You are on page 1of 13

ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 1

Pangalan____________________________________________________________________
Pangkat____________ Guro _________________________________Petsa: _____________

Aralin
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
2
MELC/Kasanayan
Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Code: AP8AKD-IVb-2

Ang modyul na ito ay ginawa upang maunawaan mo ang mga mahahalagang


pangyayari, dahilan, at mga naging bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang
mga nakahandang gawain sa modyul na ito ay makakatulong sa iyo upang lubos
mong maunawaan ang aralin.
Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:
1. Nailalarawan ang mga kaganapan at ang dahilan ng pagkakaroon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan; at
2. Nailalahad ang pagwawakas at ang mga naging bunga ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

I. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga pangungusap sa ibaba at


suriin kung ang mga pangyayaring tinutukoy ay TAMA o MALI. Isulat ang sagot
bago ang bilang.
_________1. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ang ekonomiya ng maraming
bansa sa Europe ay bumagsak.
_________2. Para sa mga Aleman, ang mga kondisyon na nakapaloob sa Treaty of
Versailles ay makatarungan.
_________3. Ang pagsalakay ng Japan sa Manchuria ay kinondena ng League of
Nations subalit wala silang nagawa para pigilan ito.
_________4. Ang Holocaust ay pinakamalagim na pangyayaring naganap noong
ikalawang digmaan na ikinasawi ng mahigit 6 na milyong Jew.
_________5. Ang diktadurya ni Hitler ang itinuturing na pinakamalupit sa kasaysayan
ng daigdig.

II. Panuto: Basahin ng mabuti ang pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
6. Samahang itinatag noong 1945, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na
may layuning panatilihin ang pagkakaisa at kapayapaan ng mga bansa sa mundo.
A. League of Nations B. ASEAN C. APEC D. UN

8- AP -Qtr 4-Week 3 & 4


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 2

7. Alin ang nagpasimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe?


A. Nang salakayin ng Germany ang Poland
B. Nang matalo ni Hitler ang France
C. Nang magdeklara ng digmaan ang US at France
D. Nang maging agresibo ang Italy
8. Matapos ibagsak ang bomba atomika, ano ang sumunod na kaganapan?
A. nakialam ang Rusya B. sumuko ang Japan
C. dumating ang United States D. binomba ang Pearl Harbor
9. Analohiya: Axis Powers ay Germany, Italy, at Japan samantalang ang Allied Powers
ay France, United States at _________
A. Great Britain B. Netherlands C. Poland D. Spain
10. Bakit binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor?
A. Upang mapilitan ang US na lumahok sa digmaan
B. Upang hindi maging hadlang ang US sa pananakop ng Japan
C. Upang maipakita ang kapangyarihan ng Japan
D. Upang madaling magapi ang Allied Power

Pagkilala sa Sanhi. Lagyan ng tsek ang kolum kung saan naganap o kabilang ang
sumusunod na pangyayari sa bawat bilang.
Mga Pangyayari Unang Digmaang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig Pandaigdig
1. Paglusob ng Germany sa Poland
2. Masidhing Nasyonalismo
3. Pag-alis ng Germany sa liga ng mga bansa
4. Pag-agaw ng Japan sa Machuria
5. Pagpatay kay Arkduke Francis Ferdinand
ng Austria-Hungary

Mga Dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II ay isang napakalaking
digmaang kinasangkutan ng halos lahat ng bansa sa daigdig. Nag-umpisa ito halos
dalawang dekada pa lamang ng matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Nagsimula ito ng ika-1 ng Setyembre taong 1939 at nagwakas noong ika-2 ng
Setyembre taong 1945, nangangahulugang tumagal ang digmaan sa loob ng anim na
taon at isang araw. Ang digmaang ito ay itinuturing na pinakamapaminsalang
labanan sa kasaysayan ng tao dahil sa 70 hanggang 85 milyon ang mga namatay. Sa
digmaang ito, nahati sa dalawang alyansang militar ang karamihan sa mga bansa sa
buong mundo kasama na ang mga makapangyarihan, ito ay ang Allied Powers at Axis
Powers.

8- AP -Qtr 4-Week 3 & 4


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 3

Ang Allies o Allied Powers ay pinangungunahan nina Winston Churchill ng


Great Britain, Franklin Roosevelt ng United States of America, Joseph Stalin ng Soviet
Union (Russia) at Chiang Kai-Shek ng China. Samantala, ang Axis Powers naman ay
kinabibilangan nina Adolf Hitler ng Germany, Hirohito ng Japan at Benito Mussolini
ng Italy.

