You are on page 1of 210

Unang Yugto ng

Imperyalismong
Kanluranin
Pakitang-Turo ni
Gng. Maria Lourdes C. Rosario
Guro III - GLGMNHS
Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin
Naganap noong ika-15 hanggang
ika-17 siglo
Ito rin ang panahon ng
eksplorasyon o paghahanap ng mga
lugar na hindi pa nararating ng mga
Europeo.
Ang eksplorasyon ang nagbigay-
daan sa kolonyalismo.
Kolonyalismo
Ay ang pagsakop ng
isang
makapangyarihang
bansa sa isang
mahinang bansa.
Imperyalismo
Ay ang panghihimasok, pag-
impluwensiya, o pagkontrol ng
isang makapangyarihang bansa
sa isang mahinang bansa.
Maaari itong tuwiran at di-
tuwirang pananakop.
3 bagay Motibo ng Kolonyalismo
Paghahanap ng kayamanan
Paglaganap ng Kristiyanismo
Paghahangad ng katanyagan at
karangalan
kilala sa 3 G’s – na ibig sabihin
ay God, Gold and Glory
Mga Salik sa Eksplorasyon
1. Mga Unang Ruta ng Kalakalan
Ang mga kalakal sa Asya ay nakarating
sa Europa sa pamamagitan ng tatlong
ruta.
Hilagang Ruta: Peking -> disyerto sa
Gitnang Asya -> Samarkand at
Bokhara
-> Caspian Sea at Black Sea ->
Constantinople
Mga Ruta sa Kalakalan
Panggitnang Ruta:
India -> Ormus sa
Persian Gulf ->
Antioch, Aleppo,
Damascus
Mga Ruta sa Kalakalan
Timog na Ruta: India -
> Indian Ocean
-> Arabia -> Red Sea -
> Cairo o
Alexandria, Egypt
2. Limitadong Kaalaman ng
mga Kanluranin sa Asya
Kaunti lamang ang nalalaman ng mga
kanluranin tungkol sa Asya.
Ilan sa mga akda tungkol sa Asya ay
isinulat ng mga nakilahok sa krusada (1096-1273)
Ang pinakatanyag na akda ay isinulat ni Marco
Polo.
Tinawid niya ang Gitnang Asya hanggang
sa China kasama ang kanyang ama at tiyuhin ayon
sa kanyang aklat na The Travels of Marco Polo.
Paglalakbay ni Ibbn Batuta
3. Kayamanan
Dahil sa patakarang
Merkantilismo nais ng
mga Europeo na
magkaroon ng maraming
bullion o ginto at pilak.
Kayamanan
Naghangad ng mga
pagkaing pampalasa gaya
ng paminta,nutmeg,luya
at cinammon na tinatawag
na spices.
Kayamanan
Monopolyo ng Kalakalan – ang mga
mangangalakal na Venetian ang
nagkontrol ng pamilihan sa Europa dahil
nagbibigay sila ng mataas na buwis sa
mga Seljurk Turkong Muslim na
sumakop ng mga ruta ng kalakalan.
Kaya naghanap ng bagong ruta ang mga
bansa sa Europa sa tulong ng mga
Bourgeosie at Hari.
4. Relihiyon
Nasakop ng mga Muslim ang
Spain,Hilagang Africa at
Silangang Mediterranean Sea
kaya naglungsad ang
Portugal at Spain ng
Reconquista upang mabawi
ang Iberian Peninsula.
Relihiyon
Paglungsad ng
Krusada upang
mabawi ang
Jerusalem sa mga
Muslim.
Relihiyon
Ninais nila na palaganapin ang
Kristiyanismo kaya sa bawat
ekspedisyon ay may mga
misyonerong paring kasama na
naging tagatala nila ng mga
nangyari sa kanilang
paglalakbay.
Relihiyon
New world- ito ang bagong
konsepto ng mga Europeo na
mga teritoryong lampas sa
kanilang kinagisnang daigdig
ang Europa. Ito rin ay
tumutukoy sa North and South
America.
