You are on page 1of 10

Saint Anthony Academy

Batuan, Bohol, Philippines


Member: Bohol Association of Catholic Schools ( BACS)
Catholic Education Association of the Philippines (CEAP)

ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:___________________________


Petsa:______________________________ Marka: __________________

Modyul Blg. 1
Paksa: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europa
Kompetensi:
*Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece.
*Naipapaliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano.
Layunin:
*Nailalarawan ang heograpiya ng Kabihasnang Gresya at Roma
*Natutukoy ang epekto ng heograpiya sa kabihasnang Gresya at Roma sa pamumuhay ng mga tao.
*Nahihinuha ang kahalagahan ng mga kontribusyon ng kabihasnang Romano sa kasalukuyang panahon.
Naipapahayag ang sariling pagpapahalaga sa mga kontrisbusyon ng kabihasnang klasiko.
Konsepto:
Hindi lamang sa kontinente ng Asya at Aprika umusbong ang kabihasnan, nagging lundayan din ng kabihasnan
ang Europa – particular na ang bansang Gresya. Matatagpuan ang sinaunang Gresya (Greece) sa katimugang
bahagi ng Europa. Subalit hindi ito katulad ng ibang kabihasnan na nagmula sa mga ilog-lambak, ito ay
umusbong sa palibot ng dagat.

SINAUNANG KABIHASNAN NG GRESYA


Kabihasnang Minoan
Pamahalaan Pinamumunuan ng hari na sinasabing pinakamakapangyarihang tao ng
pamayanan.
Ekonomiya Pagtatanim ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Minoans.
Gayunpaman nag-aalaga rin sila ng baka, kambing at tupa maliban sa
pagtatanim.
Teknolohiya Mahuhusay din na artisan ang mga tao makikita ito sa kanilang paglikha ng
mga kagamitan n amula sag into at tanso tulad ng alahas at mga palayok.
Bukod dito, mayroon din silang kaalaman sa paggawa ng mga sandata sa
pakikipaglaban na yari sa bronse at copper at kagalingan sa paghahabi ng tela.
Sining Ang kanilang sining ay kadalasang nakatuon sa kagandahan ng kanilang
kalikasan at palakasan.

Mahahalagang Pangyayari sa Sibilisasyong Minoan


 Pagpapagawa ng mga daan o aqueducts o mga kanal
 Pagpipinta sa mga sariwang plaster.
 Pag-uukit sa mga plorera o pigurin
 Pagsusulat sa sariling wika.

Dahilang ng Pagbagsak
 Bumagsak ang kabihasnan dahil sa pagsabog ng bulkan, lindol at paghampas ng alon. May nagsasabi ding
sinalakay at napalitan ng mga dayuhang Mycenean.

Kabihasnang Mycenean
Pamahalaan Ang kanilang lupain ay pinamumunuan ng mandirigmang hari na tinatawag na
wanax na nakatira sa isang moog na napapalibutan ng matataas na pader
samantalang ang lawagetas naman ang tawag sa nagsisilbing pinuno ng
mandirigma na nangasiwa sa kapayapaan ng kanilang lupain.
Ekonomiya Pagtatanim ng cereals, barley, ubas, trigo at oliba (olive) ang kanilang
kabuhayan. Kumukuha ng gatas at telang wool mula sa kanilang alagang
kambing at tupa. Nagluluwas din sila ng mga produkto sa karatig-pook tulad
ng Silcy at Italya.
Teknolohiya Mayroon silang industriya para sa pagpapanday ng bronse, tanso, copper at
ginto, paggawa ng mga pabango at pagkuha ng langis mula sa oliba.
Sining Ang kanilang sining ay hinango sa kultura ng mga Minoan tulad ng paggawa
ng mga fresco at iba pa.

