You are on page 1of 1

FLORANTE AT LAURA

ARALIN 10: ANG PAGBABALATKAYO

Sa kabila ng lahat ay hindi lubusang

mapaniwalaan ni Florante ang uri ng kagandahang

asal na ipinapakita ni Adolfo. Lalo’t may tagubilin sa

kanya ang ama tungkol sa bait na di paimbabaw. May

kung lihim na gawi si Adolfo na naririmarim si

Florante at sa tingin niya’y may gayon ding

pakiramdam sa kanya nito. Lumipas ang mga araw at

naging bihasa sa pag-aaral si Florante. Sa loob ng

anim na taong pag-aaral ay naging dalubhasa siya sa

pilosopiya, matematika at astrolohiya dahilan ng

kanyang pangunguna sa klase. Napag-iwanan na niya

si Adolfo at kumalat sa Atenas ang angkin niyang talino. Higit na naging popular sa mga guro at

kapwa mag-aaral si Florante. Lahat ay sambit-sambit ang pangalan ni Florante. Dito lumabas ang

tunay na anyo ng nagbabalatkayong si Adolfo. Napuno ng ngitngit at inggit ang puso nito dahil

sa nakamit na tagumpay ni Florante. Marami na ang nakahalata sa unti-unting pagbabago ni

Adolfo at may nagsasabing ang pagiging mahinahon nito ay hindi na bukal sa kalooban.

Mga Tauhang Nabanggit:

1. Florante
2. Adolfo

You might also like