You are on page 1of 8

BUOD NG FLORANTE AT LAURA

Sa Babasa Nito – Saknong 1 to 6


Maraming salamat sa babasa nito.Kung sa umpisa ay parang hilaw na prutas, tikman muna at matutuwa ka.Hindi hinihiling
ng makata na magustuhan mo ang tula. Basta lang huwag mong palitan ang mga linya.Kung sa umpisa ay parang malabo
ang tula, huwag munang husgahan. Tingnan muna nang mabuti.Kung may hindi maunawaan na mga salita, tingan muna
ang mga sumusunod na bahagi at maliliwanagan ang lahat.Hihinto na muna ang makata, at baka sa sobrang pagbago ng
mga salita, hindi na maging kaaya-aya ang tula.

Pagbubukas – Saknong 1 to 10
Madilim ang gubat. Hindi makapasok ang sinag ng araw.Malalaki ang mga puno. Malungkot ang tunog ng mga ibon.Makati
ang mga baging (vines) at balat ng mga prutas. Maraming tinik.Nakalulungkot tingnan ang mga bulaklak. Pati yung amoy,
nakabibigat ng kalooban.Ang mga punong sipres (cypress) ay nakatatakot.Yung mga hayop duon ay umaatake sa mga
tao.Sa dulo ng gubat, makikita ang daan patungong impiyerno.Sa gitna ng gubat ay may punong higera (banyan tree). Dito
nakagapos si Florante.Kahit hirap na hirap si Florante, mukha siyang diyos. Mala-Adonis ang kakisigan niya.Makinis ang
kanyang kutis. Parang ginto ang kanyang buhok.

Masamang Kapalarang Sinapit – Saknong 11 to 25


Walang mga nimfa duon na maaawa kay Florante.Lumuluha si Florante. Tumingala. Naghandang magsalita.Tinatanong ni
Florante ang Langit kung nasaan ang ganti nito para sa lapastangang ginawa laban sa bayan ng Albanya.Kalat na kalat na
ang kasamaan sa kanilang kaharian.Lahat ng mabuti ay kinakawawa at binabastos. Samantalang ang mga masasama ay
angat na angat.Naghahari ang kataksilan at kasamaan.Yung mga magsasalita laban sa kasamaan ay pinapatay.Yung mga
ambisyosong taksil ang dahilan ng kasawiang palad ni Florante.Ginamit ni Konde Adolfo ang korona ni Haring Linceo (ama
ni Laura) at ang kayamanan ng ama ni Florante, para kawawain ang buong Albanya.Tinatanong ni Florante ang Langit kung
bakit nito hinayaan ang mga pangyayaring ito.Inuudyok ni Florante ang Langit na lipulin ang kasamaan sa
Albanya.TInatanong ni Florante ang Langit kung bakit ito bingi sa kanyang mga hiling. Hindi maunawaan ni Florante ang
Langit. Hindi raw mananaig ang kabutihan sa mundo kung pumayag ang Langit na mangyari ito.Sino ang lalapitan na
ngayon ni Florante, gayong hindi siya pinakikinggan ng Langit?

Panibugho sa Minamahal – Saknong 26 to 40


Handang tiisin ni Florante ang pagpapahirap ng Langit, basta maalala siya ng puso ni Laura.Sa gitna ng kahirapan ni
Florante, ang ala-ala ni Laura ang bumubuhay sa kanya.Matutuwa si Florante nang lubos basta isipin siya ni Laura. Yun
nga lang, nalulungkot siya nang lubos gawa ng pagtataksil.Iniisip ni Florante na patay na siyang nakagapos dun sa puno.
Kung hanapin ni Florante sa kanyang isipan ang ala-ala ng mga nakaraan nila ni Laura, yung mga dati niyang luha sa
bawat sugat ni Florante ay ginagawang kasiyahan ang kanyang kahirapan.Sabi ni Florante para saan pa ang pag-ibig,
ngayon na tahimik na si Laura at may kasama nang iba.Gusto nang mamatay ni Florante dahil naiisip niya na magkayakap
sina Konde Adolfo at Laura.Hinimatay si Florante.Makikita sa buong katawan ni Florante ang mga marka ng pagpapahirap.
(Naranasan mo nang umiyak nang umiyak? Diba may mga maraming pulang tuldok sa mukha mo? Paano pa kaya kung
buong katawan mo ay ganun?)At kapag nakita si Florante ng pinakamarahas na magpaparusa, maawa yun sa itsura ni
Florante.Kahit yung taong tuyo na ang mga mata sa kaiiyak, maiiyak muli kung makita nila si Florante.Malalim na awa ang
mararamdaman ninumang makarinig sa mga daing at tunog na galing kay Florante.Rinig sa buong gubat ang mga ungol ni
Florante. Ang sumasagot lang sa kanya ay ang mga alingawngaw (echoes).Tinatanong ni Florante sa hangin kung bakit
kinalimutan ni Laura ang kanilang pagmamahalan.Sinusumbat ni Florante kay Laura ang sumpa ng kanilang
pagmamahalan. Naging tulala si Florante. Hindi niya naiisip na ganito ang mangyayari sa kanila. Hindi niya naisip na
darating ang araw na magtataksil sa kanya si Laura.

Ala-ala Ni Laura – Saknong 41 to 68


Akala ni Florante buo ang pagmahahalan nila ni Laura. Hindi niya akalain na sa kabila ng kagandahan ni Laura, may
nakatago palang pagtataksil.Hindi inakala ni Florante na ang mga luhang iniyak nuon ni Laura ay walang kwenta
pala.Naalala ni Florante na nuong gumawa ng sagisag para sa kanya dati si Laura, buhay na buhay ang mga mata ni
Laura.Naalala ni Florante nuong ginawa ni Laura ang kanyang plumahe (para sa ulo/helmet).Naalala ni Florante yung
maraming beses nuon nung inabot ni Laura ang bandana ni Florante, basa sa mga luha ni Laura kasi alalang-alala siya sa
kapakanan ni Florante sa digmaan.Tinitingnan dati ni Laura ang baluti (armor) ni Florante, at baka may kalawang ito. Ayaw
ni Laura na marumihan ang damit ni Florante.Kapag tumingin mula sa malayo si Laura sa hukbo (army), hinahanap niya si
Florante.Yung turbante (turban) ni Florante ay may diamenteng hugis letrang "L".At kapag bumabalik si Florante mula sa
digmaan, hindi pa rin mapakali si Laura.Takot si Laura na baka may sugat si Florante na hindi niya nakita at mahugasan.
At kung may gumugulo sa isip ni Florante, tatanungin ni Laura kung ano yung bagay na yun. At habang hindi pa niya ganap
na nauunawaan ito, hahalikan niya si Florante na paulit ulit sa pisngi.Kung tahimik lamang si Florante, dadalhin siya ni
Laura sa hardin para maaliw sa mga bulaklak duon.Ilalagay ni Laura ang mga magagandang mga bulaklak sa leeg ni
Florante. At hindi titigil si Laura hangga't di niya maalis kung anumang nagbibigay lungkot kay Florante.At kung malungkot
pa rin si Florante, maluluha si Laura. Hinahanap na ngayon ni Florante yung dating pagmamahal ni Laura.Hinahanap ni
Florante si Laura ngayon at malapit na siyang mamatay.Kahit isang patak ng luha mula kay Laura, sapat na yun para kay
Florante.Pinapahanap ni Florante kay Laura yung mga sugat sa kanyang katawan.Pinapapalitan ni Florante kay Laura ang
kanyang mga maruruming mga damit.At kung matitigan man lang ni Laura si Florante, mapapahaba ni Laura ang buhay ni
Florante.Para kay Florante, si Laura lang ang pwedeng magpagaling sa kanya.Yun nga lang, para kay Florante, wala si
Laura. Para kay Florante, pinagtaksilan siya ni Laura.Iba na raw ang kayakap ngayon ni Laura. (Bitter si Florante.)Wala na
raw kaibigan si Florante. At kinalimutan pa siya ng mahal niyang si Laura.Masakit ang kaloobang ni Florante. Nalulungkot
siya sa pagkawalan ng kanyang ama. Nagseselos pa siya dahil kay Laura. Masakit na masakit ang damdamin ni Florante.
Ang pinakamatinding sakit ay ang pagtataksil ni Laura.Pasasalamatan pa nga raw ni Florante si Konde Adolfo, kung lahat
ng pagpapahirap ay gawin kay Florante, huwag lang yung pag-agaw sa puso ni Laura.Umiyak nang malakas si Florante.
Umalingawngaw sa buong gubat ang hiyaw niya.Parang patay na si Florante. Maputla ang kanyang mukha.

