You are on page 1of 26

(Mga saknong 207-231)

1.Paano mo ilalarawan si Adolfo


A. Batay sa pagkakakilala sa kanya
ng kanyang mga kamag-aral?
B. Batay sa pagkakakilala sa kanya
ni Florante?
A. Batay sa mga kamag-aral
ni Adolfo siya ay pinupuri dahil
sa pagiging mahinhin ang asal,
kung maglakad ay patungo,
mayumi mangusap at walang
katalo.
Suportang Saknong
209
Mahinhin ang asal na hindi magaso
At kung lumakap pay palaging patungo
Mabining magusap at walang katalo,
Lapastanganin may hindi nabubuyo
B. Ayon kay Florante si Adolfo ay
hindi mabait sa kanya dahil sa mga
kabaitang ipinapakita ni Adolfo sa iba
nyang kamag-aral. Si Florante din ay
nasusuklam kay Adolfo at gayon din
ang nararamdaman ni Adolfo sa kanya.
Mga Suportang Saknong
213
Sa pinagtatakhan ng buong
eskwela,
Bait ni Adolfong ipinakikita,
Di ko malasapan ng haing ligaya
Ng magandang asal ng ama kot ina
214
Puso koy ninilag na siyay giliwin,
aywan nga kung bakit at naririmarim;
Si Adolfo namay gayundin sa akin,
Nararamdaman ko kahit lubhang lihim
2.Ninanais ba ni Floranteng
mapalapit ang kanyang loob
kay Adolfo? Magbigay ng
pahayag na makakapag-
patunay rito.
Sagot:
Batay sa libro ayaw ni Florante
makipagkaibigan kay Adolfo dahil
ang puso niya ay umiiwas na giliwin
si Adolfo sapagkat si Florante ay
nasusuklam sa kanya.
Suportang Saknong
214
Puso koy ninilag na siyay giliwin,
aywan nga kung bakit at naririmarim;
Si Adolfo namay gayundin sa akin,
Nararamdaman ko kahit lubhang lihim
3.Ano ang naging
hadlang sa kanilang
pagkakaibigan?
Ang naging hadlang sa
pagkakaibigan nina Florante at
Adolfo ay ang inggit at galit ni
Adolfo simula nung dumating si
Florante sa Atenas ay lahat ng
atensyon noon na natatanggap ni
Adolfo ay nalipat kay Florante.
4.Bakit hinangaan at
napabalita si Florante
sa buong Atenas?
Hinangaan at napabalita
si Florante sa boong
Atenas dahil sa angkin
katalinuhan nito.
5. Sa paanong
paraan lumabas o
nakita ang tunay na
kulay ni Adolfo?
Dahil sa angkin
katalinuhan ni Florante,
dito na nakilala ang totoong
pagkatao ni Adolfo na
nagpanggap lamang pa
lang mahinhin at mabait.
6. Ano sa palagay mo ang
naging dahilan upang
ilabas na ni Adolfo ang
tunay niyang pagkatao?
Sa pagkainggit ni Adolfo
kay Florante bagamat si
Florante ay isang baguhan
lamang sa ganitong paraan
lumabas o nakita ang tunay
na kulay ni Adolfo.
7. Ilarawan ang
naramdaman ni Florante
nang malaman ang
matinding galit sa kanya ni
Adolfo.
Ang naramdaman ni
Florante noong nalaman
niyang may matinding galit
si Adolfo sa kanya ay lubos
siyang nalungkot dahil hindi
naman niya alam kung ano
ang kanyang nagawa para
magalit sa kanya si Adolfo.
8. Kung ikaw si Florante,
ano ang mararamdaman
mo para kay Adolfo sa
pagkakataong iyon?
Kung ako si Florante,
malulungkot ako dahil
hindi ko alam kung
ano ang ginawa ko sa
kanya para gawin niya
yun sa akin.
9. Paano mo
matutulungan ang
isang taong katulad
ni Adolfo?
Maaari nating matulungan ang isang taong
tulad ni Adolfo sa pamamagitan ng
pakikipag-usap sa kaniya ng mahinahon at
sabihing huwag niyang hayaan ang kaniyang
nararamdamang galit at inggit na magtulak
sa kanya para makagawa siya ng masama
laban sa kapwa niya.
10. Mayroon bang pagkakataong
nakakaramdam ka rin ng inggit
na tulad ni Adolfo? Ano ang
ginagawa mo upang makaiwas sa
hindi magandang dulot ng
pagkaingit?
10. Oo, hindi naman kasi maiiwasan na hindi mainggit
pero maiiwasan naman natin ang makagawa ng
masama, isipin nalang natin na lahat tayo ay may
kanya-kanyang kakayahan at talino, maaaring may
nagagawa ang kapwa natin na hindi natin kayang
gawin, pero may nagagawa rin naman tayong nagagawa
na hindi kayang gawin ng kapwa natin. Maging
positibo sana tayo sa mga bagay-bagay sa paligid natin
ng hindi tayo makasakit lalo na kapag naramdaman
iyang inggit na iyan.

You might also like