You are on page 1of 35

Florante at Laura Buod Kabanata 1: Gubat na Mapanglaw

(Saknong 1-7)

May isang gubat na napaka dilim. Nagtataasan


at masukal ang mga halaman kung kaya’t hindi
makapasok ang pebong liwanag. Ang mga ibon
ay hirap din sa paglipad dahil sa mga
namimilipit na mga sanga. May mga gumagala
na mga mababangis na hayop katulad ng leon,
tigre, hayena, serpiyente, piton, basilisko, at iba
pa na kahit kailan ang pwedeng umatake sa mga
taong magsisipunta doon.
Talasalitaan:
Mapanglaw – malungkot, malamlam, malumbay
Masukal – madamong kapaligiran
Pebong – araw na sumisikat
Namimilipit – buhol-buhol
Hayena – uri ng hayop na kahawig ng isang lobo
Serpiyente – ahas
Piton – sawa
Basilisko – isang malaki at mukhang butiking hayop
na nakamamatay ang hininga. Maari ka ring
mamatay kung titingnan mo ito sa mata
Florante at Laura Buod Kabanata 2: Ang Nakagapos na
Binata (Saknong 8 – 24)

Sa gitna ng gubat ay may puno ng higera kung saan


nakagapos ang isang lalaki na nagngangalang Florante. Sa
kabila ng kanyang pagkagapos at kaawa-awang itsura ay
bakas pa rin sa kanya ang mala-Adonis na kakisigan.
Mayroong makinis na balat, mahahabang pilik-mata,
buhok na kulay ginto, at magandang pangangatawan. Si
Florante ay naiiyak habang sinasariwa ang kanyang mga
pinagdaanan at ang paglapastangan sa kaharian ng
Albanya sa mga kamay ni Konde Adolfo. Hindi pantay
ang pagturing sa mga tao sa Albanya. Ang mga masasama
ay siyang itinataas at ang mga makatuwiran naman ay
ibinababa. Ngunit nananatiling bingi ang langit sa mga
panawagan ni Florante.

Talasalitaan:
Higera – isang punong mayabong, malalapad ang dahon
ngunit hindi namumunga; fig tree
Sipres – isang uri ng puno na mataas at tuwid lahat ang
sanga
Nakagapos – nakatali
Bakas – marka, palatandaan
Adonis – magandang lalaki na naibigan ni Venus, diyosa
ng kagandahan
Sinasariwa – inaalala
Paglapastangan – kawalan ng paggalang

Florante at Laura Buod Kabanata 3: Alaala ni Laura


(Saknong 25 – 32)

Sa oras na ginugunita ni Florante si Laura ay


napapawi nang pansamantala ang kanyang
dusa’t paghihinagpis. Si Laura na lamang ang
natitirang pag-asa para kay Florante ngunit muli
niyang maaalala na si Laura na kanyang mahal
ay nasa piling na ng kanyang kaaway na si
Konde Adolfo. Mas nanaisin pa niyang
mamatay nalang kaysa sa palaging maalala na
ang kaniyang sinisinta ay may kasama ng iba.

Talasalitaan:
Ginugunita – inaalala
Napapawi – nawawala, nabubura
Pansamantala – panandalian
Dusa – paghihirap
Paghihinagpis – pagdadalamhati
Florante at Laura Buod Kabanata 4: Pusong Nagdurusa
(Saknong 33 – 54)

Lubos ang tinahak na kasawian ni Florante. Kahit


ang taong masama ay maaawa sa kalagayan nito.
Maririnig sa buong gubat ang mga ungol nito ngunit
tanging ang alingawngaw lang niya ang sumasagot
sa kanya. Hindi makapaniwala si Florante sa
kanyang kinahantungan dahil sa labis na
pagmamahal niya para kay Laura ay nagawa pa rin
siyang pagtaksilan nito. Naging buo ang tiwala niya
kay Laura subalit sa likod ng kagandahang tinatangi
nito ay may nagtatagong isang taksil. Lahat ng mga
pag-aalaga dati sa kanya ni Laura ay wala lang pala,
katulad ng pagpapakintab nito sa panangga at
paglilinis ng kanyang baluti dahil ayaw niyang
madudumihan ang kasuotan kung ito ay mapapalapat
sa kanya.Hinimatay si Florante dahil sa labis na
paghihinagpis.

