You are on page 1of 5

8Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan – Modyul 4:


Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan

Aralin 4.1 Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan


Ang mga klasikal na kabihasnang klasikal ng America, Africa at mga Pulo sa Pacific. Ang mga klasikal na kabihasnang
ito ay malaki ang naging impluwensya sa ating panahon. Sila ay ang mga unang tao o sibilisasyong humubog sa kasaysayan
upang maging maunlad at marangya ang ilang lungsod sa ating panahon.
May mga salik din silang kinaharap sa kanilang pag-unlad. Ang mga salik na ito ay naging pundasyon at kanilang ginamit
upang mapag-unlad ang kanilang mga sibilisasyon.
Tuklasin
Humanap ng limang salitang ay kinalaman sa mga klasikong kabihasnan sa America, Africa at mga Pulo sa Pacific. Isulat sa
hiwalay na sagutang papel ang mga salitang iyong makikita.

Suriin
Ang mga Kabihasnan sa America at kanilang mga Kontribusyon

Noong ika-13 siglo B. C. E., umusbong ang pinakaunang kabihasnan sa Amerika –


ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico.
Sa pagtatapos ng Ice Age, tinakpan ng mga glacier ang malalaking bahagi ng North
America at Europe. Dahil dito ang isang dating tuyot na lupain na nagsisilbing tulay
sa dalawang kontinente ay nawala at tinatawag itong Bering Strait. Sa pagkatunaw ng
mga glacier at pagkawala ng mga tulay na lupa medi mula Asya, naputol ang ugnayan ng mga
a/File:Bering_Strait.jpeg tao sa Amerika patungo sa iba pang mga kabihasnan sa ibang panig
ng daigdig.

Ang mga Pamayanang Nagsasaka (2000 BCE – 1500


BCE)
Ang mga sinaunang tao sa Mesoamerica aynagtatanim ng mais at iba pang mga produkto sa
lupain ng Valley of Mexico.
Nagkaroon ng mga pulitikal at panlipunang kaayusan sa pagitan ng 2000 BCE at 900 BCE.
Ang mga maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno.
Valley of Mexico.
Nagkaroon ng mga pulitikal at panlipunang kaayusan sa pagitan ng 2000 BCE at 900 BCE.
Ang mga maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno.
Nagkaroon din ng mga pamayanang pinangingibabawan ng aspetong ekonomiko, pulitikal, at
relihiyon.
-
Isa sa pinaka kilalang lipunan ay ang Olmec.

Kabihasnang Olmec (1500 BCE - 500 BCE)

• Ang salitang Olmec ay nangangahulugang rubber people dahil sila ang kaunaunahang gumamit ng dagta ng mga puno ng
rubber o goma.
• Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural.
• Ginamit nila ang Sistema ng irigasyon upang masaka ang kanilang mga lupain.
• Gumawa rin sila ng kalendaryo
• Gumamit rin ang mga taga-Olmec ng Sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics.
• Mayroon din silang pang ritwal na laro na tinatawag na Pok-a-tok na may pagkakatulad sa larong basketball subalit ang
mga manlalaro ay hindi maaaring gumamit ng kamay ay ang bola ay yari sa goma.
• Kilala rin sila sa paglililok ng mga anyong ulo mula sa mga malalaking baton na umaabot sa 18 tonelada at may taas na 14
na talampakan.
• Ang kanilang sambahan ay mga istrukturang hugis pyramide sa ibabaw ng umbok na lupa.
• Ang lugar ng San Lorenzo at ang La Venta ay ang dalawang sentro ng Kabihasnang Olmec. Ang dalawang ito ay naging
sentro ng pangkalakalan ng mga produkto gaya ng jade, obsidian at serpentine na nagmumula pa sa malayong lugar gaya
ng Costa Rica.
• Ang kabihasnan ng Olmec ay bumagsak at humina. Sinasabing sila ay nakihalubilo sa mga sumakop sa kanila.