6. Katanyagan
Malaki ang ginampanan ng
Renaissance sa paghahangad ng mga
manlalakbay na Europeo na makarating
sa mga bagong lupain dahil nakasentro
ito sa galing ng isang tao na may
tiwala sa sarili na hangad niyang
matanyag siya at pati na ang kanyang
bansa.
7. Pag-unlad ng Teknolohiya
Nagkaroon ng pag-unlad sa paggawa
ng mga sasakyang pandagat tulad ng
caravel at instrumento pangnabigasyon
tulad ng compass(tinuturo ang
direksyon) at astrolabe(para malaman
ang layo ng barko mula ekwador at
latitude sa pamamagitan ng pagtingin
sa mga bituin ,araw at buwan.
Mga Pagbabago sa Paglalayag
caravel: modern stronger sail
Pag-unlad ng Teknolohiya
Nakatulong din ang suporta ng mga hari sa
ekspedisyon ng mga Europeong
manlalakbay. Halimbawa ang patron ng mga
Manlalakbay na si Prinsipe Henry the
Navigator ng Portugal na ang layunin ay
mapalaya ang mga kristiyano na naging
alipin ng mga Muslim sa Africa. Kaya ang
Portugal ang unang bansang naglungsad ng
Ekspedisyon.
Ibigay ang paksa
na ating napag-
aralan?
Maraming Salamat
sa pakikinig!
Ang pag-aaral ay
kina –kareer!
Day 2
Mga Tanyag na Manlalayag
Balik-Aral
1. Ano ang kolonyalismo at
imperyalismo?
2. Ibigay ang 3 motibo ng
kolonyalismo.
3. Ibigay ang mga salik ng
eksplorasyon.
Ibigay ang mga sumusunod na
emojin flags
Mga Europeong Nanguna sa
Eksplorasyon
1. Ang mga Portuguese
2. Ang mga Espanyol
3. Ang mga Dutch
4. Ang mga English
5. Ang mga French
Portugal
Ang Portugal ang unang
bansang nanguna sa
Ekspedisyon.
Kabilang ang Portugal sa Iberian
Peninsula gaya rin ng Spain.
Pinaunlad nito ang tradisyong
pandagat.
Portugal
Naging sentro ng kalakalan ang Lisbon at
Oporto.
Ang suporta ni Prinsipe Henry the Navigator
sa mga mandaragat na Portuguese.
Pinangunahan ni Prinsipe Henry (Portugal)
ang paggalugad sa baybayin ng Africa.
Ito ay nagbunga ng pagkakatuklas sa
Azores, Canary, at Cape Verde.
Vasco de Gama
Kilalang manlalayag ay si Vasco de
Gama na narating ang Cape of Good
Hope noong 1498.
Siya ang unang Europeong nakarating
sa India sa pamamagitan ng
paglalakbay sa dagat.
Bartholomeu Dias
1488 – narating ni
Bartholomeu Dias ang
dulo ng Africa
Tinawag na Cape of
Good Hope
Mga Nasakop ng Portugal
Hormuz sa dulo ng Persian Gulf
Goa sa India
Malacca sa Timog-Silangang
Asya
na tinuturing na Spice Island
Portugal
Aden sa Red Sea, Cochin sa
India,Malacca at Ternate sa Moluccas,
at Macao sa China
Karaniwan sa nasakop ay mga
baybayingdagat
Mga nanguna sa pananakop:
Francisco de Almeida
Alfonso de Albuquerque
Alfonso de Albuquerque
Portugal
Dumating ang ibang mga
Europeo naglaho na rin ang
pangunguna nito sa kalakalang
pandagat.
Nasakop ng Spain noong 1580
kaya di na naipagtanggol ang
kanyang mga kolonyal.
Ang mga Espaῇol
Christopher Columbus – isang
manlalayag na Italyano na
nakarating sa America o New World
noong 1492.
Nakakuha ng suporta kay Reyna
Isabella na nagnanais na
palaganapin ang Kristiyanismo sa
Asya.
