You are on page 1of 3

Saint Anthony Academy

Batuan, Bohol, Philippines


Member: Bohol Association of Catholic Schools ( BACS)
Catholic Education Association of the Philippines (CEAP)
ARALING PANLIPUNAN 8
Gawain Blg. 2
Paksa: Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Kompetensi: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Ikalawang Digmaang
Pandaidig
Mga Layunin: 1. Nasusuri ang mga salik na nagbigay-daan sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
2. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
3. Natataya ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Sanggunian: Batayang Aklat AP 8 (Makisig Kasaysayan ng Daigdig:Pahina 332-345)
Konsepto:
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Hindi natupad ang inaasahang kapayapaan ng mga bansa batay sa Kasunduan sa Versailles. Sa halip, nasaksihan
ng daigdig ang isa pang digmaan na itinuturing na pinakamapangwasak na digmaan sa kasaysayan ng mundo-ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Mga Salik Tungo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 Great Depression. Pagkatapos ng matinding labanan na naganap sa mundo nagkaroon ng matinding
kapighatian sa mga bansa sa daigdig. Bumagsak ang ekonomiya sa buong Europa, nagkaroon ng
matinding kawalan ng trabaho, problema sa pananalapi, pagkasira ng mga makinarya at pagkakagutom.
Nagtaasan amg mga taripa sa mga bansa upang makapasok ang kanilang mga produkto sa iba pang bansa.
Humina ang pandaigdigang kalakalan. Dahil dito ang kompitensya ay sumidhi at hindi kanais-nais na
lakas ng nasyonalismo at imperyalismo ay nanaig upang mapaunlad ang mga bansa.
 Pag-atras ng Amerika sa pagpapatibay ng Kasunduan ng Versailles. Isa sa pangunahing dahilan ng
digmaan ay ang pag-atras mismo ng Amerika sa kasunduan ng Versailles, maaalala natin na ang
pangunahing gumawa ng kasunduang ito ay si Pangulong Wilson na president ng Amerika. Hindi rin
sumali ang Amerika sa League od Nations na nangangahulugan na patuloy pa rin ang hidwaan. Dahil sa
kawalan ng suporta galing sa Amerika, ang Britanya at Pransya na lamang ang naging tagapangasiwa at
tagabantay sa pagsasakatuparan ng Kasunduan sa Versailles.
 Ideolohiya sa Europa. Ang pagkakaroon ng iba’t-ibang ideolohiya ang isa sa mga senyales ng hindi
pagkakaunawaan at naging sanhi ng digmaan. Sa Rusya sinulong ng mga Bolshevik ang Socialism, na
taliwas sa kapitalismo na pinapatupad ng Amerika, Britanya, at iba pang mga bansa. Samantala, pinaiiral
sa Alemanya at Italya ang fascism.
 Agresyon ng mga Bansa. Pinaniniwalaan ng mag Aleman na hindi patas ang kanilang sinapit sa
Kasunduan sa Versailles. Noong 1930, napasailalim sa kontrol ang buong Alemanya ng ideolohiyang
totalitarian at fascism ng National Socialist German Workers Party o tinagurian ding Partido Nazi na
pinamumunuan Adolf Hitler, nangako siyang sisirain niya ang Kasunduan sa Versailles. Ang pasismo ay
isang ideolohiya na naniniwalang ang interes ng estado ay higit na mahalaga kaysa ang kapakanan ng
mga mamamayan. Ang Nazism naman ay isang ideolohiya na naniniwala na ang mga Aleman ay kabilang
sa superior na lahing Aryan.
Mga Pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 Ang Pagbagsak ng Poland. Mabilis na bumagsak ang Poland dahil sa pag-atakeng ginawa ng
Alemanya na tinatawag na blitzkrieg, ito ang mabilis ta sunod-sunod na pag-atake sa lupa at himpapawid
kaya’t tinawag din itong “lightning war”. Sa loob lamang ng dalawang lingo sumuko ang Poland dahil
sa sunod-sunod na pag-atake ng mga tangkeng Aleman, bomba, at paratroopers. Noong Setyembre 27,
1939 tuluyan nang sumuko ang Poland at batay sa kasunduang Nazi-Soviet, pinaghatian nina Hitler at
Satlin ang Poland.
 Ang Phony War. Noong 1939 at 1940, walang naganap na labanan sa pagitan ng dalawang panig.
Naging tahimik ang buong mundo bagama’t opisyal ang digmaan sa pagitan ng Pransiya at Britanya
laban sa Alemanya tinawag ito “Phony War”.
 Pagbagsak ng Kanlurang Europa sa Axis. Noong 1940, mabilis na bumagsak ang Denmark at
Norway sa mabilis na atake ng mga Aleman. Dahil dito agad sumuko ang Belhika, Netherlands, at
