You are on page 1of 17

8

Filipino 8
Ikaapat Markahan – Modyul 4
Florante at Laura
Learning Area- Filipino - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 – Module 4: Florante at Laura
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pag takda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintuloy mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones, PhD
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio. PhD

Development Team of the Module

Writer(s): Jessa S. Encluna

Reviewer(s): Jesusa V. Sulayao, Girlie T. Sumastre

Illustrator(s): Loreto B. Demetillo Jr.

Layout Artist: Jessa S. Encluna

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co- Conniebel C. Nistal, PhD


Chairperson: Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar, CID Chief

Members: Arlene A. Micu, EPS Filipino


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23,NationalHighway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 4

Florante at Laura
Talaan ng mga Nilalaman
Paunang Salita .................................................................................................. i
Alamin ............................................................................................................... i
Pangkalahatang Panuto......................................Error! Bookmark not defined.
Mga Aykon ng Modyul........................................................... Error! Bookmark not defined.
Leksyon 6 ...............................................................Error! Bookmark not defined.
Dalawang Uri ng Ama ............................................Error! Bookmark not defined.
Alamin..................................................................................................................................... 1
Subukin.................................................................................. Error! Bookmark not defined.
Balikan ................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Isaayos! ................................................................................. Error! Bookmark not defined.
Tuklasin .................................................................................................................................. 1
Pagyamanin .......................................................................... Error! Bookmark not defined.
Isaisip .................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Isagawa .................................................................................................................................. 6
................................................................................................................................................ 7
Tayahin ................................................................................................................................... 7
............................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Karagdagang-gawain ............................................................ Error! Bookmark not defined.
Pagbati! ................................................................................. Error! Bookmark not defined.
(Ikaapat na Markahan) ..........................................Error! Bookmark not defined.
Alamin ..................................................................Error! Bookmark not defined.
...............................................................................Error! Bookmark not defined.
Susing Sagot (Key to Answers) ..................................................................... 8
Sanggunian .................................................................................................... 10
Paunang Salita
Kilala ang Pilipinas sa mayaman nitong kultura. Kahit nga ibang bansa ay humahanga
rito. Sa sining man o sa panitikan, hindi kailanman nahuli ang bansang Pilipinas.

Upang hindi makalimutan ang ating panitikan, ating balikang muli ang pagyakap at
pakikipagsabayan sa agos at daloy ng ating panitikan. Magpalit man ng anyo ang ating
panitikan at magbago man ito sa paglipas ng panahon, hinding-hindi natin maipagkakaila na
ang Panitikang Pilipino ay bahagi na ng ating pagkakakilanlan.

Alinsunod sa New Normal Classroom bunsod ng Covid ’19, naisipan ng Kagawaran


ng Edukasyon na bumuo ng mga kagamitang pampagkatuto para sa mga mag-aaral upang
mapalawak ang kanilang kaalaman at muli nilang makilala ang sariling panitikan gamit ang
modyul na ito ng Asignaturang Filipino.

Pinag-igihan ang pagbuo ng modyul na ito upang ang mga mag-aaral ay patuloy na
matuto sa kabila ng banta ng pandemyang kinakaharap. Lubos ang paniniwala ng Kagawaran
ng Edukasyon na ang dekalidad na edukasyon ay kayang makamtan ng mga mag-aaral sa
paraang ito. Malaki ang paniniwala ng Kagawaran na ang pagkatuto ay hindi lamang
makakamit sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
A. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang
binasa. (F8PB-IVc-d-34)
B. Nabibigyang-kahulugan ang:
- matatalinghagang ekspresyon
- tayutay
- simbolo (F8PT-IVc-d-34)
C. Nagagamit ang ilang tayutay at talinghaga sa isang simpleng tulang
tradisyunal na may temang pag-ibig. (F8WG-IVc-d-36)
D. Nasusuri ang mga katangian at tono ng akda batay sa
napakinggang mga bahagi. (F8PN-IVd-e-35)

