You are on page 1of 17

FRANCISCO BALAGTAS

Si

Francisco Baltazar (Abril 2, 1788 Pebrero 20, 1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunulat. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra.

TAGA SAAN SI FRANCISCO BALAGTAS? AT KELAN SIYA IPINANGANAK?

Si

Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan.

Tinatawag

rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa.

11

taong gulang noong lumuwas ng Maynila,upang makahanap ng trabaho at makapag-aral. Pumasok siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon

naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nagaral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano Pilapil.

BUHAY BILANG ISANG MANUNULAT

Taong

1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura.

Naging karibal niya si Mariano "Nanong Capule sa panliligaw kay Celia, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Celia, ipinakulong siya ni Nanong Capule para hindi na siya muling makita ni Celia. Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Capule si Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para kay Nanong Capule.

Doon

sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura para kay Selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon siya ng labing-isang anak kay Juana Tiambeng.Isinulat niya ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz.

MGA ARAW

HULING

Nabilanggong

muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae ng mayamang si Alferez Lucas sa di umano'y pagpanot sa buhok niya. Nakalaya siya noong 1861. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya.

Namayapa

siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at ang mga anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74, dahil sa sakit na pulmonya at dahil narin sa kanyang katandaan.

ANG KANIYANG MGA SINULAT


Orosmn at\Zafira isang komedya na may apat na bahagi Don Nuo at Selinda isang komedya na may tatlong bahagi Auredato at Astrome isang komedya na may tatlong bahagi Clara Belmore isang komedya na may tatlong bahagi Abdol at Misereanan isang komedya Bayaceto at Dorslica isang komedya a may tatlong bahagi, Alamansor at Rosalinda isang komedya La India elegante y el negrito amante Nudo gordeano Rodolfo at Rosemonda Mahomet at Constanza Claus (isinalin sa Tagalog mula sa Latin) Florante at Laura, isang awit ; pinaka-tanyag na gawa ni

MAS NAGING KILALA SI FRANCISCO BALAGTAS NG DAHIL SA ISINULAT NIYANG FLORANTE AT LAURA

Salamat sa

pakikinig! GRADE 8 sunflower

You might also like