You are on page 1of 10

FLORANTE

AT
LAURA
Isinulat ni Fransisco Balagtas
St. Christopher Script

Page 1 of 10
FLORANTE AT LAURA

SCENE 1

Tagapagsalaysay: Sa gitna ng isang liblib na gubat na kalapit ng isang kaharian at katai ng Ilog
Kositong, na nagging tanyag dahil sa mapanganib at mapanglaw na tubig. Naroon ang isang kaawa-
awang binatilyo na nakatali sa isang malaking puno ng Higera, bugbog ang katawan nito at tila
nawawalan na ng pagasa. Tahimik ang gubat, ang huni ng mga ion at kaluskos ng mga dahon ay rinig
na rinig. Marami ring mapanganib na nilalang ang mga gumagala rito. Napainda sa sakit ang binatilyo
nakatali, ang pangalan niya ay Florante. Anak siya nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Hirap na
hirap at hinahabol ang kanyang hininga ay nanalangin siya sa Panginoon.

Florante: Panginoon, kaawan mo ako. Ako ay naghihinagpis, at humihingi ng iyong tulong!


Napakapait ng nangyari sa aking buhay! Hindi ko nagawang ipagtanggol ang aking sariling bayan
laban sa walang awing si Adolfo!

Tagapagsalaysay: Nanahimik siya at umind sa sakit bago ulit nagpatuloy.

Florante: Paalam Albanya, ang bayan kong hinirang. Patawarin mo ako’t dahil hindi kita nagawang
ipagtangol. Paalam na saiyo walang awang Adolfo, at Paalam na rin sayo Taksil na Laura.

Tagapagsalaysay: Sa kabila ng pagdudusa ay wala siyang kamalay-malay sa isang Morong Gerero na


nagngangalang Aladin na naglalakbay sa liblib na gubat, pagod na pagod ito at naghahanap ng lugar
na mapagpapahingahan.

Aladin: Tadhana’y masakit, problema ko’y napakahirap solusyunan dahil sa aking sintang inagaw.

Tagapagsalaysay: Palakas ng palakas ang naririnig niyang mga tinig.

Florante: Ako’y sadyang napakamalas. Ang aking buhay ay sadyang malupit, sapagkat ang pagiibigan
naming ni Laura ay napaghiwalay ng bastardong si Adolfo.

Tagapagsalaysay: Nagmadali na si Aladin nang mapansing humina ang boses nang kanyang narinig.

Aladin: Kailangan kong magmadali kundi, hindi ko na maabutan ang taong iyon.

SCENE 2

Tagapagsalaysay: Habang tumatakbo ay hinawi niya ang mga sagabal na madadaanan niya. Nang
Makita nya ang nakagapos ay napansin niyang may nakapalibot ditong dalawang Leon. Siya ay
naghanda at nilusob ang mga Leon. Pagkatapos niyang mapatay ang dalawang Leon ay pinakawalan
niya si Florante.

Aladin: Parang kilala ko ang taong ito.

Tagapagsalaysay: Pagkalipas ng ilang oras ay namulat si Florante.

Florante: Laura, nasaan ka? Tulungan mo akong makaalis dito.

Tagapagsalaysay: Hindi na sumagot si Aladin at baka sa kawalang pag-asa ay matuluyan si Florante.

Florante: Sino ka? Anong ginagawa mo rito?

Page 2 of 10
FLORANTE AT LAURA

Aladin: Magpahinga ka muna, Ako ang nagligtas saiyo.

Florante: Hindi mo ba alam na tayo ang magkalaban?

Aladin: Alam ko, pero ikaw ay nangangailangan ng tulong.

Florante: Siguro nga patay na ako kung hindi lang dahil saiyo, ngunit ang pagkamatay ang aking
tanging kaligayahan.

Aladin: Hangal! Hindi mo baa lam na dinadagdagan mo lang ang iyong pasakit?

Tagapagsalaysay: Hindi nagpansinan ang dalawa ngunit isinama ni Aladin si Florante sa kanyang
pagpapahingahan at doon sila nagpalipas ng gabi.

