Professional Documents
Culture Documents
Duke Briseo: Asahan niyo ang tulong namin. Florante, pupunta tayo kay haring Linceo.
Tagapagsalaysay: Pagdating sa palasyo, sinalubong sila ni Haring Linceo.
Duke Briseo: Mahal na hari, ang aking anak na si Florante.
Haring Linceo: Ah, ang binata sa aking panaginip. Siya ang papalit sa aking
trono. Pansamantala pamunuan mo ang hukbong patungo sa Krotona.
Tulungan mo ang iyong ninuno doon at magkamit ng karangalan.
Nabalitaan ko kay Antenor na nagpamalas ka ng iyong kahusayan sa
Atenas. Walang pagdududa na iyong namana ang mga katangian ng iyong
ama.
Florante: Maraming salamat po sa papuri. Ginawa ko lang po ang nararapat.
Tagapagsalaysay: Kasilayan ni Florante si Laura sa hardin ng palasyo.
Florante: Maari ko po bang malaman kung ano ang pangalan ng magandang
binibining iyon?
Haring Linceo: Siya nga pala ang aking anak na si Laura. Maiwan muna kita at mag-uusap lang
kami ng iyong ama.
Tagapagsalaysay: Pumasok si Haring Linceo sa loob ng palasyo at nilapitan
naman ni Florante si Laura.
Florante: Magandang umaga sa iyo prinsesa. Kanina pa kita napapansin.
Laura: Magandang umaga, Florante. Salamat sa papuri. Lagi kang
ikinukwento sa akin ng iyong ama.
Florante: Sana'y makilala pa kita ng lubusan.
Laura: Gayon din ako. Ngunit ilang araw na lang at aalis ka na rin.
Florante: Oo nga. Halika Laura, pumasok na tayo at magsisimula na ang
piging.
Tagapagsalaysay: Pagkatapos ng tatlong gabing piging
Haring Linceo: Magandang gabi sa iyo Florante. Dapat ka ng maghanda para
bukas.
Florante: Maraming salamat po sa paalala. Magandang gabi rin po.
Tagapagsalaysay: Kinabukasan
Duke Briseo: Handa ka na ba? Malayo ang iyong lalakbayin.
Florante: Handa na po aking ama. Karangalan ko po ang maglingkod sa inyo,
Haring Linceo.
Haring Linceo: Mabuti kung ganon. Mag-iingat ka.
Florante: Salamat po.
Laura: Mag-iingat ka Florante, ipangako mong babalik ka.
Florante: Pangako, Laura.
Laura: Paalam.
Florante: Paalam sa inyong lahat. Mga kawal, tayo ng lahat!
Tagapagsalaysay: Pagdating nila Florante sa Krotona, nakita nila ang hukbo ni Heneral Osmalik.
Osmalik: Sugod!
Florante: Sugod!
*digmaan*
Natitirang kawal ni Osmalik: Nasan ang kalaban?! (makikita sila Florante, Menandro at isa pang
kawal) Isa Dalawa Tatlo Takbo!
Florante: Nanalo tayo!! Mabuhay ang Albanya!
Mga kawal: Mabuhay!!
Florante: Mga kawal, babalik tayo sa Albanya.
Tagapagsalaysay: Sa pagnalik nila sa Albanya ay may nakasalubong silang mga di-binyagan na
may dalang isang babae.
Di-binyagan: Sino kayo at bakit kayo narito?
Florante: Kami'y mga taga-Albanya./ Pakawalan niyo ang babaeng iyan!
*labanan*
Florante: Binibini, mawalang-galang na pero ngayon lang kita nakita rito.
Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?
Laura: Ako ito, Florante. Si Laura.
Florante: Laura? Bakit ka nandito?
Laura: Gusto ko lang malaman ang iyong kalagayan.
Florante: Salamat sa pag-aabala. Kamusta ka na? Sana'y naging mabuti ka.
Laura: Mabuti naman ako, pero Florante, kailangan ko ng tulong mo. May
bayang malapit dito na pinagtataguan ng mga morong dumakip sa aking ama. Iligtas mo siya.
Paano kung may masamang mangyari sa kanya? Paano kung...
Florante: Shhhh. Ako na ang bahala. Ililigtas ko ang iyong ama sa abot ng aking makakaya.
Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang linggo
Florante: Nanalo ulit tayo!!!
Haring Linceo: Salamat naman at dumating ka.
Florante: Ginawa ko lang po ang aking tungkulin.
Tagapagsalaysay: Matapos noon ay bumalik na ang lahat sa Albanya.
Haring Linceo: Florante, pasensya ka na ngunit ipapadala ulti kita sa Etolya
para lumaban sa mga turko. Mag-ingat ka.
Florante: Pupunta po kami kaagad.
Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang araw ng paglalakbay
Miramdin: Kapag nakita niyo na sila ay sugurin niyo kaagad.
Florante: Sugod!!
*digmaan*
Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang araw
Kawal: Heneral Florante, dala ko po ay isang sulat galing kay Haring Linceo.