You are on page 1of 90

Ang Pagtataksil ni

Adolfo
Inihanda ni:

Caberte S., Mudlong, Paronda,


Mo t i b as y o n
m un a t a y o!
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
315 : “Sa gayong katulin ng aming
paglakad, Naiinip ako’t ang nasa’y
lumipad: Aba’t nang matanaw ang
moog ng s’yudad, kumutob sa aking
Adolfo puso’y lalong hirap”!
Katulin - Kabilis
Ibig Sabihin: Nagmartsa sila papuntang
Albanya. Gusto ni Florante sanang lumipad na
parang ibon dahil siya ay gusto na agad umuwi
sa kanilang kaharian. Mabilis silang naglakad at
naiinip dahil sa haba ng lalakarin. Nung makita
niya ang mga moog (forts) ng siyudad, bumilis
ang kabog sa kanyang dibdib.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346

316: “Kaya pala gayo’y ang


nawawagayway sa kuta’y hindi na
bandilang binigyan, kundi Media-
luna, reyno’y nasalakay ni Alading
Adolfo salot ng pasuking bayan.
Ibig Sabihin:
Mula sa kaharian, tanaw ni Florante ang
bandera ng Persya na ibig sabihin na
nasakop na ang bayan. Nasakop ang bayan
sa pamumuno ni Aladin. Imbes na bandera
ng Kristiyano ang nakita ni Florante,
bandila ng Persiya ang nakita niya. Sinakop
ni Aladin yung siyudad.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
317: “Ang akay na hukbo’y kusang
pinahimpil sa paa ng isang bundok
na mabangin, Di kaginsa-
ginsa’ynatawanan naman Pulutong
Adolfo ng morong lakad ay mahihin
pinahimpil - pinahinto
mahinhin - banayad
pulutong - pangkat; grupo
Ibig sabihin: Pinahinto ni Florante
ang kanyang hukbo dun sa paa ng
isang bundok. May nakita silang mga
Moro na nagma-martsa.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
318: “Isang binibini ang gapos na taglay
na sa ramdam nami’y tangkang
pupugutan;
Ang puso ko’y lalong naipit ng lumbay
Adolfo
Sa gunitang baka si Laura kong buhay
binibini - dalagang babae
Ibig Sabihin: May kasama silang
babaeng nakatali ang mga kamay.
Siguro papunta sila sa lugar kung
saan pupugatan ng ulo ang babae.
Siya ay nalulungkot dahil baka si
Laura ang babae na iyon.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
319: “Kaya di napigil ang akay ng loob
At ang mga moro’y bigla kong linusob;
Palad ng tumakbo at hindi natapos sa
aking pamuskang kalis na may poot!

Adolfo
linusob - sinalakay
Ibig sabihin: Sa galit, biglang
nilusob ni Florante ang Morong
malapit sa babae. Napatakbo ang
Moro at hindi na napalaban si
Florante.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
320: Nang wala na akong pabuntuhang
galit, sa di makakibong gapos ay
lumapit;
Ang takip sa mukha’y nang aanis ilalis,
Adolfo
Aba ko’t si Laura! May alab pang sakit?
Ibig sabihin: Dahil wala ng kalaban
na pagbubuntungan ng kanyang
galit, lumapit siya sa babae na
nakagapos. Inalis ni Florante ang
takip sa mukha ng babae at hindi
siya nagkakamali na si Laura nga
ito.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
321: “Pupugutan dahil sa hindi
pangtanggap
Sa sintang mahalay ng Emir sa s’yudad;
Nng mag-asal hayop ang morong
pangahas,
Adolfo
Tinampal sa mukha ng himalang dilag
pangahas - masama; walang galang
Ibig sabihin: Pupugutan sana si
Laura dahil nung nilapitan siya ng
bastos na emir ng mga Persiyano,
sinampal ni Laura ito. Pinatawan
si Laura ng parusang kamatayan.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
322: Aking dali-daling kinalag sa kamay
ang lubid na walang awa at pitagan;
Mga darili ko’y naaalang-alang
madampi
Adolfo
Sa balat na kagalang-galang

