You are on page 1of 9

Pagkalinga ng

Isang Kaaway
Mga Saknong 143- 171

“ Sa halip na pairalin ang kaguluhan at digmaan, Bakit hindi


subukang kaaway ay maging kaibigan, Upang mabigyang-daan
ang kapayapaan. ”
Sagutin ang sumusunod na tanong.
• Nasubukan mo na bang makipag-away?
____ Opo _____ Hindi pa po.

• Nakabati mo na ba ang taong nakaaway mo?


____ Opo _____ Hindi pa po.

• Kung sakaling ang taong itinuturing mong kaaway ay biglang


nangailangan ng tulong at ikaw lang ang maaring tumulong sa
kanya, tutulungan mo ba siya?
____ Opo _____ Hindi pa po.
Sagutin Natin
• Sino ang agad na naalala ni Florante nang una niyang
idilat ang kanyang mata? Ano ang pinatunayan nito sa
kanya?
• Bakit hindi agad nagpakita si Aladin kay Florante
• Paano niya ipinaliwanag kay Florante ang ginawa
niyang pagtulong ? Paano naman ito tinanggap ni
Florante?
• Paano inalagaan o pinagyaman ni Aladin si Florante
hanggang sa magbalik ang kanyang lakas? Bakit niya
ginawa ito?
143 - Mahinang dumilat si Florante. HInahanap niya si Laura.
144 - Hiniling ni Florante na huwag siyang kalimutan ni Laura. Pumikit
si Florante. Si Aladin naman ay nanahimik.
145 - Ayaw ni Aladin na mabigla si Florante at baka ito tuluyang
mamatay. Naghintay muna si Aladin.
146 - Nang magising muli si Florante, nagulat siya na andun siya sa
Moro. Sinubukan ni Floranteng bumangon, ngunit hindi pa niya kaya.
Galit siyang napahiga.
147 - Sinabi ni Aladin na ligtas si Florante, ang maging payapa siya.
148 - Inamin ni Aladin na kahit ayaw siya ni Florante, hindi niya
kayang hayaang mamatay si Florante.
149 - Nakita ni Aladin sa pananamit ni Florante na taga Albanya si
Florante. Si Aladin naman ay taga Persiya. Magkaaway ang dalawang
kaharian. Ngunit sa ganung kalagayan ni Florante, magkaibigan daw
sila, sabi ni Aladin.
150 - Moro nga si Aladin, ngunit tao rin siya. Ramdam niya sa kanyang puso na sa
batas ng kalikasan, kailangang tulungan ang mga nahihirapan.
151 - Ano pa nga ba ang gagawin ni Aladin gayong narinig niya ang mga sigaw at
iyak ni Florante? Nakita rin siyang nakagapos at malapit nang sakmalin ng mga
leon.
152 - Inamin ni Florante na kung hindi siya tinulungan ni Aladin, malamang andun
na siya sa loob ng mga leon.
153 - At naging payapa si Florante. Dahil alam niyang magkalaban ang mga taga
Albanya at Persiya, ngunit tinulungan pa rin siya ni Aladin.
154 - Sinabi ni Florante na hindi niya kailangan ang awa ni Aladin. Pero sana
pinatay na lang siya, kasi kamatayan ang hinahanap ni Florante.
155 - Nang marinig ito ni Aladin, sumigaw siya nang malakas, umiyak, at
napaluhod.
156 - Tahimik sina Aladin at Florante. Para silang hinimatay, hanggang lumubog
ang araw.
157 - Nang makita ni Aladin na papadilim na, binuhat niya si Florante at bumalik
siya sa pinanggalingan sa gubat.
158 - Inilapag ni Aladin si Florante dun sa isang malapad at malinis na
bato.
159 - Sinubukan ni Aladin na pakaiinin si Florante. At kahit umayaw si
Florante, mahinahon niyang hikayatin siya na kumain.
160 - Nanghina si Florante (naawas) sa sobrang gutom (dayukdok).
Tuloy, di sinasadyang nakatulog sa sinapupunan ni Aladin.
161 - Magdamag natulog (nang mababaw) si Florante, habang si Aladin
naman ay magdamag hindi natulog. Nag-aalala kasi si Aladin na baka
may lumapit na hayop at kagatin si Florante.
162 - Pagising-gising si Florante at madalas siyang umungol. Bawat iyak
niya ay parang sumasaksak sa maawaing puso ni Aladin.
163 - Nung madaling araw, nung sobrang dilim pa, nakatulog nang
husto si Florante. Tahimik ang lahat, hanggang nagbukang liwayway
(sunrise).
164 - Lumakas si Florante.
165 - Kaya nung kumalat na ang sinag ng araw, dahan-dahang bumangon si
Florante, ang nagpasalamat sa Langit sa pagbalik ng lakas sa kanyang katawan.
166 - Tuwang-tuwa si Aladin, at niyakap niya si Florante. Kung noon ay lumuha si
Aladin dahil sa awa, ngayon ay lumuha siya sa tuwa (tears of joy).
167 - Hindi mailarawan nang sapat ni Balagtas ang pasasalamat ni Florante. Yun
nga lang, nang bumangon si Florante, naalala niya ang mahal niyang si Laura, at
naramdaman muli ni Florante ang matinding kalungkutan.
168 - Kapag nakapaghinga ka samantala mula sa sakit na dulot ng pag-ibig, kapag
bumalik yung sakit, higit na matindi pa. Doble pa yung sakit.
169 - Bago mahilom ng kasayahan ang sugatang puso ni Florante, umiral na naman
ang dating sakit. Parang kutsilyo na nakasaksak nang malalim sa puso ni Florante.
170 - Tinanggap ni Florante ang kanyang paghihirap, habang sabay niyang sinabi
na hindi na niya kaya ang pagkawalan ng kanyang minamahal. Sinubukan ni
Aladain na pagaanin ang kalooban ni Florante.
171 - Sabi ni Aladin kay Florante na nakita na ni Florante kung paano mag-alala sa
kanya si Aladin. Kaya huwag mag-alala si Florante at maghahanap ng solusyon si
Aladin.
Isulat sa patlang kung SINO o ANO ang
tinutukoy ng mga sumusunod na
pahayag.
1. Ang dalawang ganid na gumagala sa gubat.
2. Ang may malamlam na sinag na natatanaw
mula sa gubat.
3. Ang tauhang ibig umigtad ang kanyang lunong
katawan.
4. Ang hindi umidlip sa buong magdamag , sa pag-
aalaga’y nagbata ng hirap.
5. Ang tauhang hapo ang katawan na muling
lumakas.

You might also like