Dahilan ng Pagbagsak
Sinasabing ang pananalakay ng iba’t-ibang tribo gaya ng Dorian, ang nagpabagsak sa paghahari ng mga
Mycenean. Ang hinuha naman ng ibang eksperto na ito ay bunsod ng problema tulad ng kakapusan sa pagkain at
problemang dala dala ng kalikasan na hindi nalutas ng mga pinuno.
Ang Pamumuhay sa Sinaunang Gresya
RELIHIYON
 Ang mga Griyego ay naniniwala sa maraming diyos at diyosa. Itinuturing nila ang kanilang mga diyos na
makapangyarihan at imortal na may itsurang mukhang tao. Pinaniniwalaan din nila na nakatira ang mga
ito sa Bundok Olympus na pimumunuan ni Zeus.
Ilan sa mga diyos at diyosa
 Poseidon – kapatid ni Zeus, diyos ng karagatan
 Apollo – anak na lalaki ni Zeus at diyos ng araw, musika, at kagalingan.
 Hera – asawa ni Zeus at diyosa ng pag-aasawa
 Athena – diyosa ng karunungan
PALAKASAN
 Naniniwala ang mga Griyego na isang paraan ng pagbibigay-pugay sa kanilang mga diyos at diyosa ay
ang pagpapaunlad ng kanilang mga sarl, isipan at katawan. Pinapahalagan nila ang kanilng mga katawan
at nagdaraos sil ng mga patimpalak palakasan. Dito nagsimula ang Olympic Games, na pormal na
nagsimula noong 770 B.C.
PAMILYA
 Ang pangunahing yunit panlipunan ng sinaunang Gresya ay ang pamilya na pinamumunuan ng mga
kalalakihan. Inaasahang susundin ng mga kababaihan ang kanilang asawa, aalagaan ang mga anak at
pangangasiwaan ang mga gawaing bahay. Hindi sila kabilang sa pagsisilbi sa lipunan.
ATHENS AT SPARTA: MGA PANGUNAHING LUNGSOD-ESTADO SA GRESYA
 Umusbong ang yunit ng pamahalaan na tinatawag na polis o mga lungsod estado
 Ang polis ay nahahati sa dalawa:
ACROPOLIS – mataas na bahagi ng lungsod
AGORA – pamilihang bayan na matatagpuan sa mababang bahagi ng acropolis
 Iba’t-ibang sistema ng pamamahala: monarkiya, aristokrasya, oligarkiya, at demokratikong pamahalaan
 Hoplite – mamamayan tulad ng artisan, nagmamay-ari ng lupa at mangangalakal na nagtatanggol sa polis
 Phalanx – magkakadikit na hilera ng mga sundalo na may hawak na sandata at kalasag sa dalawang
magkabilang-kamay para sa depensa at opensa sa kanilang kalaban.
SPARTA (Estadong-Militar)
 Ang Sparta ay estadong-militar na matatagpuan sa katimugang bahagi ng Pelopponesus.
 Tanyag dahil sa pagkakaroon ng buhay na walang luho, malalakas na pangangatwiran at bihasa sa
pakikipaglaban.
 Naglilingkod bilang mga mandirigma ang mga kalalakihan samantalang ang mga kababaihan ay may
tungkulin na magluwal ng malulusog na mga anak.
 Pinagbubutihan ang kanilang lakas-militar upang maiwasan ang pag-aalsa ng mga helot.
 Ang helot ay taga-Messenian na itinuturing na alipin ng mga Spartan.
 Ang lipunan sa estadong ito ay nilikha upang maging isang magaling na mandirigma ang isang tao kung
kaya ipinagbabawal ang pagpapakita ng emosyon at pagpapahalaga sa iba’t-ibang aspeto ng sining
ATHENS (Demokratikong-Estado)
 Kakaibang katangian sa Sparta
 Maunlad na demokratikong estado na may pagpapahalaga sa edukasyon at malayang kaisipan.
 Hangad ng mga tao rito ang pagkakaroon ng pagbabago na pinasimulan ng mga sumusunod na lider:
*Draco
*Solon
*Pissistratus
*Cleisthenes
BANTA NG MGA PERSYANO SA GRESYA
 Isang malakas na imperyo na nagmula sa silangang bahagi ng Gresya ang nagsimulang manakop ng mga
lupain, ito ay ang mga Persiyano.
 Digmaang Marathon
 Digmaang Thermopylae
 Digmaang Salami
GININTUANG PANAHON NG ATHENS (Golden Age of Athens)
 Dahil sa tagumpay na nakamit ng Griyego laban sa mga Persiyano, naibalik ang kumpiyansa sa Athenian
upang paghandaan ang muling pagsasalakay ng mga kalaban.
 Delian League – isang alyansa na binubuo na mahigit na 140 lungsod-estado.
 “Ginintuang Panahon” - tumutukoy sa panahon ng pagtatamasa ng Athens ng kasaganahan sa
pamumuhay at pag-unlad ng agham, sining, arkitektura, panitikan at pilosopiya.
 Namayagpag ang Athens mula sa 480 B.C.E. hanggang 430 B.C.E. dahil sa pamumuno ni Pericles.
 Isang templo ang ipinatayo bilang pagpaparangal sa kanilang diyosa ng karunungan at patron ng Athens
na si Athena.
 Ang Ampitheater ay isang lugar na pinagdadausan ng pagtatanghal na nilalahukan ng pawing kalalakihan
lamang.
ANG LABANAN SA PAGITAN NG ATHENS AT SPARTA
 Dahil sa lumakas na kapangyarihan ng mga Athenian, nangamba ang ilang mga lungsod-estdao sa
lumalawak na impluwensiya ng Athens.
 Itinatag ang Peloponnesian League
 Hindi magangda ang pagtanggap ng Athens sa samahang binuo ng Sparta kaya nagkaroon ng
Peloponnesian War
 Nagwakas ang digmaan nang magapi ng Sparta ang Athens noong 404 B.C.E. ngunit nanatili ang hindi
pagkakaunawaan ng dalawang lungsod-estado. Ang pangyayaring ito ang itinuturing na dahilan ng
pagbagsak ng maunlad na ekonomiya ng iba pang polis.