Luxembourg kay Hitler. Kampante ang Pransiya na hindi siya madaling maaatake ng Alemanya dahil sa
likod ng Maginot Line, sunod-sunod na guwardiyadong kuta sa may hangganang Alemanya. Noong
Hunyo 1940, mahigit na 300, 000 na tropang Allie ang umatras dahil sa ginawang pag-atake ng mga
Aleman. Pagkaraan ng ilang araw agad nakipagsundo ang Pransya sa Alemanya. Ang kasunduan ay
nagsasaad na ang mga Aleman ay mananatili sa hilagang Pransiya kasama na ang Paris. Sa timog
Pransiya isang gobyernong puppet ang tinatag at tinawag itong Vichy.
 Pag-atake sa Britanya. Dahil sa pagbagsak ng Pransiya, inasahan ni Hitler na susuko na ang mga
Britanya bago pa man umatake ang mga Aleman sa mga Briton. Ngunit malakas ang paninindigan ni
Winston Churchill, ang Punong Ministro ng Britanya. Dahil sa pagmamatigas ng Inglatera nagkaroon ng
malawakang pambobomba na ginawa ng mag Aleman sa pabrika, mga daungan, Paliparan, ay mga
kalunsuran ng Britanya. Noong Agosto 1940, lakas loob na lumaban an Royal Air Force laban sa mga
sasakyang panghimpapawid ng mga Aleman.
 Pag-atake ng Alemanya sa Unyong Sobyet. Nangamba si Hitler na balang araw ay magiging balakid
sa kanyang plano ang Unyong Sobyet kaya noong Hunyo 1941, nagdesisyon si Hitler na atakihin ang
Unyong Sobyet. Naniniwala ang Alemanya na madali nilang masasakop ang buong Sobyet, sinabi niya
na “Mabuksan lamang natin ang pintuan, at ang buong gusali ay babagsak”.
 Ang Digmaan sa Stalingrad. Ang pagtatapos ng taglamig ang naging senyales ng muling pag-atake ng
Alemanya. Pinuntirya ni Hitler ang lungsod ng Stalingrad kung saan nakasentro ang transportasyon sa
hilaga at timog. Daan-daang sasakyang pandigma ang sumugod sa lungsod na nagresulta sa pagkamatay
ng libo-libong sibilyan.
 Ang Labanan sa El’Alemein. Nais ni Mussolini, pinuno ng Italy ana mapanumbalik ang kontrol sa
buong Mediterranean. Noong 1940, inatake ng Italya ang buong Ehipto, ang layunin ng pag-atakeng ito
ay makuha ang Suez Canal sa Britanya ngunit mahigpit ang depensa ng mga Briton kaya nabigo ang
Italya. Humingi si Mussolini ng tulong kay Hitler sa pamamagitan ng mga bihasang sundalo sa disyerto
ng Aprika sa pamumuno ni Field Marshal, Erwin Rommel o mas kilala bilang “Desert Fox”. Ang
labanan sa El’Alemein ang unang pagkapanalo ng Britanya sa digmaan at nagbigay-daan upang maging
bayani si Montgomery.
Ang Lagay ng Europa sa Ilalim ng Pamamahala ni Hitler
 Ang Malagim na Holocaust
 Pag-atake sa Pearl Harbor
 Ang Pormal na Pagsali ng Amerika sa Digmaan
 Ang Pagbagsak ng Axis sa Europa
 Ang Katapusan ni Hitler at ng Alemanya
 Pagsuko ng Japan
Pagsibol ng United Nations
 Noong Agosto 1941 nilagdaan ang Atlantic Charter ng mga kilalang lider ng mundo. Sa Yalta
Conference sa Crimea noong Pebrero 1945, ang tinaguriang “big three” na sina Pangulong Roosevelt,
Prime Minister Churchill, at Premier Stalin ay sumang-ayon sa planong ginawa sa Dumbarton Oaks na
bubuo ng isang Saligang Batas para sa United Nations. Nagtipon-tipon ang limampung bansa noong
Hunyo 16, 1945. Lumagda ang 50 bansa sa charter para sa United Nations.
Mga Hangarin ng United Nations
 Mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad;
 Mapaunlad ang relasyong pagkakaisa ng mga bansa batay sa pantay na karapatan at sariling
determinasyon ng mga tao at gumawa ng mga angkop na hakbang upang palakasin ang kapayapaan;
 Matamo ang pagkakaisa sa paglutas ng mga suliraning internasyonal na pangkabuhayan, sosyal,
kultural, at sa pagtataguyod ng paggalang sa karapatan ng tao; at
 Maging sentro para matugma ang mga gawain ng mga bansa sa pagkakamit ng mga layunin.
ARALING PANLIPUNAN 8
MGA PAGSASANAY
Gawain Blg. 2
Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:___________________________
Petsa:______________________________ Marka: __________________

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (15 pts)


1. Paano nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

2. Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

3. Ano ang ibinunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

You might also like