Pagdating Ng Moro Sa Gubat – Saknong 69 to 83


May dumating na mandirigma sa gubat. Taga Persiya.Huminto siya. Tumingin sa palibot. Biglang hinagis ang kanyang mga
sandata.Tumingala siya, at panay ang buntong-hininga.Umupo siya sa tabi ng puno, at umiyak nang umiyak.Hawak niya
ang kanyang baba at sentido. Mukhang may malalim na iniisip, o di kaya's may nakalimutan.Maya-maya'y sumandal siya.
Patuloy pa rin ang kanyang mga luha. Nagsalita siya: Flerida, tapos na ang tuwa. (NOTE: Anim na taon na siyang palakad-
lakad kung saan-saan sa labas ng Persiya. Hindi siya maka move-on.)Panay ang sabi ni Aladin ng "Ay! Ay!" duon sa gubat.
Hindi siya talaga maka move-on."Bigla siyang tumindig, mukhang galit, at dali-dali niyang hinanap ang kanyang mga
sandata. Hindi raw siya makapapayag.At kung ibang tao (maliban sa kanyang ama) ang umagaw ng kanyang Flerida,
mapapatay niya ito.Binanggit ni Aladin si Marte at ang mga Parcae. May diyos/diyosa na kunektado sa digmaan at
kamatayan. Matindi ang galit ni Aladin.Sinabi ni Aladin na babawiin niya si Flerida mula sa mga kuko ng kataksilan, at lahat
nang makakabangga niya (maliban sa kanyang ama) ay papatayin niya.Makapangyarihan ang pag-ibig. Lahat ay apektado.
At ang lahat din ay makalilimutan kapag pumasok na sa puso ang pag-ibig.Kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan,
kalimutan mo na ang respeto sa lalong dakila (Diyos?), katwiran, tamang pag-iisip, katungkulan, at pati na rin ang buhay.
Sinasabi ni Aladin na huwag siyang tularan. Pero wala naman siyang kausap sa gubat.
Additional Update: Ang malas na karanasan ni Aladin ay aral na dapat mahalin ng mga nakakaunawa, para hindi nila
mismong maranasan ang sobrang hirap na halos hindi na kinaya ni Aladin.Sinaksak ni Aladin ang kanyang sandata sa lupa.
Umiyak nang umiyak. Bigla siyang may narinig na buntong hininga. Si Florante pala yun, nakagapos pa sa puno.

Paghahambing sa Dalawang Ama – Saknong 84 to 107


Nagulat si Aladin. Sumigaw siya, at nakinig. Narinig niya muli ang mga hikbi.Nagtaka si Aladin kung sino ang hihikbi sa
gubat na yun. Alisto siyang nakinig.Narinig ni Aladin na may nagtatanong kung bakit siya inulila ng kanyang ama.Inisip ni
Florante kung paano nahirapan ang kanyang ama sa kamay ng mga traydor.Naisip din ni Florante kung gaano kagrabe ang
parusang ipinataw ni Konde Adolfo laban sa ama ni Florante.Nararamdaman ni Florante ang paghihirap na naranasan ng
katawan ng kanyang ama.Naiisip ni Florante ang luray-luray na bangkay ng kanyang ama, na hindi man lang binigyan ng
disenteng libing.Inisip ni Florante ang mga dating kaibigan ng kanyang ama na lumipat na sa mga grupo ng mga traydor.
Naisip din niya ang mga kaibigan pa rin, ngunit takot nang hawakan ang katawan ng kanyang ama at baka pati rin sila ay
maparusahan.Parang naririnig ni Florante kung paano nagdasal ang kanyang ama na maprotektahan si Florante mula sa
kapahamakan.Hiniling din ng kanyang ama na iwan na lang si Florante sa ilalim ng mga bangkay sa parang ng digmaan,
nang di malapastangan ni Konde Adolfo ang kanyang mga labi.Sinabi ni Florante na ang mga dasal ng kanyang ama ay
hindi natupad. Pinugutan pa rin ang kanyang ama.Naaalala ni Florante ang pagmamahal sa kanya ng kanyang ama. Iyak
nang iyak si Florante.Pinararangal ni Florante ang kanyang mapagmahal na ama.Hindi magtatagal, at magkikita na muli si
Florante at ang kanyang yumaong ama.Naluha si Aladin dun sa kanyang narinig.Inisip ni Aladin kung kailan kaya siya
mapapaluha dahil sa pagmamahal at awa sa kanyang sariling ama.Naluluha si Aladin dahil sa pagnakaw ng kanyang
sintang si Flerida, habang heto si Florante, umiiyak dahil sa pagkawalan ng mapagmahal na ama.Naisip ni Aladain na kung
ang mga luha niya ay para sa nawalang ama, nabiyayaan siya ng mga matatamis na luha.Ngunit ang mga luha ni Aladin ay
dahil sa galit, at hindi dahil sa pagmamahal ng kanyang ama.Ang tawag ni Aladin sa pagmamahal ng kanyang ama ay
kataksilan. At heto na si Aladin, nalulunod sa kahirapan.Ang tingin ni Aladin sa sarili ay parang anak na inabandona.Narinig
ni Aladin na binanggit ni Florante ang pangalan ni Laura. Nagpapaalam na si Florante at tila mamamatay na siya.Sinabi din
ni Florante na sana maging masaya si Laura sa piling ni Konde Adolfo.Gayunpaman, mahal na mahal pa rin ni Florante si
Laura magpasawalang hanggan.

Sa Harap ng Panganib – Saknong 108 to 125


May lumapit na dalawang leon kay Florante. Bigla silang huminto malapit sa kanya.Mukha silang naawa muna kay Florante.
Ano kaya ang pumasok sa isip ni Florante habang tinitingnan niya yung dalawang leon?Hindi makapagsalita ang makata.
Lubha siyang naawa kay Florante.Sinong taong may puso ang hindi maaawa sa kalagayan ni Florante?Pakiramdam ni
Florante na malapit na siyang mamatay. Kahit hindi na maintindihan ang mga sinasabi niya, malinaw sa isip ni Florante na
malapit na ang katapusan.Nagpaalam si Florante sa Albanya.Pinapayuhan ni Florante si Albanya na lumaban sa mga
taksil.Binalewala raw ng Albanya ang sumpa ni Florante na ipagtanggol ang kaharian.Mula kabataan walang ninais si
Florante kundi ipagtanggol ang Albanya.Ang binigay lamang ni Albanya kay Florante ay isang kahiya-hiyang paraan ng
kamatayan.Gayunpaman, mahal na mahal pa rin ni Florante si Laura, sa kabila ng lahat.Sana raw maging masaya na ang
marahas na Adolfo at ang taksil sa Laura. Bitter na talaga dito si Florante.Kumpleto na raw ang kasaam nila, ngayon at
nasa harapan na ni Florante ang mabangis na kamatayan.Sino pa raw ang makaka-alala sa kanya, isip ni Florante.
Nagtatanong si Florante kung bakit ngayon, hindi man lang lumuluha si Laura.Sana raw kasabay ng mga luha ni Florante
ay lumabas na rin mula sa kanyang mga mata ang kanyang kaluluwa't dugo.Umiiyak si Florante hindi para sa kanyang
sarili, ngunit para sa pag-ibig nila ni Laura na hindi na natuloy.
Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] – Saknong 126 to 142
Hinanap ni Aladin kung saan nagmumula yung boses. Ginamit niya ang kanyang sandata para putulin ang mga nakaharang
sa kanyang daan sa gubat.Patuloy na ginamit ni Aladin ang kanyang kalis, hanggang natagpuan niya ang pinagmumulan
nung mga iyak.Siguro mga alas singko na ng hapon nang makita ni Aladin si Florante.Naawa si Aladin.Hindi siya kumibo.
Nakita niya yung dalawang leon.Mukhang gutom yung mga leon, at handa nang pumatay.Inilarawan dito yung itsura nung
mga leon. Inihambing sila sa mga Furies.Humanda nang umatake ang mga leon. Umatake si Aladin.Tinaga ni Aladin ang
mga leon.Ginamit ni Aladin ang kanyang kalasag (shield) at kalis para manaig sa mga leon.Lumuha si Aladin habang inalis
niya ang mga lubid ni Florante. Hinimatay si Florante.Naawa si Aladin habang nakita niyang umagos yung dugo duon sa
mga sugat ni Florante.Pinutol ni Aladin ang mga lubid gamit ang kanyang espada, para mabilis. Sinubukan ni Aladin na
bigyan malay-tao si Florante.Nung makita niya ang mukha ni Florante, inisip ni Aladin na magkahawig ang kanilang mga
sitwasyon.Napansin din ni Aladin ang tikas ni Florante. Magkatulad silang dalawa.Nakahinga nang maluwag si Aladin nung
makita niyang nagising si Florante.