Sa digmaang ito, nasangkot ang mahigit sa isang daang milyong tao mula sa
iba’t ibang bansang nakilahok sa digmaan. Ibinuhos ng mga pangunahing bansa ang
kanilang kakayahang pang-ekonomiya, pang-siyensya, at pang-industriyal para
masuportahan ang digmaan. Kilala rin ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
malawakang masaker, pagpatay ng lahi, malawakang pambobomba, at paggamit ng
mga nuclear na armas sa digmaan. Kaya hindi maikakailang mahirap mailarawan ang
lawak at saklaw ng digmaang ito. Ngunit, ano ba ang nangyari? Ano ba ang mga
naging dahilan upang humantong ito sa isang napakalaking digmaan ng kasaysayan?
Paano nga ba nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Halina’t isa-isahin
natin ang mga dahilang ito.

Pagbagsak ng Stock Market


Noong taong 1920, nagkaroon ng economic boom o mabilis
na pag-unlad ng ekonomiya ang United States na makikita
sa mataas na halaga ng stocks. Namuhunan ang maraming
tao sa pamamagitan ng pagbili ng mga stocks sa mababang
halaga ng porsiyento bilang paunang pambayad at inutang naman ang iba sa
stockbroker. Setyembre 1929, nakaramdam ang mga namumuhunan ng pagtaas ng
presyo ng stocks, kaya’t sinimulan nilang ibenta ang mga ito dahil sa posibilidad ng
pagbaba ng presyo nito sa mga susunod na araw. Nagdulot ito ng tuloy-tuloy na
pagbagsak ng halaga ng stocks hanggang Oktubre 24 na nagbigay takot sa mga
namumuhunan.
Dahil sa patuloy na pagbagsak ng halaga ng stocks, lahat ng mga
namumuhunan ay nagnais na ibenta ang kanilang mga stocks subalit walang nais
bumili. At sa loob lamang ng isang araw, 13 milyong shares ang ibinenta sa New York
Stock Exchange. Ang mabilis na pagbagsak ng presyo ng mga stock ay tinawag na
Wall Street Crash, hango sa pinansiyal na distrito ng New York. Noong ika-29 ng
Oktubre taong 1929, tuluyang bumagsak ang New York Stock Exchange at tinawag
nila itong Black Thursday.

8- AP -Qtr 4-Week 3 & 4


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 4

Bunga ng Wall Street Crash:


1. Maraming tao ang nawalan ng malaking salapi at nalugi ng maganap ang wall
street crash
2. Nagsara ang mga bangko at mga negosyo
3. Maraming tao ang nawalan ng trabaho
4. Humina ang produksiyon at bumababa ang pasahod sa mga manggagawa
5. Nagdulot ng Great Depression.
Ang Great Depression
Ang Great Depression ay isang malawakang krisis pang-ekonomiya na
nagsimula dahil sa pagbagsak ng stock market noong October 20, 1929. Naapektuhan
nito ang halos lahat ng mamamayan ng United States. Humina ang produksiyon ng
mga industriya. Umabot sa 9 milyong katao ang nawalan ng pera sa mga bangko dahil
nawalan ang bangko ng pambayad. Noong taong 1933, halos ikaapat na bahagi ng
mga mamamayan sa United States ay nawalan ng trabaho.
Ang taong 1933 ang pinakamalalang taon ng Great
Depression dahil umabot sa 12 milyong katao ang nawalan
ng trabaho. Nabawasan ang pag-angkat ng United States
ng mga hilaw na materyales na nakaapekto sa mga
mahihirap na bansang dumedepende sa pagbebenta ng
pagkain at mga hilaw na materyales.
Lumaganap sa buong mundo ang pagbagsak ng ekonomiya ng United States.
Noong Unang Digmaang Pandaigdig, nagpautang ang mga bangko ng United States sa
ibang bansa. Subalit, nang magsimula ang Great Depression, sinimulang bawiin ng
United States ang mga pautang nito sa ibang bansa, gayundin ang kanilang puhunan
at mga negosyo. At upang mapanatili ang dolyar sa kanilang bansa at bilhin ng mga
mamamayang Amerikano ang kanilang sariling produkto, pinatawan ng mataas na
taripa ng United States ang mga produktong imported. Ang patakarang ito ay
nagkaroon ng epekto sa mga bansa na nagluluwas ng produkto sa United States.
Naglagay rin ang mga bansa ng mataas na taripa sa kanilang mga produkto na naging
sanhi ng paghina ng kalakalang pandaigdig. Nagdulot ito ng patuloy na paghina ng
ekonomiya ng mundo at malawakang kawalan ng hanapbuhay. Ang Great Britain at
Germany, ay kabilang sa mga bansang labis na naapektuhan. At mabilis na
lumaganap sa buong mundo ang krisis.