Talasalitaan:
Tinahak – tinungo o dinaanan ang isang pangyayari
o daan
Alingawngaw – tumutukoy sa pag-uulit ng tunog
(echo)
Kinahantungan – sinapit
Baluti – panangga sa katawan; kasuotang panlaban
(armour)

Florante at Laura Buod Kabanata 5: Halina, Laura Ko


(Saknong 55 – 68)

Para kay Florante si Laura lang ang tanging


lunas sa kanyang kahirapan. Umaasang siya
ay muling lilingapin ni Laura. Makita lang
niyang may konting patak ng luha mula sa
mga mata ni Laura ay maapula ang dalitang
nararamdaman nito. Nag-aasam na sana’y
muling damitan dahil puno na ng kalawang
ang kasuotan nito. Lahat ng hirap ay danas
na niya. Dinig sa buong gubat ang mga
panaghoy ni Florante.

Talasalitaan:
Lunas – gamot
Lilingapin – alalayan, tulungan
Maaapula – mawawala, mapapatay
Dalita – mahirap, maralita
Panaghoy – pagdaing, pagluluksa

Florante at Laura Buod Kabanata 6: Ang Pagdating ni Aladin


na Taga-Persiya (Saknong 69 – 82)

Isang gererong may putong na turbante ang


dumating, si Aladin na taga-Persiya.Bigla
itong tumigil upang tumanaw ng
mapagpapahingahan na di kalauna’y hinagis
ang hawak na sandata. Tumingala sa langit
na panay ang buntong-hininga sabay upo sa
tabi ng puno at doon ay nagsimulang tumulo
ang luha. Muli na naman niyang naisip si
Flerida, ang kaniyang pinakamamahal na
inagaw naman ng kanyang ama.

Talasalitaan:
Gerero – mandirigma
Putong – korona
Turbante – telang binabalot sa ulo ng mga
bumbay
Tumanaw – maghanap
Buntong-hininga – malalim na pag-hinga

Florante at Laura Buod Kabanata 7: Pag-alaala sa Ama


(Saknong 83 – 97)

Habang tumatangis si Aladin ay bigla


siyang may narinig na buntong-hininga.
Ibinaling sa kagubatan ang tingin upang
hanapin ang pinanggalingan ng malalim
na paghinga. Malaon ay may narinig
siyang paghikbi at agad niyang
pinuntahan ito. Nakita niya si Florante na
umiiyak habang sinasariwa ang alaala ng
kanyang yumaong ama.
Talasalitaan:
Tumatangis – lumuluha, umiiyak
Buntong-hininga – malalim na pag-hinga
Ibinaling – itinuon
Malaon – pagkalipas, matagalan
Paghikbi – pag-iyak

Florante at Laura Buod Kabanata 8: Ang Paghahambing sa


Dalawang Ama (Saknong 98 – 107)

Sandaling tumigil sa pag-iyak si Florante


ng marinig niya ang pagtangis ng isang
Moro na sa mga kwento nito tungkol sa
kaniyang ama.Kung ang walang patid na
pag-iyak ni Florante ay dahil sa pag-ibig
nito para sa ama, si Aladin naman ay
humihikbi dahil sa matinding poot sa
kanyang ama.Kung gaanong
pagmamahal ang inilalaan ni Florante
para sa ama ay matindi naman ang galit
ni Aladin sa kanyang ama dahil inagaw
nito ang kaisa-isang niyang minamahal
na si Flerida.

Talasalitaan:
Tumagistis – umagos
Patid – tigil
Humihikbi – umiiyak
Poot – galit
Inilalaan – ibinibigay

Florante at Laura Buod Kabanata 9: Dalawang Leon


(Saknong 108 – 125)

Habang nag-uusap si Florante at Aladin ay


may dalawang leon hangos nang
paglakad.Ngunit kahit ang mga leon ay
nahabag sa kalunos-lunos na sinapit, kahit
ang bangis ay hindi na maaninag sa mga
mukha nito.May takot na naramdaman si
Florante dahil nasa harap na niya ang
mabangis na kamatayan na kukumpleto sa
kasamaang nararanasan niya.

