You are on page 1of 15

MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D1

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 8


Ikaapat Na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Unang Araw

MELC: Nasusuri ang dahilan, mahahalagang pangyayari at bunga ng Unang


digmaang pandaigdig.
Layunin: Natataya ang mga epekto ng unang digmaang pandaigdig.

I. Panimulang Impormasyon

Bago sumapit ang 1914 nagsimula nang maniwala ang mga tao na wala nang
magaganapn na malaking digmaan. Dahil ito ay sobrang mapinsala wala ng bansang
magtutulak sa daigdig sa ganitong sakuna. Ang mga lider ay naging responsible na, ang
lipunan ay mas sibilisado at makabago, at ang mga sandata ay lalong nakamamatay, kaya
ang isang digmaan ng makapangyarihang mga bansa ay mukhang imposible.
Mali sila dahil muling nagdigmaan ang mga makapangyarihan, sinisisi ang isa’t -isa
kung sino ba talaga ang nag umpisa. Ang nawalang buhay at ari-arian sa Unang Digmaang
Pandaigdig ay mas Malaki kaysa sa mga nagdaang digmaan. Mas maraming mga bansa
ang kalahok sa maraming panig ng mundo kaya nagsimula ang panahong pangkalahatan o
pandaidig na digmaan.

II. Konsepto ng Pagkatuto / Learning Concepts

Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay tinatawag na The Great War dahil ito ang
itinuturing na pinakamalaking digmaang naganap sa kasaysayan noong mga panahong iyon.
Sa digmaang ito pinakamadaming sundalo ang namatay, bansang kasangkot at dami ng mga
napinsalang tao gayundin ang iba’t-ibang ari-arian at imprastruktura. Tinatayang may 10
milyong sundalo ang namatay at 21 milyon ang nasugatan at milyong sibilyan ang nakaranas
ng trauma.

D
I
G
M
A
A
N

Page 1 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D1

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

Epekto sa Ekonomiya
Nag-iwan ng malaking pinsala at nagdulot ng matinding epekto sa Europe ang
nangyaring digmaan. Nagkaroon ng tag-gutom sa Europa gayundin ang kawalan ng damit,
gasoline at iba pang pangangailangan. Marami ang nagkaroon ng sakit at namatay sa
epidemya ng influenza na tumama sa mga sangkot na bansa. Milyon-milyong halaga ng ari-
arian at inprastraktura ang nawasak na tuluyang nagpabagsak sa ekonomiya ng mga bansa
sa Europa.

Papel ng Kababaihan
Nagdulot ang digmaan ng oportunidad sa kababaihan. Habang nasa digmaan ang mga
lalaki, nabigyan ng pagkakataon na magtrabaho ang mga babae sa bukid at mga pabrika.
Nagtrbaho sila bilang drayber, klerk sa bangko, teknisyan sa mga laboratory at kusinera sa
mga kampo at ospital. Nabigyan ng karapatan ang kababaihan na 30 taong gulang pataas na
bumoto sa Britanya at ng Estados Unidos noong 1918. Ito ay binaba sa edad na 21 noong
1928.

Pulitikal
Isa sa naging resulata ng digmaan ay ang pagbagsak ng apat na dinastiya – ang Habsburg,
Romanov, Ottoman at Hohenzollern na naging hudyat sa pagwawakas ng monarkiya sa
Europe. Nagkaroon ang din ng iba’t-ibang rebolusyon katulad ng pagsisimula ng Rebolusyong
Bolshevik sa Rusya, ang kaununahg rebolusyong komunista sa daigdig.

Teknolohiya
Sa bawat henerasyon ay mayroong nagagawang bagong armas na nagdudulot ng
pangamba sa mga bansa. Sa unang pagkakataon ang digmaan ay hindi lamang labanan ng
mga sundalo naganap din ito sa lupa, dagat, ilalim ng dagat at himpapawid. Gumamit ang
Aleman ng mga submarine na tinatawag na U-boats noong atakihin nila ang mga sasakyang
pandagat ng Britanya. Gumamit din ang mga Briton at Aleman ng mga eroplano sa pag-
eespiya at mga eroplano na ay kargang bomba na kayang puminsala sa mga base ng
kalaban. Ipinakilala rin sa digmaang ito ang mga tangke, land mines,machine guns, granada,
at iba pang armas na ginagamit sa digmaan. Ang malalaking kanyon na pinangalanang
Bertha na kayang puminsala ng hanggang 75 milya. Ginamit din ng mga Aleman ang chlorine
gas na kayang magpahilo at magpasuka sa mga nakakalanghap nito.

