You are on page 1of 40

8

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Edukasyon Ni Florante At Ang Kaniyang
Pakikipagsapalaran
(Saknong 205-328)
Filipino – Ikawalong Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Edukasyon Ni Florante At Ang Kaniyang


Pakikipagsapalaran (Saknong 205-328)

Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon . Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Mary Cherrie C. Carbonell

Editor : Ferdinand A. Torres, Melchora N. Viduya

: Ferdinand A. Torres, Melchora N. Viduya


Tagasuri Roberto Z. Barongan, Magdalena C. Manaoat
Catalina H. Casillan, Helen O. Custodio, Wilma D. Macatbag
Tagaguhit : Amado II A. Caragay
Michael Lorenz J. Roy

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Rehiyon ng Ilocos (Calasiao, Pangasinan)


8

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Edukasyon Ni Florante At Ang
Kaniyang Pakikipagsapalaran
(Saknong 205-328)

i
Paunang Salita

Ang Florante at Laura na bahagi ng modyul na ito ay buong-ingat na binuo ng


mga may-akda upang malinang at maisabuhay ng mga mag-aaral ang katuparan o
kasagutan sa apat na himagsik ni Francisco “Balagtas” Baltazar na masasalamin sa
kanyang walang-kamatayang awit na Florante at Laura; ang himagsik labang sa
malupit na pamahalaan, ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya, ang
himagsik laban sa mga maling kaugalian, at ang himagsik laban sa mababang uri ng
panitikan.
Sa pag-aaral ng mga kabataang Pilipino sa obra maestra ni Balagtas gamit
ang modyul na ito ng Florante at Laura ng para sa ikawalong baitang ay hindi
lamang nila mauunawaan ang literal na kahulugan ng awit kundi higit sa lahat ay
maiuugnay nila ang bawat pangyayari sa binasa sa kasalukuyang kalagayan ng
ating bansa at ng mga Pilipino. Bukod sa maingat na nasunod at napagyaman pa
nag bawat istandard at kompetensing itinadhana ng K to 12 Dokumentong
Pangkurikulum sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon ay tiniyak ng mga may-
akdang magiging hitik ito sa pagsasanay at gawaing angkop sa kakayahan at interes
ng mga mag-aaral upang nag pagkatuto ay maging integratibo, makabuluhan,
napapanahon, kawili-wili, nakakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip at
nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay.
Higit sa lahat, ang mga pagsasanay na inilaan sa bawat aralin ay tumutugon sa mga
pagtatayang nakapaloob sa Most Essential Learning Competencies na lubhang
mahalaga upang maging ganap at makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral at
makapaghahanda sa kanila sa mga hamon ng totoong buhay. Pinagaan din ang
paglalahad ng mga kabanata kung saan ang magkakaugnay na kabanata o bahagi
ay pinag-isa na lamang sa isang aralin upang higit na maging ganap o buo ang
pagkaunawa ng mga mag-aaral.

ii
Aykons sa Modyul

Ang parteng ito ay naglalaman ng


mga kasanayang pampagkatuto
Alamin kailangang matamo ng mag-aaral.

Dito masusukat ang mga natutunan


mo na sa paksang tatalakayin.
Subukin

Sa parteng ito,
mababasa/malalaman ang
Balikan ikokonektang talakayan sa paksang
natalakay.
Paunang gawain o paglalahad ng
paksa.
Tuklasin

Pagpapalalim ng kaalamang
natutunan sa paksang tinalakay.
Suriin

Karagdagang kaalaman at mga


kasanayan/ gawain na magbibigay
Pagyamanin katuturan para sa dagdag
impormasyon
.
Gawaing ginawa para maproseso
ang mga natutunan sa paksa.
Isaisip

Mga gawaing mag-uugnay sa tunay


Isagawa na buhay ng mga mag-aaral.
(Performance task)

Maikling pasulit dito nasusukat ang


pag-unawa ng mag-aaral sa paksang
Tayahin tinalakay.

Karagdagang Gawain sa
pagpapalawak ng aralin.
Karagdagang Gawain

iii
F ARALIN 1:
Modyul 8
Ikaapat na FLORANTE AT LAURA
Markahan (Saknong 205-328)

ALAMIN

Magandang araw! Ako ay nalulugod na makasama ka sa


talakayan sa modyul na ito. Batid kong marami ka nang
natutunan tungkol sa Florante at Laura sa mga naunang modyul
na iyong napag-aralan. Malapit mo na ring malaman ang wakas
ng awit, malalaman mo na rin kung ano ang mangyayari sa
ating bida na sina Florante at Laura,pero bago mo yun marating,
talakayin muna natin ang modyul na ito patungkol sa
edukasyon at pakikipagsapalaran ni Florante.
Handa kana ba?

Narito ang mga layuning dapat mong matamo pagkatapos basahin ang
modyul na ito:

 Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-


g-36)
 Nakikilala ang mga tauhan sa saknong na binasa.
 Naibibigay ang kahuluagan ng mga piling salita at nagagamit sa
pangungusap.
 Natutukoy ang mga aral na nais iparating ng binasang mga
saknong.

1
Pangkalahatang Panuto

Ngayong hawak mo na ang Modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:

1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.


2. Itala ang mga kaukulang punto na nagangailangan ng masusing kasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

SUBUKIN
Panuto: Tukuyin ang mga hinihinging salita sa pamamagitan ng pagbuo ng
puzzle. Pagkatapos, gamitin ito sa pangungusap.

1. hinagpis D I

Pangungusap:_________________________________________________________

2. hilahil P g I r p

Pangungusap:_________________________________________________________

3. magbata M t s

Pangungusap:_________________________________________________________

4. nabubuyo a t t k o

Pangungusap:_________________________________________________________

5. nasalag N s n g a

Pangungusap:___________ ______________________________________________

2
BALIKAN
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng saknong na nasa ibaba.

Saknong 197
Pag-ibig anaki’y aking nakilala di dapat
Palakhin ang bata sa saya at
Sa katuwaa’y namihasa kung lumaki
Walang hihinting ginhawa

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

TUKLASIN
Panuto: Ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa mga
sumusunod na larawan.

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
____________________________________

Ang larawan ay kuha sa Dreamtime.com

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
____________________________________

3
SURIIN

Basahin at unawain ang bawat saknong sa Florante at Laura.

205 Pag-aaral sa akin ay ipinatungkol


sa isang mabait, maestrong marunong;
lahi ni Pitako — ngala'y si Antenor —
lumbay ko'y sabihin nang dumating doon.

206 May sambuwan halos na 'di nakakain,


luha sa mata ko'y 'di mapigil-pigil,
ngunit 'di napayapa sa laging pag-aliw
ng bunying maestrong may kupkop sa akin.

