You are on page 1of 24

Perlas sa Mata’y Nukal

Juliana Durango
Nina Corro
Tagpuan

Krotona
Tauhan

Florante
Heneral Osmalik
290 Tatlong araw noong piniging ng hari
sa palasyo real na sa yama'y bunyi
ay 'di nakausap ang punong pighati
at inaasahang iluluwalhati.
291 Dito ko natikman ang lalong hinagpis,
higit sa dalitang naunang tiniis;
at hinulaan ko ang lahat ng sakit
kung sa kahirapan mula sa pag-ibig.
292Salamat at noong sa kinabukasan,
hukbo ko'y lalakad sa Krotonang Bayan,
sandaling pinalad na nakapanayam
ang prinsesang nihag niring katauhan.
293 Ipinahahayag ko nang wikang mairog,
nang buntung-hininga, luha at himutok,
ang matinding sintang ikinalulunod
magpahangga ngayon ng buhay kongkapos.
294 Ang pusong matibay ng himalang dikit,
nahambal sa aking malumbay na hibik;
dangan ang kanyang katutubong bait
ay humadlang, disin sinta koy' nabihis.
295 Nguni'y kung ang oo'y 'di man binitiwan,
naliwanagan din sintang nadirimlan;
at sa pagpanaw ko ay pinabaunan
ng may hiyang perlas na sa mata'y nukal.
296 Dumating ang araw ng aking pag-alis,
sino ang sasayod ng bumugsong sakit?
Dini sa puso ko'y alin ang hinagpis
na hindi nagtimo ng kanyang kalis?
297 May sakit pa kayang lalalo ng tindi
sa ang sumisinta'y mawalay sa kasi?
Guni-guni lamang 'di na ang magyari,
sukat ikalugmok ng pusong bayani.
298 O nangag-aalay ng mabangong suob
sa dahilang altar ni Kupidong diyos,
sa dusa ko'y kayo ang nakatatarok
noong mangulila sa Laura kong irog!
299 At kung 'di sa luhang pabaon sa akin,
namatay na muna ako bago ko naatim;
dusang 'di lumikat hanggang sa dumating
sa Bayang Krotonang kubkob ng hilahil.
300 Kuta'y lulugso na sa bayong madalas
ng mga makinang talagang pangwalat,
siyang paglusob ko't ng hukbong akibat,
ginipit ang digmaang kumubkob sa s'yudad.
301 Dito'y ang masidhing lubhang kamatayan
at Parkas Atropos ay nagdamdam-pagal
sa paggapas nila't pagkitil ng buhay
ng naghihingalong sa dugo'y naglutang.
302 Makita ng piling Heneral Osmalic
ang aking marahas na pamimiyapis,
pitong susong hanay na dulo ng kalis,
winahi ng tabak nang ako'y masapit.
303 Sa kaliwa’t kana niya’y nangalaglag
mga soldados kong pawang mararahas
Lumapit sa aking mata’y nagniningas,
“Halika” aniya’t “Kita ang maglamas”
304 Limang oras kaming hindinaghiwalay
hanggang sa nahapo ang bato ng tapang;
nagliksa ang langit nang aking mapatay ...
habag sa gererong mundo'y tinakhan.
Buod
Nang lalakda na lamang kinabukasan ang hukbo ni Florante, sandal ring pinalad
ang binate na maka niid si Laura na maihain ditto ang kanyang pagsinta. Hindi
man bintawan ang oo, sa kanya ay bumukal naman sa mga mata nito ang perlas
na luhang nag silbing pabaon kay Florante. Sadya nang babagsak na ng kuta ng
Krotona sa walang humpay na bayo nang mga makinang pangwalat ng mga
kaaway salamat na lamang at dumating noon at dumatig noon ang hukbo
Florante. Sa huli limang oras na naghamok ang dalawa ni Heneral Osmalik at
Heneral Florante hanggang sa mapatay nitong huli ang sakdal tapang na
gererong Henral Osmalik.
Repleksyon
Nilibre sila ng hari nang tatlong araw. Pero hindi man lang tiningnan ni Florante
si Laura. Mas matindi pa ang sakit dulot ng pag-ibig, kaysa sa sakit dala ng
lungkot sa pagkawalan ng ina. Sinuwerte si Florante ang nagkaroon siya ng ilang
sandali kasama ni Laura, nung araw bago tumungo sa Krotona ang hukbo.
Sinabi ni Florante kay Laura na iniibig niya si Laura. May kasama pang iyak at
buntong-hininga. Parang bibigay na ang matibay na puso ni Laura. Pero nanaig
pa rin ang kaisipan ni Laura. Wala siyang sinabi kay Florante. Ngunit may isang
patak ng luha na bumagsak mula sa kanyang mata.Kinabukasan, aalis na si
Florante. Masakit ang kanyang kalooban.
Konsuelo na lang niya na hindi nasasaktan gaano ang puso niya sa ala-ala ng
kanyang yumaong ina. Ano pa raw ang mas masakit pa kaysa sakit dulot ng
pagkahiwalay sa taong minamahal. Nag-alay ng mabangong suob (incense) sa
altar ni Kupido, at sana madinig niya ang lungkot at pangungulila ni Florante
kay Laura. At kung hindi pumatak yung isang luha ni Laura, namatay na sa si
Florante bago makaramdam ng matinding sakit, hanggang sa umabot sila sa
bakbakan sa Krotona.
Halos bibigay na ang mga pader ng kaharian, nang inatake ni Florante ang mga
pwersa na nakapaligid sa siyudad. Matindi ang labanan. Dumanak ang dugo.
Ang mga diyosa ng kamatayan ay napagod sa pagkuha ng mga nangamatay.
Pinanood ni Heneral Osmalik (Moro) kung paano pinatay ni Florante ang
pitong hanay ng mga tropa ng mga Moro. Sa kaliwa at kanan ni Heneral
Osmalik namatay ang mga katropa ni Florante. Hinamon ni Heneral Osmalik si
Florante. Limang oras silang naglaban. Napagod siya. Pinatay siya ni Florante.

You might also like