Talasalitaan:
Hangos – hingal; pagmamadali maging sa
pagsalita, sa pagkilos, o sa paggawa
Nahabag – naawa
Kalunos-lunos – kaawa-awa
Sinapit – dinanas
Maaninag – makita

Florante at Laura Buod Kabanata 10: Ang Paglaban ni Aladin


sa Dalawang Leon (Saknong 126 – 135)

Nakita ni Aladin ang dalawang leon na


mukhang gutom na. Ito ay may mga
nagngangalit na ngipin at matatalas na kuko
na kahit na anong oras ay maaaring
makapatay.Paglaon ay biglang nang-akma
ang mga leon ngunit dali-daling umatake na
din si Aladin na parang may lumitaw na
marte mula sa lupa.Bumabaon ang bawat
pagkilos ng tabak na hawak ni Aladin at
napatumba niya ang dalawang leon.

Talasalitaan:
Nagngangalit – galit
Paglaon – paglipas
Akma – tama, angkop
Marte – Si Mars, diyos ng pakikipaglaban
Tabak – espada

Kay Selya

Inalala ni Balagtas ang naudlot na


pagmamahalan nila ng kanyang mahal na
si Selya. Siya ay nababahala na baka
nakalimutan na siya nito maging ang
mga ala-ala ng kanilang pagsasama. Ang
pagkalimot na iyon ay ang nagdala sa
kanyang kapalaran sa lubhang
kalungkutan. Sa pag-aakalang tuluyan ng
nakalimot si Selya, siya ay nangulila sa
pagmamahal at nagdusa.
Inaliw na lamang niya ang kanyang sarili
sa pamamagitan ng pag-alala sa nakaraan
at sa mukha ni Selya upang maibsan ng
kahit na konti ang kanyang
kalungkutan.Iginuhit niya ang
magandang mukha ni Selya, ang larawan
na iyon ang tanging ala-ala niya.
Florante at Laura Buod Kabanata 11: Ang Mabuting Kaibigan
(Saknong 136 – 145)
Nang mapagtagumpayan ni Aladin ang
nagbabadyang panganib na dala ng
dalawang leon ay agad niyang
pinakawalan ang nakagapos na si
Florante. Ito ay walang malay at ang
katawan ay malata na parang bangkay.
Gulong-gulo ang kanyang loob ngunit
muling napayapa ng idilat ni Florante
ang kanyang mga mata. Sa kanyang
pagdilat ay agad niyang sinambit ang
pangalan ni Laura.

Talasalitaan:
Nagbabadya – nagbabanta
Nakagapos – nakatali
Malata – nanlalambot
Pagdilat – pagbukas ng mata
Sinambit – sinabi, binanggit
Florante at Laura Buod Kabanata 12: Batas ng Relihiyon
(Saknong 146 – 155)

Nang magising si Florante ay nagitlahanan


kung bakit siya nasa kamay ng isang moro.
Agad namang nagpaliwanag si Aladin na
siya ang tumulong at nagligtas sa kaniya
kung kaya’t hindi siya dapat mabahala.Si
Florante ay taga-Albanya at si Aladin naman
ay taga-Persya. Ang dalawang bayan na ito
ay magkaaway ngunit sa ginawang
pagtulong at pagkalinga ay naging
magkatoto sila.

Talasalitaan:
Nagitlahanan – nagtaka
Moro – muslim
Mabahala – mag-alala
Pagkalinga – pag-aalaga
Magkatoto – magkaibigan
Florante at Laura Buod Kabanata 13: Ang Pag-aalaga ni
Aladin Kay Florante (Saknong 156 – 172)

Binuhat ni Aladin si Florante ng makita nitong


lumulubog na ang araw. Inilapag ito sa isang
malapad at malinis na bato.Kumuha ng makakain at
inaamo si Florante na kumain kahit konti lamang
upang magkaroon ng laman ang tiyan nito. Umidlip
si Florante habang ito ay nakahiga sa sinapupunan ni
Aladin.Kinalinga ni Aladin si Florante buong
magdamag dahil sa pag-aakalang may panganib na
gumagala sa gubat.
Nang magmadaling araw ay nagising na si Florante
at lumakas muli ang katawang hapo. Lubos ang
pasasalamat ni Florante kay Aladin. Tuwang-tuwa si
Aladin at niyakap niya si Florante.
Kung nung una ay awa ang dahilan sa pag-iyak ni
Aladin, ngayon naman ay napaluha siya dahil sa
tuwa.