207 Ang dinatnan doong madlang nag-aaral


kaparis kong bata't kabaguntauhan,
isa'y si Adolfong aking kababayan,
anak niyong Konde Silenong marangal.

208 Ang kaniyang tao'y labis ng dalawa


sa dala kong edad na lalabing-isa;
siyang pinupoon ng buong esk'wela,
marunong sa lahat na magkakasama.

209 Mahinhin ang asal na hindi magaso


at kung lumakad pa'y palaging patungo,
mabining mangusap at walang katalo,
lapastangin ma'y hindi nabubuyo.

210 Anupa't sa bait ay siyang huwaran


ng nagkakatipong nagsisipag-aral;
sa gawa at wika'y 'di mahuhulihan
ng munting panira sa magandang asal.

4
211 Ni ang katalasan ng aming maestro
at pagkabihasa sa lakad ng mundo
ay hindi natarok ang lalim at tungo
ng pusong malihim nitong si Adolfo.

212 Akong pagkabata'y ang kinamulatan


kay ama'y ang bait na 'di paimbabaw,
yaong namumunga sa kaligayahan,
nanakay sa pusong suyui't igalang.

213 Sa pinagtatakhan ng buong esk'wela


bait ni Adolfong ipinapakita,
'di ko malasapan ang haing ligaya
ng magandang asal ng ama ko't ina.

214 Puso ko'y ninilag na siya'y giliwin,


aywan nga kung bakit at naririmarim;
si Adolfo nama'y gayundin sa akin,
nararamdaman ko kahit lubhang lihim.

215 Araw ay natakbo at ang kabataan


sa pag-aaral ko sa aki'y nananaw;
bait ko'y luminis at ang karunungan,
ang bulag kong isip ay kusang dinamtan.

216 Natarok ang lalim ng pilosopiya,


aking natutuhan ang astrolohiya,
natantong malinis ang kataka-taka
at mayamang dunong ng matematika.

217 Sa loob ng anim na taong lumakad


itong tatlong dunong ay aking nayakap;
tanang kasama ko'y nagsisipanggilas,
sampu ng maestrong tuwa'y dili hamak.

218 Ang pagkatuto ko'y anaki himala,


sampu ni Adolfo'y naiwan sa gitna,

5
maingay na lamang tagapamalita,
sa buong Atenas ay gumagala.

219 Kaya nga at ako ang naging hantungan,


tungo ng salita ng tao sa bayan;
mula bata't hanggang katanda-tandaan
ay nakatalastas ng aking pangalan.

220 Dito na nahubdan ang kababayan ko


ng hiram na bait na binalat-kayo;
kahinhinang-asal na pakitang-tao,
nakilalang hindi bukal kay Adolfo.

221 Natanto ng lahat na kaya nanamit


niyong kabaitang 'di taglay sa dibdib
ay nang maragdag pa sa talas ng isip
itong kapurihang mahinhi't mabait.

222 Ang lihim na ito'y kaya nahalata,


dumating ang araw ng pagkakatuwa;
kaming nag-aaral baguntao't bata,
sari-saring laro ang minunakala.

223 Minulan ang galing sa pagsasayawan,


ayon sa musika't awit na saliwan;
larong buno't arnis na kinakitaan
ng kani-kaniyang liksi't karunungan.

224 Saka inilabas namin ang trahedya


ng dalawang apo ng tunay na ina,
at mga kapatid ng nag-iwing amang
anak at esposo ng Reyna Yokasta.

225 Papel ni Eteokles ang naging tungkol ko


at si Polinise nama'y kay Adolfo;
isang kaesk'wela'y siyang nag-Adrasto
at ang nagYokasta'y bunying si Menandro.

6
226 Ano'y nang mumulang ang unang batalya
ay ang aming papel ang magkababaka,
nang dapat sabihing ako'y kumilala't
siya'y kapatid kong kay Edipong bunga.

227 Nanlisik ang mata't ang ipinagsaysay


ay hindi ang ditsong nasa-orihinal,
kundi ang winika'y Ikaw na umagaw
ng kapurihan ko'y dapat kang mamatay!

228 Hinandulong ako, sabay nitong wika,


ng patalim niyang pamatay na handa,
dangan nakaiwas ako'y nabulagta
sa tatlong mariing binitiwang taga.

229 Ako'y napahiga sa inilag-ilag,


sa sinabayang bigla ng tagang malakas;
(salamat sa iyo, o Menandrong liyag,
kundi sa liksi mo, buhay ko'y nautas!)

230 Nasalag ang dagok na kamatayan ko,


lumipad ang tangang kalis ni Adolfo;
siyang pagpagitna ng aming maestro
at nawalandiwa kasama't katoto.

231 Anupa't natapos yaong katuwaan


sa pangingilabot at kapighatian;
si Adolfo'y 'di naman nabukasan
noon di'y nahatid sa Albanyang bayan.

232 Naging santaon pa ako sa Atenas,


hinintay ang loob ng ama kong liyag;
sa aba ko't noo'y tumanggap ng sulat
na ang balang letra'y iwang may kamandag.

233 Gunamgunam na 'di napagod humapis,


'di ka naianod ng luhang mabilis;

7
iyong ginugulo ang bait ko't isip
at 'di mo payagang payapa ang dibdib!”

234 Kamandag kang lagak niyong kamatayan


sa sintang ina ko'y 'di nagpakundangan;
sinasariwa mo ang sugat na lalang
ng aking tinanggap na palasong liham!

235 Tutulungan kita ngayong magpalala


ng hapdi sa pusong 'di ko maapula;
namatay si ina. Ay! Laking dalita
ito sa buhay ko ang unang umiwa.

236 Patay na dinampot sa aking pagbasa


niyong letrang titik ng bikig na pluma;
diyata, ama ko, at nakasulat ka
ng pamatid-buhay sa anak na sinta!

237 May dalawang oras na 'di nakamalay


ng pagkatao ko't ng kinalalagyan;
dangan sa kalinga ng kasamang tanan
ay 'di mo na ako nakasalitaan.

238 Nang mahimasmasa'y narito ang sakit,


dalawa kong mata'y naging parang batis;
at ang Ay, ay, inay! kung kaya mapatid
ay nakalimutan ang paghingang gipit.

239 Sa panahong yao'y ang buo kong damdam


ay nanaw na sa akin ang sandaigdigan;
nag-iisa ako sa gitna ng lumbay,
ang kinakabaka'y sarili kong buhay.

240 Hinamak ng aking pighating mabangis


ang sa maestro kong pang-aliw na boses;
ni ang luhang tulong ng samang may hapis
ay 'di nakaawas sa pasan kong sakit.