Pagsikat ng mga Diktador


Dahil sa hangarin na magkaroon ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa
lipunan, ang Nasismo, Komunismo, at Pasismo ay naitatag sa iba’t ibang panig ng
Europa. Ito ang mga ideolohiyang sinusunod ng mga diktador. Ang isang diktador ay
mayroong ganap na kapangyarihan at ganap na kontrol sa mga mamamayan nito.
Naging hangarin ng mga diktador na sakupin ang kanilang mga kalapit bansa sa
paniniwalang ito ang paraang makakatulong upang maiahon nila ang ekonomiya ng
kanilang bansa. Ang mga ambisyon ng mga diktador tulad ni Adolf Hitler ng Germany,
Benito Mussolini ng Italy, at Joseph Stalin ng Soviet Union (Russia) ang naging daan
upang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

8- AP -Qtr 4-Week 3 & 4


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 5

Kahinaan ng League of Nations


Ang League of Nations ay itinatag noong ika-10 ng Enero
taong 1920 na may layuning mapanatili ang kapayapaan.
Ngunit hindi nito nagawang pigilan ang pagsalakay ng Japan

https://en.wikipedia.org/wiki/League_of_ 1
sa Manchuria, Italy sa Ethiopia, at Germany sa Rhineland. Ang mga kasapi ng League
of Nations ay hindi nagkakasundo sa mga usapin at pagpapasya, wala itong
kapangyarihang maningil ng buwis at walang sariling hukbo upang maipatupad ang
mga desisyon. Ang hindi pagsali ng mga makapangyarihang bansa katulad ng United
States ay isa pang dahilan ng kahinaan ng League of Nations. Sumali ang Russia
noong 1934 subalit ito ay inalis kaya’t napunta sa Great Britain at France ang
responsiblidad na itaguyod ang liga. Ngunit ang dalawang naturang bansa ng mga
panahong iyon ay hindi pa lubusang nakakabangon sa pinsalang dulot ng Unang
Digmaang Pandaigdig. Kaya’t upang makaiwas sa digmaan, ipinatupad ng Britain at
France ang patakarang appeasement kung saang hinayaan nilang ipagpatuloy ng mga
diktador ang kanilang pagsakop sa mga teritoryo.
Mga Kondisyon ng Treaty of Versailles
Opisyal na nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig
noong ika-28 ng Hulyo taong 1919 sa pamamagitan ng kasunduan
sa Versailles. Layunin ng Treaty of Versailles na panatilihin ang
kapayapaan pagkatapos ng Unang Digmaan. Ngunit para sa mga
Aleman, hindi makatarungan ang nilalaman ng kasunduan.
https://en.wikipedia.org/wiki/Treaty_of_ 1