Talasalitaan:
Inamo – sinuyo
Umidlip – natulog
Sinapupunan – bahay-bata; kinakanlungang mga
hita; ibaba ng hita na pinagkakalungan; dibdib o
suso ng babaeng tao o hayop
Kinalinga – inalagaan
Hapo – hingal
Florante at Laura Buod Kabanata 14: Kabataan ni Florante
(Saknong 173 – 196)

Naupo ang dalawa sa ilalim ng puno at isinalaysay ni


Florante kay Aladin ang kanyang buhay simula sa una
hanggang sa naging masama ang kanyang kapalaran.Si
Florante ay ipinanganak sa Albanya. Sina Duke Briseo at
Prinsesa Floresca naman ang kaniyang mga
magulang.Kung sa Krotona siya ipinanganak, siyudad ng
kanyang ina, imbes sa Albanya na siyudad ng kanyang
ama ay mas naging masaya sana siya.
Ang kaniyang ama ay naging tagapayo kay Haring
Linceo.Nakuwento rin niya na kamuntikan na siyang
madagit ng isang buwitre habang ito’y natutulog sa kinta
nung siya’y bata pa.Napasigaw ang kanyang ina, agad
itong narinig ni Menalipo at pinatay ang buwitre sa
pamamagitan ng pagpana dito.Nung si Florante ay siyam
na taong gulang, mahilig siyang maglaro sa burol kasama
ang kaniyang mga kaibigan at doo’y namamana ng mga
ibon.Madaling araw palang ay umaalis na ito sa kanila at
inaabot ng tanghaling tapat.Ngunit hindi nagtagal ang
mga masasayang alaala ni Florante doon dahil inutos ng
kanyang ama na siya’y umalis sa Albanya.
Talasalitaan:
Isinalaysay – ikinuwento
Tagapayo – pribadong tagapayo
Madagit – makuha
Buwitre – uri ng ibon na kumakain ng mga bangkay
Kinta – maliit na daungan (cottage)

Florante at Laura Buod Kabanata 15: Ang Pangaral sa


Magulang (Saknong 197 – 204)

Sinariwa ni Florante ang turo ng


magulang na kung mamimihasa ang
isang bata sa saya at madaling
pamumuhay ay walang kahihinatnan na
ginhawa ito.Ang mundo ay puno ng
kahirapan kung kaya’t dapat ay patibayin
ang kalooban dahil kapag ang tao ay di
marunong magtiis, hindi niya
mapaglalabanan ang mga pagsubok na
hatid ng mundo.Kung kaya’t ipinadala si
Florante sa Atenas nung siya’y bata pa
upang doon ay mag-aral. Doon ay
mamumulat ang kaniyang kaisipan sa
totoong buhay.

Talasalitaan:
Sinariwa – inalala
Mamimihasa – sasanayin
Kahihinatnan – resulta
Patibayin – palakasin
Mamumulat – mabubuksan

Florante at Laura Buod Kabanata 16: Si Adolfo sa Atenas


(Saknong 205 – 214)

Si Adolfo ay kababayan ni Florante na


siyang anak naman ni Konde Sileno. Siya ay
mas matanda ng dalawang taon kumpara kay
Florante na labing isang taong gulang.Si
Adolfo ay isang mahinhin na bata at laging
nakatungo kung maglakad. Siya’y pinopoon
ng kanyang kamag-aral dahil sa angking
katalinuhan at kabaitan.Ngunit sa hindi
mapaliwanag na dahilan ay nakakaramdam
si Florante ng pagkarimarim kay Adolfo
kung kaya’t umiiwas ito sa kanya.At kahit
itago pa ni Adolfo ay batid din ni Florante
na ganun din ang nararamdaman nito para sa
kanya.

Talasalitaan:
Mahinhin – marahan
Nakatungo – nakayuko
Pinopoon – hinahangaan
Pagkarimarim – pagkasuklam
Batid – alam

Florante at Laura Buod Kabanata 17: Ang Kataksilan ni


Adolfo (Saknong 215 – 231)

Paglaon ay mas nahasa ang katalinuhan ni


Florante. Naging magaling siya sa larangan ng
pilosopiya, astrolohiya, at matematika.Naging
matagumpay sa buhay si Florante at si Adolfo
naman ay naiwan sa gitna. Siya ay naging
tagapamalita sa Atenas.Naging bukambibig sa
taong bayan ang pangalan ni Florante. Dito na
nagsimulang mahubadan si Adolfo ng hiram na
kabaitan at ang kahinhinang asal sa pagkatao ay
hindi bukal kay Adolfo.