Pagbati! Ngayon sagutin mo naman ang mga gawaing


inihanda para sa iyo.

Page 2 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D1

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

III. Kasanayan sa Pagkatuto/Practice Exercise

Gawain 1: Subukan natin!


Panuto: Tukuyin kung anong epekto ang isinasaad sa pangungusap. Pumili sa kahon at
bilugan ito.

1. Gumamit ang mga Aleman ng chlorine gas na kayang magpahilo at suka sa


makakalanghap nito.

Epekto sa Ekonomiya Papel ng Kababaihan Pulitikal Teknolohiya

2. Nagkaroon ng karapatan ang kababaihan 30 taon pataas na bumoto.

Epekto sa Ekonomiya Papel ng Kababaihan Pulitikal Teknolohiya

3. Nagkaroon ng tag-gutom sa Europa.

Epekto sa Ekonomiya Papel ng Kababaihan Pulitikal Teknolohiya

4. Gumamit ang Aleman ng U-boats noong atakihin nila ang sasakyang pandagat ng mga
Britanya.

Epekto sa Ekonomiya Papel ng Kababaihan Pulitikal Teknolohiya

5. Milyon-milyong ari-arian ang nawasak at imprastraktura ang nasira na nagpabagsak


ng ekonomiya.

Epekto sa Ekonomiya Papel ng Kababaihan Pulitikal Teknolohiya

6. Nagkaroon ng iba’t- ibang rebolusyon.

Epekto sa Ekonomiya Papel ng Kababaihan Pulitikal Teknolohiya

7. Marami ang nagkaroon ng sakit at namatay sa epidemya ng influenza.

Epekto sa Ekonomiya Papel ng Kababaihan Pulitikal Teknolohiya

8. Nagkaroon ng pagkakataon na magtrabaho ang mga babae sa bukid at pabrika.

Epekto sa Ekonomiya Papel ng Kababaihan Pulitikal Teknolohiya

Page 3 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D1

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 2: Kaya Mo Ito


Panuto: Itala ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandaidig. Isulat ang sagot iyong sa loob
ng kahon.

Epekto ng Unang Dimaang Pandaidig

Epekto sa Ekonomiya

Pulitikal

Papel ng Kababaihan

Teknolohiya

Tandaan: Bilang unang pandaidig na alitan ang Unang Digmaang Pandaidig ay nagdulot ng
malaking pagbabago sa daigdig. Ito ay nagdulot ng teribleng pagkawala ng buhay at ari-arian.
Ang kabuuang halaga ng digmaan ay umabot sa $186, 000, 000,000. Nagdulot ng hinagpis
at lungkot sa mga nakaligtas at naulila. Pinatigil ang pandaidigang ekonomiya dahil sa pinsala
sa agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa. Nagdala ng
pagbagsak ng mga imperyo at pagsilang ng mga bagong republika sa Europe. Hindi ito
nakapagdulot ng lubos na kapayapaan sa daigdig. Ang malulupit na tadhana ng Versailles
Treaty ay nagpagalit sa Germany kaya ang digmaan ay naghasik ng binhi ng isa pang
digmaan.

Page 4 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D1

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

PAGTATAYA

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagdala ng pagbagsak ng imperyo ng daigdig


maliban sa isa.

A. German Empire
B. Ottoman Empire
C. Poland Empire
D. Russian Empire

2. Anong taon nag-umpisa at natapos ang Unang Digmaang Pandaigdig?

A. 1916 – 1920
B. 1914 – 1918
C. 1917 – 1918
D. 1915 – 1920

3. Ano ang tawag sa malalaking kanyon na kayang puminsala ng hanggang 75 milya?

A. Ana
B. Bertha
C. Martha
D. Wilson

4. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay tinawag na _________________ dahil ito ang


pinakamalaking digmaan na naganap noong ika-20 siglo.

