You are on page 1of 13

TATLONG BAHAGI NG

FLORANTE AT LAURA
NAKIKILALA ANG AKDA BATAY SA ISTRUKTURA NITO
• Isang awit ang Florante at Laura. Nakabatay ito sa
maraming mga pagpapatotoo. Pinatutunayan din ito ng
mga umiiral na kaalaman na siyang bunga ng mga pag-
aaral na isinagawa sa akda.
• Muli nating pagbatayan ang kaisipan ni Dr. Patricia Melendres-
Cruz. “Tinakda ng awit ang istruktura ng Florante at Laura.
Binubuo ito ng tatlong bahagi.
• 1) Tulang Pag-aalay: “Cay Celia”
• 2) Patungkol sa Mambabasa: “Sa Babasa Nito”
• 3) Salaysay o Buhay: “Puno ng Salita”
1. TULANG PANG-ALAY: KAY SELYA

• Ito ay tulang liriko. Isang tulang damdamin. Hindi


maitatuwang ang Florante at Laura ay isinilang
matapos mamatay ang puso ni Balagtas. Ito ay
naisatitik sa panahon ng kapighatian ng makata. Ito
ay isang buhay mula sa kamatayan. Kaligayahang
mula sa ibayong sakit.
• Namatay ang kanyang puso dala ng kabiguan sa pag-
ibig subalit nabuhay naman ang isang walang
kamatayang akda. Ang akdang ito ay inihandog niya sa
dilag na nagging sanhi ng kanyang kalumbayan. Ang
bawat salita na ikinulong sa mga saknong ng tulang ito
ay punung-puno ng damdamin.
2. TULANG PATUNGKOL SA MAMBABASA:
SA BABASA NITO

• Matapos bigyan ng isang marikit na akda ang kanyang


mga mambabasa, binigyan din ni Balagtas ang mga ito
ng babala. Babala na kung babasahin ang kanyang
akda at hindi maunawaan ay huwag pakikialaman o
babaguhin. Babala na kung babasahin ang kanyang
akda ay huwag basahin na tila nagbabasa ng
karaniwang akda.
• Sa bahaging ito ay tunay na na patunayang si Balagtas
ay iba sa lahat ng mga sumulat ng awit. Ang halos lahat
ay nangahiya sa paghingi ng dispensa sa kanilang mga
mambabasa. Si Balagtas naman ay walang
pakundangang nagbigay ng atas sa mga mambabasa
kung paano nila dapat basahin ang kanyang akda.
3. TULANG SALAYSAY: PUNO NG SALITA

• Dito na nagsimula ang pagsasalaysay ng pangunahing


pangyayari sa loob ng awit. Nagsimula ang awit sa isang
madilim na gubat na kung saan ay walang malay na nakatali
ang isang lalaki. Ang mapanglaw na gubat ang kanyang
naging piitan at siya ring magiging saksi sa kanyang
pagiging baguntao. Ang pagiging baguntao ni Balagtas ay
naganap sa gitna ng kadiliman ng mapanglaw na piitan.
GAWAIN A

• Naipakita sa bahaging Tulang pag-aalay ang kaugnayan ng


makata sa kanyang akda. Ibigay ang kaugnayan ni Balagtas sa
kanyang akda batay sa bahaging Tulang Pag-aalay

Halimbawa: Hindi maitatatuwang ang Florante at Laura ay


isinilang mamatay ang puso ni Balagtas
GAWAIN B

• Isulat ang mga babalang ibinigay ni Balagtas sa mga


babasa ng kanyang akda. Ipaliwanag sa sariling
pagkaunawa.
GAWAIN C

• Idrowing ang mabubuong larawan sa Puno ng


Salita. Itala ang isinalaysay sa nabanggit na
bahagi.
GAWAIN D

• Ilagay sa tiyak na kahon ang maglalarawan sa hinihinging


istruktura.
• TULANG PAG-AALAY TULANG PATUNGKOL TULANG PASALAYSAY
• Huwag babaguhin ang akda kung hindi maintindihan
• Nagsimula ang awit sa isang madilim na gubat
• Namatay ang puso dala ng pagkabigo ngunit nabuhay ang isang walang kamatayang akda
• Ang pagiging baguntao ay nagsimula sa madilim na piitan
• Binigyan ng paalala kung paano babasahin ang akda
• Kaligayahan mula sa ibayong sakit
• Huwag babasahin ang akda na tila nagbabasa ng karaniwang akda
• Ang karaniwang mang-await ay humihingi ng paumanhin sa mambabasa
• Punung-puno ng damdamin ang mga salita
• Ang mapanglaw na gubat ay katumbas ng piitan

You might also like