Pagdating ng umaga ay napansin ni Aladin si Florante na malungkot kaya agad niya


itong-

Florante: Maraming salamat sa tulong mo, kaibigan.

Tagapagsalaysay: Inaliiw ni Aladin si Florante ngunit napansin niyang Malungkot parin ito.

Aladin: Ano ba ang iyong problema? Maari mo bang sabihin sakin iyon?

Florante: Sige, sisimulan ko ang aking kwento nung ako’y bata pa.

SCENE 3

Tagapagsalaysay: Ang dalawa ay naupo upang magkwentuhan

Florante: Pinanganak ako sa bayan ng Albanya kung saan ang aking ama, si Duke Briseo ay nakatira,
Prinsesa Floresca ang pangalan ng aking ina. Siya ang prinsesa sa kaharian ng krotona. Ako ay
pinangalanan nilang "Florante"
Noong sanggol pa lamang ako muntikan na akong dagitin ng isang buwitre (sinasalaysay habang
inaarte ng batang florante)

Princesa Floresca: Florante!!! Florante!!! Tulong!!! (Paiyak na sigaw)

Menalipo: Bakit po? Anong problema?

Florante: Nakita ni Menalipo, pinsan ko, na dadagitin ako ng buwitre kaya dali dali niya itong pinana
at pinatay. At noon namang nakakapaglakad na ako kinuha ng isang areon sa aking dibdib ang aking
cupidong dyamante. Buti nalang di ako napahamak (sinasalaysay habang inaarte ng batang florante)

Nuong ako'y naging siyam na taong gulang ay lagi akong nasaburok at dala ang aking pana't busog at
ako'y naghahanap ng hayop upang tirahin ng aking pana. Kapag ako'y napagod ay nagpapahinga at
naliligo ako sa batis kung saan masasayang nagaawitan ang mga nayades habang tinutugtog nila ang
kanilang lira. Ang kanilang tawana'y nakakapagwala ng aking pagod (sinasalaysay habang kinukwento
ni florante ang nagkakantahang mga nayades)

Page 3 of 10
FLORANTE AT LAURA

Pagkalipas ng ilang taon ako ay ipinadala at pinagaral sa atenas

Prinsesa Floresca: Bakit kailangan nya pang umalis? (malungkot)

Duke Briseo: Dahil mas maganda ang turo sa atenas. Kung hindi siya magaaral ano ang magiging
kinabukasan niya?

Princesa Floresca: Sinong magaasikaso sakanya doon?

Duke Briseo: Aalagaan siya doon ng kanyang nga guro at kaibigan.

Florante: Dahil doon nakumbinsi ng aking ama ang aking ina upang ako ay lumisan.

SCENE 4

Tagapagsalaysay: Sa pagdating ni Florante sa atenas.

Atenor: Maligayang pagdatiNg sa atenas, Florante. Ako ang magiging guro mong si atenor.

Florante: (malungkot na malungkot) Salamat po.

Atenor: Oh. Bakit tila malungkot ka?

Florante: Ayaw ko lang pong umalis ng Albanya.

Atenor: Wag kang magalala, sasaya ka rin naman ditto sa Atenas.

Tagapagsalaysay: Sa iang buwang pagtigil ni Florante sa atenas ay kapansin pansin na palagi siyang
tulala at di makakain.

Isang araw habang naglalakbay si Florante ay kasabay niya si Adolfo, ang kanyang kababayan.
Napansin nita ang kahinahinalang kilos nito.

Makaraan pa ang anim na taong pagaaral...

Atenor: Kinagagalak kong batiin ka Florante, sapagkat may talento ka sa pilosopiya, astrolohiya at
matematika.

Florante: Salamat po!!!

Tagapagsalaysay: Dito nagsimulang magalit si adolfo dahik nasapawan na siya ni Florante. Isang
hapon, tinipon ni Atenor ang mga estudyante.

SCENE 5

Atenor: Magkakaroon ng pagsasadula ng Trahedya ng dalwang apo. Si Florante and gaganap bilang
Polinise at si Adolfo bilang Etyokles.

Tagapagsalaysay: Nagsimula ang dula-dulaan at naglisik ang mata ni Adolfo kay florante.