Habag Sa Moro – Saknong 143 to 155


Mahinang dumilat si Florante. HInahanap niya si Laura.Hiniling ni Florante na huwag siyang kalimutan ni Laura. Pumikit si
Florante. Si Aladin naman ay nanahimik.Ayaw ni Aladin na mabigla si Florante at baka ito tuluyang mamatay. Naghintay
muna si Aladin.Nang magising muli si Florante, nagulat siya na andun siya sa Moro. Sinubukan ni Floranteng bumangon,
ngunit hindi pa niya kaya. Galit siyang napahiga.Sinabi ni Aladin na ligtas si Florante, ang maging payapa siya.Inamin ni
Aladin na kahit ayaw siya ni Florante, hindi niya kayang hayaang mamatay si Florante.Nakita ni Aladin sa pananamit ni
Florante na taga Albanya si Florante. Si Aladin naman ay taga Persiya. Magkaaway ang dalawang kaharian. Ngunit sa
ganung kalagayan ni Florante, magkaibigan daw sila, sabi ni Aladin.Moro nga si Aladin, ngunit tao rin siya. Ramdam niya sa
kanyang puso na sa batas ng kalikasan, kailangang tulungan ang mga nahihirapan.Ano pa nga ba ang gagawin ni Aladin
gayong narinig niya ang mga sigaw at iyak ni Florante? Nakita rin siyang nakagapos at malapit nang sakmalin ng mga leon.
Inamin ni Florante na kung hindi siya tinulungan ni Aladin, malamang andun na siya sa loob ng mga leon.At naging payapa
si Florante. Dahil alam niyang magkalaban ang mga taga Albanya at Persiya, ngunit tinulungan pa rin siya ni Aladin.Sinabi
ni Florante na hindi niya kailangan ang awa ni Aladin. Pero sana pinatay na lang siya, kasi kamatayan ang hinahanap ni
Florante.Nang marinig ito ni Aladin, sumigaw siya nang malakas, umiyak, at napaluhod.

Paglingap ng Persyano – Saknong 156 to 171


Tahimik sina Aladin at Florante. Para silang hinimatay, hanggang lumubog ang araw.Nang makita ni Aladin na papadilim
na, binuhat niya si Florante at bumalik siya sa pinanggalingan sa gubat.Inilapag ni Aladin si Florante dun sa isang malapad
at malinis na bato.Sinubukan ni Aladin na pakaiinin si Florante. At kahit umayaw si Florante, mahinahon niyang hikayatin
siya na kumain.Nanghina si Florante (naawas) sa sobrang gutom (dayukdok). Tuloy, di sinasadyang nakatulog sa
sinapupunan (sa bandang puson.. between the lap and navel or belly-button) ni Aladin.Magdamag natulog (nang mababaw)
si Florante, habang si Aladin naman ay magdamag hindi natulog. Nag-aalala kasi si Aladin na baka may lumapit na hayop
at kagatin si Florante.Pagising-gising si Florante at madalas siyang umungol. Bawat iyak niya ay parang sumasaksak sa
maawaing puso ni Aladin.Nung madaling araw, nung sobrang dilim pa, nakatulog nang husto si Florante. Tahimik ang lahat,
hanggang nagbukang liwayway (sunrise).Lumakas si Florante. Ano yung limang karamdaman? The 5 senses.
sense of sight: paningin, sense of smell: pangamoy, sense of taste: panlasa, sense of hearing: pandinig, sense of touch:
pandamdamKaya nung kumalat na ang sinag ng araw, dahan-dahang bumangon si Florante, ang nagpasalamat sa Langit
sa pagbalik ng lakas sa kanyang katawan.Tuwang-tuwa si Aladin, at niyakap niya si Florante. Kung noon ay lumuha si
Aladin dahil sa awa, ngayon ay lumuha siya sa tuwa (tears of joy).Hindi mailarawan nang sapat ni Balagtas ang
pasasalamat ni Florante. Yun nga lang, nang bumangon si Florante, naalala niya ang mahal niyang si Laura, at
naramdaman muli ni Florante ang matinding kalungkutan.Kapag nakapaghinga ka samantala mula sa sakit na dulot ng pag-
ibig, kapag bumalik yung sakit, higit na matindi pa. Doble pa yung sakit.Bago mahilom ng kasayahan ang sugatang puso ni
Florante, umiral na naman ang dating sakit. Parang kutsilyo na nakasaksak nang malalim sa puso ni Florante.Tinanggap ni
Florante ang kanyang paghihirap, habang sabay niyang sinabi na hindi na niya kaya ang pagkawalan ng kanyang
minamahal. Sinubukan ni Aladain na pagaanin ang kalooban ni Florante.Sabi ni Aladin kay Florante na nakita na ni Florante
kung paano mag-alala sa kanya si Aladin. Kaya huwag mag-alala si Florante at maghahanap ng solusyon si Aladin.