madampi - madikit; mahawakan


Ibig sabihin: Inalis ni Florante ang
mga tali na nakapulupot sa mga
kamay ni Laura. Iningatan ni
Florante na huwag niya
mahawakan ang balat ni Laura.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
323: Dito nakatanggap ng luntas na titig,
ang nagdaralitang puso sa pag-ibig;
Araw ng ligayang una kong pagdinig
Ng sintang Florante ‘sa kay Laurang
Adolfo
bibig.
Ibig sabihin: Saka nakita ni
Florante yung tingin ni Laura.
Isang tingin na naghilom sa
naghihirap na puso ni Florante.
Narinig pa niya si Laura na
nagsabing - Florante, mahal ko..
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
324: “Nang aking matantong nasa
bilangguan ang bunying monarka’t ang
ama kong hirang; nag-utos sa hukbo’t
aming sinalakay hanggang di mabawi
Adolfo
ang Albanyang ang bayan.
matanong - malaman; mabatid
Ibig sabihin: Nalaman ni Florante
mula kay Laura na binihag ng mga
Moro si Haring Linceo (ama ni
Laura) at si Duke Briseo (ama ni
Florante). Inutos ni Florante na
lusubin ng hukbo ang Albanya at
bawiin ito mula sa mga Persiyano.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
325: “Pagpasok na naming sa loob ng
reyno, Bilanggua’y siyang una kong
tinugo; hinango ang hari’t ang duking
ama ko sa kaginooha’y isa si Adolfo.
Adolfo
Ibig sabihin: Pagkapasok sa
kaharian ng Albanya, dumiretso si
Florante sa bilangguan at pinalaya
niya ang hari, at ang duke (na ama
ni Florante). At dahil maginoo
(gentleman) si Florante, pinalaya din
niya si Adolfo.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
326: “Labis ang ligayang kinamtan ng
hari at ng natimawang kamahalang pili;
si Adolfo lamang ang nagdalamhati, sa
kapurihan kong tinamo ang sanhi.
Adolfo

nagdalamhati - kagandahan
Ibig sabihin: Masaya ang lahat,
maliban kay Adolfo. Nainggit kasi
si Adolfo sa dami ng puri na
natanggap ni Florante.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
327: “Pangimbulo niya’y lalo nang nag-
alab nang ko’y tawaging tanggulan ng
s’yudad, at ipinagdiriwan ng harang
mataas sa palasyo nang lubos nagalak
Adolfo

Pangimbulo - pagseselos
Ibig sabihin: Nainsulto si Adolfo
nung tinawag si Florante na
tagapagtanggol ng siyudad, at
nagdiwang pa ang hari sa palasyo
dahil tuwang-tuwa ito kay
Florante.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
328: “Saka nahalatang ako’y minamahal
ng pinag-uusig niyang karikatan; Ang
Konde Adolfo’y nagpapakamatay dahil
sa korona’t kay Laura makasal.”
Adolfo

karikatan - kagandahan
Ibig sabihin: Gustong pakasalan ni
Adolfo si Laura dahil gustung-
gusto ni Adolfo na makuha ang
korona ng kaharian ng Albanya.
Nahalata ni Adolfo na mahal pala
ni Laura si Florante at naiingit na
naman ulit si Adolfo.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
329: “Lumago ang binhing mula sa
Atenas ipinunlang nasang ako’y
ipahamak; kay Adolfo’y walang bagay
na masaklap, para ng buhay kong hindi
Adolfo
nauutas.
nauutas - napapatay
Ibig sabihin: Nag-isip na ng
maitim na balak si Adolfo laban
kay Florante. Alam ni Florante na
gagawin ni Adolfo ang lahat, kahit
ang pagpatay kay Florante.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
330: Di nag-ilang buwan ang sa reynong
tuwa at pagsasalamat sa pagkatimawa
dumating ang isang hukbong maninira
na taga-Turkiyang masakim na lubha.
Adolfo