8
241 Baras ng matuwid ay nilapastangan
ng lubhang marahas na kapighatian;
at sa isang titig ng palalong lumbay,
diwa'y lumipad, niring katiisan.

242 Anupa't sa bangis ng dusang bumugso,


minamasarap kong mutok yaring puso;
at nang ang kamandag na nakapupuno,
sumamang dumaloy sa agos ng dugo.

243 May dalawang buwang hindi nakatikim


ako ng linamnam ng payapa't aliw;
ikalawang sulat ni ama'y dumating,
sampu ng sasakyang sumundo sa akin.

244 Saad sa kalatas ay biglang lumulan


at ako'y umuwi sa Albanyang bayan;
sa aking maestro nang nagpaalam,
aniya'y Florante, bilin ko'y tandaan.

245 Huwag malilingat at pag-ingatan mo


ang higanting handa ng Konde Adolfo;
pailag-ilagang parang basilisko,
sukat na ang titig ng mata'y sa iyo.

246 Kung ang isalubong sa iyong pagdating


ay masayang mukha't may pakitang-giliw,
lalong pag-ingata't kaaway na malihim,
siyang isaisip na kakabakahin.

247 Dapuwa't huwag kang magpahalata,


tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa;
ang sasadatahi'y lihim na ihanda,
nang may ipagtanggol sa araw ng digma.

248 Sa mawika ito, luha'y bumalisbis


at ako'y niyakap na pinakahigpit;

9
huling tagubilin: bunso'y katitiis
at hinihinta ka ng maraming sakit.

249 At mumulan mo na ang pakikilaban


sa mundong bayaning punong kaliluhan'
hindi na natapos at sa kalumbayan,
pinigil ang dila niyang nagsasaysay.

250 Nagkabitiw kaming malumbay kapwa,


tanang kaesk'wela mata'y lumuluha;
si Menandro'y labis ang pagdaralita,
palibhasa'y tapat na kapuwa bata.

251 Sa pagkakalapat ng balikat namin,


ng mutyang katoto'y 'di bumitiw-bitiw
hanggang tinulutang sumama sa akin
ng aming maestrong kaniyang amain.

252 Yaong paalama'y anupa't natapos


at pagsasaliwan ng madlang himutok;
at sa kaingaya'y gulo ng adiyos,
ang buntung-hininga ay nakikisagot.

253 Magpahanggang daong ay nagsipatnubay


ang aking maestro't kasamang iiwan;
humihip ang hangi't agad nahiwalay
sa pasig Atenas ang aming sasakyan.

254 Bininit sa busog ang siyang katulad


ng tulin ng aming daong sa paglalayag,
kaya 'di nalaon paa ko'y yumapak
sa dalampasigan ng Albanyang S'yudad.

255 Pag-ahon ko'y agad nagtuloy sa kinta,


'di humihiwalay ang katotong sinta;
paghalik sa kamay ng poon kong ama,
lumala ang sakit nang dahil kay ina.

10
256 Nagdurugong muli ang sugat ng puso,
humigit sa una ang dusang bumubugso;
mawikang kasunod ng luhang tumulo;
Ay, ama! kasabay ng bating Ay, bunso!.

257 Anupa't ang aming buhay na mag-ama,


nayapos ng bangis ng sing-isang dusa;
kami ay dinatnang nagkakayakap pa
niyong embahador ng bayang Krotona.

258 Nakapanggaling na sa palasyo real


at ipinagsabi sa hari ang pakay;
dala'y isang sulat sa ama kong hirang,
titik ng monarkang kaniyang biyanan.

259 Humihinging tulong at nasa pangamba,


ang Krotonang Reyno'y kubkob ng kabaka;
ang puno ng hukbo'y balita ng sigla —
Heneral Osmalic na bayani ng Persya.

260 Ayon sa balita'y pangalawa ito


ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo —
Alading kilabot ng mga gerero,
iyong kababayang hinahangaan ko.

261 Dito napangiti ang Morong kausap,


sa nagsasalita'y tumugong banayad;
aniya'y Bihirang balita'y magtapat,
kung magtotoo ma'y marami ang dagdag.

262 At saka madalas kilala ng tapang


ay ang guniguning takot ng kalaban;
ang isang gererong palaring magdiwang,
mababalita na at pangingilagan.

263 Kung sa katapanga'y bantog si Aladin,


may buhay rin namang sukat na makitil;

11
iyong matatantong kasimpantay mo rin
sa kasam-ang palad at dalang hilahil.

264 Sagot ni Florante: Huwag ding maparis


ang gererong bantog sa palad kong amis;
at sa kaaway ma'y 'di ko ninanais
ang laki ng dusang aking napagsapit.
265 Matanto ni ama ang gayong sakuna —
sa Krotonang Baya'y may balang sumira,
ako'y isinama't humarap na bigla
sa Haring Linceong may gayak ng digma.

266 Kami ay bago pang nanakyat sa hagdan


ng palasyong batbat ng hiyas at yaman
ay sumalubong na ang haring marangal,
niyakap si ama't ako'y kinamayan.

267 Ang wika'y O Duke, ang kiyas na ito


ang siyang kamukha ng bunying gerero;
aking napangarap na sabi sa iyo,
magiging haligi ng setro ko't reyno..

268 Sino ito'y saan nanggaling na siyudad?


Ang sagot ni ama ay Bugtong kong anak
na inihahandog sa mahal mong yapak,
ibilang sa isang basalyo't alagad.
269 Namangha ang hari at niyakap ako.
Mabuting panahon itong pagdating mo;
ikaw ang heneral ng hukbong dadalo
sa Bayang Krotonang kinubkob ng Moro.

270 Patotohanan mong hindi iba't ikaw


ang napangarap kong gererong matapang
na maglalathala sa sansinukuban
ng kapurihan ko at kapangyarihan.

271 Iyong kautangan paroong mag-adya,


nuno mo ang hari sa Bayang Krotona;

12
dugo kang mataas at dapat kumita
ng sariling dangal at bunyi sa giyera.

272 Sapagkat matuwid ang sa haring saysay,


umayon si ama, kahit mapait man,
na agad masubo sa pagpapatayan
ang kabataan ko't 'di kabihasaan.

273 Ako'y walang sagot na naipahayag


kundi haring poo't nagdapa sa yakap;
nang aking hahagkan ang mahal na bakas,
kusang itinindig at muling niyakap.

274 Nag-upuan kami't saka nagpanayam


ng bala-balaki't may halagang bagay,
nang sasalitin ko ang pinagdaanan
sa bayang Atenas na pinanggalingan.