i
Subukin
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang lugar na pinagmulan ng gerero. 10. “Mamatay na ako sa sakit ng ulo ko.”
Ang pangungusap ay halimbawa ng
A. Albanya B. Averno
tayutay na ______.
C. Iran D. Persiya
A. Pagmamalabis B. Pagdaramdam
2. Ang lalaking dumating sa gubat.
C. Pagtawag D. Pagtutulad
A. Adolfo B. Aladin 11. Ito ang batas na nagbibigay proteksyon
C. Balagtas D. Florante laban sa pang-aabuso sa mga bata at sa
3. Ang tinaguriang mapagkandiling ama. kababaihan.

A. Duke Briseo B. Haring Linseo A. RA 4670 B. RA 10533


C. Konde Adolfo D. Sultan Ali Adab C. RA 9155 D. RA 9262
4. Si Aladin ay isang _______. 12. Bayang pinagmulan ni Florante.

A. Amerikano B. Espanyol A. Albanya B. Averno


C. Hapon D. Moro C. Iran D. Persiya
5. Ang pag-ibig ng gerero. 13. “Ulan, kami ay lubayan mo.” Ang
A. Flerida B. Floresca pangungusap ay halimbawa ng tayutay na
______.
C. Laura D. M.A.R.
6. Amang nang-agaw ng kasintahan. A. Pagmamalabis B. Pagdaramdam
C. Pagtawag D. Pagtutulad
A. Duke Briseo B. Haring Linseo
14. Ang lalaking umagaw kay Laura.
C. Konde Adolfo D. Sultan Ali Adab
7. “Aray! Ang sakit ng paa ko!” Ang A. Duke Briseo B. Haring Linseo
pangungusap ay halimawa ng tayutay na C. Konde Adolfo D. Sultan Ali Adab
______. 15. “Siya ay katulad ng kanyang amang
A. Pagmamalabis B. Pagdaramdam mapagpatawad.” Ang pangungusap ay
halimbawa ng tayutay na ______.
C. Pagtawag D. Pagtutulad
8. Ang lalaking nakagapos sa loob ng A. Pagmamalabis B. Pagdaramdam
gubat. C. Pagtawag D. Pagtutulad
A. Adolfo B. Aladin
C. Balagtas D. Florante
9. Ang pag-ibig ni Florante.
A. Flerida B. Floresca
C. Laura D. M.A.R.

ii
Aralin Leksyon 6: Dalawang Uri ng
4 Ama

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?
Alam mo ba na may iba’t ibang uri ng ama? Gusto mo bang malaman kung ano ano ang
mga ito? Kung gusto mo, paano mo siya tatanggapin?
Ang modyul na ito ay naglalaman ng Leksyon 6: Dalawang Uri ng Ama. Ito ay magagamit
natin sa pagkakaroon ng kaalaman kung anong uri ng ama mayroon tayo. Makatutulong din
ito sa paghubog sa inyong pagkatao kung paano ninyo maiintindan ang mga ikinikilos at
ginagawa ng inyong ama para sa iyo at sa inyong pamilya.

Tuklasin

Alam mo ba na mayroong iba-ibang paraan ang mga tao sa pagharap sa mga


pagsubok sa buhay? Para sa iba ito ay nagsisilbing gabay nila sa pagtamo ng magandang
hinaharap. Sa mga mag-aaral na katulad mo, ang karaniwang pagsubok sa buhay ay kung
papaano makahabol sa “deadlines” ng iyong mga proyekto. Kung minsan ang dahilan ng
pagkakaroon ng mga pagsubok ay upang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral
bilang bahagi sa pagtatamo ng kasanayan

Gawain 3: Kwento Mo, Isulat Mo!


Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.

Paano mo hinaharap ang mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay?


__
______________
__
__
____________________

1
Suriin

Gawain 4: Halina’t Magbasa!


Ihanda ang sarili na tumuklas ng isang bago at makabuluhang aralin. Hayaang
mahasa ang iyong kakayahan sa panitikan. Kung kaya simulan na natin ang pag-aaral.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga saknong.

