You are on page 1of 2

Buod ng Alaala ng Kamusmusan:

Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay noong kabataan pa lamang niya.


Ang pangalan niya ay Florante na kasintahan ni Laura. Si Florante ay anak
nina Prinsesa Floresca ng Krotona at Duke Briseo ng Albanya. Lumaki
Florante sa lugar ng Albanya at doon nagkaroon ng

si

pag-iisip. Isang

mapagmahal na ama si Duke Briseo, modelo siya ng lahat dahil sa kabaitan.


Sa kabilang banda

itinuturing naman siyang matapang na pinuno ng

Albanya. Siya ay pangalawang pinuno sa kanilang kaharian . Ang ama ni


Florante ang tanungan at sanggunian ni Haring Linseo sa anumang mga
bagay-bagay.

Noong kabataan pa ni Florante may mga mahahalagang pangyayari ang


hindi niya malilimutan. Nang sanggol pa lamang siya ay muntikan na siyang
madagit ng isang buwitreng ibon ngunit nailigtas siya ng kanyang pinsang
mula sa Epiro na si Menalipo. Isang araw, habang naglalaro siya sa kanilang
sala ay biglang pumasok ang isang ibong arko at dinagit ang kanyang
dyamanteng kupido sa kanyang dibdib. Noong nasa edad na siyam na taong
gulang na si Florante ay maghapon siyang nagpapalipas oras sa burol upang
mamasyal o maglibang. Kahit bata pa lamang si Florante ay natutunan na
niya ang mamana ng mga ibon at pumatay ng hayop.

REA MAE C. BORJA


Grade 8 - Purple

FILIPINO 8

Pagsasanay
1. Sumulat ng tatlo hanggang apat na talata tungkol sa alaala ng iyong
kamusmusan.
2. Anong mga aral ang natutunan mo mula sa iyong kamusmusan na
pwedeng maipagmalaki mo ngayon bilang ikaw?

Pagsusulit
1. Paano inalagaan si Florante ng Morong si Aladin?
Sagot: Inaruga ito ni Aladin at binantayan hanggang sa ito ay
nagkaroon ng malay.
2. Saan ipinanganak si Florante at nagkaisip?
Sagot: Sa Albanya.
3. Sinong hari ang sumasangguni sa ama ni Florante (si Duke Briseo)
upang humingi ng payo sa mga bagay-bagay?
Sagot: Si Haring Lenseo
4. Anu-ano ang mga nagganap na pangyayari na ayaw nang sariwain o
balikan pa ni Florante noong sanggol pa lamang siya?
Sagot: Noong sanggol pa lamang siya ay muntikan na syang madagit
ng isang

buwitreng ibon ngunit sa tulong ng kanyang pinsang si

Menalipo ay nailigtas siya at noong may isang ibong arko ang dumagit
ng kanyang kupedong diamanteng hiyas sa dibdib.
5. Noong muntikang madagit si Florante ng isang mabangis na buwitreng
ibon, sino ang nagligtas sa kanya?
Sagot: Iniligtas siya ng kanyang pinsang mula sa Epiro na si Menalipo.

REA MAE C. BORJA


Grade 8 - Purple

FILIPINO 8

You might also like