Espanya
Naglayag si Columbus na
pakanluran at narating ang
Carribean Islands noong Oktubre
12, 1492 na inakala niya na nasa
India siya dahil ang mga tao doon
ay kayumanggi ang kulay ng balat
hindi niya alam na ito ang America
na tinawag na New World.
Christopher Columbus
Tatlong buwan ang inilagi niya sa
kanilang paglalakbay ng maabot ang
Hispaniola (Haiti at Dominican
Republic)at ang Cuba. Maraming
gintong silang natagpuan.
Pagbalik sa Spain si Columbus ay
binigyan ng titulong Admiral of the
Ocean Sea,Viceroy at Gobernador ng
mga isla na kanyang narating.
Christopher Columbus
Tatlo pang ekspedisyon ang
kanyang pinamunuan bago siya
namatay noong 1506.Narating
niya ang Caribbean at South
America pero bigo sa
paghahanap ng bagong ruta sa
Silangan.
Treaty of Tordesillas
Nagkaroon ng iringan ang Portugal
at Spain sa paglalayag ni
Christopher Columbus kaya hinati
ang mundo ni Papa Alexander VI
na ang silangang bahagi ay sa
Portugal at kanluran naman sa
Espanya.
Amerigo Vespucci
Isang Italyanong nabigador na
nagpaliwanag na ang narating ni
Columbus ay bagong mundo kaya ang
America ay pinangalan sa kanya.
Ang kapital ng United States of America
ay Washington DC ay pagpupugay sa
kanya dahil ang DC ay District of
Colombia.
Mga Nasakop ng Spain
Nasakop ng mga conquistador
ang Aztec (Mexico ngayon)
noong 1519 ni Hernando Cortez.
Nasakop ni Francisco Pizarro ang
mga Inca o peru ngayon noong
1532.
Ekspedisyon ni Ferdinand
Magellan
Ang kauna-unahang nakagilid sa buong
daigdig sa pamamagitan ng dalawang
ekspedisyon.
Natuklasan ang Strait of Magellan.
Nagbigay ng pangalan sa Karagatang
Pasipiko dahil ng dumaan ang kanyang
mga barko ito ay mapayapa.
Natuklasan ang Pilipinas.
Mga Nasakop ng Espanya
Pilipinas
Chile
Mexico
American West – California,
Nevada,Utah, Arizona,New Mexico at
Texas
Ang mga Dutch (Netherlands)
Inagaw ng mga Dutch ang Moluccas sa
Portugal at nagkaroon ng sistemang
plantasyon.
Nagkaroon ng kolonyal sa America na
tinawag na New Amsterdam na naging
New York.
Kilalang manlalayag nito ay si Henry
Hudson
Ang mga Ducth
Hindi agad nakapagsimula sa
pakikipagsapalaran sa Asya dahil sa
tunggalian laban sa Spain
Bumuo ng Dutch East India Company
Moluccas, Formosa (Taiwan), Batavia
(Jakarta)
Henry Hudson
Isang manlalakbay na Ingles nanilbihan
sa mga Dutch.
Natuklasan ang New Netherland at New
Amsterdam ngayon ay New York na
nagkaroon ng isang trade outpost
noong 1624.
Nakatuklas ng Hudson Strait, Hudson
Bay at Hudson River
Ang mga English
Noong 1600 binigyan ng England ang
English East India Company ng karapatang
makapagsulong ng interes na pangkalakalan
at monopolyo sa Africa,East Indies,Virginia
at iba pang bahagi ng America.
Natanggalan sa digmaan sa Spain kaya hindi
nakapagtatag agad ng kolonya sa America.
Nasakop ng English at naging
kolonyal
Roanoke Island
Carribean at North America na naging
batayan ng Imperyong British
Nagkaroon ng kolonyal sa East Indies (
kapuluan sa Timog-Silangang Asya) at
West Indies (Timog-Silangang Bahagi
ng North America at hilagang bahagi ng
South America.
Nasakop ng English at naging
kolonyal
Naagaw sa mga Espanyol ang Jamaica
Jamestown sa Virginia ang unang kolonya sa
America hanggang sa naging 13 .
