You are on page 1of 34

Magandang

Hapon!
-ma’am Jane
Mga Pantukoy
Kabanata XIV (Florante at Laura)
Mga salitang di-pamilyar:

1.Himutok
H i_ _
n a g_ p _
i s
2. habag
a w _a
_
3. Naulinigan

n _
a r i_ _
n _i g
4. Binabatak

h _ n _ _ i _ a
i i h l
5-6. Pika at adarga
s _ n _ _ _ a
a d a t
7.paltok
t _u k _t _o k
8. panambitan
a _i n _g
d _
9. bahaw
paos na t _i n_ _i g
10. tikas
t _i n_ d _
i g
Pantukoy
• Katagang nagpapakilala ng relasyon ng
pangngalan sa mga bahagi ng pangungusap.

• Mga katagang laging nangunguna sa


pangngalan na ginagamit na simuno.
1. Pantukoy sa pantanging ngalan
ng tao
Si – sina, kay ito ay mga tiyak na ngalan ng
– kina, ni – tao.
nina
Hal:
Si Rose ang pinakamagaling nilang anak.
Tinatawag ng guro sina Jose, Juan at Pablo.
2. Pantukoy sa iba pang uri ng pangngalan
(pangngalang pambalana).

Ang- ang mga, Pangkalahatang


Ng – ng mga, tawag
Sa – sa mga
Hal:
Ang bagong alkalde ay hindi ko kilala.
Ipinugal ng mga kawal si Florante.
Hal:
Kinain ni Allyse ang mangga.
Niligpit nina Kyle at Kate ang mga nagkalat na laruan.
Nagpasalamat ang heneral kay Menandro.

Ang mga bata ay naglalaro.


Hinuli siya ng mga pulis .
Sa paaralan siya pumunta.
Kabanata XIV:
Ang Mandirigma
ng Persya
Ang Kapalaran ay hindi lubhang
malupit kay Florante. Sa gubat ding
yaon ay may dumating na isang
mandirigma. Sa kanyang tikas ay
mapaghihinuhang isa ring bayani at
sa pananamit ay tiyak na isang
Morong nagbuhat sa Persya.
Napahinto ito sa paglalakad, luminga-linga na
parang humahanap ng mapagpapahingahan.
Subalit walang anu-ano ay padabog na
pinaghagisan ang hawak na pika at adarga, at
parang humihingi ng saklolo ay pinagdaop ang
mga kamay, tumingala sa langit na ang ayos
ay isang estatuwang nakatayo, ngunit ang
buntung-hininga ay malalim at walang patid.
Walang anu-ano’y nagtungo siya sa isang
punungkahoy at sa paltok ng ugat nito ay isinadlak
ang katawang tila nagapi sa isang madugong
pakikihamok.

Pagkaraan ng ilang saglit ay napahilig na lamang sa


puno at sa mga labing nanginginig ay matuling
tumakas ang mga salitang:
“O, palad! Flerida, Flerida!
“Ama ko!” “Bakit mo ako natiis na magdusa
nang dahil sa aking irog? Diyata’t ikaw na
rin ang umagaw sa aking kaligayahan?”

Ang alingawngaw na rin ng kanyang


panambitan ang malungkot na tumugon sa
kanya.
Subalit kawangis ng isang hayop na may
malalim na kagat sa dibdib, ang tikas-
bayaning yaon ay maliksing nagbangon
at dinampot ang kanyang sandata,
samantalang sa mukha’y nalimbag ang
bangis ng ganid na hayop.
“Di ko itutulot!” ang kanyang malakas
na wika na sa mga mata ay nagkakahalo
ang apoy ng galit at patak ng luha.
“At kung hindi ang iginagalang kong
ama ang umagaw kay Flerida, hindi ko
masasabi kung ang aking sandata ay
bumuga ng laksang kamatayan!”
Palibhasa’y anak na may loob sa magulang,
kahit magdusa at uminom ng mapait na
apdo ng kasawian, ay taglay pa rin ang
katutubong damdaming gumalang at
kumilala. Kahit na sa laot ng pighati ay
naghahari pa rin ang pagpipigil na
makagawa ng kalapastanganan sa
pinagkakautangan ng buhay.
“Maliban sa aking ama!” ang
muling himutok. “Si Flerida ko’y
aagawin maging sa kuko ng
kamatayan!” at ang matibay na puso
ng mandirigma ay parang
sinasaksak ng matulis na patalim.
Natigilan ang mandirigma at biglang
namangha sa naulinigan. Mula sa loob
ng gubat ay nakarinig siya ng panaghoy.
“O ,sino kayang tao ang nananaghoy sa
kagubatang ito? Diyata’t may isa pang
sawi na tulad ko ang ipinukol dito ng
tadhana?”
Pinakinggan niya ng mabuti ito.

“Ama ko, bakit kaya ikaw pa ang naunang


nasawi at ako’y inulila sa gitna ng sakit?...
Para kong nakita ang malupit na parusa ng
taksil na si Adolfo at ang pagkakalaglag ng
iyong ulo ay marahil pinaghahagisan pa ng
mga sukab.”
Napamanghang lalo ang mandirigma dahil
ang narinig niyang ipinaghihimutok ng
sinong lalaking yaon ay dahil sa habag sa
ama. Ngunit siya’y naroon na ang galit na
sumusulak sa puso ay dahil sa kanyang ama.
Nagpatuloy ang panaghoy na nauulinigan ng
mandirigma hanggang sa ito’y napatigil… at
ang mandirigma ay nagwika ng:
“Kailan kaya bubukal ang aking mga
luha dahil sa pag-ibig ko sa aking ama
na katulad ng nananaghoy na yaon?’.
“Ako’y lumuluha di dahil sa
pagmamahal ni Ama kundi sa kanyang
kasakiman na ako’y agawan ng aking
kaligayahan.”
Napatigil sa paghihimutok ang
mandirigma. Ang dibdib niya ay parang
dinaganan ng mabigat na bakal. Ibig na
sana niyang kumilos at tuntunin ang
pinagbubuhatan ng masasakit na
hinaing datapwat napaudlot nang siya’y
muling makarinig ng panaghoy.
“Ay, mahal kong Laura, paalam na
ang abang sinta mong kinulang-palad.
Gayon man ay hinahangad ko rin ang
iyong kaligayahan sa makakaisang-puso
na hindi mo naman katipan. Madurog
man ang aking mga laman at buto, Laura,
Laura, ikaw lang aking mamahalin.”
…itutuloy….
Pangkatang
Gawain
• Ang klase ay hahatiin sa limang (5) pangkat.
• Gagawa ng islogan na may kaugnayan sa
mensaheng natutunan sa kabanata XIV.
• Pipili ng magpapaliwanag.
• 15 minuto lamang para tapusin ang islogan.
• 20 puntos
• Ilagay sa sa ¼ ang mga pangalan ng
miyembro.
Krayterya ng gagawing islogan:
• Kaangkupan sa tema : 10
• Pagpapaliwanag ,
kooperasyon at katahimikan: 5
• Kasiningan : 5
______
Total: 20

You might also like