masakim - ganid; mapang-angkin


Ibig sabihin: Hindi nagtagal,
huminto ang pagdiwang at
pasasalamat para sa kalayaan.
May sumalakay naman na hukbo
mula sa Turkiya.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
331: “Dito ang paganib at pag-iiyakin ng
bagong nahugot sa dalitang bayan, lalo
na si Laura’t ang kapangambahan ang
ako ay sam-ing palad sa patayan.
Adolfo
Ibig sabihin: Nag-iyakan ang
maraming tao. Natakot si Laura
dahil nag-alala siya na baka
mapatay si Florante sa bagong
giyera na ito.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
332: “Sapagkat heneral akong iniatis ng
hari sa hukbong sa moro’y lalabas; nag-
uli ang loob ng bayang nasindak, puso ni
Adolfo’y parang nakamandag.
Adolfo
Ibig sabihin: Iniatas ng hari na si
Florante ang magiging heneral
laban sa mga Moro. Tumibay ang
loob ng taumbayan. Ngunit hindi
natuwa ang inggiterong si Adolfo.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
333: “Linoob ng langit na aking nasupil
ang hukbo ng bantog na si Miramolin:
siyang mulang araw na ikinalagim sa
Reynong Albanya ng Turkong masakim.
Adolfo

nasupil - natalo
Ibig sabihin: Hinayaan ng Langit
na manalo si Florante laban kay
Miramolin, isang Morong matagal
nang kinatatakutan ng Albanya.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
334: “Bukod dito’y madling digma ng
kaaway ang sunod-sunod kong
pinagtagumpayan: anupa’t sa kaing kalis
na matapang, labimpitong hari ang
Adolfo
nangagsigalang.
nangagsigalang - nagbibigay-pugay yumukod bilang
pagbibigay-galang
Ibig sabihin: May dumating na
marami pang ibang digmaan, at
nanalo palagi si Florante.
Labimpitong hari ang gumalang sa
kanya.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
335: “Isang araw akong bagong
nagbiktoria sa Etolyang s’yudad na
kusang binaka, tumanggap ng sulat ng
aking monarka, mahigpit na bilang
Adolfo
muwi sa Albanya.
Ibig sabihin: Isang araw, kagagaling
lang ni Florante mula sa isang digmaan
sa Etolia (Aetolia is a mountainous
region of Greece), nakatanggap siya ng
liham mula kay Haring Linceo. May
kautusang bumalik na siya sa Albanya.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
336: “At ang panihala sa dala kong
hukbo ipagkatiwalang iwan kay
Menandro; noon di’y tumulak sa
Etolyang Reyno, pagsunod sa hari’t
Adolfo
Albanya’y tiningo.
panihala - pamamahala
tumulak - tumungo; nagpunta
Ibig sabihin: Inilipat ni Florante kay
Minandro ang pamamahala ng kanilang
hukbo sa Etolia. Dali-daling umalis si
Florante mula sa Etolia, biglang
pagsunod sa utos ng Hari ng Albanya.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
337: “Nang dumating ako’y gabing
kadiliman, pumasok sa reynong walang
agam-agam; pagdaka’y nanubkob laking
Kaliluhan! Na may tatlumpung libong
Adolfo
sandatahan.
walang agam-agam - walang pag-aalala
nanubkob - hinuli; sinukob
Ibig sabihin: Madilim nung
pumasok si Florante sa Albanya.
Wala siyang inisip na masama.
Payapa ang kalooban niya.Kaya
laking gulat na lang niya nung
makita niya na pinaligiran siya ng
30,000 na mga sundalo.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
338: “Di binigyan daang akin pang
mabunott ang sakbat na kalis at
makapamook; buong katawan ko’y
binidbid ng gapos, piniit sa karsel na
Adolfo
katakot-takot.
makapamook - makapanlaban
karsel - kulungan; bilangguan
Ibig sabihin: Hindi man lang
nagkataon si Florante na ilabas
ang kanyang kalis at manlaban.
Agad siyang ginapusan (tinali) at
inilagay sa isang bilangguan.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
339: “Sabihin ang aking pamamangha’t
lumbay, lalo nang matanong monarka’y
pinatay ng Konde Adolfo’t kusang
idinamay ang ama kong irog na
Adolfo
mapagpalayaw.
Ibig sabihin: Nagulat at nalungkot
si Florante nung malaman niya na
si Konde Adolfo ang pumatay kay
Haring Linceo at kay Duke Briseo
(ama ni Florante).
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
340: “Ang nasang yumama’t haring
mapatanyang at uhaw sa aking dugo ang
yumakag sa puso ng konde sa gawang
magsukab O napakarawal ng Albanyang
Adolfo
s’yudad!
napakarawal - nakaaawa
Ibig sabihin: Uhaw sa kasikatan si Adolfo.
Gusto rin niya ng kayamanan. At lalo din
niyang gustong mamatay na si Florante.
Pumasok ang lahat ng ito sa puso ni Konde
Adolfo, kaya nagawa niyang magtaksil.
Napakarawal, napadawal, napakasama ng
nangyari sa Albanya!
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
341: "Mahigit kang aba sa
mapagpunan ng hangal na puno at
masang asal, sapagka't ang haring
may hangad sa yaman ay mariing
hampas ng langit sa bayan
Adolfo
Ibig sabihin: Lalo pang naging
kaawa-awa ang Albanya sa ilalim
ng isang lider na hangal at
masama. Ang haring mahilig sa
yaman ay parang parusa ng Langit
sa bayan.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
342: " Ako'y lalong dinaya ng ibig, may
kahirapan pang para ng marinig na ang
princesa ko'y nangakong mahigpit pakasal sa
Konde Adolfong balawis?