275 Siyang pamimitak at kusang nagsabog


ng ningning ang talang kaagaw ni Benus —
anaki ay bagong umahon sa bubog,
buhok ay naglugay sa perlas na batok.

276 Tuwang pangalawa kung hindi man langit


ang itinatapon ng mahinhing titig;
o, ang luwalhating buko ng ninibig,
pain ni Kupidong walang makarakip.

277 Liwanag ng mukha'y walang pinag-ibhan


kay Pebo kung anyong bagong sumisilang;
katawang butihin ay timbang na timbang
at mistulang ayon sa hinhin ng asal.

278 Sa kaligayaha'y ang nakakaayos —


bulaklak na bagong hinawi ng hamog;
anupa't sinumang palaring manood,
patay o himala kung hindi umirog.

13
279 Ito ay si Laurang ikinasisira
ng pag-iisip ko tuwing magunita,
at dahil nang tanang himutok at luha —
itinotono ko sa pagsasalita.

280 Anak ni Linceong haring napahamak


at kinabukasan na'ng aking pagliyag;
bakit itinulot, Langit na mataas
na mapanood ko kung 'di ako dapat?

281 O Haring Linceo, kundi mo pinilit


na sa salitaan nati'y makipanig,
ng buhay ko disi'y hindi nagkasakit
ngayong pagliluhan ng anak mong ibig!

282 Hindi katoto ko't si Laura'y 'di taksil,


aywan ko kung ano't lumimot sa akin!
Ang palad ko'y siyang alipusta't linsil,
'di lang magtamo ng tuwa sa giliw.

283 Makakapit kaya ang gawang magsukab


sa pinakayaman ng langit sa dilag?
Kagandaha'y bakit 'di makapagkalag
ng pagkakapatid sa maglilong lakad?

284 Kung nalalagay ka’y, ang mamatuwirin,


sa laot ng madlang sukat ipagtaksil,
dili ang dangal mo'ng dapat na lingapin,
mahigit sa walang kagandaha't ningning?

285 Ito ay hamak pa bagang sumansala


ng karupukan mo at gawing masama?
Kung ano ang taas ng pagkadakila,
siya ring lagapak naman kung marapa!

286 O bunying gererong naawa sa akin,


pagsilang na niyong nabagong bituin,

14
sa pagkakita ko'y sabay ang paggiliw,
inagaw ang pusong sa ina ko'y hayin!

287 Anupa't ang luhang sa mata'y nanagos


ng pagkaulila sa ina kong irog,
natungkol sa sinta't puso'y nangilabot,
baka 'di marapat sa gayong alindog.

288 Hindi ko makita ang patas na wika


sa kaguluhan ko't pagkawalandiwa,
nang makiumpok na'y ang aking salita,
anhin mang tuwirin ay nagkakalisya.

289 Nang malutas yaong pagsasalitaan


ay wala na akong kamaharlikaan;
kaluluwa'y gulo't puso'y nadadarang
sa ningas ng sintang bago kong natikman.

290 Tatlong araw noong piniging ng hari


sa palasyo real na sa yama'y bunyi
ay 'di nakausap ang punong pighati
at inaasahang iluluwalhati.

291 Dito ko natikman ang lalong hinagpis,


higit sa dalitang naunang tiniis;
at hinulaan ko ang lahat ng sakit
kung sa kahirapan mula sa pag-ibig.

292 Salamat at noong sa kinabukasan,


hukbo ko'y lalakad sa Krotonang Bayan,
sandaling pinalad na nakapanayam
ang prinsesang nihag niring katauhan.

293 Ipinahahayag ko nang wikang mairog,


nang buntung-hininga, luha at himutok,
ang matinding sintang ikinalulunod
magpahangga ngayon ng buhay kong kapos.

15
294 Ang pusong matibay ng himalang dikit,
nahambal sa aking malumbay na hibik;
dangan ang kanyang katutubong bait
ay humadlang, disin sinta koy' nabihis.

295 Nguni'y kung ang oo'y 'di man binitiwan,


naliwanagan din sintang nadirimlan;
at sa pagpanaw ko ay pinabaunan
ng may hiyang perlas na sa mata'y nukal.

296 Dumating ang araw ng aking pag-alis,


sino ang sasayod ng bumugsong sakit?
Dini sa puso ko'y alin ang hinagpis
na hindi nagtimo ng kanyang kalis?

297 May sakit pa kayang lalalo ng tindi


sa ang sumisinta'y mawalay sa kasi?
Guni-guni lamang 'di na ang magyari,
sukat ikalugmok ng pusong bayani.

298 O nangag-aalay ng mabangong suob


sa dahilang altar ni Kupidong diyos,
sa dusa ko'y kayo ang nakatatarok
noong mangulila sa Laura kong irog!

299 At kung 'di sa luhang pabaon sa akin,


namatay na muna ako bago ko naatim;
dusang 'di lumikat hanggang sa dumating
sa Bayang Krotonang kubkob ng hilahil.

300 Kuta'y lulugso na sa bayong madalas


ng mga makinang talagang pangwalat,
siyang paglusob ko't ng hukbong akibat,
ginipit ang digmaang kumubkob sa s'yudad.

301 Dito'y ang masidhing lubhang kamatayan


at Parkas Atropos ay nagdamdam-pagal

16
sa paggapas nila't pagkitil ng buhay
ng naghihingalong sa dugo'y naglutang.

302 Makita ng piling Heneral Osmalic


ang aking marahas na pamimiyapis,
pitong susong hanay na dulo ng kalis,
winahi ng tabak nang ako'y masapit.

303 Sa kaliwa't kanan niya'y nangalaglag


mga soldados kong pawang mararahas;
lumapit sa aking mata'y nagniningas,
Halika, aniya't kita ang maglamas.

304 Limang oras kaming hindi naghiwalay


hanggang sa nahapo ang bato ng tapang;
nagliksa ang langit nang aking mapatay ...
habag sa gererong mundo'y tinakhan.

305 Siya nang pagsilid ng pangingilabot


sa kalabang hukbong parang sinasalot
ng pamuksang tabak ni Menandrong bantog.
Ang kampo't biktorya'y napaaming lubos.

306 Tagumpay na ito'y pumawi ng lumbay


ng mga nakubkob ng kasakunaan;
panganib sa puso'y naging katuwaan,
ang pinto ng s'yudad pagkadaka'y nabuksan.

307 Sinalubong kami ng haring dakila,


kasama ng buong bayang natimawa;
ang pasasalamat ay 'di maapula
sa 'di magkawastong nagpupuring dila.

308 Yaong bayang hapo't bagong nakatighaw


sa nagbalang bangis ng mga kaaway,
sa pagkatimawa ay nag-aagawang
malapit sa aki't damit ko'y mahagkan.