Virginia, Maryland,North Carolina,South
Carolina, Georgia, Delaware,New
Jersey,Pennsylvania, New York, Rhode
Island,Connecticut,Massachusetts,at New
Hampshire.
Ang Nasakop ng France
Jacques Cartier- noong
1534 naabot niya ang St.
Lawrence River at
isinailalim sa France ang
silangang bahagi ng
Canada.
Ang mga France
Samuel de Champlain – noong
1608 itinatag niya ang Quebec
bilang unang permanenteng
kolonyal ng French at sentro ng
kalakalan ng fur o produktong
gawa sa balahibo ng hayop.
Ang mga French
Louis Jolliet- noong 1673,
naabot niya at misyonerong
Heswita na si Jacques
Marquette ang Mississippi
River at naglakbay hanggang
Arkansas River.
Louis
Jolliet
Ang mga French
Rene-Robert Cavelier o Sieur de LaSalle
Kanyang pinangunahan noong 1628 ang
ekdpedisyon sa Mississippi hanggang sa Gulf
of Mexico. Ang lahat ng lupaing ito ay inalay
kay Haring Louis XIV ng France kaya
tinawag itong Louisiana kaya nagkaroon ng
paligsahan sa pagitan ng France at England.
Tungkol saan
ang ating Pinag-
aralan sa Araw
na ito?
Day 3
Balik-Aral
Ibigay ang 5 kanluraning Bansang
nanakop ng mga bansa sa mundo.
Siya ang natatuklas ng America.
Siya ang nakatuklas ng Pacific Ocean.
Day 3
Mga Epekto ng Eksplorasyon
1.Una naging sentro ng kalakalang
pandaigdig ang Europe.
2. Bumagsak ang mga Imperyong Aztec at
Inca kaya nagkaroon ng malawakang lupain
ang mga Espanyol.
3. Sa Europe makikita ang pagtaas ng mga
presyo ng bilihin dahil sa pagkakaroon ng
mas maraming ginto at pilak.
Mga Epekto ng Eksplorasyon
4. Dumami ang mga uri ng pagkain at
populasyon sa Europe.
5. Lumaganap ang mga sakit gaya ng
bulutong, yellow fever,tigdas o tipus.
6. nagkaroon ng Columbian Exchange o
pagpapalitan ng mga halaman,hayop o sakit.
7. nagkaroon ng bagong lahi tinatawag na
mestizo.
Mga Epekto ng Eksplorasyon
Ang mga Eksplorasyon na
pinangungunahan ng mga Espanyol at
Portuguese ay nagbigay-daan sa
malawakang pagkakatuklas sa mga
lupain hindi pa nagagalugad at mga
sibilisasyon na hindi pa natutuklasan.
Ito rin ang naglakas sa ugnayang
silangan at kanluran.
Mga Epekto ng Eksplorasyon
Nakapukaw ito ng interes sa mga
makabagong pamamaraan at
teknolohiya sa heograpiya at
paglalayag.
Sumigla ang paglaganap ng
sibilisasyong kanluranin sa
silangan.
Mga Epekto ng Eksplorasyon
Nagdulot din ito ng
maraming suliranin sa mga
bansang nasakop tulad ng
kawalan ng kasarinlan,
paninikil at pagsasamantala
sa kanilang likas na yaman.
Mga Epekto ng Eksplorasyon
Nagkaroon ng pagbabagosa
ecosystem sa daigdig na nagresulta
ng palitan ng mga
hayop,halaman,pati mga sakit sa
Old World (Asya,Europe at Africa)
at New World (North and South
America)
Mga Epekto ng Eksplorasyon
Nagkaroon ng kalakalan ng mga
alipin na galing Africa upang tustusan
ng lakas paggawa sa North at South
America dahil sa marami sa mga
katutubo ang namatay sa mga sakit.
Nasira ang kultura ng mga Africa at
nabawasan ang popilasyon ng Africa.
Maraming Salamat

Ang Pag-aaral ay
kinakareer!

You might also like