Adolfo
balawis - taksil
Ibig sabihin: Sinabi rin ni Florante na
lalo pa siyang minalas, dahil nalinlang o
naloko siya ng pag-ibig. Narinig kasi ni
Florante na nangako na si Laura na
magpakasal dun sa balawis o taksil o
mapagkunwaring Konde Adolfo.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
343: "Ito ang nagkalat ng lasong masidhi sa
ugat ng aking pusong mapighati at
pinagnasaang buhay ko'y madali sa
pinangglingang wala'y masauli.

Adolfo
masidhi - matindi
Ibig sabihin: Dahil sa nalaman ito ni
Florante, lalong kumalat ang sama ng
loob sa kanyang buong katauhan. Gusto
na niyang mamatay. Gusto na niyang
bumalik sa umpisa. Yung umpisa na wala
siya. Gusto niyang bumalik sa araw bago
siya ipinanganak.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
344: "Sa pagkabilanggong labing-walong
araw, naiinip ako nang di pagkamatay; gabi
nang hangui't ipinagtuluyan sa gubat na ito't
kusang ipinugal.

Adolfo hangui't - kunin


ipinugal - itinatali
Ibig sabihin: Labingwalo na araw
siyang nasa bilangguan. Nainip si
Florante at hindi pa siya namamatay.
Nung gabi sya na kinuha siya sa
kulungan, dinala sa gubat, at itinali
duon sa puno. (Kinukuwentuhan ni
Florante ni Aladin.)
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
345: "Bilang makalawang maligid ni Pebo ang
sandaigdigan sa pagkagapos ko; nang
inaakalang nasa ibang mundo, imulat ang
mata'y nasa kandungan mo.

makalawang - dalawang beses


Adolfo
maligid - malikutan
imulat - maidilat
Ibig sabihin: Dalawang araw inikot ni
Febo (Phoebus, God of the sun) ang
mundo mula nung itinali si Florante sa
puno. Akala ni Florante nasa ibang
mundo na siya, ngunit nang idilat niya
ang kanyang mga mata, ayun siya sa
kandungan ni Aladin.
Ang Pagtataksil ni Adolfo
SAKNONG 315 - 346
346: "Ito ang buhay kong silo-silong sakit at
hindi pa tanto ang huling sasapit... Mahabang
salita ay dito napatid, ang genero naman ang
siyang nagsulit

