You are on page 1of 1

MGA TAUHAN SA FLORNTE AT LAURA

MGA TAUHANG KRISTIYANO


1. Florante- Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mangingibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng
Albanyang na namataan ni Florante bago siya sumabak sa isang digmaan nang ang bayan ng
kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong Persyano.
2. Laura- ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring Linceo ng Albanya, siya ang
prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos na kagandahang ipinuring lubos ni
Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa unang pagkakakita pa lamang.
3. Hring Linceo-Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura. Ang
kanyang pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa pag-
uutos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo upang gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang
usap-usapang itong pinasimulan ni Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga
tao sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni
Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa trono.
4. Duke Briseo-ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilang sariling tanungan ng
Haring Linceo ng Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad
ng Konde Adolfo nang kanyang agawin ang trono ng Haring Linceo.
5. Prinsesa Floresca-ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at maagang
namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenas pabalik ng Albanya.
6. Antenor-ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo at Menandro.
7. Menandro-Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na nagligtas din ng
buhay ni Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga nang
kanyang tangkaing patayin si Florante sa isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa
Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante, at
noong sinakop ang Albanya nang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka.
8. Konde Adolfo-Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahing kontrabida
nito. Anak siya ng Konde Sileno, at pareho silang nagmula sa Albanya. Pinagtangkaan niyang
patayin si Florante sa isang dula-dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat ng kanyang
pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyang
gurong si Antenor.
9. Menalipo-Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula sa isang
buwitreng dadagitin siya sana nang siya’y isang sanggol pa lamang gamit ang kanyang pana
at busog. Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit na mas matanda kaysa kay Florante.
10. Konde Sileno-ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay marangal
MGA TAUHANG MORO
1. Aladin-Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng kanyang
buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa kanyang kasintahang
si Flerida.
2. Flerida-Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-Adab. At sa
pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay
Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal
nila.
3. Sultan Ali-Adab-Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni Alading
si Flerida. Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang
anak, dahil daw sa pagkatalo niya sa Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay upang
makuha niya si Flerida mula sa kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin,
nang nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang Sultan, isang pangako na hindi rin
natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng kasal; ang naging hatol na lamang kay
Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang kailanman ay hindi niya mababalikan.
4. Heneral Osmalik-ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos
ni Aladin.
5. Heneral Miramolin-pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya

You might also like