8- AP -Qtr 4-Week 3 & 4


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 6

Naging mitsa ito upang magkaroon ng tensiyon at humantong sa pagsisimula sa


panibagong digmaan na higit na mas malawak at mas mapaminsala.
Mga Pagsalakay Bago Sumiklab Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
1. Pagsalakay ng Japan sa Manchuria (1931) – Sinalakay ng Japan ang
Manchuria noong 1931. Ito ay isang lalawigang nasa hilaga ng China na
mayaman sa bakal at karbon. Ito ang unang hamon na kinaharap ng League of
Nations, kinondena nila ito, subalit wala silang nagawa para pigilan ang Japan.
Ang ginawang ito ng Japan ang dahilan kung bakit siya itiniwalag sa liga.
2. Pagsalakay ng Italy sa Ethiopia (1935) – Sa pamumuno ni Benito Mussolini,
sinakop ng Italy ang Ethiopia at tuluyang nilabag ang kasunduan sa Liga
(Covenant of the League).
3. Pagsalakay ng Germany sa Rhineland (1936) – ang pagtiwalag ng Germany sa
liga ng mga bansa at pagkabigo ng liga na panatilihin ang kapayapaan ang
nagkumbinsi kay Hitler na kunin ang Rhineland. Ito ay isang buffer zone na
nasa magkatunggaling bansa na France at Germany. Dahil sa patakarang
appeasement, ang paglusob na ito ng Germany ay hinayaan lamang ng France.
4. Pagsalakay ng Japan sa China (1937) – sinalakay ng mga Hapones ang China,
at dahil sa kanilang mga makabagong armas, bumagsak ang Nanjing at ang
Beijing na kapital ng China.
5. Pagkuha ng Germany sa Austria (1938) – Nakasaad sa Treaty of Versailles na
ipinagbabawal ang pagsasama ng Austria at Germany (Anschluss). Ngunit dahil
maraming mga mamamayang Austriano ang gustong maisama ang kanilang
bansa sa Germany, nagpadala si Hitler ng hukbo sa Austria at ginawa itong
sangay ng Germany.
6. Pagkuha ng Germany sa Czechoslovakia (1938) - Noong Setyembre 1938,
hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudentenland na pagsikapan na
matamo ng kanilang awtonomiya. Dahil dito, hinikayat ng Inglatera si Hitler na
magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang
Sudentenland at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay
napunta na rin sa Germany.
7. Paglusob ng Germany sa Poland (1939) – Noong 1939, ang pagpasok ng mga
Aleman sa Poland ang huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang pagsakop na ito ay pagbaliktad ng Germany sa
Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang
kasunduan ng hindi pakikidigma ((Non-Aggression Pact). Ang pagbaliktad na
ito ay dulot ng mga sumusunod na pagyayari:
a. Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon tungkol sa krisis ng
Czechoslovakia.
b. Pagkainis ng Russia sa Great Britain nang ang ipinadalang nitong
negosyador para sa Kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual Assistance
Pact) ay hindi importanteng tao.
Mga Kaganapan at Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, hindi natupad ang kapayapaang
inaasahang makamit batay sa Treaty of Versailles ng 1919 at sa iba pang mga

8- AP -Qtr 4-Week 3 & 4


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 7

kasunduang nilagdaan ng mga bansang Europeo. Sa halip, nasaksihan ang isa pang
digmaan na itinuturing na pinakamapangwasak na digmaan sa kasaysayan ng
sangkatuhan- ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na naganap noong 1939 hanggang
1945.
Mga Mahalagang Kaganapan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Pagsalakay sa Poland. Bukod sa Austria at


Czechoslovakia sinalakay din ng hukbo ni Hitler ang
Poland noong Setyembre 1, 1939 upang gawing teritoryo.
Isinagawa ng Germany ang blitzkrieg o lightning war, ang
estratehiyang militar na ginagamitan ng mabibilis na eroplano at tangke na sinundan
ng puwersa ng mga sundalo sa kanilang pagsalakay. Ito ay nagresulta ng pagbagsak
ng Warsaw, ang kabisera ng Poland. Ang pagsalakay na ito ng Germany sa Poland ang
nagpasimula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nang mabatid ito ng Britain at
France, sila ay nagpahayag ng pakikidigma sa Germany noong Setyembre 3, 1939.
Ang magkabilang panig na naglaban ay ang Axis Powers na pinangungunahan ng
Germany, Italy at Japan laban sa Allied o Allies Powers na kinabibilangan ng Great
Britain at France.
Ang Digmaan sa Europe. Sa kanlurang Europe, ang mga
hukbong Pranses at Ingles ang nag-abang sa likod ng Maginot
Line, (isang hanay ng mga moog na pangdepensa sa
hangganan ng France at Germany) kung saan hinihintay nila
ang pagsalakay ng Germany, subalit walang naganap na pagsalakay. Tinawag ito na
Phony War dahil sa pananahimik ng Europe sa digmaan. Muling naglunsad ng
pagsalakay si Hitler sa Denmark at Norway noong Abril 9, 1940. Isinunod nito ang
Netherlands, Belgium at Luxembourg. Ito ang naghudyat sa pasimula ng Battle of
France at ang pagtatapos ng Phony War. Tuluyang bumagsak ang Paris sa mga
Aleman noong Hunyo 22, 1940.
Sinamantala ng Soviet Union ang digmaan at sinakop ang Finland noong Nobyembre
1939. Sinakop din nito ang Latvia, Lithuania at Estonia
gayundin ang Romania.
Labanan sa Hilagang Africa. Tinulungan ng Germany ang
Italya laban sa mga British sa digmaang naganap sa
Hilagang Africa. Iniutos ni Mussolini ang pagsalakay sa
Libya noong Setyembre 1940. Layunin nito na makuha ang Egypt na noon ay
kontrolado ng Britain dahil sa Suez Canal. Ang Suez Canal ay ang ruta na dinadaan
ng Britain patungo sa mga kolonya nito sa Silangan kaya’t
tinawag itong Lifeline of the Empire.
Pananalakay sa Soviet Union. Sa kabila ng kasunduan ng
Soviet Union at Germany, nagplano si Hitler na salakayin
ang Soviet Union. Bilang paghahanda, sinakop muna ng
Germany ang Bulgaria at naminsala sa Greece at Yugoslavia. Sa tulong ng
pinagsamang puwersa ng mga sundalo mula sa Italy, Romania at Finland biglaang
sinalakay ng Germany ang Soviet Union noong Hunyo 22, 1941, at ito ay tinawag ni
Hitler na Operation Barbarossa.