Talasalitaan:
Paglaon – paglipas
Pilosopiya – mga kuro-kuro ng isip
Astrolohiya – palagay sa mga ipinahihiwatig ng
mga bituin sa langit
Matematika – agham ng mga bilang
Bukambibig – tao o bagay na siyang laman ng
pinag-uusapan
Kahinhinan – marahan
Bukal – natural

Florante at Laura Buod Kabanata 18: Ang Kamatayan ng Ina


ni Florante (Saknong 232 – 239)

Isang taon pa ang ginugol si Florante sa Atenas


nang makatanggap siya ng isang liham na na
nagsasabi na patay na ang kanyang ina.Parang
batis ang kanyang mga mata dahil sa pagluha.
Pakiramdam niya ay nawalan siya ng isang
matibay na sandigan at nakikibaka ng mag-isa
sa buhay.

Talasalitaan:
Ginugol – pinaglaanan, ginastos
Liham – sulat
Batis – antong tubig na mas maliit kaysa ilog,
walang tigil sa pag-agos
Sandigan – sandalan
Nakikibaka – nakikipaglaban

Florante at Laura Buod Kabanata 19: Mga Habilin ni Antenor


kay Florante (Saknong 240 – 253)

Bilin ni Antenor, guro ni Florante na


mag-iingat at huwag malilingat sa
maaaring gawing paghihiganti ni
Adolfo.Wag padadala sa masayang
mukha na ipakita nito sa kanya. Maging
mapagmatyag daw ito sa sa kalaban na
palihim siyang titirahin.

Talasalitaan:
Habilin – payo
Malilingat – mawala sa pokus
Mapagmatyag – alerto, mapagbantay
Palihim – patago
Titirahin – kakalabanin

Florante at Laura Buod Kabanata 20: Pagdating sa Albanya


(Saknong 254 – 263)

Pag-ahon ay agad tumuloy sa Kinta. Kung saan


ay humalik sa kamay ng kanyang ama. Iniabot
ng ambasador ng bayan ng Krotona ang isang
liham kay Duke Briseo.Nakasaad sa liham na
humihingi ng tulong ang lolo ni Florante na hari
ng Krotona dahil ito ay napapaligiran ng mga
hukbo ni Heral Osmalik. Si Heneral Osmalik ay
taga Persya na pumapangalawa sa kasikatan ni
Aladin na isang gerero.

Talasalitaan:
Kinta – maliit na daungan (cottage)
Ambasador – sugong kinatawan
Liham – sulat
Nakasaad – nakalagay, nakasulat
Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Gerero – Mandirigma

Florante at Laura Buod Kabanata 21: Ang Heneral ng Hukbo


(Saknong 264 – 274)
Agad nagtungo sina Duke Briseo at Florante
kay Haring Linceo ng malaman ang balita na
pagbabanta sa Krotona. Hindi pa man
nakakaakyat sa palasyo ay sinalubong na ang
mga ito ni Haring Linceo. Niyakap niya si Duke
Briseo at kinamayan naman si Florante.
Nagkwento si Haring Linceo na may nakita
siyang gerero sa kaniyang panaginip, na
kamukha ni Florante, na siyang magtatanggol sa
kaharian. Tinanong ni Haring Linceo kay Duke
Briseo kung sino ito at kung taga saan ito.
Sumagot naman ito na ang kamukhang binata na
iyon ay si Forante, ang anak niya. Sa
pagkamangha ni Haring Linceo ay niyakap niya
ito at ginawang Heneral ng hukbo na tutulong sa
Krotona.

Talasalitaan:
Nagtungo – nagpunta
Pagbabanta – babala na may halong pananakot
Gerero – mandirigma
Pagkamangha – pagkagulat
Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Florante at Laura Buod Kabanata 22: Si Laura (Saknong 275
– 287)

Biglang may natanaw ni Florante na


magandang babae. Ang taong di
mabibighani sa babaeng ito ay
maituturing na isang bangkay.Ang
babaeng ito ang ikinasisira ng pag-iisip
ni Florante sa tuwing magugunita, ito ay
si Laura anak ni Haring Linceo. Dahil sa
pagkabigla ay hindi makapagbitaw ng
salita si Florante. Mapapansin din sa
kaniyang mga mata ang patak ng luha.