Uliran – Saknong 172 to 187


Sabi ni Florante kay Aladin - hindi lamang dahilan ng sakit ng aking damdamin, kundi pinagmumulan ng buhay ko mismo
(tinutukoy ni Florante si Laura).Naupo yung dalawa sa ilalim ng puno. Ikinuwento ni Florante kay Aladin ang kanyang
buhay, mula umpisa hanggang sa punto na naging masama ang kanyang kapalaran (naparool).Sinabi ni Florante na
ipinanganak siya sa Albanya, sa isang dukado (dukedom) o pamilya ng duke. Si Duke Briseo ang ama ni Florante.Ang ina
ni Florante ay si Prinsesa Floresca.Pakiramdam ni Florante na kung ipinanganak siya sa Krotona (siyudad ng kanyang ina),
imbes na sa Albanya (bayan ng kanyang ama), sana ay naging mas masaya si Florante.Ikinuwento ni Florante na ang
kanyang ama na si Duke Briseo ay naging tagapag-payo kay Haring Linceo, sa lahat ng bagay. Pangalawa siya. Siya rin
ang nagbibigay ng direksyon para sa bayan.Si Duke Briseo ay parang perpektong bersyon ng kabaitan sa Albanya.
PInakamatalino. Pinakamagiting. Pinakamapagmahal sa anak. Pinakamarunong mag-guide at magturo ng anak.
Naalala ni Florante kung paano siya tawagin nuon (nung munting bata pa siya) ni Duke Briseo: Floranteng bulaklak kong
natatangi o nag-iisa. (My one and only special flower.) PAALALA: Hindi po natin mahulaan kung bakit bulaklak ang tingin ni
Duke Briseo sa kanyang anak. Dahila kaya sa kulay ng buhok ni Florante? Or dahil sobrang kinis ng mukha ni
Florante?Yun ang tawag kay Florante mula nung bata siya. Una niya itong narinig mula sa kanyang mga magulang. Yun
ang kanyang ambil / palayaw / nickname. At ngayon na siya'y naghihirap, parang naririnig niyang may tumatawag sa kanya
gamit ang palayaw na ito.Sinabi rin ni Florante na nung bata pa siya, muntik siyang nadagit (na-snatch) ng isang buwitre
(vulture) o ibong kumakain ng mga patay o malapit nang mamatay na mga hayop.Ikinuwento daw sa kanya (Florante) ng
kanyang ina na nung tulog ang munting si Florante dun sa malaking bahay na kinta (or villa, in English, quinta in Spanish)
nila sa bundok, may pumasok na ibon. Yung buwitre ay may sensitibong pang-amoy. Kaya nitong amuyin ang patay na
hayop mula tatlong legwas (leagues). Ang distansiya ng is legwas ay tatlong milya (miles) or 4.828 kilometros.Sumigaw si
Prinsesa Floresca, at na-alerto ang pinsan ni Florante na si Menalipo na taga Epiro (Epirus - isang rehiyon sa hilagang
kanluran ng Gresya o northwestern Greece - nakadikit ito sa Albanya). Pinana ni Menalipo (Minelipus) ang buwitre. Agad
namatay yung ibon.Sa ibang pagkakataon naman, bago pa lamang natutong maglakad nang mag-isa si Florante dun sa
gitna ng salas, may dumating arko (ibong falcon) at inagaw nito ang kupidong diamante (hearts and arrows diamond cut) na
nasa dibdib ni Florante.PAALALA: The Hearts and Arrows Diamong Cut involves precision cutting. It is symmetrical.
Nung si Florante'y siyam na taong gulang, madalas siyang gumala at maglaro sa burol (hill). Pinapana niya ang mga ibon.
Tuwing umaga, nung bagong labas palang ng araw, andun na si Florante sa tabi ng gubat, kasama ang kanyang mga
alagad.At hanggang tumaas na ang sikat ng araw (Febo - Phoebus - sun god), malamang tanghaling tapat, andun si
Florante sa parang (fields).

Laki sa Layaw – Saknong 188 to 205


PInaglalaruan ni Florante ang mga bulaklak (ito kaya ang dahilan kung bakit tinatawag siya ng kanyang ama na Florante,
bugtong na bulaklak?). May laruang siyang pulad (quiver of the arrow), o yung balahibo ng manok o ibon na inilalagay sa
hindi matulis na dulo ng isang pana, upang magiya o madiretso ang paglipad nito.Hindi po natin maunawaan pa sa ngayon
kung bakit ni inaaglahi ang laruang pulad. Ang pag-aglahi kasi ay yung pagsira sa isa, at pati na ring pagdamay sa buong
lahi nung isang yun.Siguro yung inaglahi ni Florante ay yung isang ibon/manok na ang balahibo ay nasa pulad, at pati na rin
yung buong lahi o angkan ng mga ibon/manok.Pati yung mga ibong lumilipad sa hanging amihan (the wet south wind) ay
hinahabol ni Florante.Kapag may nakitang hayop si Florante duon sa kalapit na bundok, papanain niya ito. Isang tira lang,
tinatamaan na. Ganuon katindi at kalinaw ang mata ni Florante.Mag-uunahan ang mga kasamahan ni Florante para kunin
yung napatay na hayop. Sa sobrang tuwa, hindi nila pinapansin ang mga matatalas na tinik sa dinaraanan nila.Naaaliw si
Florante sa kapapanuod sa kanila. Pa-ekis-ekis nagtatakbuhan yung mga kasama ni Florante sa damuhan. At kapag nakita
na nila yung patay na hayop, sigawan sa tuwa!Kapag nagsawa na si Florante sa laruan niyang busog (bow... as in bow and
arrow), uupo sila sa tabi ng bukal (batis or spring), titingnan ang sariling repleksiyon, at kukunin ang lamig ng tubig.Dito sa
tabi ng tubig, pakikinggan ni Florante ang mga Nayadas (Naiads - female water spirit). Kapag tumugtog ng lira (lyre) ang
mga Nayadas, matatanggal ang kalungkutan sa iyong dibdib.Pati mga ibon, lumalapit sa mga kumakanta at nagtatawanang
mga Ninfas (nymph - nature goddess).Duon sa sanga ng kahoy na duklay (pinakamataas ng punong-kahoy)
nagpupuntahan ang mga ibong upang makinig sa mga nag-aawitang mga Ninfas.Ang mahal na batis ng iginagalang na
bulag na hentil ay malamang yung batis na binanggit sa Bibliya - John, Chapter 9.Sa "Pool of Siloam" gumawa ng milagro si
Hesukristo, kung saan naglagay siya ng putik sa mga mata ng isang bulag, at ito'y nakakita muli.Sa palagay ng iba, dito rin
sa "Pool of Siloam" itinaguyod ni Hadrian ang paganong dambana ng Apat na mga Ninfas (pagan Shrine of the Four
Nymphs) nuong 135 AD.(Saan kaya ito nabasa ni Balagtas? Bakit niya alam ang ganitong kasaysayan? Kakaiba siya
talaga!)Hindi nagtagal ang saya ni Florante sa lugar na yun. Dahil mahal siya ng kanyang ama, inutusan siyang umalis.
Kapag panay kasiyahan lang ang nararanasan ng isang bata, magiging mahina ito paglaki nito.Kung lumaki'y walang
hihinting ginhawa = Walang kahihinatnan. Walang sasapitin. Walang darating na ginhawa sa buhay mo, kung nuong bata
ka ay nababad ka lang sa kasiyahan at di ka man lang nakaranas ng mga pagsubok sa buhay.Mundo ito ng kahirapan.
Kaya bawat tao ay dapat matutong patibayin ang kalooban. Kapag hindi natutong magtiis, paano haharapin ang mga
pagkakataong malupit ang trato sayo ng mundo?Ang taong sanay sa masarap na buhay ay ubod ng selan. Hindi niya
kayang bathin o tiisin yung hilahil, kahirapan, o gulo. Wala pa ngan dumarating, nasa imahinasyon palang yung problema,
ayun... bagsak na.Katulad ng halamang palaging dinidiligan, kapag may sandaling init at hindi nadiligan agad, ayun...
nalalanta na. Ganun din ang pusong nasanay lamang sa tuwa.Kaunting hirap lang, pinapalaki na kaagad. Ganun ang dibdib
na hindi marunong magbata o magtiis. May kaunting pagbabago lang sa mundo, kisapmata o sandali palang ay malaking
pagdurusa na.(Nahihirapan ka ba sa Florante at Laura? Kumusta ang dibdib mo? Mabilis ka bang tumiklop? O kaya mo
bang lumaban? Paiter, bai!)Ang batang pinalaki sa saya at madaling pamumuhay, may something ang pag-iisip. Minsan
nga, parang hindi na nag-iisip. Walang sariling bait. Mali ang pag-alaga ng mga magulang. Akala nila pagmamahal yung
ipinakita nila sa anak nila. Ngunit mali. Kaya ayun ang masaklap na resulta: walang kwentang anak.(Mabuti na lang at
pinag-aaralan mo itong Florante at Laura. May pag-asa kang gawin ang dapat gawin, upang gumanda ang kinabukasan mo
at ng iyong pamilya.)Ang pagmamahal ng ibang magulang ay mali o baluktot. Tuloy, napasama ang kalagayan nung bata.
Posible rin na tamad lamang ang magulang, at naging pabaya.Ang mga bagay nito ay itinuro ni Duke Briseo sa kanyang
anak na si Florante. At kahit umiyak si Prinsesa Floresca, pinadala pa rin si Florante sa malayong lugar ng Atenas upang
mag-aral at maging mulat.Nalungkot nang matindi nang dumating si Florante sa Atenas (Athens). Ang naging mabait na
guro niya duon ay si Antenor. Si Antenor ay lahi ni Pitaco (Pittacus of Mytilene - considered as one of the Seven Sages of
Greece).