Page 4 of 10
FLORANTE AT LAURA

Adolfo: (handang patayin si florante) Ikaw ang umagaw sa kapurian ko, dapat kang mamatay!

Menandro: (sinaklolohan si Florante ) Adolfo itigil mo ang iyong kasamaan!

Tagapagsalaysay: Natapos ang pagtanghal at pinatalsik si Adolfo sa paaralan ng Atenas.


Makalipas ang isang taon, isang sulat ang natanggap ni Florante (babasahin ang sulat)

Florante: (malungkot) Hindi!!! O, aking mahal na ina... Bakit mo ako iniwanan? Di man lang tayo
nagkita sa matagal na panahon. (walang tigil ang pagiyak)

Tagapagsalaysay: Dalawang buwan pa ang tinagak ni Florantesa atenas bago dumating ang kanyang
sundo.

Florante: Maestro, paalam na po.

Atenor: Florante, tandaan mo palagi kang mag ingat kay Adolfo.

Florante: Maraming salamat po sa lahat, tatandaan ko po ang inyong bilin.

Menandro: Magingat ka Florante. Kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami.

Florante: Paalam na po.

SCENE 6

Tagapagsalaysay: Pagdating na pagdating sa Albanya, ay agad na sinalubong sila ni Duke Briseo.

Florante: O aking ama!

Duke Briseo: (niyakap ang anak ) O, anak.

Tagapagsalaysay: Biglang dumating ang isang mensahero.

Mensahero: Magandang araw po. Humihingi ng tulong ang kahariang krotona sa inyo dahil
nanganganib po na masakop ito ni Heneral Osmalik.

Duke Briseo: Maaasahan nyo ang tulong namin. Florante, pumunta tayo kay Haring linceo.

Tagapagsalaysay: Pagkadating sa palasyo, sinalubong nila ang hari.

Duke Briseo: Mahal na hari, eto ang aking anak, si Florante.

Haring Linceo: Ah, ang binata sa aking panaginip. Ikaw si florante ang papalit sa trono.
Pansamantalang pamunuan mo ang hukbo patungo sa krotona. Tulungan mo ang mga tao doon at
magkamit ng kalayaan at tagumpay.

Nabalitaan ko sa maestro mo na si Antenor na pinakita mo ang iyong kahusayan sa atenas.

Page 5 of 10
FLORANTE AT LAURA

Florante: maraming salamat po sa inyong pagpuri. Ginawa ko lamang po ang nararapat.

SCENE 7

Tagapagsalaysay: kasilayan ni Florante si Laura sa hardin ng palasyo.

Florante: Maaari ko po bang malaman kung ano ang pangalan ng magandang binibini na iyon?

Haring Linceo: Siya nga pala ang aking anak na si Laura. Maiwan muna kita at mag-uusap lang kami ng
iyong ama.

Tagapagsalaysay: Pumasok si Haring linceo sa loob ng palasyo at nilapitan naman ni Florante si


Laura.

Florante: Magandang umaga sa iyo mahal na prinsesa. Kanina pa kitang napapansin.

Laura: Magandang umaga din Florante, salamat sa pagbati. Lagi kang kinukwento saakin ng iyong
ama.

Florante: Sana’y makilala pa kita ng lubusan.

Laura: Gayon din ako. Ngunit ilang araw nalang at aalis ka na rin.

Florante: Halika Laura, punasok na tayo. Magsisimula na ang piging.

SCENE 8

Tagapagsalaysay: Kinabukasan.

Duke Briseo: Handa ka na ba? Malayo ang iyong lalakbayin.

Florante: Handa na po ako aking ama. Karangalan ko po ang maglingkod sa inyo Haring Linceo.

Haring Linceo: Mabuti kung ganon. Mag--Iingat ka.

Florante: Salamat po.

Laura: Mag -Iingat ka florante, pangako mo saakin na babalik ka.

Florante: Pangako, Laura.

Laura: Paalam.

Florante: Paalam sa inyong lahat! Mga kawal, tayo na!

Page 6 of 10
FLORANTE AT LAURA

SCENE 9

Tagapagsalaysay: Pagdating nila Florante sa krotona nakita nila ang hukbo ni Henerak osmalik.

