You are on page 1of 5

ISKRIP sa awit ng Florante at Laura

Aming sinisimulan ang Kabanata 23 na pinamagatang Pag-ibig na Pilit .

KURTINA 1

Florante: nang makalipas ang limang buwan sa Krotona ay kinutuban ako na mayroon sasalakay sa
kaharian ng Albanya kaya dali daling kaming bumalik sa Albanya upang tignan ang nangyari doon

KURTINA 2

Florante: Tignan nyo ang kaharian ng Alabanya mayroon itong bandila ng Moro. Tayo munang tumigil
para ay makapagpahinga tayo.

Ang isang hukbo ay kumuha ng teleskopyo at itinutok ito sa kaharian.

Hukbo: Pinuno mayroon akong natanaw na isang babae na parang pinupugutan ang ulo.

Florante: Wag nating hayaan na may mapahamak pa, pumunta na tayo roon at kalabanin sila.

KURTINA 1

Florante: Dugo’t pawis naming pinaglaban ang Kaharian laban sa mga Moro na pinamumunuan ng Emir

Aladin : Ano ang kalagayan ng pinupugutan na babae?

Florante: At nabigla kami dahil ang babaing iyon ay ang aking minamahal na Laura. Pinapupugutan ang
ulo ni Laura sa kadahilanang tinanggihan nito ang pag-ibig ng Emir at ito’y sinampal pa

KURTINA 3

Laura: “Sintang Florante” akin mo akong tulungan sa kamay nya

Florante: sandali aking minanamahal, ipapakita ko lang ang tunay na kahulugan ng pag- sinta ko sa iyo,

Emir: Ha?! Paano mo ito maipapakita?

Florante: Ipapahiwatig ko ito sa pamamagitan ng pakikipagtunggali

KURTINA 1

Florante: Nahirapan din ako sa pakikipagtunggali ko sa Emir, Nagtagal rin kami ngunit sa huli ay
napabagsak ko rin ito

KURTINA 2

Florante: Laura nasaan ang magiting at mapagmahal na Hari at ang kanyang tagasunod?

Laura: Sila ay nasa karsel ng kaharian ito ang susi roon.

Florante: *nagbigay pugay* *binuksan ang pinto* mahal na hari ipagpaumanhin mo ako sa pagkawala
ko

Haring Linceo: Huwag kang magpaumanhin dahil ito ay kasalanan ko rin.


Adolfo: Ito nanaman ang paborito ng lahat (pabulong)

KURTINA 1

Florante: at ng matapos kong tulungan ang Hari ay doon din nagsimula ang paghihimagsik ni Adolfo sa
kadahilanang pagpapakawala sa mga binilanggo at nakamit ko ang pag- ibig ni Laura

KABANATA 24: PATIBONG NG TAKSIL

KURTINA 1

Florante: Matapos ang ilang buwan ay nabigla kami ng lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni
Miramolin

KURTINA 3

Miramolin: naririto kami upang sakupin ang kaharian ng Albanya kaya tumabi kayo

Florante: hindi kayo maaring pumasok sa kaharian, kailangan niyo muna akong ipatumba bago ko kayo
papapasukin

KURTINA 1

Florante: nagtuloy tuloy ang labanan naming ni Miramolin at natalo ko rin siya. Matapos iyon ay nagtulo
tuloy na ang tagumpay ng Kaharian at dumating sa punto na umabot ng labing pito ang mga haring
nagsigalang kay Florante.

KURTINA 2

Kawal: Heneral Florante may dumating na sulat mula sa hari.

Florante: Bakit naman ako ipapadalan ng sulat mula sa hari sa gitna ng ating paglalakbay

Binasa ni Florante ito(back ground Haring Linceo)

Haring Linceo: kailangan monang bumalik sa sa Kaharian Albanya

Florante: Menandro halika ka rito may ipapabilin ako sa iyo

Menandro: Ano iyon Heneral Florante?

Florante: Ipinapabalik ako ng hari sa kaharian ng Albanya, ipapahabilin ko sana sa iyo ang mga hukbong
nakapaloob sakin

Menandro: Masusunod Heneral Florante

KURTINA 1

Florante: Pagkarating ko sa kahariang pinaglilingkuran, bumungad ang tatlongpu’t libong mga sundalo

KURTINA 3

Florante: Bakit naririto ang tatlongpu’t libong sandatahan hindi ba’t kayo ay nararapat sa loob ng
kaharian upang bantayan ang hari?
Kawal: Naririto kami dahil sa utos na inatas saamin at iyon ang ibilanggo ka

KURTINA 1

Florante: Wala na akong nagawa, tatlongpu’t libo sila at iisa lang ako. Sumama ako sa kanila, bumungad
sa akin ang nakaupong Adolfo

KURTINA 2

Florante: Bakit ka nakaupo sa trono ng hari Adolfo? at nasaan ang mahal na hari?