Hiram na Bait – Saknong 206 to 223


Halos isang buwan hindi makakain si Florante, dala ng matinding kalungkutan.Kaklase ni Florante si Adolfo, anak ni Konde
Silenus.11 taong gulang si Florante. Si Adolfo ay 13. Si Adolfo ang pinakamatalino sa klase, at tinitingalaan siya ng madla.
Mabait si Adolfo. Mahinahon. Hindi nakikipag-away. Hindi mayabang.Si Adolfo ang huwaran o model student.Hindi maarok
ng kanilang guro ang mga sikretong nilalaman ng puso ni Adolfo.Itinuro ng ama kay Florante na ang talino ay kailangan
maging magpakumbaba.Nagtaka ang mga kaklase ni Florante kung bakit hindi natutuwa si Florante sa asal ni Adolfo.Hindi
maintindihan ni Florante kung bakit niya iniiwasan si Adolfo.Sa mga nadgaang araw, lalung tumalino si Florante.Pinag-
aralan ni Florante ang pilosopiya, astrolohiya, at matematika.Sa loob ng anim na taon, naging dalubhasa si Florante sa mga
tatlong dunong na yun.Parang milagro, nahigitan ni Florante ang talino ni Adolfo.Si Florante na ang naging sikat sa Atenas.
Nabuking ang pagbabalat-kayo ni Adolfo. Hindi pala siya talagang mabait.Nahalat ng madla na peke pala ang pagiging
mahinahon ni Adolfo.Nakita ang katotohanan nung oras ng paghahanda ng mga bata sa kanilang paligsahan.Nagsimula
sila sa awitan, kantahan, at pati na rin sa arnis.

Pamatid-Buhay – Saknong 224 to 241


Isinadula nila Florante ang "The Odyssey" - ito yung kwento ni Oedipus. Napangasawa niya ang sarili niyang ina na si
Reynang Yocasta.Gumanap si Florante bilang Eteocles, anak ni Oedipus (ang ina ni Eteocles ay di malaman kung si
Jocasta o Euryganeia). Si Adolfo ay gumanap bilang Polyneices. Si Menander naman ay gumanap bilang Reyna Yocasta.
Sa eksena, kikilalanin ni Florante si Adolfo bilang kapatid (anak ni Oedipus).Bumigkas si Adolfo ng mga galit na salita na
wala naman sa iskrip.Sumugod si Adolfo kay Florante. Tatlong beses siyang sinubukang tagain.Nahulog si Florante. Mabuti
na lang at tinulungan siya ni Menander.Sinangga ni Menander yung tama na sana ay papatay kay Florante, at tumalsik
yung kalis ni Adolfo.Kinabukasan, pinabalik si Adolfo sa Albanya.Nanatili si Florante sa Atenas ng isa pang taon. Hinintay
niya ang utos na kanyang ama na umuwi na. Ang kaso, may dumating na liham.Gumulo ang isip ni Florante nang mabasa
yung masakit na liham.Nalaman ni Florante na namatay na ang kanyang ina.Iyon ang unang napakatinding sakit sa buhay
ni Florante -- ang pagkawalan ng isang ina.Nagulat si Florante na sinulatan siya ng ama niya nang ganun.Dalawang oras
nawalan ng malay si Florante. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung nasaan siya. Mabuti na lang at inalagaan
siya ng kanyang mga kaklase.Nang magkamalay si Florante, anduon pa rin yung sakit. Iyak siya nang iyak.Pakiramdam ni
Florante nag-iisa lang siya sa mundo.HIndi nakatulong ang mga mahinahong mga salita ng kanyang guro. Masyado siyang
nagdadalamhati. Kahit mga luha ng pakikiramay ng kanyang mga kaklase ay hindi nagpagaan ng kanyang loob.Marahas
ang kalungkutan. Nawala kay Florante ang sensibilidad.

Bilin Ko’y Tandaan – Saknong 242 to 257


Sa sobrang sakit, ninais ni Florante na sumabog ang kanyang puso.Dalawang buwan nagdalamhati si Florante, hanggang
dumating ang pangalawang liham ng kanyang ama.Ayon sa liham, pinapauwi na si Florante sa Albanya.Sabi ng guro ni
Florante na mag-ingat siya kay Konde Adolfo.Pinaaalahanan niya si Florante na lihim na kaaway si Konde
Adolfo.Naghanda nang palihim si Florante para sa araw ng digmaan.Naluha ang guro at niyakap niya ng mahigpit si
Florante dahil alam niya na papalapit na ang mahirap na pagsubok.Aniya ngayon na raw ang simula ng matinding
pagsubok sa buhay ni Florante. Tapos bigla niyang hininto ang pananalita.Malungkot si Menander, ang kaibigan ni Florante.
Nagyakapan sina Florante at Menander. Pinayagan ng tiyo ni Menander (na guro din ni Florante), na ihatid ni Menander si
Florante.Nagpaalam at nag-iyakan yung dalawang magkaibigan.Dun sila sa daungan pumunta. Pumalaot ang kanilang
sasakyan mula sa Atenas.Mabilis ang byahe papuntang Albanya.Agad pumunta si Florante sa kinta (cottage). Naalala niya
ang kanyang yumaong ina, at siya's nalungkot. Nagmano si Menander sa ama ni Florante.Sinabi ni Florante "Ay, ama!" at
sinabi ng kanyang ama "Ay, anak!"Naabutan ng ambasador ng Krotona ang magkayakap na mag-ama.