A. Banal na Digmaan
B. Dakilang Digmaan
C. Malaking Digmaan
D. Mapaminsalang Digmaan

5. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng teribleng pagkawala ng buhay at ari-


arian at malaking halaga ang nagamit na tumatayang.

A. $186 bilyon
B. $186 milyon
C. 10 milyon
D. 27 bilyon

Sanggunian:

https://tl.warbletoncouncil.org/fases-primera-guerra-mundial-6092
https://phoneky.com/wallpapers/?id=w35w739944
https://redtech2.weebly.com/
Kasasayan ng Daigidg Ikaapat na Edisyon Ni Dr. Sonia M. Zaide
Makisig Kasaysayan ng Daigidg nina Molina, Alcantara, Somera, Moncal, Sismondo at Fronteras

Inihanda ni:
Maria Katrina P. Malicdem
Pasay City East High School

Page 5 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D2

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 8


Ikaapat Na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikalawang Araw

MELC: Nasusuri ang dahilan, mahahalagang pangyayari at bunga ng unang digmaang


pandaigdig.
Layunin: Naipaliliwanag ang mga Kasunduang Pangkapayapaan na nabuo pagkatapos ng
Unang Digmaang Pandaigdig

I. Panimula Impormasyon

Ang natalong Central Powers ay lumagda sa magkakahiwalay na kasunduang


pangkapayapaan sa mga nanalong Allies. Ang mga kasunduang naglalaman ng mahihigpit
na tadhana ayon sa dikta ng mga nagtagumpay, ay ang mga sumusunod:
• Treaty of Versailles sa Germany - Hunyo 28, 1919
• Treaty of St. Germain sa Austria – Setyembre 10, 1919
• Treaty of Neuilly sa Bulgaria – Nobyembre 27, 1919
• Treaty of Trianon sa Hungary – Hunyo 4, 1920
• Treaty of Sevres ng Turkey – Agosto 20, 1920
Si Mustafa Kemal, na nagpatalsik sa Ottoman Sultan ay tinanggihan ang Treaty of Sevres
Treaty at pilayas ang mga Allied Forces na nagtangkang okupahin ang Turkey. Dahil sa
tagumpay na ito, ang Turkey ang tanging kasunduang pangkapayapaan na ipinatupad ng
Allies. Ang Turkey ang nakakuha ng mas magandangkasunduan.

II. Konsepto ng Pagkatuto/ Learning Concepts

Mga Kasunduang Pangkapayapaan

Kasunduan ng St. Germain


• Inatasan nito ang Austria na ibigay ang malaking teritoryo nito sa Czechoslovakia,
Poland, Yugoslavia, at Italya.
• Matapos magawa ito, halos wala nang natira sa Austria.
• Ang hiling nitong isapi na lamang siya sa Alemanya bilang isang maliit na estado nito ay
hindi pinayagan ng magkakampi.

Kasunduan ng Trianon
• Tatlong-kapat ng kaharian ng Ungriya ang kinuha nito at ipinamahagi sa mga bagong-
tatag na estado sa may hangganan ng Ungriya (Hungary).

Page 6 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D2

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

Kasunduan ng Neuilly
Inalis nito ang lagusan ng Bulgaria (na kumampi sa mga natalo) palabas sa Dagat
Aegean.
Kasunduan ng Serves
• Kinumpiska nito ang mga lupaing Arabe ng dating Imperyong Ottoman upang ibigay sa
Pransya at Britanya.
• Kasama sa kasunduang ito ang pag-uka at pagpalit sa lupain ng Turkiya; subalit nang
malaman ito ng mga Turko ay nagwala sila nang husto at naghanda para ipaglaban ang
kanilang bansa kaya't hindi ito natuloy.