8- AP -Qtr 4-Week 3 & 4


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 8

Ang United States at ang Digmaan. Ang paglaganap ng


pananakop ng Axis Powers, pagkatalo ng mga Allies at
pagkabahala sa kalagayan ng demokrasya sa daigdig ang
nagdulot sa United States upang mapilitan na makialam sa
digmaan. Pinagtibay ng kongreso ang batas na Lend Lease na
nagpahintulot sa mga Allies na manghiram o upahan ang mga armas at suplay ng
digmaan ng Amerika. Noong Agosto 1941, sina Pangulong Franklin Roosevelt ng
America at Winston Churchill ng Inglatera ay nagpulong at lumagda sa Atlantic
Charter, isang dokumento na naglalaman ng mga demokratikong prinsipyo na
ipinaglalaban sa digmaan.
Ang Labanan sa Pasipiko. Ang digmaan sa Pacific ay sa
pagitan ng mga Allies at Japan na nagpatuloy hanggang Agosto
1945. Nauna nang sinalakay ng Japan ang Korea, Manchuria
at ilang bahagi ng China. Sumunod na sinalakay ng Japan ang
Guam at pagkaraan ay naglunsad ng pagsalakay sa Pilipinas.
Sinalakay din ng Japan ang Hongkong, Malaya, Singapore, Indonesia, Myanmar at
naging banta sa Australia. Narating ng Hapon ang tugatog ng tagumpay sa pananakop
sa Pasipiko noong 1942 at nagtatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
Habang pinag-uusapan ang kapayapaan sa pagitan ng Amerika at Japan,
binomba ng mga eroplanong Hapon ang Pearl Harbor, Hawaii noong Disyembre 7,
1941. Ang pataksil na pagsalakay na ito ay nagpagalit sa mga Amerikano.
Ang Pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Tagumpay ng Allied sa Europe at Hilagang Africa
Nagsimula ang pagbawi sa Kanlurang Europe noong Hunyo 6, 1944, nang
dumaong ang Allied Powers sa Normandy, France samantalang sa Hilagang Europe ay
tinalo naman ng Rusya ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin. Habang
nilalabanan ni Heneral Montgomery ang mga Nazi sa Egypt, sinalakay naman ni
Heneral Dwight Eisenhower ang Morocco at Algeria. Pagkaraan ng matinding labanan
noong May 13, 1945 ang Hilagang Africa ay napasakamay ng mga Alyadong bansa.
Samantala ang pagkatalo ng mga hukbong Italyano ay nauwi sa pagbagsak ni
Mussolini.
Ang Pagsuko ng Germany
Noong Abril 30, 1945 si Hitler na nagnais mamuno sa daigdig ay nagpakamatay
sa pamamagitan ng pagbabaril kasama ang kabit nito, si Eva Braun sa isang selda.
Ang digmaan sa Europe ay nagtapos noong Mayo 7, 1945 nang si Heneral Alfred Jodl,
pinuno ng sandatahang lakas ng Germany ay lumagda sa isang kasunduan ng
pagsuko ng Germany sa mga Alyado. Ang Mayo 8, 1945 ay idineklara bilang V-E
(Victory in Europe) Day sa United States. Nang matapos ang digmaan sa Europa, ang
mga alyado ay nagplano na durugin ang Japan, ang natitira sa puwersang Axis.
Ang Tagumpay sa Pasipiko
Inatake ng puwersang Amerikano at Australian ang mga lugar sa Asia-Pacific
na nasakop ng Japan. Noong Agosto 6, 1945, ang United States ay nagbagsak ng
bomba atomika sa Hiroshima at nasundan ng pangalawang bomba atomika na
ibinagsak sa lungsod ng Nagasaki noong Agosto 9, na nagdulot ng malubhang epekto