Dakilang Pagpapakasakit – Saknong 258 to 273


Dala ng ambasador ng Krotona ang isang liham para kay Duke Briseo, ama ni Florante. Ang hari ng Krotona ay biyenan
(father-in-law) ni Duke Briseo.Nanganganib ang Krotona at humihingi sila ng tulong. Pinaliligiran kasi ang Krotona ng hukbo
ni Heneral Osmalik na taga Persiya.Kwento ni Florante: "Ayon sa mga balita, si Heneral Osmalik ay pangalawa sa tanyag at
sikat na Aladin, isang gerero (warrior) na kinatatakutan ng maraming gerero, at hinahangaan ko."Napangiti si Aladin sa
kwento ni Florante. Mahinahon niyang sinabi na bihira namang tama o buo ang mga bali-balita, at kahit na totoo ang balita,
maraming nadadagdag sa pag kwento."Sinabi rin ni Aladin kay Florante na ang katapangan ay napapalaki sa isip ng isang
kinakabahang kalaban. Ang habang nananalo ang isang gerero, lalong tumitindi ang pagkwento ng iba tungkol sa
kagalingan nito, kaya lalo siyang iniilagan o iniiwasan ng ibang mga manlalaban.Pinaaalahan din ni Aladin si Florante na
kung naging sikat ang matapang na si Aladin, tandaan din ni Florante na may pagkakataong muntik nang mamatay si
Aladin. Hindi rin magtatagal ay malalaman ni Florante na pantay din silang dalawa ni Aladin sa kamalasan at sakit.Sinabi ni
Florante kay Aladin na sana hindi maranasan ni Aladin ang kasamaang-palad ni Florante. Ayaw niyang maranasan
ninuman ang kanyang sinapit. Kahit sa mga kalaban ni Florante, ayaw niyang maranasan nila ang dusa ni Florante.
Nagpatuloy sa kwento si Florante... Nang malaman ni Duke Briseo ang banta sa Krotona, sinama niya si Florante kay
Haring Linceo. Nakasuot sila ng pandigma.Bago pa sila makaakyat sa hagdan ng palasyo, sinalubong na ni Haring Linceo
yung dalawa. Niyakap niya si Duke Briseo, at kinamayan niya si Florante.Sinabi ni Haring Linceo kay Duke Briseo na
kamukha ni Florante yung gererong nasa panaginip ng hari, na siyang magtatanggol sa kaharian.Tinanong ng hari kung
sino yung binata, at kung taga-saan siya. Sinabi ni Duke Briseo na anak niya si Florante.Namangha si Haring Linceo.
Niyakap niya si Florante, at ginawa siyang Heneral ng hukbo na tutulong sa Krotona.Sabi ng Haring Linceo kay Florante -
Patunayan mo na ikaw ang matapang na gerero sa aking panaginip, na magsasabi sa buong mundo ng kapurihan at
kapangyarihan ng Haring Linceo. Pinaliwanag ni Haring Linceo na ang hari ng Krotona ay nuno (ancestor) ni Florante. Kaya
may dugong bughaw si Florante (royal blood), at kailangan niyang makamit ang dangal at bunyi (honor and glory) sa giyera.
Dahil tama nga naman ang sinabi ni Haring Linceo, pumayag si Duke Briseo (kahit masakit sa kanyang kalooban), na
ipadala si Florante sa giyera, kasi napakabata pa nito, at kahit hindi pa siya dalubhasa sa patayan.Walang magawa si
Florante kundi sabihin ang Haring poo't (My Lord, My King) habang dumapa siya sa paanan ng hari. Hahalikan na niya
sana ang mga paa ng hari, ngunit itinindig ng hari si Florante at muling niyakap.
Kagandahang Makalangit – Saknong 274 to 289
Makikipagkwentuhan si Florante tungkol sa naging buhay niya sa Atenas.Biglang may nakita si Florante na napakagandang
babae.Pakiramdan ni Florante nasa langit siya.Ang mukha ni Laura ay parang maliwanag na mukha ni Febo (Phoebus -
god of the sun)Ang taong hindi matutuwa kay Laura ay walang buhay ng bangkay, o kaya'y mahina ang ulo.Siya si Laura.
Hindi makapagsalita si Florante. At minsa'y naluluha. Parang itsura ni Robert nung nagma-martsa na si Lea. O ni Richard,
nung papalapit na si Maricar.Si Laura ay anak ni Haring Linceo.Nagbago na ang buhay ni Florante. Hindi na ito maibabalik
sa dati ngayon at nakita na niya si Laura.Hindi magtataksil si Laura, sabi ni Florante sa kanyang kaibigan.Hindi raw kayang
magtaksil ang isang taong napakaganda.Kung ikaw ay nasa dagat at ika'y natukso ng pagtataksil, ano ang gagawin mo
kapag ang iyong dangal ay nanaig sa pagkawalan ng kagandahan?Hindi raw papayag ang karangalan na gumawa ng
masama.Sinabi ni Florante kay Aladin na nung makita niya si Laura, nabuhay ang puso sa kanyang puso. Pati yung bahagi
ng puso ni Florante na para sa kanyang ina, nakuha na rin ng pag-ibig.Habang naluluha si Florante sa pagkawalan ng
kanyang ina, na-guilty si Florante -- baka hindi siya karapat-dapat sa kagandahan ni Laura.Hindi na makapag-isip nang
tuwid si Florante.Nagdeliryo na ang puso ni Florante, gayong natikman na niya kung paano masunog ng pag-ibig ang
kanyang puso.

Luha ng Pagmamahal – Saknong 290 to 305


Binigyan sila ng hari nang tatlong araw. Pero hindi man lang tiningnan ni Florante si Laura.Mas matindi pa ang sakit dulot
ng pag-ibig, kaysa sa sakit dala ng lungkot sa pagkawalan ng ina.Sinuwerte si Florante ang nagkaroon siya ng ilang sandali
kasama ni Laura, nung araw bago tumungo sa Krotona ang hukbo.Sinabi ni Florante kay Laura na iniibig niya si Laura. May
kasama pang iyak at buntong-hininga.Parang bibigay na ang matibay na puso ni Laura. Pero nanaig pa rin ang kaisipan ni
Laura.Wala siyang sinabi kay Florante. Ngunit may isang patak ng luha na bumagsak mula sa kanyang mata.Kinabukasan,
aalis na si Florante. Masakit ang kanyang kalooban. Konsuelo na lang niya na hindi nasasaktan gaano ang puso niya sa
ala-ala ng kanyang yumaong ina.Ano pa raw ang mas masakit pa kaysa sakit dulot ng pagkahiwalay sa taong minamahal.
Nag-alay ng mabangong suob (incense) sa altar ni Kupido, at sana madinig niya ang lungkot at pangungulila ni Florante kay
Laura.At kung hindi pumatak yung isang luha ni Laura, namatay na sa si Florante bago makaramdam ng matinding sakit,
hanggang sa umabot sila sa bakbakan sa Krotona.Halos bibigay na ang mga pader ng kaharian, nang inatake ni Florante
ang mga pwersa na nakapaligid sa siyudad.Matindi ang labanan. Dumanak ang dugo. Ang mga diyosa ng kamatayan ay
napagod sa pagkuha ng mga nangamatay.Pinanood ni Heneral Osmalik (Moro) kung paano pinatay ni Florante ang pitong
hanay ng mga tropa ng mga Moro.Sa kaliwa at kanan ni Heneral Osmalik namatay ang mga katropa ni Florante. Hinamon
ni Heneral Osmalik si Florante.Limang oras silang naglaban. Napagod siya. Pinatay siya ni Florante.Natakot ang mga Moro
sa bangis ng tabak ni Menander. Nakuha muli nina Florante ang kampo. Nanalo sila!

Bayani ng Krotona – Saknong 306 to 313


Natakot yung mga kalaban ni Florante dahil sumagupa ang mga pwersa ni Minandro. Nabawi nila ang kampo. Buo ang
kanilang pagkapanalo.Nawala ang takot mula sa mga dating natatakot sa kamatayan. Binuksan ng siyudad ang mga pinto
nito.Nagkandarapa ang mga taumbayan kay Florante. Nilapitan nila si Florante para halikan ang kanyang mga damit.
Sumigaw ang mga tao ng Mabuhay! at Salaat sa nagtanggol sa amin!Lalung natuwa ang mga tao ng Krotona nang
malaman nila na ang pagtanggol nila na si Florante ay apo pala ng kanilang hari. Umiyak nang umiyak sa tuwa ang hari.
Umakyat sila sa palasyo. Nagpahinga ang mga sundalo, pero tila hindi natulog ang bayan ng tatlong araw.Ngunit sa kabila
ng kasiyahan, naramdaman muli ni Florante ang sakit ng pangungulila sa yumao niyang ina.Dito niya nalaman na
kailanma'y hindi mabubuo ang kaligayahan. Laging kasunod ng kaunting ligaya ang higit na kalungkutan. Makapitong =
Times 7.

Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan – Saknong 314 to 329


Limang buwan nanatili si Florante sa Krotona. Gusto na niyang bumalik sa Albanya. Gusto na niyang makita si Laura.
Nagmartsa sila papuntang Albanya. Gusto ni Florante sanag lumipad na parang ibon. Nung makita niya ang mga moog
(forts) ng siyudad, bumilis ang kabog sa kanyang dibdib.Imbes na bandera ng Kristiyano ang nakita ni Florante, bandila ng
Persiya ang nakita niya (Medialuna = Crescent moon). Sinakop ni Aladin yung siyudad.PInahinto ni Florante ang kanyang
hukbo dun sa paa ng isang bundok. May nakita silang mga Moro na nagma-martsa.May kasama silang babaeng nakatali
ang mga kamay. Siguro papunta sila sa lugar kung saan pupugatan ng ulo ang babae.Sa galit, biglang nilusob ni Florante
ang Morong malapit sa babae. Tumakbo ang Moro.Inalis ni Florante ang takip sa mukha ng babae. Si Laura pala!
Pupugutan sana si Laura dahil nung nilapitan siya ng bastos na emir ng mga Persiyano, sinampal ni Laura ito. Pinatawan si
Laura ng parusang kamatayan.Inalis ni Florante ang mga tali na nakapulupot sa mga kamay ni Laura. Iningatan ni Florante
na huwag niya mahawakan ang balat ni Laura.Saka nakita ni Florante yung tingin ni Laura. Isang tingin na naghilom sa
naghihirap na puso ni Florante. Narinig pa niya si Laura na nagsabing - Florante, mahal ko..(Tandaan natin: Nung
nagpahayag dati si Florante kay Laura na mahal niya ito, walang sinabi si Laura. Parang na friend zone lang. Pero nung
panahon na yun, pumatak ang isang luha ni Laura, kaya nung panahon na yun, hindi naman inisip ni Florante na na friend
zone siya.)Nalaman ni Florante mula kay Laura na binihag ng mga Moro si Haring Linceo (ama ni Laura) at si Duke Briseo
(ama ni Florante). Inutos ni Florante na lusubin ng hukbo ang Albanya at bawiin ito mula sa mga Persiyano.Pagkapasok sa
kaharian ng Albanya, dumiretso si Florante sa bilangguan at pinalaya niya ang hari, at ang duke (na ama ni Florante). At
dahil maginoo (gentleman) si Florante, pinalaya din niya si Adolfo.Masaya ang lahat, maliban kay Adolfo. Nainggit kasi si
Adolfo sa dami ng puri na natanggap ni Florante.Nainsulto si Adolfo nung tinawag si Florante na tagapagtanggol ng
siyudad, at nagdiwang (nag celebrate) pa ang hari sa palasyo dahil tuwang-tuwa ito kay Florante.Gustong pakasalan ni
Adolfo si Laura dahil gustung-gusto ni Adolfo na makuha ang korona ng kaharian ng Albanya. Nahalata ni Adolfo na mahal
pala ni Laura si Florante. (Syempre, nainggit na naman ito.)Nag-isip na ng maitim na balak si Adolfo laban kay Florante.
Alam ni Florante na gagawin ni Adolfo ang lahat, kahit ang pagpatay kay Florante.