Talasalitaan:
Natanaw – nakita
Mabibighani – mahuhulog,
magkakagusto
Magugunita – maiisip, maaalala
Pagkabigla – pagkagulat
Makapagbitaw – makapagsabi,
makapagsalita

Florante at Laura Buod Kabanata 23: Pusong Sumisinta


(Saknong 288 – 295)

Dahil sa biglaang pagkakita kay Laura, nawala na sa


diwa si Florante. Hindi na ito makapag-isip ng
maayos dahil sa hindi inaasahang pagkakita muli sa
kanyang mahal na si Laura. Tatlong araw siyang
piniging ng hari sa palasyo ngunit hindi man lang
tinignan ni Florante si Laura.
Mas matindi pa ang sakit na dinulot ng pag-ibig
kaysa sa sakit ng mawalan ito ng ina. Mabuti at
nabigyan siya ng kaunting pagkakataon na
makasama si Laura bago pumunta ang hukbo ni
Florante sa Krotona. Umamin si Florante na mahal
pa rin niya si Laura ngunit wala itong sagot. Tumulo
ang isang patak ng luha mula sa mga mata ni Laura.
Malapit ng bumigay si Laura sa mga sinasabi ni
Florante ngunit nanaig pa rin ang kanyang isip.

Talasalitaan:
Diwa – pag-iisip
Piniging – pagtitipon na may maraming handa
(fiesta)
Dinulot – resulta
Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Nanaig – nangibabaw

Florante at Laura Buod Kabanata 24: Pakikipaglaban Kay


Heneral Osmalik (Saknong 296 – 313)

Inatake ng hukbo ni Florante ang pwersa ng


nakapaligid sa buong siyudad at halos bumigay
na ang mga pader nito. Nagkaroon ng matinding
labanan at may dumanak na mga dugo.
Pinapanood ni Heneral Osmalik si Florante
habang kinakalaban at pinapatay ang pitong
hanay ng mga moro.Lumapit ang Heneral kay
Florante na nagniningas ang mga mata at
hinamon ito na labanan siya. Umabot sa limang
oras ang kanilang labanan ngunit sa huli ay
nasawi rin si Heneral Osmalik. Pinagdiwang ng
mga tao sa Krotona ang tagumpay na laban ni
Florante.

Talasalitaan:
Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Dumanak – umaagos
Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
Moro – muslim
Nagniningas – nagagalit

Florante at Laura Buod Kabanata 25: Pagsagip Kay Laura


(Saknong 314 – 323)

Nanatili si Florante sa Krotona ng limang buwan. Gusto


na niyang makauwi sa Albanya dahil gusto na ulit niyang
masilayan si Laura.Habang nag mamartsa ang hukbo
pauwing Albanya ay nakita nila ang mga moog ng
siyudad. Nakita rin niya ang bandila ng Persiya imbes na
bandera ng Kristiyano. May nakita silang grupo ng mga
moro sa paanan ng bundok na may kasamang isang babae
na nakatali ang mga kamay at nakatakip ang mukha.
Mukhang papunta sa lugar na kung saan ay pupugutan ng
ulo ang babae. Dali-daling nilusob ni Florante ang
morong nagbabantay sa babae at ito ay napatakbo.
Sinaklolohan ni Florante ang babae, tinanggal nito ang
mga tali sa kamay at takip sa mukha. Ang babae pala ay si
Laura. Napatingin ng malalim si Laura kay Florante. Ang
mga tingin na ito ay siyang nagtanggal ng paghihirap sa
puso ni Florante. Narinig niya ang sinabi ni Laura na
“Florante, Mahal ko”.