Kasunduan sa Versailles
• Ito ang pinakamahalaga sa lahat ng mga kasunduang nagawa sa pagtatapos ng Unang
Digmaang Pandaigdig
• Ito ay binalangkas ng Versailles Conference na binuo ng mga delegado mula 32 alyadong
mga bansa.
• Ito ang pinakamabigat na parusang ipinataw ng mga nagtagumpay sa mga natalong
bansa, at ang Alemanya ang tumanggap nito.
• Naging mahirap para sa Alemanya na tanggapin ang mga probinsyon nito.
• Ilan sa mga nilalaman ng Kasunduan ng Versailles ay ang mga sumusunod:
▪ Pagbibigay sa Pransya ng Saar, isang teritoryong Aleman na mayroong deposito
ng karon, bilang kapalit ng minahan ng karbon sa Pransya na nasira noong
digmaan;
▪ Pagbabalik sa Pransya ng Alsace-Lorraine;
▪ Pagpapawalang-bisa sa Kasunduan ng Brest-Litovsk na pinirmahan ng Alemanya
at Rusya noong kasalukuyang nagaganap ang digmaan.
▪ Pagbabawas ng hukbong sandatahan ng Alemanya sa 100,000 tao lamang, ng
bilang ng mga barkong-pandigma nito sa anim na malalaki lamang, at ilang maliliit
(karamihan ng mga barkong Aleman ay ibinigay sa Britanya), at pagbabawal dito
na magkaroon ng submarino, tangke, at mga eroplano; at
▪ Pagbabayad ng halagang 33 bilyong dolyar para sa mga pinaslang inabot ng
kanilang mga kaaway, lalo na ang Pransya, noong digmaan; bukod dito, pinaamin
din sa Alemanya na siya ang may kasalanan kung bakit nagkaroon ng giyera.
• Ang intension ng mga gumawa ng kasunduang ito ay upang lumpuhin ang Germany
upang hindi na muling tumayo para guluhin ang kapayapaan ng daigdig.

Naunawaan mo ba ang kabuuang aralin? Ngayon subukan mong


sagutan ang mga gawain na inihanda para sa iyo Good Luck!

Page 7 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D2

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

III. Kasanayan sa Pagkatuto/Practice Exercise

Gawain 1: Kaya mo ito!


Panuto: Sagutin ang tanong at hanapin at bilugan sa puzzle na makikita sa ibaba.

1. Ito ay isang desisyon na ginawa sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao, asosasyon o
mga nilalang bilang isang resulta ng isang proseso ng pag-uusap at pagtalakay sa isang
tiyak na bagay.
2. Ang intensyon ng mga gumawa ng kasunduan ay _____________ ang bansang Germany
upang hindi na guluhin ang kapayapaan ng daigdig.
3. Isa sa nilalaman ng kasunduan ay ang pagbabawas ng hukbong sandatahan sa 100,000
tao lamang ng bansang _________.
4. Isang teritoryong Aleman na mayroong deposito ng karon.
5. Ang kasunduang kumumpiska sa mga lupaing Arabe.
6. Matapos magawa ang kasunduang ito halos wala nang natira sa Austria.
7. Ito ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan. Ito ang katayuan
sa panahon na walang gulo, away, alitan, o digmaan.
8. Ito ay tumutukoy sa pag sasagawa ng isang usapan na binubuo ng maraming pangkat.
9. Ito ang pinakamabigat na parusang ipinataw ng mga nagtagumpay sa mga natalong
bansa, at sa Alemanya.
10. Inalis ng kasuduang ito ang lagusan ng Bulgaria palabas sa Dagat Aegean.

Page 8 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D2

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 2: Higitan Mo Pa!


Panuto: Gumawa ng slogan na nagpapahiwatig ng matinding pagtutol sa anumang
uri ng kaguluhan at digmaan sa daigdig.