Mariing Hampas ng Langit sa Bayan – Saknong 330 to 346


Hindi nagtagal, huminto ang pagdiwang at pasasalamat para sa kalayaan. May sumalakay naman na hukbo mula sa
Turkiya (Turkey).Nag-iyakan ang maraming tao. Natakot si Laura dahil nag-alala siya na baka mapatay si Florante sa
bagong giyera na ito.Iniatas ng hari na si Florante ang magiging heneral laban sa mga Moro. Tumibay ang loob ng
taumbayan. Ngunit hindi natuwa ang inggiterong si Adolfo.Hinayaan ng Langit na manalo si Florante laban kay Miramolin,
isang Morong matagal nang kinatatakutan ng Albanya.May dumating na marami pang ibang digmaan, at nanalo palagi si
Florante. 17 na hari ang gumalang sa kanya.Isang araw, kagagaling lang ni Florante mula sa isang digmaan sa Etolia
(Aetolia is a mountainous region of Greece), nakatanggap siya ng liham mula kay Haring Linceo. May kautusang bumalik
na siya sa Albanya.Inilipat ni Florante kay Minandro ang pamamahala ng kanilang hukbo sa Etolia. Dali-daling umalis si
Florante mula sa Etolia, biglang pagsunod sa utos ng Hari ng Albanya.Madilim nung pumasok si Florante sa Albanya. Wala
siyang inisip na masama. Payapa ang kalooban niya.Kaya laking gulat na lang niya nung makita niya na pinaligiran siya ng
30,000 na mga sundalo!Hindi man lang nagkataon si Florante na ilabas ang kanyang kalis at manlaban. Agad siyang
ginapusan (tinali) at inilagay sa isang bilangguan.Nagulat at nalungkot si Florante nung malaman niya na si Konde Adolfo
ang pumatay kay Haring Linceo at kay Duke Briseo (ama ni Florante).Uhaw sa kasikatan si Adolfo. Gusto rin niya ng
kayamanan. At lalo din niyang gustong mamatay na si Florante. Pumasok ang lahat ng ito sa puso ni Konde Adolfo, kaya
nagawa niyang magsukab (o magtaksil).Napakarawal, napadawal, napakasama ng nangyari sa Albanya! (Kausap ni
Florante ang Albanya) - Lalu pang naging kaawa-awa ang Albanya sa ilalim ng isang lider na hangal at masama. Ang
haring mahilig sa yaman ay parang parusa ng Langit sa bayan.Sinabi rin ni Florante na lalu pa siyang minalas, dahil
nalinlang o naloko siya ng pag-ibig. Narinig kasi ni Florante na nangako na si Laura na magpakasal dun sa balawis o taksil
o mapagkunwaring Konde Adolfo.Dahil sa nalaman ito ni Florante, lalong kumalat ang sama ng loob sa kanyang buong
katauhan. Gusto na niyang mamatay. Gusto na niyang bumalik sa umpisa. Yung umpisa na wala siya. Gusto niyang
bumalik sa araw bago siya ipinanganak.18 na araw siyang nasa bilangguan. Nainip si Florante at hindi pa siya namatay.
Gabi nung kinuha siya sa kulungan, dinala sa gubat, at ipinugal o itinali duon sa puno. (Tandaan: Kinukuwentuhan ni
Florante ni Aladin.)Dalawang araw inikot ni Febo (Phoebus, god of the sun) ang mundo mula nung itinali si Florante sa
puno. Akala ni Florante nasa ibang mundo na siya, ngunit nang idilat niya ang kanyang mga mata, ayun siya sa kandungan
ni Aladin.Sinabi ni Florante na ayun ang naging buhay niya na silo-silo (o parang nakatali ng lubid na dobleng paikot) ng
sakit. At hanggang sa puntong iyon, hindi pa rin alam ni Florante kung paano magwawakas ang lahat. Dito nagtapos ang
mahabang kwento ni Florante, at si Aladin naman ang naghandang magsimula na tungkol sa sarili niya.

Bakit, Ama Ko? – Saknong 347 to 360


Nagpakilala kay Florante si Aladin mula sa Persiya, anak ni Sultan Ali-Adib.Sinusubukan ni Aladin na ikwento ang tungkol
kay Flerida at ang kanyang ama. Ngunit naunahan na siya ng mga luha.NIyaya ni Aladin na pareho nilang hintayin ni
Florante sa gubat ang katapusan ng kanilang mga kapuspalad na mga buhay.Hinayaan ni Florante na magkwento si Aladin.
Hindi niya ikinuwento ang sarili niyang buhay. Limang buwan silang pumirme duon sa gubat.Gumala sila sa gubat.
Sinumulan ni Aladin ang mga detalye ng kanyang buhay.Nakaranas si Aladin ng maraming mga giyera, ngunit nahirapan
siya ng lubos kay Flerida.Inihambing ni Aladin si Prinsesa Flerida kay Diana, diyosa ng mga mangangaso (hunters).
Inihambing din siya sa mga houri, o mga magagandang mga birheng makakasama ng mga Muslim sa paraiso (heavenly
virgins).Sinuwerte si Aladin at ang kanyang masusing panliligaw ay nagtagumpay, at sila ni Flerida ay nag-ibigan. Yun nga
lang, pumasok na sa eksena ang ama ni Aladin.Duon nagsimula ang paghihirap ng loob ni Aladin. At kahit naging
tagumpay siya sa giyera sa Albania, umuwi siya sa Persiya na parang bilanggo.Ang kasalanan raw niya ay iniwan niya ang
mga tropa na walang pahintulot ng kanyang ama. At dahil nabawi ni Florante ang kaharian ng Albania, kailangang pugutan
si Aladin.Nung bisperas o gabi bago ang araw ng pagpupugot, may dumating na heneral sa kulungan ni Aladin. May dala
siyang balita na higit pang masaklap kaysa sa kamatayan.Oo nga, hindi na pupugutan ng ulo si Aladin. Ngunit kailangan
siyang umalis sa Persiya bago sumikat ang araw.Para kay Aladin, mas gugustuhin pa niyang mapugutan, kaysa mabuhay
nang alam niyang kapiling mahal niyang si Flerida ang ibang tao.Anim na taon nang palabuy-laboy si Aladin. Bigla siyang
napahinto sa pagkwento, dahil may narinig siyang mga boses sa gubat.