17
309 Sa lakas ng hiyaw ng Pamang matabil,
bibang dugtung-dugtong ay nakikisaliw;
ang gulong Salamat, nagtanggol sa amin!
dininig sa langit ng mga bituin.

310 Lalo na ang tuwa nang ako'y matatap


na apo ng hari nilang nililiyag;
ang monarka nama'y 'di munti ang galak,
luha ang nagsabi ng ligayang ganap.

311 Nagsiakyat kami sa palasyong bantog


at nangagpahinga ang soldadong pagod;
datapwa't ang baya'y tatlong araw halos
na nakalimutan ang gawing matulog.

312 Sa ligaya namin ng nuno kong hari,


nakipagitan din ang lilong pighati;
at ang pagkamatay ng ina kong pili,
malaon nang lanta'y nanariwang muli.

313 Dito naniwala ang bata kong loob


na sa mundo'y walang katuwaang lubos;
sa minsang ligaya't tali na'ng kasunod —
makapitong lumbay hanggang matapos.

314 Naging limang buwan ako sa Krotona,


nagpilit bumalik sa Reynong Albanya;
'di sinong susumang sa akay ng sinta,
kundi ang tinutungo'y lalo't isang Laura.

315 Sa gayong katulin ng amin paglakad,


naiinip ako't ang nasa'y lumipad;
aba't nang matanaw ang muog ng s'yudad,
kumutob sa aking puso'y lalong hirap!

316 Kaya pala gayo'y ang nawawagayway


sa kuta'y hindi na bandilang binyagan,

18
kundi Medialuna't reyno'y nasalakay
ni Alading salot ng pasuking bayan.

317 Ang akay kong hukbo'y kusang pinahimpil


sa paa ng isang bundok na mabangin,
'di kaginsa-ginsa'y natanawan namin,
pulutong ng Morong lakad ay mahinhin.

318 Isang binibini ang gapos na taglay


na sa damdam nami'y tangkang pupugutan;
ang puso ko'y lalong naipit ng lumbay
sa gunitang baka si Laura kong buhay.

319 Kaya 'di napigil ang akay ng loob


at ang mga Moro'y bigla kong nilusob;
palad nang tumakbo at hindi natapos
sa aking pamuksang kalis na may poot!

320 Nang wala na akong pagbuntuhang galit,


sa 'di makakibong gapos ay lumapit;
ang takip sa mukha'y nang aking ialis,
aba ko't si Laura! May lalo pang sakit?

321 Pupugutan dahil sa hindi pagtanggap


sa sintang mahalay ng emir sa s'yudad;
nang mag-asal-hayop ang Morong pangahas,
tinampal sa mukha ang himalang dilag.

322 Aking dali-daling binalag sa kamay


ang lubid na walang awa at pitagan;
ang daliri ko'y naaalang-alang
marampi sa balat na kagalang-galang.

323 Dito nakatanggap ng luna na titig


ang nagdaralitang puso sa pag-ibig;
araw ng ligayang una kong pagdinig
ng sintang Florante sa kay Laurang bibig.

19
324 Nang aking matantong nasa bilangguan
ang bunying monarka't ang ama kong hirang;
nag-utos sa hukbo't aming sinalakay
hanggang 'di nabawi ang Albanyang bayan.

325 Pagpasok na namin sa loob ng reyno,


bilanggua'y siyang una kong tinungo;
hinango ang hari't ang dukeng ama ko
sa kaginooha'y isa si Adolfo.

326 Labis ang ligayang kinamtan ng hari


at ng natimawang kamahalang pili;
si Adolfo lamang ang nagdalamhati,
sa kapurihan kong tinamo ang sanhi.

327 Pangimbulo niya'y lalo nang nag-alab


nang ako'y tawaging Tanggulan ng S'yudad,
at ipinagdiwang ng haring mataas
sa palasyo real nang lubos na galak.

328 Saka nahalatang ako'y minamahal


ng pinag-uusig niyang kariktan;
ang Konde Adolfo'y nagpapakamatay —
dahil sa korona — kay Laura'y makasal.
Buod:

Ang guro ni Florante sa Atenas ay si Antenor, isang mabait at matalinong guro doon. Sa
Atenas niya nakilala ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde Sileno, na tampulan ng
paghanga ng kanyang mga guro, at ng kanyang mga kamag-aral dahil sa katalinuhan at
kagandahang-asal nitong pinapakita.
Sa loob ng anim na taong pagkakapag-aral ni Florante ay nahigitan niya si Adolfo kaya’t
lumabas ang tunay na pagkatao nito. Lalo itong nahalata nang minsang nagkaroon sila ng dula
sa palatuntunan ng kanilang eskwela. Ito’y tungkol sa magkakapatid na sina Etiocles (ginanap
ni Florante) at Polinese (bahagi ni Adolfo) na naglaban ng espadahan upang mapasiyahan
kung sino sa dalawang prinsipeng mga anak ni Reyna Yocasta (papel ni Menandro) ang papalit
sa namatay nilang ama na si Haring Edipo. Sa kunwaring ispadahan na ito, talagang
matitinding taga ang hinandulong kay Florante ng may masamang balak na si Adolfo. Mabuti
na lamang at sa kaliksihan ni Menandro ay napailandang ang espada ni Adolfo at ang
kataksilan niya’y nabigo. Kinabukasan ay lumisan sa Atenas at umuwi sa Albanya ang
napahiyang si Adolfo. May hangad pala itong maagaw si Laura kay Florante na siyang iniibig
ng dalaga upang maging hari kung maging reyna na si Prinsesa Laura, sakaling yumao o
mamatay si Haring Linseo.
20
Namalagi pa si Florante ng isang taon sa Atenas hanggang tumanggap siya ng
isang liham mula sa Albanya. Ibinalita ng kanyang ama na pumanaw na ang kanyang
ina. Laking sama ng loob ang idinulot nito kay Florante.
Pagkaraan pa nang dalawang buwan, may sasakyang lumunsad sa pantalan ng
Atenas na may pahatid-liham mula sa ama ni Florante na nagsasabing siya daw ay
umuwi agad sa kanyang bayang Albanya. Nagpaalam siya sa kanyang gurong si
Antenor at ito nama'y nagpaalalang siya'y mag-ingat sa banta sa kanyang buhay.
Pinayagan ni Antenor na sumama si Menandro kay Florante na yumayakap sa kanya
ng mahigpit nang siya'y magpaalam sa kanyang amain.
Pagdating sa Albanya ay sinalubong sila ng kanyang ama. Kapwa sila namighati
sa nangyari sa kanyang ina. Siya namang pagdating ng sugo mula sa lolo ni Florante
na hari ng Krotona, nanghihingi ng saklolo sapagkat ang bayan nila ay sinalakay ng
hukbo ng Persyanong si Heneral Osmalik.
Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay Haring Linseo at sa pagpupulong ng
mga pinuno ay napagpasiyahang si Florante ang mamumuno sa hukbo ng Krotona.
Nakilala at naakit si Florante sa kagandahan ni Laura, anak ni Haring Linseo.
Nagkaroon ng tatlong araw na piging para kay Florante. Sa piging na iyon ay
sandali lamang silang nagkasarilinan ni Laura at ipinahayag ang kanyang damdamin sa
dalaga. Nang pupunta na si Florante upang makidigma, nagbaon ng luha si Laura sa
kanyang pag-alis.
Sa digmaan, halos masira na ang kuta nila. Si Florante at Menandro ang kapwa
nagtulong mamuno sa hukbo. Naglaban si Florante at Heneral Osmalik at sa loob ng
limang oras na paglalaban ay nagapi niya ito. Nabawi nila ang kaharian ni Haring
Linseo.
Limang buwan pa siyang nanatili sa Krotona. Nais niyang bumalik agad sa
kanyang bayan sapagkat sabik na sabik na siyang makita si Laura. Pagdating nila sa
Albanya ay namangha siya sapagkat ang bandilang nakawagayway sa kanilang bayan
ay bandila ng mga Moro. Niligtas ni Florante si Laura sa kamay ng isang pangkat ng
mga Moro na magpaparusa at pupugot ng ulo sa kanyang kasintahang si Laura dahilan
sa pagtanggi nito sa pagsuyo ng Emir o gobernador ng mga Morong sumasakop sa
kanilang bayan.
Nilusob nila Florante ang reynong Albanya, nasakop ito at nailabas sa piitan ang
hari, ang kanyang ama at si Adolfo, na ikinulong sa karsel ng palasyo kasama ng ibang
kaginoohan sa Albanya. Labis ang kagalakan ng hari at si Adolfo lamang ang
nagdadalamhati sa kapurihang tinanggap ni Florante.