Adolfo tanto - alam


nagsulit - nagsasalaysay
Ibig sabihin: Sinabi ni Florante na ayun ang naging
buhay niya na silo-silo (o parang nakatali ng lubid na
dobleng paikot) ng sakit. At hanggang sa puntong iyon,
hindi pa rin alam ni Florante kung paano magwawakas
ang lahat. Dito nagtapos ang mahabang kwento ni
Florante, at si Aladin naman ang naghandang
magsimula na tungkol sa sarili niya.
BUONG BUOD:
Sinalakay ng hukbong taga-Turkiya sa pamumuno ni Miramolin ang
Albanya ilang buwan makalipas bumalik sina Florante. Agad naman
silang natalo nina Florante at nagkasunod-sunod pa ang tagumpay ni
Florante sa digmaan . Dahil dito ay labimpitong hari ang humanga at
gumalang kay Florante, Isang araw habang nakikidigma sina Florante
sa Etolya ay nakatanggap siya ng isang sulat, Isinasaad dito na siya ay
umuwi sa Albanya.
Bilang pagsunod, ipinamahala muna niya ang
kanyang hukbo kay Menandro.laking gulat niya
nang tatlumpung libong kawal ang sumalubong sa
kanya sa Albanya. Agad siyang iginapos ng mga
tauhan ni Adolfo, at nalaman din niya na wala na
ang hari at ang kanyang ama at dahil iyon sa
kagagawan ni Adofo.
At nabalitaan din niya na ikakasal na pala si
Laura kay Adolfo, pagkatapos ng ilang araw
ay ipinatapon na siya ni Adolfo sa kagubatan
at iginapos sa isang puno, mabuti nalang at
tinulungan siya ng isang moro.
Ang pagnanasa ni Adolfo sa kapangyarihan at
kayamanan ang nagtulak sa kaniya upang pagtaksilan
ang sariling bayan. Ipinapatay niya ang hari kasama
ang ama ni Florante, At pinilit niyang mapakasal kay
Laura na nagdulot ng matinding pagdurusa kay
Florante.
Tunay talagang may mga taong makasarili sa kayamanan at
kapangyarihan isa na nga diyan ay si Adolfo, sila ang mga
taong handang gawin ang lahat para lamang makamtan ang
nais nila wala silang pakiaalam kung meron ba silang mga
taong masasaktan, basta ang mahalaga sa kanila ay makuha
ang kanilang nais.
Nilusob nila Florante ang reynong Albanya, nasakop ito at
nailabas sa piitan ang hari, angkanyang ama at si Adolfo, na
ikinulong sa karsel ng palasyo kasama ng ibang kaginoohan
saAlbanya. Labis ang kagalakan ng hari at si Adolfo lamang
ang nagdadalamhati sa kapurihangtinanggap ni Florante.
Muling sinalakay ng pangkat ni Miramolin ang Albanya at nagaping mulini
Florante ang mga kalaban. Labimpitong kaharian pa ng mga Moro ang
pinagtagumpayannila ni Menandro. Sa Etolya, may sulat na nagtatagubilin kay
Florante ang Haring Linceo naiwanan ang hukbo kay Menandro at umuwing
nag-iisa sa palasyo nito. Hindi niya akalain napagdating niya ay dinakip agad
siya ng may 30,000 sandatahan ni Adolfo at dali-dali siyangikinulong sa
bilangguan. Ang lahat pala ng naganap sa palasyo, ang pagpatay sa hari at
DukeBriseo ay pakana ni Adolfo. Nalaman din niyang malapit nang ikasal si
Laura kay Adolfo. Dahil dito, ninais na niyang mawalan ng sariling buhay.
Ibanalik ng limang buwan sa
krotona ng pumilit sya sa albanya.
Gustong-gusto nya Makita si laura
kaya kung pwede lang ay nilipad
niya na ang pagbalik nito.
Pero malayo palamang sila sa albanya ay
nakita nila ang media-luna. Mayroon din
silang nakitang madaming sundalo na may
dalang babae. Namukhaan ni florante ang
babae, alam nyang si laura iyon. Tama nga