ANG KABIHASNANG ROMANO AT MGA KONTRIBUSYON NITO

ARKITEKTURA
 Colesseum – malaking stadium na ginamit para sa pagdaraos ng labanan ng mga gladiator at iba pang
mahahalagang okasyon.
 Parthenon (Templo ng mga Diyos) – malaking dome na gawa sa kongreto at hindi ginamitan ng bakal na
ipinatayo ni Hadrian. Ang istrukturang ito ay nag-iisang monument na hanggang sa kasalukuyan ay
makikita pa rin sa Rome.

BATAS
 Twelve Tables – ang kauna-unahang batas sa Roma na batayan ng mahabang tradisyong legal hanggang
sa kasalukuyan.

INHINYERYA
 Aquedact (kanal) – ginawa ng mahuhusay na inhinyero upang magdala ng tubig sa mga bayan at
lungsod. Matibay ang pagkakagawa ng ilan sa mga ito na hanggang sa kasalukuyan ay nakikita at
nagagamit pa rin tulad ng Appian (Appian Way).

KRISTIYANISMO
 Pinakamahalagang pamanan ng Romano ang relihiyong Kristiyanismo. Batay ito sa aral ni Hesus na
isang propetang Hudyo na isinilang sa Palestina. Ang tagasunod ng relihiyong ito ay hinihikayat na
mahalin ang Diyos at bawat isa. Ayon sa mga Kristiyanismo, si Hesus ang tanging mesiyas na
magliligtas ng sangkatauhan.

PANITIKAN
 Virgil – ang sumulat ng Aeneid, isang epiko na hango mula sa akda ni Homer, ang Iliad. Siya ang
sinasabing pinakamahusay at pinakadakilang manunulat sa kanyang panahon.
 Ovid – nakilala bilang mahusay na makata ng pag-ibig at karamihan sa kanyang kwento ay hango sa
mga alamat na nagging basehan ng mitolohiyang Griyego at Romano.
 Ars Poetica (The Art of Poetry) na nangpapaalala sa mga manunulat na kailangang maging mapanuri
bago ipalimbag o ipalathala ang kanilang akda.
 Luvius – tinaguriang “Ama ng Panitikang Romano” dahil sa pagsulat niya ng mga dula na hango sa mga
akda ng mga Griyego. Isinalin niya ang Odyssey sa wikang Latin.