8- AP -Qtr 4-Week 3 & 4


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 9

sa Japan. Hinikayat ni Pangulong Truman ang Japan na sumuko na o makaranas pa


ng maraming pambobomba. Ika- 2 ng Setyembre, 1945, nilagdaan ng bansang Hapon
ang mga tadhana ng pagsuko sa sasakyang U.S Missouri sa Tokyo Bay. Sumuko ang
Japan noong Setyembre 2, 1945 at ito ay tinawag na V-J Day o Victory in Japan. Ito
ang pormal na pagwawakas ng digmaan sa Pacific at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang Yalta Settlement
Ang naganap na pagpupulong ng tatlong pinuno ng mga bansang nanalo sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naganap sa Yalta, bahagi ng Crimea, noong
Pebrero 1945. Nagpulong sina Joseph Stalin ng Russia, Winston Churchill ng Great
Britain at Franklin Roosevelt ng US upang pagpasyahan ang kapalaran ng Germany.
Napagkasunduang ipatupad sa Germany ang disarmament, demilitarization o
pagbabawal na magtatag ng sandatahang lakas at dismemberment o paghahati rito.
Pagbabayarin din ang Germany ng $20 bilyon bilang bayad-pinsala

Gawain 1: Ladder Chart


Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang letra ng tamang sagot sa loob ng tsart.

A. Pagsalakay ng Germany sa Poland.


B. Nilagdaan ng Japan ang dokumento ng
pagsuko.
C. Nagpakamatay si Hitler bago pa man
5 madakip ng Allies.
4 D. Naitaboy ng U.S at Great Britain ang
3 Italy at Germany sa hilagang Africa.
2 E. Binomba ng Japan ang Pearl Harbor,
1
Pilipinas, Guam at Midway Islands.

Gawain 2: TIMELINE
Panuto: Isulat mo mga arrow ang mga taon at sa mga kahon naman ang mga bansa
at lugar na sinalakay bago magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

8- AP -Qtr 4-Week 3 & 4


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 10

Gawain 3: Poster slogan Making


Panuto: Sa isang oslo paper ay gumawa ng poster slogan na nagpapakita ng mga
epekto o resulta ng digmaan. Maghanda rin ng paliwanag ukol sa iyong iginuhit na
poster. Gawing batayan ang rubric sa pagmamarka bilang gabay sa
pagtupad ng gawaing ito.
KRAYTIRYA ISKALA ISKOR
Kaugnayan sa Paksa 1-10
Pagkamalikhain 1-10
Impact 1-10
Kabuuan 30

Mitsa ng Digmaan: Punan ang Tabulasyon


Mga Bansa nanguna sa
Mga Bansang Dahilan ng
Ikalawang Digmaang Pinuno
Sinakop Pananakop
Pandaigdig
Japan
Germany
Italy

I. Suriin ang bawat katanungan at bilugan mo ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay malawakang krisis pang-ekonomiya na nagsimula dahil sa pagbagsak ng
stock market.
A. Great Wall B. Great Recession
C. Great Depression D. Great World
2. Ito ang titulong ginamit ni Mussolini nang siya ay naging makapangyarihan sa
Italy.
A. Il Jung B. Il Dice
C. Il Sung D. Il Duce
3. Ang New York Stock Exchange ay bumagsak noong _________.
A. Oktubre 1929 B. Setyembre 1924
C. Oktubre 1909 D. Setyembre 1929
4. Ito ang titulong ginamit ni Hitler ng naging pinuno siya ng Germany.
A. Fohrir B. Fuhrer C.Fihrer D.Fahrer
5. Ito ang kasunduang nilagdaan sa pagitan ng Germany at Russia na hindi nila
sasalakayin ang isa’t isa.
A. Aggression Pact B. Non-Aggression Pact
C. Mutual Pact D. Assistance Pact
6. Ito ang pinakamapaminsalang digmaang naganap sa kasaysayan ng daigdig.
A. Cold War C. Ikalawang Digmaang Pandaigdig
B. Hundred Years War D. Unang Digmaang Pandaigdig
7. Ang kahulugan nito ay “lightning war” o mabilis na pagsalakay ng Germany gamit
ang mga bomba at yunit ng mga tanke.
A. Blitzkrieg B. Maginot Line C. U-boat D. RAF