Rubrik para sapag-gawa ng slogan:


Pamantayan 5 3 2 1
Napakaganda ng Maganda ang Hindi gaanong Hindi maganda
pagkakabuo ng pagkakabuo ng maganda ang ang
Presentasyon
islogan islogan pagkakabuo ng pagkakabuo ng
islogan islogan
Napakalinaw na Malinaw na Hindi gaanong Hindi malinaw
naipakita ang naipakita ang malinaw na na naipakita
Pagkamalikhain pagiging malikhain pagiging naipakita ang ang pagiging
malikhain pagiging malikhain
malikhain
Napakaorganisado Organisado ng Hindi gaanong Hindi
ng pagkakabuo ng pagkakabuo ng organisado ng organisado ng
mga salita na mga salita na pagkakabuo ng pagkakabuo ng
Organisasyon
ginamit sa islogan ginamit sa mga salita na mga salita na
islogan ginamit sa ginamit sa
islogan islogan
Kabuuan

Page 9 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D2

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

PAGTATAYA

Panuto: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang pinakamabigat na parusang ipinataw ng mga nagtagumpay sa mga natalong bansa,
at ang Alemanya?
A. Kasunduan ng St. Germain
B. Kasunduan ng Serves
C. Kasunduan ng Trianon
D. Kasunduan sa Versailles

2. Ito ang siyang nagiging salot sa kapayapaan ng mundo na pinilit nanalong bansa na iwasan
na muling sumiklab?
A. Digmaan
B. Kapayapaan
C. Nasyonalismo
D. Pagkakampi-kampi

3. Ang kasunduang kumuha ng tatlong-kapat ng kaharian ng Ungriya at ipinamahagi sa mga


bagong-tatag na estado sa may hangganan ng Ungriya ?
A. Kasunduan ng Serves
B. Kasunduan ng St. Germain
C. Kasunduan ng Trianon
D. Kasunduan sa Versailles

4. Ang kasunduan sa Versailles ay binalangkas ng Versailles Conference na binuo ng mga


delegado mula alyadong mga bansa.
A. 30
B. 32
C. 40
D. 52

5. Ito ay isang desisyon na ginawa sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao, asosasyon o mga
nilalang,
A. Debate
B. Kasunduan
C. Pagpupulong
D. Panunumpa

Sanggunian
https://www.slideshare.net/yajespina/unang-digmaang-pandaigdig-151487629
Kasasayan ng Daigidg Ikaapat na Edisyon Ni Dr. Sonia M. Zaide
Makisig Kasaysayan ng Daigidg nina Molina, Alcantara, Somera, Moncal, Sismondo at Fronteras
https://thewordsearch.com/puzzle/2327385/quiz/downloadable/

Inihanda ni:
Maria Katrina P. Malicdem
Pasay City East High School

Page 10 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D3

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 8


Ikaapat Na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikatlong Araw

MELC: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng


Unang Digmaang Pandaigdig.
Layunin: Napahalagahan ang pagsisikap ng mga bansa na magkaroon ng kapayapaang
pandaigdig upang maiwasan ang digmaan

I. Panimula Impormasyon

Umisip ng paraan ang mga nanalong bansa upang maiwasan ang muling pagsiklab ng
digmaan na siyang nagiging salot sa kapayapaan ng mundo. Bumalangkas sila ng mga
kasunduang pangkapayapaan (peace treaty) sa iba't ibang pagpupulong sa Paris noong 1919-
1920. Pinangunahan ang mga pagpupulong na ito ng tinatawag na Big Four na kinabibilangan
ng United States, Punong Ministro Lloyd George ng England, Punong Ministro Georges
Clemenceau ng France at Punong Ministro Vittorio Orlando ng Italy. Ibinatay ang mga
pangunahing nilalaman ng kasunduan sa 14 Points ni Pangulong Wilson at sa mga lihim na
kasunduang ginawa ng mga Alyado noong kasalukuyang naglalabanan.

II. Konsepto ng Pagkatuto/ Learning Concepts

Labing Apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson

Ang labing-apat na puntos ay mula sa pahayag ng prinsipyo ng kapayapaan na ginamit sa


negosasyon upang tuluyang magwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig. Ang mga prinsipyo
ay naging balangkas noon Enero 8, 1918, ang layunin nito naging parte ng talumpati ng
kasalukuyang pangulo ng Estados Unidos na si Woodrow Wilson. Ang kanyang mga kaalyado
ay nagpakita ng walang pag-aalinlangan sa kakayahang paggamit ng mga ideya ni Wilson.