Mahusay! Natapos mong basahin ang mga saknong ng Florante at Laura


sa modyul na ito. Marahil unti-unti mo nang nalalaman ang nangyari sa mga
pangunahing tauhan. Nasaksihan mo rin ang pakikipagsapalaran ni Florante at
kung paano niya hinarap ang mga ito.

21
PAGYAMANIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa binasang
mga saknong ng Florante at Laura.

1. Ano-ano ang sanhi ng pagkapoot ni Adolfo kay Florante?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Bakit nagawang papuntahin ni Duke Briseo si Florante sa Atenas?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Sa paanong paraan nakilala ang tunay na katauhan ni Adolfo?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Ano ang nilalaman ng unang sulat na natanggap ni Florante?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Ano ang bilin ni Antenor kay Florante nang siya ay magdesisyon na umuwi?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

6. Bakit ipinadala ni Haring Linceo si Florante sa pakikipagdigmaan sa mga


moron a kumubkob sa bayan ng Krotona?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

7. Bakit lalong tumindi ang poot ni Adolfo kay Florante?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

22
ISAISIP
Panuto: Punan ng tamang salita ang mga sumusunod upang
makumpleto ang pahayag.

1. Ang guro ni Florante sa Atenas ay si __________________. Siya ay isang


_______________na guro.
2. Sa Atenas din niya nakilala ang kanyang kababayan na si _________.
3. Dahil sa inggit at galit, sinubukan ni Adolfo na ____________si Florante sa
isinagawang pagtatanghal.
4. Mabuti na lamang at siya ay nailigtas ni _______________, ang kanyang
matalik na kaibigan.
5. Habang nasa Atenas si Florante nakatanggap siya ng sulat na naglalaman na
______________.
6. Pagkaraan ng ilang buwan, nakatanggap ulit ng sulat si Florante na
nagsasabing _________________na siya.
7. Pagpunta ni Florante sa Krotona ay nakilala niya si _____________at siya ay
nabighani.
8. Ikinumpara niya ang dalaga kay ____________.
9. Si Heneral Osmalik at Florante ay naglaban ng __________na oras.
10. Iniligtas din ni Florante si ____________mula kay Emir.

ISAGAWA

A. Panuto: Ilagay sa kahon ang mga aral na iyong natutunan sa mga


binasang saknong. Magbigay ng mga sitwasyon kung paano mo ito
maiaaplay sa iyong buhay.

Mga Aral na Natutunan Sitwasyon kung saan ito iaaplay

1.

2.

3.

23
B. Panuto: Ilahad ang mahahalagang pangyayari sa binasang mga
saknong gamit ang grapikong pantulong sa ibaba.

Mahahalagang Pangyayari
(Saknong 205-328)

TAYAHIN
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Saan nag-aral si Florante?

a. Atenas b. Ateneo c. Antenor d. San Juan De letran

2. Siya ang matalik na kaibigan ni Florante na tumulong sa kanya.

a. Menandro b. Adolfo c. Antenor d. Emir

3. Sino ang taong nagtangka sa buhay ni Florante?


a. Menandro b. Adolfo c. Antenor d. Emir

4. Mapagmahal na ama ni Florante.

24
a. Duke Briseo b. Haring Linceo c. Adolfo d. Antenor

5. Babaeng nakilala at nagustuhan ni Florante na inihalintulad niya kay Venus.

a. Laura b. Lora c. Juana d. Juna

KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Isalaysay muli ang mga pangyayari sa binasang mga saknong gamit
ang grapiko sa ibaba.

Kasukdulan

Tunggalian

Kakalasan

Pataas na Aksyon

Wakas

Simula

Pamantayan sa Paggrado
Wastong Pagkakasunod ng mga pangyayari- 10 Puntos
Wastong gamit ng mga salita at bantas- 10 Puntos
Kabuoan- 20 Puntos

25
ARALIN 2:
Modyul 8
Ikaapat na SALITANG PANGHIHIKAYAT
Markahan AT TALUMPATI

ALAMIN

Binabati kita at nakarating ka sa bahaging ito ng modyul!


Panibagong aralin na naman ang iyong matutunan. Tiyak kong
magugustuhan mo ito sapagkat magagamit mo ito sa iyong pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan.

Sa pagtatapos ng pag-aaral mo sa modyul na ito ay inaasahang magtatamo


ng mga sumusunod na layunin:

 Nakasusulat ng isang talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung


pinapaksa sa binasa F8PU-IVf-g-38

 Nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat. F8WG-IVf-g-38

Pangkalahatang Panuto

Ngayong hawak mo na ang Modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:

5. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.