WIKA
 Ang latin ay wikang opisyal ng mga Romano gayundin ang Simbahang Katolika. Nag-ugat sa wikang ito
ang iba’t-ibang wika tulad ng Kastila, Portuges, Italyano, at Romanian.

SIYENSYA
 Marcus Terentius Varro – tinaguriang “pinakamarunong na Romano” dahil sa malawak na kaalaman
pagdating sa larangan ng siyensya at sining.

.
SAGUTAN MO AKO!
I. “Tuklasin Natin” (Batayang Aklat; pahina 118-119)

II. “IRF Chart”


Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong sa ibaba at ilagay ang iyong sagot sa inisyal na bahagi ng IRF Sheet.
Paano nabuo at umunlad ang pagkakakilanlan ng mga tao at bansa sa daigdig sa kasalukuyan?
Initial:

Revised:

Final:

III. “Map Quiz”


Panuto: Punan ang blangkong mapa ng Gresya sa ibaba. Tukuyin at alamin ang mga lugar na nasa loob ng tsart.
Lagyan ng label ang bawat lugar na iyong matutukoy.
IV. “Video Analysis”
Panuto: Gamit ang inyong flashdrive, panoorin ang video tungkol sa heograpiya ng Greece at punan ang Cause-
and-Effect Chart at sagutin ang mga tanong ukol dito. (Greece: Secrets of the Past)

Katangiang Heograpikal ng Gresya mula sa video Epekto sa pamumuhay ng mga Griyego

Tanong: Paano nakakakaapekto at nakapag-ambag ang heograpiya ng Gresya sa pagbuo at pag-unlad ng


pagkakalilanlan ng mga Griyego at sa pagkakaroon ng mayamang kultura ng bans anito?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Gawain 5. Text Analysis


Panuto: Gamit ang inyong batayang aklat, basahin ang teksto tungkol sa heograpiya ng Roma at punan ang
Cause-and-Effect Chart at sagutin ang mga tanong ukol dito.
(Kasaysayan ng Daigdig; pahina 157-158)
Cause-and-Effect Chart
Katangiang Heograpikal ng Roma mula sa video Epekto sa pamumuhay ng mga Romano

Tanong: Paano nakakakaapekto at nakapag-ambag ang heograpiya ng Roma sa pagbuo at pag-unlad ng


pagkakalilanlan ng mga Griyego at sa pagkakaroon ng mayamang kultura ng bans anito?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Gawain 6. (Comparative Chart)
Panuto: Punan ang comparative chart ng heograpiya ng Gresya at Roma at sagutan ang tanong ukol dito.

Pagkakaiba at Pagkakapareho ng Heograpiya ng Roma at Gresya


GRESYA Pagkakatulad ROMA
Pagkakaiba

Gawain 7. (Mapa ng Pagbabago)


Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong sa ibaba at ilagay ang iyong sagot sa revised na bahagi ng IRF Sheet.
Paano nabuo at umunlad ang pagkakakilanlan ng mga tao at bansa sa daigdig sa kasalukuyan?
Initial:

Revised:

Final:

Gawain 8. Video Presentation (Sinaunang Kabihasnan sa Gresya)


Panuto: Alamin ang kasaysayan ng mga sinaunang kabihasnang umusbong sa Gresya. Panoorin ang video na
ibinigay gamit ang kanya-kanyang flashdrive at punan ang historical investigation chart at sagutan ang mga
tanong.
SINAUNANG KABIHASNAN SA GRESYA

ASPEKTO MINOAN MYCENEAN


Petsa ng Pag-usbong

Lugar ng Pinag-usbungan

Pamahalaan

Lipunan

Paraan ng Pamumuhay
Petsa ng pagbagsak

Dahilan ng Pagbagsak

Pamprosesong Tanong:
1. Paano nakakatulong ang kabihasnang Minoan at Mycenean sa pag-unlad ng pagkakilanlan ng mga bansa at
rehiyon sa daigdig sa kasalukuyan?
2. Anong mga detalye mula sa iyong napanood na sumusuporta sa iyong sagot?
3. Bakit mo nasabing ang mga detalye ay sumusuporta sa iyong sagot?