Page 11 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D3

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

Ang ginawang talumpati ni Wilson ay nagbunga ng iba't ibang ideya at naging polisiya ng iba
pang mga bansa. Tatlong araw bago ang kanyang talumpati, nagbigkas rin ng kanyang sariling
talumpati ang Punong Ministro ng United Kingdom na si Lloyd George. Ito ay ukol sa paghahanda
ng Britanya sa pagsalakay sa Central Powers noong panahon ng digmaan. Narito ang labing-
apat na puntos na binanggit ni Wilson sa kanyang talumpati:

1. Ipaalam lahat ng kasunduan


2. Kalayaan ng karapatan sa pakikipag digma
3. Pag tanggal ng buwis para sa ekonomiya
4. Pagbawas ng sandatahang pang digma
5. Pag iwas sa pagkiling sa mga suliraning pang kolonyal
6. Pagbibigay kalayaan sa Russia
7. Kalayaan ng Belgium
8. Pagbalik ng Alsace-Lorraine sa Pransya
9. Pagtalaga ng hangganan ng Italya
10. Determinasyon para sa mga Austrian-Hungarian
11. Pagsasarili sa mga bansang balkan
12. Kalayaan para sa Turkey
13. Kalayaan para sa Poland
14. Pagtatag ng League of Nations

Ganunpaman, sa pagpupulong ay inihayag ng ilang kaanib ng nagwaging Allied Powers ang


nais nila na parusahan ang Germany. Nais nilang patawan ng sanction at papagbayarin ang
bansang ito dahil sa mga pinsalang ginawa nito sa panahon ng digmaan. Lumitaw rin sa
pagpupulong ang magkakaibang interes ng mga bansang lumahok.

Magkagayunman, natapos ng mga delagado sa serye ng mga pagpupulong na ito ang ilang
kasunduan: Ang sikat na Kasunduan sa Versailles, at maging ang mga kasunduang
pangkapayapaan na may kinalaman sa Turkey, Bulgaria, at Austria-Hungary.

Liga ng mga Bansa

Noong 1918, wala ng may nais na maulit pang muli ang pagpaslang sa marami kung kaya't
binuo ang League of Nations o ang Liga ng mga Bansa. Nag-umpisa ang samahan na
mayroong 42 lamang na mga bansang kasapi. Matapos ang ilan pang mga taon, umakyat ang
bilang ng mga bansang kasapi nito sa 59. Gran Britanya at Pransya ang mga pangunahing
bansang gumabay sa pagtatayo ng polisiya ng Liga ng mga Bansa. Italya at Japan ang tumayong
konseho ng mga samahan. Narito ang ilan sa mga layunin ng samahan:

• Upang pahinain ang konsepto ng mga pagsalakay


• Upang mapalakas ang polisiyang hindi paggamit ng armas

Page 12 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D3

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

• Upang lumakas ang kooperasyon ng bawat mga bansa lalo na sa usapang pangkalakalan
• Upang mapaunlad ang kabuhayan ng bawat mamamayan

Mga bansang miyembro ng Liga ng mga Bansa: Argentina, Belgium, Bolivia, Brazil, British
Empire, United Kingdom, Australia, Canada, India, New Zealand, South Africa, Chile, Republic of
China, Colombia, Cuba, Czechoslovakia, Denmark, El Salvador, France, Greece, Guatemala,
Haiti, Kingdom of Hejaz, Honduras, Kingdom of Italy, Empire of Japan, Liberia, Netherlands,
Nicaragua, Norway, Panama, Paraguay, Persia, Peru, Poland, Portugal, Romania, Siam, Spain,
Sweden, Switzerland, Uruguay, Venezuela, Kingdom of Yugoslavia.

Mga karagdagang mga bansa makalipas ang ilan pang mga taon: Austria, Bulgaria, Costa
Rica, Finland, Luxembourg, Alabnia, Estonia, Latvia, Lithuania, Kindom of Hungary, Irish Free
State, Abyssinia, Dominican Republic, Germany, Mexico, Turkey, Kingdom of Iraq, Union Soviet
Socialist Republics, Kindom of Afghanistan, Ecuador, Kingdom of Egypt.