ang hinala nya! Si laura nga iyon!
Nahatulan si laura na mapugutan ng ulo
dahil tumanggi syang magpakasal kay emir
na isa sa mga pinuno ng mga moro at ng nag
pumilit pa si emir ay nasampal na sya ni
laura.
Pagkalipas ng ilang buwan naatasan si florante ...
Pagkalipas ng ilang buwan naatasan si florante na maging pinuno ng hukbo at tsaka
naman dumating ang hukbo ng turkiya na mga sakim. Kaya natakot ang bayan lalo na
si laura na nag aalala para kay florante. Dahil nga hinirang si florante na maging
pinuno ay lalong tumindi ang inggit ni adolfo sakanya. Pinag kalooban ng diyos na
matalo ni florante ang mga kalaban na gustong sumakop sa kanyang bayan. Haos
lahat ng sumugod kay florante ay natalo nya kung kayat ginalang sya ng labing pitong
mga hari. Nakatanggap si florante ng sulat na nag sasabing pwede na syang bumalik
sa albanya. Iniwan nya ang hukbo at ipinag katiwala sa kaibigan nya at matatawag mo
narin syang kanang kamay ni florante na si menandro at bumalik sa albanya. Ng
bumalik sya ay may nag hihintay sakanya ng tatlumpung libong hukbo at iginapos sya
ng mga ito.
Dahil dito nagkaroon ng hinagpis ang puso ni florante.
Nabilanggo si florante ng labing walong araw at gusto
ng mamatay dahil sa mga sakit na binigay ni adolfo.
Dinala sya sa gubat dahil sa hirap ng kanyang
nararanasan. Batay sa karanasan ni florante sa
kagubatan ay akala nyang nasa ibang mundo sya. Ng
buksan nya ang kanyang mata isang gerero ang lumapit
sakanya at inalis sya sa kanyang kahirapan.
PANUTO:
Basahin mabuti ang tanong at piliin
ang TITIK nang tamang sagot
1. Saan una nagtungo si Florante ng siya
ay pumasok sa loob ng Reyno?
a. Bilangguan
b. Kagubatan
c. Bahay ng Moro
d. Kaharian
2. Sino ang itinanghal na tagapagtanggol
ng syudad?
a. Adolfo
b. Mariano
c. Florante
d. Miramolin
3. Bakit nangamba si Laura ng dumating ang hukbong
maninira na taga-Turkiya?
a. Dahil baka mamatay si Laura sa labanan
b. Dahil baka mamatay ang kanyang iniirog na si
Florante
c. Dahil baka maraming mawalan ng buhay sa labanan
d. Dahil baka papatayin ang kanyang pamilya
4. Sinong hukbo ang natalo ni Florante sa
labanan na nakalahad sa Saknong 333?
a. Hukbo ng Moro
b. Hukbo ni Miramolin
c. Hukbo ni Adolfo
d. Hukbo ng Syria
5. Ilang hari ang nagbigay pugay kay Florante
dahil sa kanyang angking galing sa
pakikipaglanan?
a. Siyam na Hari
b. Sampong Hari
c. Labinlimang Hari
d. Labimpitong Hari
6. Ano ang natanggap ni Florante habang siya
ay nakikidigma sa Etolya? a. Isang sandata
b. Isang papel
c. Isang sulat
d. Isang damit
7. Si Florante ay pinauwi sa Kahariang Albanya,
sino ang kaniyang ipinamahala sa kanyang
hukbo ng siya ay umalis?
a. Adolfo
b. Miramolin
c. Aladin
d. Menandro
8. Basi sa natanggap na balita ni Florante,
kanino ikakasal si Laura?
a. Adolfo
b. Miramolin
c. Aladin
d. Menandro
9. Ano ang ginawa ni Adolfo kay Florante?
a. Ipinatapon siya ni Adolfo sa kagubatan at iginapos sa
isang puno
b. Ipinatapon siya ni Adolfo sa isang bilangguan na
walang ibang tao
c. Ipinagapos sa isang puno at pinatay ng isang moro
d. Pinaslang si Florante ni Adolfo sa kagubatan
10. Nailigtas si Florante ng isang ____?
a. Muslim
b. Moro
c. Kristiyano
d. Islam
Salamat
Sa pakikinig!

You might also like