Talasalitaan:
Pagsagip – pagligtas, pagtulong
Masilayan – makita
Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Moro – muslim
Nilusob – sinugod
Moog – napapaligiran ng pader

Florante at Laura Buod Kabanata 26: Pagtataksil ni Adolfo


(Saknong 324 – 343)
Sinabi ni Laura kay Florante na binihag ng mga moro sina Haring
Linceo at Duke Briseo. Nag-utos si Florante na lusubin ng hukbo ang
Albanya at bawiin ito sa mga kamay ng mga taga-Persiya. Nang
makapasok sa kaharian ng Albanya ay agad dumiretso sa kulungan at
pinalaya si Haring Linceo at Duke Briseo.Pinalaya na rin niya pati si
Adolfo mula sa pagkakakulong dahil sa bukal na kagandahan ng loob.
Muling nagdiwang ang lahat ng tao dahil lubos sa pagpapasalamat nila
kay Florante, maliban kay Adolfo.Nais pakasalan ni Adolfo si Laura
dahil sa intensyon nitong makuha ang posisyon ng pagiging hari sa
Albanya.Naramdaman din niyang mahal ni Laura si Florante kaya mas
lalo itong nainggit. Nagdaan ang panahon at nakaranas pa din ng
pagsalakay ang Albanya katulad ng hukbo mula sa Turkiya at marami
pang digmaan.
Ngunit dahil si Florante ang inaatasang maging heneral ay
napapagtagumpayan nito ang lahat ng laban. Pagkatapos ng isa pang
laban sa Etolia, nakatanggap siya ng liham mula kay Haring Linceo na
nagsasabing bumalik na siya sa Albanya.Ipinasa ni Florante kay
Menandro ang pamamahala sa hukbo sa Etolia. Laking gulat ni Florante
ng makita niyang pinaliligiran siya ng 30,000 mga sundalo sa kanyang
pag-uwi at agad itong nilagyan ng gapos at ikinulong. Labis ang
pagkagulat at pagkalungkot ng malaman niyang pinatay nito sila Haring
Linceo at Duke Briseo. Nasilaw si Adolfo sa kasikatan at kinain ng galit
at inggit kay Florante, kaya puro paghihiganti ang nasa isip nito at
pagpatay kay Florante.

Talasalitaan:
Binihag – ikinulong, ibinilanggo
Lusubin – sugurin
Bukal – natural
Pagsalakay – pagsugod, paglusob
Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
Etolia – magubat na rehiyon sa Greece
Liham – sulat
Gapos – tali

Florante at Laura Buod Kabanata 27: Nagsalaysay si Aladin


(Saknong 344 – 360)

Labing walong araw na si Florante sa bilangguan. Gabi ng


kinuha siya sa kulungan pagkatapos ay dinala ito sa gubat
at iginapos sa puno.Dalawang araw naman ang lumipas
bago ito muling magising. Pagdilat niya ay ayun siya sa
kandungan ni Aladin.Nagpakilala si Aladin bilang taga-
Persiya na anak ni Sultan Ali Adab. Sinubukan niyang
ikwento ang tungkol kay Flerida at kanyang ama ngunit
naunahan ito ng kanyang mga luha.Minsan na ring
nakaranas si Aladin ng madaming giyera ngunit mas
nahirapan siya kay Flerida.
Masuwerte siya sa matagumpay na panliligaw kay Flerida
ngunit pumasok naman sa eksena ang kanyang ama.Kaya
kahit nagtagumpay siya sa giyera sa Albania, umuwi
parin siya sa Persiya na parang bilanggo.Nabawi ni
Florante ang kaharian ng Albania kaya kinakailangan na
pugutan si Aladin.May dumating na Heneral sa kulangan
nito bago pa man ito pugutan. Ang Heneral ay may dala-
dalang balita na hindi na raw pupugutan ito ng ulo ngunit
kailangan niyang umalis sa Persiya. Ang balitang ito ang
lalong nagpahirap kay Aladin dahil mas nanaisin nalang
niyang pugutan ng ulo kaysa sa mabuhay nang alam
naman niyang may kasamang iba ang mahal niyang si
Flerida

Talasalitaan:
Nagsalaysay – nagkuwento
Bilangguan – kulungan
Iginapos – itinali
Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
Nanaisin – gugustuhin

Florante at Laura Buod Kabanata 28: Si Flerida (Saknong


361 – 369)

Nang malaman ni Flerida na pupugutan ng ulo si Aladin ay


nagmakaawa at lumuhod ito sa paanan ng masamang hari na si
Sultan Ali Adab.Sinabi ng sultan na kung hindi tatanggapin ni
Flerida ang pagmamahal nito ay hindi nito papatawarin si
Aladin at tutuluyan na mapugutan.Dahil sa takot na mamatay si
Aladin ay pumayag na ito sa kagustuhan ng sultan. Natuwa ang
sultan sa naging desisyon ni Flerida kaya napahinunod niya ito
at pinakawalan. Ngunit katulad ng napag-usapan ay pinalayas
niya ito sa Persiya. Sobra ang pagdurusa ni Flerida sa pagkawala
ni Aladin.