Aralin 6: Dalawang Uri ng Ama

May mga magulang na pinaghahandaan ang kinabukasan ng kanilang mga anak.


Sa kabilang dako, may mga magulang din na pabaya sa kanilang mga anak kaya
napapariwara ang buhay ng mga ito.
Tuklasin sa araling ito kung anong uri ng mga magulang ang inilarawan ng makata
sa tula.
69
Nagkataong siyang pagdating sa gubat 74
ng isang gererong bayani ang tikas, Malaoý humilig, nagwalang-bahala,
putong na turbante ay kalingas-lingas di rin kumakati ang batis ng luha;
pananamit Moro sa Persyang siyudad. sa madlang himutok ay kasalamuha
ang wikang, “Fleridaý tapos na ang tuwa!”
70
Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw, 75
anakiý ninitang pagpapahingahan, Sa baling sandal ay sinasabugan
di kaginsa-ginsaý ipinagtapunan yaong buong gubat ng maraming “Ay! Ay!”
ang pika’t adarga’t nagdaop ng kamay. na nakikitono sahuning mapanglaw
ng panggabing ibong dooý nagtatahanan,
71
Saka tumingala’t mataý itinirik 76
sa bubong ng kahoy na takip sa langit, Mapamaya-mayaý nagbangong nagulat,
estatuwa manding nakatayo’t umid, Tinangnan ang pika’t sampu ng kalasag;
ang butonghininga niyaý walang patid Nalimbag sa mukha ang bangis ng furias
“Di ko itutulot!” ang ipinahayag.
72
Nang magdamdam-ngawit sa pagayong- 77
anyo, “At kung Fleridaý iba ang umagaw
sa puno ng isanng kahoy ay umupo, at di ang ama kong dapat na igalang,
nagwikang “O palad!” sabay ang pagtulo hindi ko masabi kung ang piking tangaý
sa mata ng luhang anakiý palaso. bubuga ng libo’t laksang kamatayan!
73
Uloý ipinatong sa kaliwang kamay 78
at saka tinutop ang noo ng kanan; “Bababa si Marte mula sa itaas
anakiý mayroon ginugunamgunam, sa kaylalimaý aahon ang Parcas;
isang mahalagang nalimutang bagay. buong galit ila ay ibubulalas,
yayakagin niring kamay kong marahas!

2
79 87
“Sa kuko ng liloý aking aagawin “Kung sa gunita koý pagkuru-kuruin
ang kabiyakniring kaluluwang angkin; ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,
liban na kay ama, ang sinuma’t alin parang nakikita ang iyong narrating . . .
ay di igagalang ng tangang patalim. parusang marahas na kalagim-lagim.

80 89
“O, pagsintang labis ng kapangyarihan, “At alin ang hirap na di ikakapit
sampung mag-amaý iyong nasasaklaw; sa iyo ng Konde Adolfong malupit?
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, ikaw ang salamin – sa Reyno – ng bait,
hahamaking lahat masunod ka lamang! pagbubuntunan ka ng malaking galit.

81 90
“At yuyurakan na ang lalong dakila— “Katawan mo amaý parang namamalas
bait, katuwiraý ipanganganyaya; ngayon ng bunso mong lugami sa hirap;
buong katungkulaý wawal-ing-bahala, pinipisan-pisan at iwinawalat
sampu ng hiningaý ipauubaya. ng pawa ring lilo’t berdugo ng sukab.

82 91
”Itong kinaratnan ng palad kong linsil “Sampu ng lingcod mo’t mga kaibigan
salaming malinaw na sukat mahalin kung kampi sa liloý iyo nang kaaway;
ng makatatatap, nang hindi sapitin ang di nagsaiyoý natatakot namang
ang kahirapan kong di makayang bathin.” bangkay moý ibao’t mapaparusahan.