6. Itala ang mga kaukulang punto na nagangailangan ng masusing kasagutan.
7. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa.
8. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

26
SUBUKIN
Panuto: Hanapin sa loob ng pangungusap ang mga salitang nanghihikayat.
Bilugan ang iyong sagot sa bawat bilang.

1. Siguradong maganda ang magbakasyon sa nayon.


2. Tama ka, makakalanghap tayo ng sariwang hangin doon at maaari pa tayong
maglaro sa bukid tulad ng dati.
3. Naalala ko pa noong nakaraan, lagi rin kaming naghahabulan ng mga kaibigan ko sa
bukid kaya tunay nga na magsisiyahan kayo roon.
4. Marahil nga tama ka sa iyong tinuran tungkol sa bagay na iyan.
5. Sa mga sinabi ninyo ay walang duda na masaya nga ang magbakasyon sa nayon.

TUKLASIN

Ang mga salitang nanghihikayat ay karaniwang ginagamit natin sa


pangungumbinsi ng isang tao.
Ginagamit din ito upang mahikayat ang mambabasa o tagapakinig na
sumang-ayon sa pananaw ng manunulat o mananalumpati tungkol sa iysu o
paksang pinag-uusapan.

SURIIN
Narito naman ang babasahin tungkol sa talumpati at mga salitang
nanghihikayat. Paano nga ba ito magagamit sa pagsasalita sa harap ng mga
tao? Tara sabay nating alamin.

27
SALITANG PANGHIHIKAYAT AT TALUMPATI
Nagagamit ang mga salitang nanghihikayat sa paglalahad ng opinyon na
kailangang mapangatwiranan at maidepensa sa tulong ng mga datos na magpapatunay
sa sinasabi ng manunulat o mananalumpati. Kailangang kapani-paniwala ang mga
pahayag upang maakit ang mambabasa o tagapakinig na pumanig sa inilatag na
pangangatwiranan ng manunulat o mananalumpati.
Nakatutulong din ang pang-abay na panang-ayon sa paglalahad ng opinyon ng
pagsang-ayon para mapatotohanan ang isang pahayag.Ang mga halimbawa ng pang-
abay na panang-ayon ay oo, talaga, totoo, siyanga, tunay at iba pa.
Upang makahikayat ang ng tagapakinig o mambabasa, isaalang-alang ang mga
sumusunod:
1. Ang pangangatwiran ay may pinagbatayan.
2. Nailalarawan nang maganda ang ideya o pahayag.
3. Nagbibigay ng wastong kaalaman at impormasyon.
Isang halimbawa ng panghihikayat ang talumpati. Ayon kay Arrogante (2000), ang
talumpati ay anumang uri ng pagsasalita sa harap ng maraming tao, mapribado man o
mapubliko. Batay sa kahulugang ito,kailangang bigkasin ang sa harap ng maraming tao
ang pangangatuwiran, paninindigan o kaya’y paniniwala ng tagapagsalita upang
mahikayat ang mga tagapakinig sa paksang tinatalakay niya na maaaring
makapagpabago ng kaisipan at saloobin ng kaniyang mga tagapakinig. Iba iba rin an gang
layunin ng talumpati. Maari itong magbigay ng kabatiran, magturo, mangaral,
manghikayat, at iba pa na depende sa hinihingi ng okasyon.
May tatlong uri ng talumpati. Ito ang impromptu, ekstemporanyo at pinaghandaang
talumpati. Sa impromptu, ang mananalumpati ay magsasagawa ng talumpati nang walang
kahandaan. Samantala sa ekstemporanyo, binibigyan lamang ng maikling panahon ang
tagapagsalita upang mapaghandaan ang kanyang talumpati. Bumubuo lamang ng ang
tagapagsalita ng balangkas ng talumpati sa maikling panahon. Panghuli, sa
pinaghandaang talumpati, ang tagapagsalita ay may sapat na panahon sa paghahanda ng
talumpati. Nakapagsanay nang husto ang tagapagsalita sa pagbigkas ng talumpati,
isinasaulo ito ng iba at ang iba naman ay binabasa ito gaya ng kumperensya.

Sa pagsulat naman ng talumpati, isaalang-alang ang sumusunod:


• Gumamit ng kaakit-akit na panimula o makabuluhang panimula upang makuha
agad ang atensiyon ng mga tagapakinig.
• Magsaliksik ng mga datos na magagamit sa pagbibigay ng pangangatuwiran o
paniniwala na magbibigay-daan upang mahikayat ang mga tagapakinig sa isyung
pinapaksa sa binasa.
• Ilahad ang sariling konklusyon sa isyung pinapaksa bilang pang-wakas na bahagi
ng talumpati.
• Sauluhin ang isinulat na talumpati, magsanay sa pagbigkas at lapatan ng angkop
na damdamin, kilos, at galaw ang bibigkasing talumpati.

28
PAGYAMANIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa bawat bilang.

1. Ano ang gamit ng mga salitang nanghihikayat sa pagtatalumpati?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ano ang talumpati?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Paano nagkaiba ang tatlong uri ng talumpati?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

ISAISIP

Panuto: Kumpletuhin ang pahayag upang maging wasto ang kaisipang nais
iparating. Piliin ang iyong sagot sa kahon na nasa ibaba.

Talumpati Impromptu
Ekstemporanyo Nanghihikayat
Sapat kulang

Ang 1._______________ ay isang uri ng pagpapahayag ng kaisipan sa


pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng maraming tao. Mayroon itong tatlong uri. Una
ay ang talumpati na walang kahandaan ang mananalumpati na tinatawag na
2.______________. Pangalawa ay ang 3._______________, kung saan may ilang
minuto lamang ang mananalumpati na ihanda ang kanyang sasabihin. Panghuli naman
ay ang pinaghandaang talumpati, ang tagapagsalita ay may 4. ___________ na
panahon sa paghahanda.
Sa talumpati, makatutulong ang paggamit ng mga salitang 5. ______________
upang makumbinsi ang mga tagapakinig na maniwala sa iyong mga katwiran.

29
ISAGAWA

Panuto: Bilang isang kabataan, bumuo ka ng isa hanggang dalawang talata na


naglalaman ng iyong mga katuwiran tungkol sa paksang “Pagharap sa mga Hamon ng
Buhay”. Isaalang-alang ang paggamit ng mga salitang nanghihikayat.

Pamantayan sa Paggrado
Kaugnayan sa Paksa -10 puntos
Paggamit ng mga salitang nanghihikayat -10 puntos
Kabuoan -20 puntos

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

TAYAHIN
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang.