Gawain 9. Video Presentation (Sinaunang Kabihasnang Rome)


Panuto: Alamin ang kasaysayan ng mga sinaunang kabihasnang umusbong sa Roma. Panoorin ang video na
ibinigay gamit ang kanya-kanyang flashdrive at punan ang historical investigation chart at sagutan ang mga
tanong.

LARANGAN MGA NAGAWA DESKRIPSYON KAHALAGAHAN SA


MODERNONG
PANAHON

Teknolohiya

Medisina

Wika

Relihiyon

Pamahalaan

Literatura/sinin
g

Kultura

Pananamit
Libangan

Pamprosesong Tanong:
1. Paano nakakatulong ang mga nagawa ng mga Romano sa pag-unlad ng pagkakilanlan ng mga bansa at rehiyon
sa daigdig sa kasalukuyan?
2. Anong mga detalye mula sa iyong napanood na sumusuporta sa iyong sagot?
3. Bakit mo nasabing ang mga detalye ay sumusuporta sa iyong sagot?

Gawain 10. (Venn Diagram)


Panuto: Punan ang Venn Diagram na nagpapakita ng pagkakaiba at pagkakatulad ng Gresya at Roma.
GAWIN MO AKO!

Gawain 1.
Panuto: Magsaliksik ng mga halimbawa ng adbokasiya. Suriin ang mga nasaliksik na halimbawa at sagutin ang
mga sumusunod na katanungan.
1. Para kanino ang adbokasiya?
2. Ano ang layunin ng adbokasiya?
3. Paano ipinapahayag ang adbokasiya? Ano-ano ang mga hakbang?
4. Ano-anong mga bagay na ikinikonsidera sa paggawa ng adbokasiya?
5. (EQ) Paano nakakatulong ang adbokasiya tungkol sa natatanging pangyayari at kontribusyon ng mga
kabihasnang klasiko at transisyunal na panahon?
Gawain 2.
Panuto: Gumawa ng sariling adbokasiya. Sundin ang mga sumusunod na hakbang.
1. Magtatanong sa mga miyembro ng Historical Society Club tungkol sa kahalagahan ng mga kontribusyon ng
klasikal na panahon. Itala ang mga impormasyong nakalap at gamitin ang mga ito sa paggawa ng adbokasiya.

Gawain 3.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ikaw ay isa sa mga tagasulong sa UNESCO World Heritage at tumambad sa iyo ang sitwasyong ito:
Ang mga Social Studies students sa inyong lugar ay gagawa ng advertisement sa pagpapahalaga at pag-aalaga sa
mga kontribusyon ng mga klasikal na panahon. Gagawa ka ng sariling adbokasiya ukol sa nasabing temma.

Performance Task:
Panuto: Gumawa ng isang adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga kontribusyon
ng Klasiko at Transisyunal na panahon. Ipahayag ang iyong nabuong adbokasiya sa pamamagitan ng isang poster.
SELF ASSESMENT:

Nagagawa ko Kailangan ko ng
ito sa sariling tulong ng iba para
Nahihirapan akong gawin itong
kakayahan at magawa ko ito,
Magagawa kong … mag-isa at hindi ko rin kayang
nagagawa kong ngunit kaya ko itong
maibahagi ito sa iba
maibahagi sa magawa at
iba maibahagi sa iba

Makapagsusuri ng mga dokumento


sa mga kontribusyon ng Klasiko at
Transisyunal na panahon sa inyong
lungsod o lalawigan

Makakabuo ng isang advocacy


campaign sa pamamagitan ng poster

Makapagpaliwanag sa ginawang
advocacy campaign

Makapagmungkahi ng mga paraan


upang patuloy na mapangalagaan at
mapahalagahan ang mga
kontribusyon ng Klasiko at
Transisyonal na panahon

You might also like