Pinaghandaan ng buong Persiya ang kasal nina Flerida at ng


sultan. Bago pa man maikasal ay naisipan na ni Flerida na mag
damit ng pang sundalo at tumakas sa palasyo.Pagala-gala si
Flerida sa gubat ng halos ilang taon, hanggang sa isang araw ay
naabutan niyang pinupwersa ni Konde Adolfo si Laura.

Talasalitaan:
Napahinunod – napapayag
Pinalayas – pinaalis
Pagdurusa – paghihirap
Tumakas – umalis o lumayo ng walang paalam
Naabutan – nadatnan

Florante at Laura Buod Kabanata 29: Mga Salaysay ni Laura


at Flerida (Saknong 370 – 392)

Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan ni Flerida at Laura ay biglang


dumating sina Prinsipe Aladin at Duke Florante. Galak na galak ang
mga ito dahil kilala nila ang mga boses ng mga nagsasalita. Tuwang-
tuwa si Florante ng makita niya si Laura. Masayang-masaya ang apat
dahil nakasama nila ang kanilang mga minamahal. Nagkwento si Laura
na nung umalis daw si Florante sa Albanya ay kumalat ang sabi-sabi na
may nagaganap na kaguluhan sa kaharian. Ngunit ‘di matukoy kung ano
ang pinagmulan nito.
Ang paniniwala ng mga tao ay si Haring Linceo ay nagmomonopolya sa
mga pagkain at trigo ngunit si Adolfo pala ang nag-uutos ng pagkubkob
sa pagkain.Agad na pinatalsik ng taumbayan si Haring Linceo sa trono
at pinugutan ito. Umakyat sa trono si Adolfo at binalaan niya si Laura na
papatayin ito kung hindi susundin ang gusto.Nagkunwaring gusto na ni
Laura si Adolfo para makahanap ng paraan para masulatan si Florante at
ikwento ang nangyari sa Albanya habang wala ito.
Ngunit huwad na sulat na may selya ng hari ang natanggap ni Florante.
Nakasaad doon na umuwi siya ng mag-isa sa Albanya at iwan ang hukbo
kay Menandro.Samantalang ang sulat ni Laura ay nakarating naman kay
Menandro kaya agad itong sumugod kasama ang kanilang hukbo pabalik
ng Albanya.Tumakas si Adolfo at dinala si Laura sa gubat. Dito na
naabutan ni Flerida ang pagsasamantala ni Adolfo kay Laura.
Pagkatapos ay si Flerida naman ang nagkwento, nung dumating daw
siya sa gubat ay may narinig siyang boses ng babae na sinasaktan.
Pinuntahan niya kung saan nagmula ang ungol at nakita niyang si Laura
pala iyon na pinipilit ni Adolfo. Pinaliparan ni Flerida ng palaso si
Adolfo.

Talasalitaan:
Monopolyo – uri ng kalakaran na kung saan ay isang kumpanya lang
ang nagbibigay ng isang partikular na produkto o serbisyo
Trigo – uri ng bigas na ginagawang harina
Pagkubkob – pagsalakay
Tunod – shaft
Palaso – arrow

Florante at Laura Buod Kabanata 30: Wakas


Sa pagkukuwento ni Flerida ay biglang
dumating si Menandro. Labis ang tuwa ng
makita niya si Florante.
Nagdiwang din ang mga ehersito mula sa
Etolia. Pagkalaon ay dinala ang apat sa
kaharian ng Albanya.Nagpabinyag sina
Aladin at Flerida bilang isang Kristiyano at
nagpakasal.Nasawi si Sultan Ali Adab kaya
bumalik na si Aladin sa Persiya.Bumalik
ang kaayusan sa kaharian dahil sa bagong
pamumuno ng bagong hari at reyna na sina
Duke Florante at Reyna Laura.

Talasalitaan:
Nagdiwang – nagsaya
Ehersito – hukbo, military
Etolia – magubat na rehiyon sa Greece
Nasawi – namatay
Pamumuno – pagpapatakbo

You might also like