8- AP -Qtr 4-Week 3 & 4


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 11

8. Pinakamapaminsalang sandatang ginamit sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa


kauna-unahang pagkakataon.
A. Atomic Bomb B. Machine Gun C. Poison Gas D. War Tank
9. Ito ay tawag sa pananahimik ng Europe sa digmaan.
A. Lightning War B. Phony War C. Royal Air Force D. Sitting War
10. Ang tatlong lider na nagpulong sa Yalta ay sina Joseph Stalin, Franklin Roosevelt
at ___________.
A. Adolf Hitler C. Winston Churchill
B. Douglas Mac Arthur D. Woodrow Wilson

Binabati kita! Mahusay mong natapos ang mga inihandang gawin sa modyul na
ito. At para sa huling gawain, ikaw ay binibigyan ng pagkakataon na makapag-isip,
makapagsulat ng isang SANAYSAY o makaguhit ng isang MURAL PAINTING tungkol
sa iyong mga repleksyon, reyalisasyon at natutunan sa modyul na ito. Gawing
batayan ang mga sumusunod sa paggawa ng poster o sanaysay.

1. Mayroon bang nananatiling epekto sa kasalukuyan ang naganap na digmaan noon?


Magbigay ng halimbawa ng mga bansa sa kasalukuyan, na patuloy na nasasangkot sa
tensyon sa kapwa bansa o nakararanas ng sigalot sa loob ng bansa, na nagiging
hadlang sa pagkamit ng kapayapaan. Halimbawa US-China, Iran-Israel, Hongkong
Protest at Marawi Siege sa Pilipinas.
2. Anu-ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang muling pagsiklab ng isa pang
digmaan?
3. Ano ang mga masamang epekto ng digmaan? May kaugnayan ba ang mga naganap
na digmaan noon sa kasalukuyang panahon? Ano ang kaugnayan nito sa
kasalukuyan?

Pamantayan sa Paggawa ng Sanaysay o Mural Painting

8- AP -Qtr 4-Week 3 & 4


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 12

PALASAGUTANG PAPEL- WEEK 3 & 4


Pangalan:__________________________________ Pangkat:
_______________________________
Guro:___________________________________ Petsa: ______________ Grado/Iskor:
_________

ARALIN 2: Ikalawang Digmaang Pandaigdig

PAUNANG PAGSUSULIT
Tama o Mali Multiple Choice
1 6
2 7
3 8
4 9
5 10

BALIK – TANAW:
Pagkilala sa Sanhi: Lagyan ng tsek ang kolum kung saan naganap o kabilang ang
sumusunod na pangyayari sa bawat bilang.

Unang Ikalawang
Mga Pangyayari Digmaang Digmaang
Pandaigdig Pandaigdig
1. Paglusob ng Germany sa Poland
2. Masidhing Nasyonalismo
3. Pag-alis ng Germany sa liga ng mga bansa
4. Pag-agaw ng Japan sa Machuria
5. Pagpatay kay Arkduke Francis Ferdinand
ng Austria-Hungary

GAWAIN 1: Ladder Chart


Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang letra ng tamang sagot sa loob ng tsart.

A. Pagsalakay ng Germany sa Poland.


B. Nilagdaan ng Japan ang dokumento ng
pagsuko.
5 C. Nagpakamatay si Hitler bago pa man
4 madakip ng Allies.
3 D. Naitaboy ng U.S at Great Britain ang
2 Italy at Germany sa hilagang Africa.
1 E. Binomba ng Japan ang Pearl Harbor,
Pilipinas, Guam at Midway Islands.

8- AP -Qtr 4-Week 3 & 4


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 13

Gawain 2: TIMELINE
Panuto: Isulat mo mga arrow ang mga taon at sa mga kahon naman ang mga bansa
at lugay na sinalakay bago magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Mitsa ng Digmaan: Punan ang Tabulasyon

Mga Bansa nanguna sa


Mga Bansang Dahilan ng
Ikalawang Digmaang Pinuno
Sinakop Pananakop
Pandaigdig

Japan

Germany

Italy

PANGHULING PAGSUSULIT
1 6
2 7
3 8
4 9
5 10

8- AP -Qtr 4-Week 3 & 4

You might also like