Heneral Osmalik: Sugod!!!

Florante: Sugod!!!

DIGMAAN

Florante: Nanalo tayo!!! Mabuhay ang Albanya!!!

Mga kawal: mabuhay!!!

Florante: Mga kawal... Babalik tayo sa Albanya!!!

Tagapagsalaysay: Sa pagbalik nila sa Albanya ay may nakasalubong silang mga Banyaga na may
dalang isang babae may taklob ang mukha.

Banyaga: Sino kayo at anong ginagawa nyo dito?

Florante: Kami’y taga Albanya! Pakawalan nyo ang babaeng iyan!

SCENE 10

(Labanan)

Florante: Binibini, mabuti naman ata hindi ka nasaktan! Maari ko bang malaman ang iyong ngalan?

Tagapagsalaysay: Tinanggal ng babae ang kanyang talukbong, at tumambad sa harap niya si Laura.

Laura: Ako ito, Florante. Si Laura.

Florante: Laura? Bakit ka nandidito?

Laura: Gusto ko lamang malaman ang iyong kalagayan.

Florante: Salamat sa pagaalala, ngunit kamusta na ang iyong kalagayan?

Laura: Mabuti naman ako, pero kailangan ko ng tulong mo. May Bayang malapit ditto na
pinagtataguan ng mga Morong dumakip sa aking ama. Iligtas mo siya Florante! Paano kung may
masamang mangyari sa kanya?! Paano kung- (naiyak)

Florante: Ako na ang bahala. Ililigtas ko ang iyong ama sa abot ng aking makakaya.

Page 7 of 10
FLORANTE AT LAURA

Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang araw, nilusob ng hukbo ni Florante ang pinagtataguan ng mga
Moro at tinalo sila.

Florante: Nanalo ulit tayo!

Haring Linceo: Salamat naman at dumating ka.

Florante: Walang anuman, Haring Linceo. Ginawa ko lamang po ang aking tungkulin.

SCENE 11

Tagapagsalaysay: Mataps noon bumalik na ang lahat sa Albanya.

Haring Linceo: Pasensya ka na, Florante. Ngunit ipadadala ulit kita sa Etolya para lumaban sa mga
Turko. Magiingat ka.

Florante: Masusunod, Haring Linceo.

Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang araw, nakarating na agad ang Hukbo ni Florante sa Etolya. At
natagpuan agad nila ang mga Turko.

Heneral Miramolin: Siguraduhin nyong walang mabubuhay sa kahit isa sa kanila!

Florante: Sugod!!

(Digmaan)

Tagapagsalaysay: Natalo ni Florante si Heneral Miramolin at ang hukbo nito. May isang kawal na
lumapit sa kanya at-

Kawal: Heneral Florante, may pinadala hong sulat si Haring Linceo.

Tagapagsalaysay: Umalis na ang kawal matapos nitong ibigay ang sulat. Binasa si Florante ang liham,
agad niyang kinausap si Menandro.

Florante: Pasensya ka na, Menandro. Ngunit kailangan kong bumalik sa Albanya. Ikaw muna ang
mamahala dito, kaibigan.

Menandro: Wag kang magalala, ako na ang bahala rito.

SCENE 12

Tagapagsalaysay: Bumalik si Florante sa Albanya ng mag-isa. Pagdating niya ay pinaligiran agad siya
ng mga kawal.

Florante: Anong ibigsabihin nito?! Pakawalan niyo ako! (sumisigaw)

Tagapagsalaysay: Dinala ng mga kawal si Florante sa palasyo, at nakita si Adolfo na nakaupo sa


trono.

Adolfo: Kamusta ka na, Florante? Matagal-tagal na rin simula nung tayo’y nagkita.

Page 8 of 10
FLORANTE AT LAURA

Florante: Bastardo! Anong ginawa mo kay Laura?!

Adolfo: Dahan dahan, Florante. Maayos naman ang kalagayan niya. Ngunit ikinalulungkot kong
kailangan na yata magpaalam ang iyong minamahal na ama.

Florante: Walang hiya ka! Papatayin kita! Tandaan mo yan! Papatayin kita!!!