83 92
Sa mawika ito luhaý pinaagos, “Hanggang dito, amaý aking naririnig,
pikaý isinaksak saka naghimutok; nang ang iyong uloý itapat sa kalis;
nagkataon naming parang isinagot ang panambitan mo’t dalangin sa Langit,
ang buntunghininga niyaong nagagapos. na akoý maligtas sa kukong malupit.

84 93
Gereroý namangha nang itoý marinig, “Ninanasa mo pang akoý matabunan
pinagbaling-baling sa gubat ang titig; ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
nang walang makitaý hinintay umulit, nang huwag mahulog sa panirang kamay
di man nalaoý nagbagong humibik. ng Konde Adolfong higit sa halimaw.

85 94
Ang bayaning Moroý lalo nang namaang, “Panalangin moý di pa nagaganap,
“Sinong nananaghoy sa ganitong ilang?” sa liig moý biglang nahulog ang tabak;
lumapit sa dakong pinanggagalingan nasnaw sa bibig mong huling
ng buntunghininga’t pinakamatyagan. pangungusap
ang Adiyos bunso’t buhay moý lumipas.
86
Inanbutan niyaý ang ganitong hibik: 95
“Ay, mapagkandiling amang iniibig! “Ay, amang ama ko! kung
bakit ang buhay moý naunang napatid, nagunamgunam –
akoý inulila sa gitna ng sakit? madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
ipinapalaso ng kapighatian –
luha niring pusong sa mataý nunukal.

3
96 101
“Walang ikalawang ama ka sa lupa “Kung ang walang patid na ibinabaha
sa anak na kandong ng pag-aaruga; ng mga mata koý sa hinayang mula –
ang munting hapis kong sumungaw sa sa mga palayaw ni ama’t aruga –
mukha, malaking palad ko’t matamis na luha.
sa habag moý agad nanalong ang luha.
102
97 “Ngunit ang nanahang maralitang tubig . ..
“Ang lahat ng tuwaý natapos sa akin, sa mukha’t dibdib kong laging dumidilig,
sampu niring buhay ay naging hilahil; kay ama nga galing datapuwa’t sa bangis,
ama koý hindi na malaong hihintin hindi sa andukha at pagtatangkilik.
akoý sa payapang bayaý yayakapin.”
103
98 “Ang matatawag kong palayaw sa akin
Sandaling tumigil itong nananangis, ng ama koý itong akoý pagliluhin,
binigyang-panahon luhaý tumagistis agawan ng sinta’t pagnasa-nasaing
niyong naaawang Morong nakikinig, lumubog sa dusa’t buhay koý makitil.
sa habag ay halos magputok ang dibdib.
104
“May para kong anak na napanganyaya,
99 ang layaw sa amaý dusa’t pawing luha?
Tinutop ang puso at saka nagsaysay, Hindi nakalasap kahit munting tuwa
“Kailan,” aniya, “luha koý bubukal sa masintang inang pagdakaý nawala.”
ng habag kay ama at panghihinayang
para ng panaghoy ng nananambitan?

100
“Sa sintang inagaw ang itinatangis,
dahilan ng aking luhang nagbabatis;
yaoý nananaghoy dahil sa pag-ibig
sa amang namatay na mapagtangkilik.

Isagawa
Panuto: Pumili ng isang saknong sa itaas na nagpapahayag ng pinakamasaklap na
pangyayari sa buhay ng isang anak sa piling ng kanyang ama. Ipaliwanag/Patunayan ang
iyong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____________________________________________.

4
Ang tayutay, o figures of speech sa wikang Ingles, ay ang mga salitang ginagamit upang
gawing makulay, matalinghaga, kaakit-akit, at mabisa ang isang pahayag.
Ano ang mga uri at halimbawa ng tayutay?

A. Pag-uugnay o Paghahambing
1. Simili o Pagtutulad (Simile)
Ito ay nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay sa
pamamagitan ng mga katagang tila, kagaya, kasing-, sing-, ga-, katulad,
anakiý, animo, para, parang, para ng, kawangis ng, gaya ng, at iba pang mga
kauring kataga.
Halimbawa:
“Siya ay katulad ng kanyang amang mapagpapatawad.”