Mga Nagawa ng Liga ng mga Bansa

1. Napigil nito ang ilang maliliit na digmaan sa *Finland at Sweden noong 1920, *Bulgaria at
Greece noong 1925 *Colombia at Peru noong 1934 .
2. Pinangasiwaan nito ang iba't ibang mandato
3. Pinamahalaan nito ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan.

Ang United Nations

Positibong resulta ng digmaan ang pagkakatatag ng United Nations (UN)—ang samahan


ng nagkakaisang bansa na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaunlarang panlipunan
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang UN ang humalili sa organisasyong League of Nations na nabuo pagkatapos ng unang


digmaang pandaigdig. Nabuo ang panukalang pagtatatag ng United Nations sa pagpupulong ng
Allies noong Pebrero 1945 sa Yalta, isang resort ng Soviet Union sa Black Sea. Matapos
makumpleto ang ginawang Konstitusyon ng samahan, pormal na itinatag ang United Nations
noong ika-24 ng Oktubre 1945, sa pagitan ng 51 bansa na itinuturing na founding members.
Umabot na sa 193 ang mga bansang kasapi nito.

Pagbati! Siguro ay marami na naman kayong natutunan sa paksang


iyong binasa. Ngayon subukan mo naman sagutan ang mga
pagsasanay sa ibaba.

Page 13 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D3

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

III. Kasanayan sa Pagkatuto/Practice Exercise

Gawain 1: Damhin Natin!


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ayon sa iyong nalalaman at
natutunan

1. Paano sinikap ng mga bansa na wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
2. Paano ka makakatulong sa mga taong naging biktima ng digmaan?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

3. Mayroon bang nanalo o natatalo sa digmaan? Ipaliwanag.


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

Gawain 2: Kilalanin Natin!


Panuto: Isulat sa patlang ng larawan ang pinuno o mahalagang tao na tinutukoy.

Ang Pangulo ng Ang pinunong


Estados Unidos na ministro ng
namuno sa Treaty of
Versailles Italya.

Ang pinunong Ang pinunong


ministro ng ministro ng
Britanya Prasya

Page 14 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP8-Q4-W2-D3

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Pangkat : ___________________

PAGTATAYA

Panuto: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang


Pandaigdig?
A. Treaty of Paris
B. United Nations
C. League of Nations
D. Treaty of Versailles

2. Ang bansang nagdeklara ng hindi pagpanig sa anumang bansa na kalahok sa digmaan?


A. Amerika
B. Italya
C. Gemany
D. France

3. Ang mga layunin ng samahan o liga ng mga bansa ay ang sumumusunod maliban sa isa.
A. Upang pahinain ang konsepto ng mga pagsalakay
B. Upang mapalakas ang polisiyang paggamit ng armas
C. Upang lumakas ang kooperasyon ng bawat mga bansa
D. Upang mapaunlad ang kabuhayan ng bawat mamamayan

4. Sino ang Pangulo ng Estados Unidos na namuno sa Treaty of Versailles?


A. Woodrow Wilson
B. Georges Clemenceau
C. Lloyd George
D. Vittorio Orlando

5. Saan ginanap ang iba’t-ibang pagpupulong upang balangkasin ang kasunduang


pangkapayapaan ng mga nanalong bansa na pinangunahan ng Big Four?
A. Germany
B. Estados Unidos
C. Italya
D. Paris

Sanggunian:
Makisig Kasaysayan ng Daigdig 8 nila Ramil Molina, BabyJane Alcantara, Leo Somera,
Joevinil Moncal, Dr. Gregorio Sismondo, Alvin Fronteras
https://ourhappyschool.com/ANG%20UNITED%20NATIONS%3A%20ISANG%20PAGPAPAKILALA
https://brainly.ph/question/1261015
Makisig Kasaysayan ng Daigdig 8 Kagawaran Edukasyon

Inihanda ni:
Maria Katrina P. Malicdem
Pasay City East High School

Page 15 of 15

You might also like