ay maaari ring bigyang kahulugan bilang isang pangkat ng mga hudyat o
senyas na hindi sinasambit, kasama na ang mga galaw ng katawan, mga kumpas o pag-amba,
posisyon ng katawan sa loob ng kinalalagyan nitong puwang o espasyo, mga ekspresyon ng
mukha, at pagpapalamuti sa katawan, na nagbibigay ng ekspresyon o naglalarawan at
nagbibigay-buhay sa sari-saring mga kalagayan ng emosyon, katayuan ng katawan o pisikal na
kalagayan, at estado ng isipan. Ito ang pagpapakita ng mga damdamin sa pamamagitan ng
postura o mga kumpay.

SA MEDISINANG PANGHAYOP:
Sa pangkalahatan, katangian ng mga primado o primata ang halatang-halata o lantad na lantad
na wika ng katawan, ngunit karamihan sa mga uri o espesye ng mga hayop ang gumagamit ng
mga kilos upang ipakita ang kanilang pagturing sa iba pang mga hayop at sa kapaligiran

NEWS
Poll warriors armed with voice management, body language
April 20, 2006 | Hemamalini Venkatraman and Bindu Damodaran Menon , TNN
CHENNAI: There is a lesson in it somewhere for corporate trainers. Public oratory or sheer gift
of the gab, dramatic body language to absurd theatre, you ask for it and politicos in Tamil Nadu
can teach you a thing or two. How best to use body language, twirl hidden political agendas for
mass appeal, lace speeches with humour and puns have turned their touchstones for success.
And each party has brought in its own brigade of orators who have the gift to spin...
NEWS
How Whirlpool's Arvind Uppal learnt international body language
July 15, 2011 | Moinak Mitra , ET Bureau
Arvind Uppal's all-wood office in Gurgaon is dominated by a painting by Dao Hai Phong, "the
MF Hussain equivalent of Vietnam". The colourful canvas is a souvenir from an earlier phase in
Uppal's career, when he was with Nestle and posted in Ho Chi Min city. A chemical engineer
from IIT-Delhi, Uppal is currently the chairman & managing director of Whirlpool India, as well
president of the white goods giant's Asia...
NEWS
Going for an interview? Non-verbal communication as important as verbal
October 8, 2012
Contributed by Srilagna Saha, Bizxchange.Bureau "Communication occurs when signals carry
information-bearing messages between a source and a destination" - Robert M. Krauss,
Columbia University. This can also be termed as verbal communication. On the other hand non-
verbal communication is that process of communication where people exchange visual cues -
for example: gestures, body language, eye contact, facial expression, etc. ...
NEWS
Five ways to use your emotional intelligence
November 9, 2012 | Sreeradha D Basu , ET Bureau
Using emotional intelligence in team management is a skill managers aspire to, but not many
are good at it. ET takes you through the process. 1. Listen and acknowledge Have small
sessions with team members on their interests and motivations, says Randeep Singh Sisodia,
director - HR, Amway India. "Ask team members how they 'feel', especially in an emotionally
charged situation," he says. 2. Show you care Wish team members on important dates, check
on the health...

You might also like