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor)


Ito ay tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig
ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad at mga kauri.
Halimbawa:
“Ang mga mata ni Oscar ay bituing nagniningning sa kalangitan.”

3. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
Ito ay nagbabanggit sa isang bahagi o konsepto ng kaisipan upang tukuyin
ang kabuuan. Maaari rin na ang kabuuan ay katapat ng isang bahagi.
Halimbawa:
“Libu-libong tao ang umaasa saýo.”

B. Paglalarawan
1. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole)
Ito ay lubhang pinapalabis o pinapakulang ang kalagayan o katayuan ng
isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian. Ito
rin ay gumagamit ng eksaherasyon.
Halimbawa:
“Nagliliyab sa galit si Jose dahil sa napaslang nitong kalabaw.”

2. Apostrophe o Pagtawag (Apostrophe)


Ito ay ang pakikipag-usap sa isang karaniwang bagay na para bang ito ay
isang buhay na tao na malayo o naroon at kaharap gayong wala naman.
Halimbawa:
“Ulan, kami ay lubayan ngayong araw.”

3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation)


Ito ay isang pagpapahayg o paglalabas ng matinding damdamin.
Halimbawa:
“Isa kang salot sa ating lipunan!”

5
4. Paradoks o Paradoha (Paradox)
Ito ay ang paglalahad ng pagsalungat sa karaniwan na kalagayan o
pangyayari ngunit kung masusing iisipin ay nagpapahayag ito ng
katotohanan.
Halimbawa:
“Kung sino pa ang matanda ay siya pang parang bata.”

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron)


Ito ay nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong
mapatingkad o mapansin ang bias ng pagpapahayag.
Halimbawa:
“Ang batang malungkott ay sumaya nang Mmakita ang kanyang
magulang.”

C. Pagsasalin ng Katangian
1. Personipikasyon o Pagtatao (Personification)
Ito ay ginagamit upang bigyang-buhay ang mga bagay sa pamamagitan ng
mga salitang nagsasaad ng kilos.
Halimbawa:
“Lumuluha na naman ang mga ulap.”

D. Pagsasatunog
1. Paghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia)
Ito ang pagpapahiwatig ng ma kahulugan gamit ang tunog o himig ng mga
salita.
Halimbawa:
“Dumagundong sa buong gusali ang lakas ng kulog kagabi.”

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration)


Ito ay pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang-diin ang isang
pahayag.
Halimbawa:
“Malaya na ang Pilipinas! Malaya laban sa mga umaalipusta. Malaya
sa mga kadenang gumagapos.”

(https://gabay.ph/tayutay/

Isagawa
Performance Task

Gawain 7: Maging Makata!

Buksan ang iyong isipan at gamitin ang kaalamang natutuhan upang maisagawa ang gawaing
itinakda.
Panuto: Sumulat ng isang saknong ng tula na may apat na tuludtod,may sukat at tugma na
may temang pag-ibig. Gumamit ng ilang tayutay sa pagbuo ng iyong tula.

6
PAMANTAYAN
20 Puntos 15 Puntos 10 Puntos 5 Puntos
Ang tulang Ang tulang Ang tulang nabuo ay Ang tula ay di
nabuo ay talaga nabuo ay bahagyang naging
ng organisado, organisado, organisado, maingat organisado, hindi
maingat na maingat na na naisulat nang maayos ang
naisulat,talagang naisulat, may bahagayang pagkakasulat,
malikhain, wasto malikhain, kaingatan, hindi malikhain,
at talagang wasto at bahagyang hindi wasto at
naangkop sa angkop sa malikhain, may hindi angkop sa
napiling tema. napiling tema. kawastuhan at napiling tema.
bahagyang may
kaangkupan sa
napiling tema.

Tayahin

Gawain 8: Kilalanin Mo!