Konde Adolfo: Gusto mo bang isalaysay ko sayo ang nangyari nung ikaw ay wala?

Florante: Isalaysay mo ang lahat ng iyong nalalaman

Konde Adolfo: Kung gayon din makinig kang mabuti. Iikliin ko nalang ang istorya, ipinapatay ko si Haring
Linceo at ang iyong ama, Duke Briseo.

Florante: Paano mo ito nagawa Adolfo pagkatapos kitang tinuring na kaibigan bakit kapa magtataksil

Laura: Bakit kapa naririto Florante, pagkatapos mong iniwan ang kaharian babalik kappa

Florante: Paumanhin Mahal kong Laura

Adolfo: Muntik konang kinalimutan nais ko sanang ipaalam sayo dating kaibigan ipapakasal na kami ni
Laura

KURTINA 1

Florante: Labingwalong araw akong ipiniit sa kulungan, pagkaraan, itinali ako sa gubat na kinalaunan ay
natagpuan mo ako rito Gererong Moro

KABANATA 25 ANG HINAGPIS NG GERERO

KURTINA 1

Aladin: Ako si Aladin, isang gererong morong-Persyano, anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya. Halos tayong
dalawa ay magkaparehas ng pinagdaanan, parehas tayong sawi sa pag-ibig ako naman ang
magkwekwento sayo

KURTINA 3

Sultan Ali- Adab: Kailngan nyong ipakulong si Aladin sa kadahilanang iniwan niya ang hukbo sa Albanya
kahit wala pang utos ng Sultan.

Kawal: Masusunod

KURTINA 1

Aladin: Nang mabawi moa ng Albanya Florante hinatulan akong pagutun ng ulo. Ngunit pinatawad din
sa kondisyong aalis sa Persiya at dahil sa mga ito ay napawalay ako sa aking minamahal na Flerida.
KABANATA 26 MGA TINIG NG PAGIBIG

KURTINA 1

Florante: Kaibigan, may naririnig ka bang dalawang babaeng nag-uusap?

KURTINA 2

Flerida: Laura, nais kong ibahagi ang aking kwento

KURTINA 3

Flerida: Mahal na Sultan, totoo bang pupugutan ng ulo si Adolfo

Sultan Ali-Adab: Oo, totoo yon

Flerida: Patawarin ninyo siya mahal na Sultan. Gagawin ko ang alinmang iyong nais, basta patawarin niyo
lang siya

Sultan Ali-Adab: Sige, papatawarin ko siya kapalit ay panghabang buhay na pagmamahal

Flerida: wala naman ako magagawa, sige payag na ako

KURTINA 2

Flerida: Ngunit hindi ako nakapagpaalam sa aking nobyo. Pagkatapos ng aming pag-iisang dibdib,
tumakas ako bilang isang nakadamit-gerero

(Biglang sumipot sina Florante at Aladin)

Florante at Aladin: Aking mahal na kasintahan

Flerida: Aladin, aking mahal (sabay yakap)

Laura: Paumanhin sa aking nagawa, mahal kong Florante

KABANATA 27 SA BINGIT NG KAMATAYAN

KURTINA 2

Laura: Ako naman ang magkwekwento

KURTINA 3

Konde Adolfo: Gugutumin kayo ng hari

(Mag-iingay ang mga tao)

KURTINA1

Konde Adolfo: Patayin ninyo ang hari at matatapat na alagad nito

Konde Adolfo: Mahal kong Laura, hindi mo ba ako papakasalan?


Laura: Pumapayag na ako, ngunit bigyan mo akong limang buwang palugit upang magkapanahong
mapauwi si Florante

KURTINA2

Laura: at nahulog ka Florante sa pakana ni Adolfo at naitapon ka din. Mayroong pagkakataon na


magpapakamatay ako, buti nalang dumating si Menandro na nakatanggap ng aking sulat para sayo
Florante. ( Action KURTINA3) Itinakas ako ni Adolfo at pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. At buti
nalang dumating si Flerida, pinana si Adolfo at ako’y naligtas sa kamay ni Adolfo na kinalaunan ay
namatay din.

KABANATA28 MASAYANG WAKAS

KURTINA2

Menandro: aking mga kaibigan, may dala akong hukbo tayo na’y bumalik sa kaharian ng Albanya

TO KURTINA3

Taga-anunsyo: Ating tunghayin ang hari ng Albanya na kilala natin sa pangalan na Florante (papasok si
Florante)

KURTINA1

Florante: Sumama ka nalang saamin Aladdin at Flerida bilang isang Kristiyano.

KURTINA3

Taga-anunsyo: aming ipinapakilala ang bagong kasal na magkasintahang sina Florante at Laura at sina
Aladdin at Flerida.

KURTINA1

(papunta sina Aladdin at Flerida ng namatay si Sultan-Ali-Adab)

ALL KURTINA

All:Nagpapasalamat kami sa Diyos dahil sa aming pinuno na sina Florante at laura.

You might also like