Adolfo: Mga kawal, Alisin nyo na siya dito sa harapan ko.

Tagapagsalaysay: At duon na nagtapos ang kwento ni Florante. Ito naman ang pagkakataon ni Aladin
upang ibahagi ang kanya.

SCENE 13

Aladin: Hayaan mo ako naman ang magkwekwento. Ang aking pangalan ay Aladin, Ako ang anak ni
Sultan Ali-Adab. Ako ay isang prinsipe na galing Persya. Pinatalsik ako ng aking sariling ama.

Ako at ang kasintahang si Flerida ay masayang namumuhay sa Persia, ngunit ako ay napatalsik duon
dahil ang sarili kong ama ay gusto akong patayin dahil may gusto siya sa aking Flerida.

Tagapagsalaysay: Habang nagkukwento si Aladin, ay mayroon ding pangyayari sa kabilang parte ng


kagubatan.

Laura: Anong gagawin mo sa akin?! Tulong! Tulo-

Adolfo: Wag ka ng pumalag.

Tagapagsalaysay: Tinulak ni Adolfo si Laura, dahilan para matumba ito.

Flerida: Itigil mo iyan.

Tagapagsalaysay: Nakita ni Flerida ang nangyari kaya’t pinana niya si Adolfo dahilan upang mamatay
ito. Dali-dali silang tumakbo papalayo.

Florante: Sandali. Nakakarinig ako ng mga boses na malapit lang sa atin.

SCENE 14

Tagapagsalaysay: Hinanap nila kung saan nanggagaling ang mga boses at tumambad sa harapan nila
sina Laura at Flerida.

Florante: Laura!

Laura: Florante, aking sinta!

Aladin:Flerida! Kay tagal nating di nagkita!

Flerida: O Aladin!

Florante: Paano ka napadpad dito, Laura?

Page 9 of 10
FLORANTE AT LAURA

Laura: Nang ika’y nawala nagging magulo ang bayan. Ang mga tao ay niloko ni Adolfo na nagsasabing
masama ang pamamalakad ng aking ama. Mabilis na napatalsik ni Adolfo ang aking ama sa trono.
Pagkatapos nuon pinaslang nya ang ama ko, maging ang am among si Duke Briseo ay hindi din
nakaligtas. Ako ay nagsulat ng liham para saiyo ngunit kay Menandro ito napunta kaya agad siyang
sumugod sa Albanya upang iligtas ako, ngunit mabilis na nakatakas si Adolfo at kinuha ako.

Flerida: Ako ay naawa kay Laura kaya’t tinulungan ko siya nuong nakita ko siyang muntik ng
lapastanganin ni Adolfo. Kaya kinuha ko ang aking busog at palaso at pinana ang walang awang
taong iyon.

Aladin: Ikaw naman Flerida, bakit ka rin napunta rito?

Flerida: Nang malaman kong ikaw ay papatayin ay agad akong tumakas sa kaharian at nagdamit pang
Gerero. Napadpad ako dito para hanapin ka.

Florante: Sadyang napakalupit ng tadhana. Ngunit dahil tayo ay sama sama na ulit ay kailangan nating
magpakatatag.

SCENE 15

Tagapagsalaysay: Habang nagkukwentuhan ang mga magkasintahan ay biglang dumating si


Menandro na hinahanap naman si Adolfo upang patayin. Pero ang nakita ang niya ay sina Florante at
Aladin. Nang malaman nya na maayos ang lahat ay dali daling ibinalik sa Albanya. Di kalaunan ay
nagpakasal na sina Florante, Laura, Aladin, at Flerida. Nagpabinyag ang dalawang magkasintahan na
banyaga. Bumalik na si Aladin at Flerida sa Perysa upang kausapin ang ama, at palitan sya sa pwesto
nito.

At dahil nga wala na sina Haring Linceo, at Duke Briseo si Florante na ang pumalit sa trono.
Nanumbalik ang sigla at kapayapaan sa buong kaharian sa tulong ng pamumuno ng dalawang
magkasintahan. Dito nagtatapos ang kwento nina Florante at Laura.

WAKAS

Page 10 of 10

You might also like