Panuto : Basahin at unawain ang mga pangungusap sa baba. Tukuyin kung anong uri ng
tayutay ang isinasaad nito. Isulat sa patlang kung ito ba ay Pagtutulad, Pagwawangis,
Pagpapalit-saklaw, Pagpapalit-saklaw, Pagmamalabis, Pagtawag, Pagtawag, Paradoha,
Pagtatambis, Personipikasyon, Onomatopeya, Pag-uulit.

______________1. Palayain mo ako! Palayain mo ako ako mula sa pagkakagapos! Palayain


mo ako sa lahat ng ito.
______________2. Ang masayahing lalaki ay umiyak nang makita niyang may
ibang lalaking kasama ang nobya.
______________3. Lumuluha na naman ang mga ulap.
______________4. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba.
______________5. Kung sino pa ang walang alam ay siya pang nagmamagaling.
______________6. Isa kang taksil!
______________7. Nag-aapoy sa galit ang lalaki nang mapagtanto niyang nawawala ang
kanyang wallet.
______________8. Ulan, kami ay pagadalawin mo ngayong araw.
______________9. Libu-libong tao ang umaasa saýo.
______________10 Ang mga mata mo ay bituing nagniningning sa langit.

7
8
Subukin (Husgahan Mo!) Panimulang Pagtataya
1. Mali
2. Tama 1. D
3. Tama 2. B
4. Tama 3. A
5. Mali 4. D
5. A
6. D
Balikan (Isaayos) 7. B
8. D
1. A
9. C
2. E
10. A
3. B
11. D
4. D
12. A
5. C
13. C
14. C
Tuklasin (Kwento Mo, Isulat Mo) 15. D
Posibleng Sagot:
Hinaharap ko ang mga pagsubok na
dumarating sa aking buhay nang puno ng pag-
asa at pagtitiwala sa Maykapal. Para sa akin,
itoý ibinigay upang ako maging matatag sa
buhay.
Pagyamanin (Tanong Ko, Sagot Mo!)
Posibleng Sagot:
1. Naghihinagpis ang gererong Moro dahil
ang babaeng kanyang sisisinta ay
ikakasal sa kanyang ama.
2. Natuklasan ng gerero ang kinaroroonan
ni Florante nang sundan niya ang
pinagmumulan ng tinig nitong
naghihinagpis
3. Kapansin-pansin ang lungkot at
paghihinagpis sa akda bilang ang mga
tauhan ay may matinding
pinagdadaanan.
Susing Sagot (Key to Answers)
9
Pagtatasa (Pangwakas na Isaisip (Kilalanin Mo!)
Pagtataya) 1. Aladin
2. Flerida
1. C
3. Persiya
2. C
4. Florante
3. D
5. Duke Briseo
4. C
5. D
Isagawa (Maging Makata!)
6. A
7. A Posibleng Sagot:
8. D Sa iyo, O, aking mahal,
9. D pag-ibig na ala’y bukal!
10. A Ako sayo’y mangangako,
11. D ikaw lamang hanggang dulo.
12. B
13. A Tayahin (Tukuyin Mo!)
14. B 1. Pag-uulit
15. B 2. Pagtatambis
3. Personipikasyon
4. Onomatopeya
5. Paradoha
6. Pagdaramdam
7. Pagmamalabis
8. Pagtawag
9. Pagpapalit-saklaw
10. Pagwawangis
Karagdagang Gawain (Isang Tanong, Isang
Sagot!)
Posibleng Sagot:
Oo, kasi may iilan ding mga
magulang ang inuuna ang kanilang sariling
kapakanan at kagustuhan na nagiging sanhi
ng kanilang pagiging pabayang magulang.
Imbis kasi na isipin at unahin ang
kapakanan at pangangailangan ng anak ay
mas inuuna pa nila ang paglalasing o di kay
pagusugal, kaya hindi nila masubaybayan
at magabayan ng husto ang kanilang mga
anak.
Sanggunian
Aklat:
Guimarie, Aida M. Florante at Laura (ni Francisco Baltazar); AMOS BOOKS, INC.

Internet:
https://gabay.ph/tayutay

10
11

You might also like