Sa Ngalan ng Pag-Ibig – Saknong 361 to 372


Narinig ni Florante at ni Aladin ang tinig ng babaeng nagkukwento... "Nung nalaman ko na pupugutan ng ulo ang mahal
kong nasa bilangguan, dumapa ako sa paanan ng masamang hari (sultan)."Lumuha, dumaing, at humingi ng tawad si
Flerida para sa minamahal niyang anak ng sultan. Sinabi ng sultan na kung hindi tatanggapin ni Flerida ang pagmamahal
ng sultan, hindi patatawarin ng sultan ang anak niyang si Aladin.Ano ang gagawin ni Flerida? Hahayaan na lang ba niyang
mamatay ang mahal niya? Pumayag si Flerida sa kagustuhan ng sultan, para mabuhay ang mahal niya si Aladin na
kahambal-hambal o kaawa-awa.Kahit matibay at matigas ang puso ni Flerida, tumiklop ito at bumigay para lamang
mailigtas ang buhay ng kanyang minamahal.Natuwa ang haring sultan. Pinakawalan niya si Aladin. Yun nga lang, ang utos
ay dapat umalis si Aladin mula sa Persiya.Pumanaw/umalis si Aladin sa Persiya na hindi man lang sila ni Flerida
nakapagpaalam sa isa't isa. Matindi ang pagdurusa ni Flerida. Di niya kayang ilabas ang higit na maraming luha pa na
katumbas ng paghihirap na dinadala niya. Naubos na ang kanyang mga luha, ngunit ang sakit pa rin ng kanyang
damdamin.Naghanda ang kaharian ng Persiya para sa kasal ni Flerida at ng sultan. Naisip ni Flerida na magsuot ng damit
ng sundalo at tumakas mula sa palasyo.Isang madilim na gabi, tumakas si Flerida. Dumaan siya sa bintana. Mag-isa siya.
Ang kasama lang niya ay ang kanyang malalim na hangad na makita ang mahal niya, kahit nasaan man ito.Ilang taon na
siyang gumala-gala dun sa bundok at gubat, hanggang naabutan niyang si Laura na pinupwersahan ni Konde Adolfo.
Sa gitna ng pagkukwento ni Flerida, biglang dumating sina Duke Florante at Prinsipe Aladin. Masayang-masaya yung mga
kalalakihan, dahil nakilala nila ang boses na narinig nila.Sobrang saya nila! Kung anuman sakit ang nararamdaman ng
katawan nila, parang nawala ang sakit na yun!Tuwang-tuwa si Florante nang makita niya si Laura. Lampas Langit ang
kanyang kasiyahan.

Kamatayan sa Palaso ni Flerida – Saknong 373 to 392


Masayang-masaya na yung apat na magkasintahan (Florante at Laura, Aladin at Flerida). Minsan, humihinto ang tibok ng
puso nila, kasi nakalimutan nilang huminga. Nag-palpitate, kumbaga.Nang humupa ang kanilang tuwa, nakinig yung tatlo sa
kwento ni Laura.Sinabi ni Laura kay Florante na nung umalis si Florante mula sa Albanya, hindi nagtagal ay kumalat ang
mga sabi-sabi na may kaguluhan sa kaharian. Umabot ang mga balita sa palasyo.Ngunit hindi malaman kung ano ang
umpisa at dulo ng mga bulung-bulungan.Bigla na lang dumating ang panahon na sinakop ng mga sundalo ang palasyo.
Kudeta!Nasisisigaw ang mga tao: "Mamamtay na si Haring Linceo, na ginugutom ang bayan! Mino-monopolya ni Haring
Linceo ang pagkain at trigo (wheat)!"Pero si Adolfo pala ang nag-utos ng pagkubkob sa pagkain. Sinabi lang niya sa
taumbayan na utos daw ito ni Haring Linceo. Naniwala naman kaagad sa kanya ang nagugutom na bayan.Agad-agad
pinatalsik si Haring Linceo sa trono, at pinugutan. Nasaan na ang mga mabubuti at makatarungan, tanong ni Laura. Nung
araw na yun, pati yung mga konseho (counsel) na tapat kay Haring Linceo ay pinugutan din. Ang taksil na tabak ng grupo ni
Adolfo ay hindi huminto sa kapapatay hangga't wala nang natirang mabait na tao.Umakyat sa trono si Kondeng Adolfo.
Binalaan niya si Laura na kung hindi ibibigay ni Laura sa kanya ang mga gusto niya, ipapapatay rin niya si Laura.
Nagbalatkayo si Laura. Nagkunwaring pumayag na gagawin niya ang lahat ng gusto ni Konde Adolfo, para magkaroon si
Laura ng panahon na planuhin ang kanyang paghihiganti kay Adolfo, at para masulatan ni Laura si Florante sa Etolia. Pinilit
ni Laura na itago ang kanyang pagkamuhi kay Adolfo.Humingi si Laura kay Adolfo ng limang buwan bago niya tanggapin
ang pagsinta ni Adolfo. Pero nag desisyon si Laura na magpapakamatay na lang siya kung hindi dumating si Florante.
Pinadala ni Laura ang liham sa tulong ng isang mapagkakatiwalaang lingkod. Wala pang isang buwan, dumating si Florante
at nahulog ito sa mga kamay ni Adolfo.Dahil takot si Adolfo na babalik si Florante na may kasamang malaking hukbo,
nagpadala ito ng liham kay Florante na may selya ng hari (royal seal). Dun sa liham, pinababalik niya si Florante nang mag-
isa.- Nung malaman ito ni Laura, nawalan na siya ng loob. Naghanda na ang puso niya na siya ay mamamatay. Mabuti na
lang at dumating si Menander na may kasamang malaking hukbo para makubkob (mapaligirin / surround) ang bayan ng
Albanya.Nalaman ni Menander na nasa liham ni Laura ang tangkang magpapakamatay, kaya nung dali-daling pumunta si
Menander sa Albanya, para siyang galit na galit na gutom na lobo (wolf) sa kanyang galit.Nang makita ni Konde Adolfo na
wala siyang kalaban-laban sa pwersa ni Menander, kinuha niya si Laura bilang hostage, tinali siya sa kabayo, at tumakas
mula sa Albanya sa dilim ng gabi.Nang marating nila Adolfo at Laura ang gubat, pinagtangkaan niya halayin si Laura. Bigla
na lang may tunod (arrow) na lumipad at tinamaan si Adolfo sa kanyang dibdib.Si Flerida naman ang nagsalita. Sabi niya
na nung dumating siya sa gubat, may narinig siyang boses ng babae na sinasaktan. Naawa si Flerida.Hinanap ni Flerida
yung babae (Laura), nakita niya pinipilit ni Adolfo si Laura, kaya pinalipad ni Flerida yung palaso (arrow).

Pagwawakas – Saknong 393 to 399


Bago matapos ang kwento ni Flerida, dumating si Menander sa gubat. Hinahanap ng kanyang hukbo si Adolfo. Laking tuwa
niya nang makita niya si Florante.Tuwang-tuwa ang ehersito (army) mula sa Etolia. Sumigaw sila ng "Mabuhay si
Floranteng Hari ng Albanya! Mabuhay ang Prinsesa Laura!"Dinala nila silang apat sa kaharian ng Albanya. Nagpabinyag
sina Aladin at Flerida bilang Kristiyano, at sila's nagpakasal.Namatay si Sultan Ali-Adab, at bumalik si Aladin sa Persiya. Si
Duke Florante ay umakyat sa trono ng Albanya, sa piling ng mahal niyang si Laura.- Sa pamamahala ng bagong hari ng
Albanya, bumalik ang kapayapaan sa kaharian. Natuwa ang lahat ng tao.Itinaas nila ang kanilang mga kamay sa Langit,
bilang pasasalamat. Ang bagong hari at reyna ay namahala nang mabuti at ng may awa para sa lahat.Nabuhay sina
Florante at Laura nang mabuti at matiwasay, hanggang naabot nila ang higit na kapayapaan para sa bayan. Dito rin sinabi
ni Balagtas sa kanyang Musa na tumigil na at magtago dun sa kanyang ala-ala ni Selya, at dalhin ni musa ang mabigat na
kalooban ni Balagtas.

You might also like