1.Ito ay tumutukoy sa pagsasalita sa harap ng maraming tao upang ipahayag


ang mga pangangatwiran o paninindigan.

a. Tula b. talumpati c. Sanaysay d. dula

2. Isang uri ng talumpati na kung saan ang mananalumpati ay walang


kahandaan.

a. ekstemporanyo b. impromptu c. pinaghandaan d. hindi pinaghandaan

3. Uri ng talumpati kung saan bibigyan lamang ng ilang minuto ang


mananalumpati upang buoin ang kanyang talumpati.

a. ekstemporanyo b. impromptu c. pinaghandaan d. hindi pinaghandaan

4. Ang mananalumpati naman ay nakapagsanay, nakapagsaulo ng kanyang


pyesa sapagkat mayroon siyang sapat na panahon sa paghahanda.

30
a. ekstemporanyo b. impromptu c. pinaghandaan d. hindi pinaghandaan

5. Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaan ng mananalumpati upang


mahikayat ang mga tagapakinig o manonood?

a. May pinagbatayan ang mga katwiran.

b. Nailarawan ng maganda at maayos ang mga ideya.

c. Nagbigay at naglahad ng tamang impormasyon.

d. Lahat ng nabanggit

KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Sumulat ng isang pinaghandaang talumpati. Maaaring pumili ng isang
paksa sa mga nasa ibaba. Isaulo ito at bigkasin, isaalang-alang ang mga natakakay na
paraan o dapat tandaan ng isang mananalumpati.

MGA PAKSA:
A. PAGMAMAHAL NG ANAK SA MAGULANG
B. KAHALAGAHAN NG EDUKASYON
C. PAGPILI NG KAIBIGAN
D. PARAAN SA PAGPAPALAKI NG ANAK

Pamantayan Puntos

Pagtalakay sa Paksa 10 Puntos

Panghihikayat sa Madla 10 Puntos

Paggamit ng wastong tinig 10 Puntos

Kumpas ng kamay at galaw ng katawan 10 Puntos

KABUOAN 40 Puntos

31
32
SUSI SA PAGWAWASTO
ISAGAWA ARALIN 1
A-B SUBUKIN
Ang sagot ng mga mag-aaal ay maaaring 1.daing
magkakaiba. 2.paghihirap
3.magtiis
TAYAHIN 4. natutukso
1. a 5. nasangga
2. a Tala: Ang mga pangungusap sa bawat
3. b bilang ay maaaring magkakaiba.
4. a
5. a BALIKAN
Ang pagpapaliwanag ay maaaring
KARAGDAGANG GAWAIN magkakaiba bastat may kaugnayan sa
Ang sagot ng mga mag-aaal ay maaaring wastong pagpapalaki ng magulang sa
magkakaiba. anak.
ARALIN 2 TUKLASIN
SUBUKIN Ang sagot ng mga mag-aaral ay
1. siguradong maaaring magkakaiba.
2. tama ka
3. tunay nga PAGYAMANIN
4. marahil nga tama ka 1.Naging sikat at kilala si Florante sa
5. walang duda Atenas at siya ang nanguna sa klase
PAGYAMANIN 2. Dahil gusto ni Duke Briseo na matuto
Ang sagot ng mga mag-aaal ay maaaring si Florante
magkakaiba. 3. Nang magkaroon ng dula-dulaan
tinangka niyang saksakin si Florante
ISAISIP 4. Pagkamatay ng kanyang ina.
1. talumpati 5. Maging maingat sa madadatnan niya.
2.impromptu 6. Upang mabawi ang Krotona
3. ekstemporanyo 7. Dahil ang gusto ni Laura ay si Florante
4. sapat at hindi si Adolfo
5. nanghihikayat
ISAGAWA ISAISIP
Ang sagot ng mga mag-aaal ay maaaring 1. Antenor, mabait
magkakaiba. 2. Adolfo
3. patayin
TAYAHIN 4. Menandro
1. b 5. kamatayan ng kanyang ina
2. b 6. umuwi
3. a 7. Laura
4. c 8. Venus
5. d 9. limang
10. Laura
KARAGDAGANG GAWAIN
Ang sagot ng mga mag-aaal ay maaaring
magkakaiba.
SANGGUNIAN

AKLAT

Dayag, Alma M. et.al, 2014, Pinagyamang Pluma 8,927 Quezon Ave. Quezon
City, Phoenix Publishing House Inc.

Guimare, Aida M., Pinagyamang Wika at Panitikan (Batayang Aklat sa


Filipino),Sampaloc, Manila, Rex Book store Inc.

ELEKTRONIKO

https://www.google.com.ph/search?q=family+that+study+together&tbm=isch&ved=2ahUKEwie9
JOA8tHvAhVNUpQKHZOODY0Q2-
cCegQIABAA&oq=family+that+study+together&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJzoHCAAQsQ
MQQzoECAAQQzoFCAAQsQM6BwgjEOoCECc6AggAUPvUAliutwNgz7wDaANwAHgDgAH9A
YgB9R2SAQcxNy4xNi4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQrAAQE&sclient=img&ei=KuN
fYJ63Fc2k0QSTnbboCA&bih=657&biw=1349&hl=en#imgrc=w-woZZt5g5LyYM

https://www.google.com.ph/search?q=studying+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjn3r-
W8NHvAhXFBqYKHct_Dk4Q2-
cCegQIABAA&oq=studyi&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABCxAxBDMgcIABCxAxBDMgQIABB
DMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgUIABCxAzICCAAyAggAMgUIABCxAzICCAA6BAgjECc6CAgA
ELEDEIMBUI_OBFi12gRg3OoEaABwAHgAgAGgAYgBuASSAQM1LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mt
d2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=QOFfYOe-
FMWNmAXL_7nwBA&bih=657&biw=1366#imgrc=mzmrWtvGLh3EuM

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-16-sa-atenas-si-adolfo_1215.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-17-kataksilan-ni-adolfo_1216.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-18-kamatayan-ng-isang-ina_1217.html

33
https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-19-paalaman-at-habilin_1218.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-20-pagdating-sa-albanya-at-paghingi-ng-tulong-ng-
krotona_1219.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-21-heneral-ng-hukbo_1220.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-22-si-laura_1221.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-23-isang-pusong-sumisinta_1222.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-24-pakikipaglaban-kay-osmalik_1223.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-25-pagbabalik-sa-albanya-at-pagsagip-kay-
laura_1224.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-26-ang-pagtataksil-ni-adolfo_1225.html

https://www.pinterest.ph/pin/15481192452190334/

34
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education — Bureau of Learning Resources (DepEd- BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985


E-mail Address: blr.lrdqad@deped.gov.ph *blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like