You are on page 1of 4

KABANATA 27: ANG SALAYSAY NI ALADIN

(saknong 344-360)

TAUHAN:

 Florante- nagsalaysay sa harap ni Aladin


 Aladin- kasama ni Florante, nagligtas kay Florante

TALASALITAAN:

 Nagsalaysay- nagkuwento
 Bilangguan- kulungan
 Iginapos- itinali
 Heneral- namumuno sa kaniyang grupo
 Nanaisin- gugustuhin

BUOD:
Nabilanggo si Florante ng labingwalong araw at saka
dinala siya sa nakalulunos na gubat at iginapos sa punong
kinatagpuan sa kanya ng Morong si Aladin. (Dito nagwakas
ang salaysay ni Florante.)
Pagkatapos ni Florante sa kanyang kuwento ay si
Aladin naman ang nagsalaysay ng kaniyang naging
karanasan sa buhay. Anak siya ni Sultan Ali-adab ng
Persya, at siya ang namuno sa hukbong Persyano na
kumopkop sa Albanya. Ngunit pagkatapos ay nilisan niya
ang bayan ni Florante upang umuwi sa kaharian ng kanyang
ama. Ipinakulong siya sa karsel ng palasyo nang malamang
siya'y lumisan sa kaniyang hukbo. Nang mabalitaan sa
Persya na nailigtas ni Florante ang Albanya , ay isinisi ito sa
kanyang pagkakalisan sa kaniyang hukbo, kaya't hinatulan
siyang papugutan ng ulo ng kaniyang sariling ama. Ngunit
isang heneral ang nagdala ng patawad kay Aladin pero may
pasubaling siya’y umalis na sa Persya kung hindi siya
susunod sa bagong utos na ito, buhay niya ang magiging
kapalit. Mabigat ang loob na tumupad si Aladin sa
pagpapalisang ipinarusa sa kanya. May anim na taon na
siyang naglalagalag sa iba't ibang lugar. Hanggang sa
masapit ang gubat na kinasasapitan ni Florante at siya’y
iniligtas sa dalawang leon na sa kanya'y sasagpang.
Sakanilang paglalakad papalabas ng gubat ay may nadinig
silang dalawang tinig ng babaeng nagsasalaysay.

ARAL:

KABANATA 28: SI FLERIDA
(saknong 361-369)

TAUHAN:

 Florante- kasama ni Aladin na naglalakad


 Aladin- kasama niya si Florante na narinig ang dalawang
babae na nagsasalaysay
 Laura- kasintahan ni Florante
 Flerida- kasintahan ni Aladin/ nagbalat-kayo upang
hanapin si Aladin
TALASALITAAN:

 Napahinunod- napapayag
 Pinalayas- pinaalis
 Pagdurusa- paghihirap
 Tumakas- umalis o lumayo ng walang paalam
BUOD:

Ang sabi ng isang babae, nang malaman niyang


pupugutan Ang kaniyang kasintahang nasa bilangguan ay
pumayag na siyang pakasal sa sultan kapalit ng paglaya ng
kanyang kasintahan. Pinakawalan naman agad ito,subalit
nang gabi ding iyon ay nagbalat-kayo ang babae ng isang
gerero at tumakas sa Persya upang hanapin ang minamahal
niyang si Aladin. May Ilan taon ding siyang naglilibot
hanggang sa sumapit sa gubat at nasaklolohan ang kausap
niyang babae.
ARAL:
PROYEKTO
SA
FILIPINO

Ipinasa Kay: Bb. Jesicca Jin Lopez Tacla

Ipapasa nina: Dennis Ugbamin


Joanna Jade Polendey
Chardlene Hershey Rabacal
Jun Tabula

You might also like