Ang mga Teotihuacan (200 BCE - 750 CE)


• Ang salitang Teotihuacan ay nangangahulugang tirahan ng Diyos.
• Noong 200 BCE, ilan sa mga lugar sa Valley of Mexico ay mas naging maunlad dahil sa pakikipagkalakalan nito at
paglakas ng kanilang ekonomiya.
• Ang Teotihuacan ay isa sa pinakamalaki at dakilang lungsod sa panahong iyon.
• Mayroon silang mga piramide, liwasan at lansangan na nagbigay ng karangyaan, kapangyarihan at kadakilaan sa lungsod.
• Nagawang kontrolin ng mga pinuno ng Teotihuacan ang malaking bahagi ng Valley of Mexico.
• Nagkaroon at naging sentro ng pagawaan ang lungsod at nagkaroon ng monopolyo sa mahahalagang produkto.
• Ang mga nobilidad o nobles ay pinamunuan ang malaking bahagi ng populasyon.
• Ang pinakamahalagang Diyos ng mga Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, kilala rin bilang ang Feathered Serpent God at
pinaniniwalang sa kanya nagmula ang iba’t ibang elemento ng kanilang kabihasnan.
• Noong taong 600 CE, ang mga tribo sa hilaga ay sinalakay at sinunog ang lungsod ng Teotihuacan.
• 650 CE, mabilis na bumagsak ang lungsod, ang paghina ng lugar ay dulot ng mga banta sa karatig lugar, tagtuyot at
pagkasira ng kalikasan.

Ang mga Maya (1000 BCE - 900 CE)

• Ang mga Maya ay nagtayo ng kanilang sentrong panrelihiyon sa Yucatan Peninsula.


• Halach Uinic – nangangahulugang “tunay na lalaki” sila ang mga pinuno na nagpalawig ng mga sentrong pangrelihiyon
ng lungsod-estado.
• Pinasimulan din nila ang sistemang agrikultural na pagkakaingin.
• Ang mga pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, chili pepper, pinya, papaya at cacao.
• Dahil sa kahalagahan ng agrikuktura sa Maya, sinamba nila ang mga Diyos ng may kaugnayan sa pagtatanim.
• Kilala ang mga Maya sa kanilang sopistikadong kalendaryo base sa mga obserbasyon nila sa mga tala ito ay tinawag nilang
Ang Mayan Calendar
• Malaki rin ang naging kontribusyon nila sa larangan ng matematika at agham, sila ay mas nauna sa paggamit ng numero.
• Isa pa sa kanilang mga naging kontribusyon ay ang paggawa ng goma sa pamamagitan ng proseso ng vulcanization.
• Taong 600 CE, nakamit ng mga Maya ang tugatog ng kanilang kabihasnan.
• Sa pagtatapos ng ikalawang siglo ang mga istrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak.

Ang mga Aztec (1325 BCE - 1521 CE)


• Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan”, isang mitikong lugar sa hilagang Mexico.
• Mga nomadikong tribo na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at unti-unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa
pagsapit ng ika-12 siglo C. E.
• Noong 1200 CE dumating ang mga Aztec sa lambak ng Mexico at nagtatag ng lungsod sa Teotihuacan.
• Ang mga taga Aztec ay nakabatay ang ekonomiya sa pagtatanim. Ang kalupaan sa paligid ng lawa ay mataba subalit hindi
malawak para sa buong pamayanan.
• Sila ay gumawa ng Chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden sa gitna ng lawa.
• Gumawa ng alyansa ang lungsod ng Texcoco, Tenochtitlan at Tlacopan upang mapalakas ang puwersa ng Aztec.
Mga bunga ng Alyansa:
 Pagtatag ng Aztec Empire na may 80000 milya kuwadrado ng teritoryo at 400-500 na siyudad-estado
 5-15 milyong katao ang naninirahan sa loob ng imperyo, samantala 200000-400000 na mga mamamayan ang
naninirahan sa Tenochtitlan
 Pagkaluklok bilang Hari kay Montezuma
• Ang mga Aztec ay taimtim na sumasamba sa mga diyos ng kalikasan dahil sa kanilang pagsasaka.

Ang mga Aztec (1325 BCE - 1521 CE)


Mga Diyos ng Aztec:
 Huitzilopochtli – Pinakamahalagang Diyos ng Aztec. Siya rin ang diyos ng araw.
 Tialoc – Siya ay tinatawag na Diyos ng ulan.
 Quetzalcoatl – Siya ang Diyos ng hangin para sa mga Aztec.
• Ang mga Aztec ay naniniwala na dapat laging malakas ang kanilang mga Diyos upang mahadlangan ang mga masasamang
Diyos na sirain ang daigdig.
• Sa pagdating ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang militar at ekonomiko.
• Tlacaelel – Pinuno ng Aztec na nagtaguyod ng pagsamba kay
Huitzilopochtli.
• Dahil sa sila ay mahuhusay na inhinyero, nagtayo sila ng mga estruktura tulad ng kanal o aqua duct, mga dam, at sistema
ng irigasyon.
• Noong 1519 dumating ang mga Espanyol upang sakupin ang Mexico na pinamumunuan ni Hernando Cortez.
• Moctezuma II - Ang pinuno ng mga Aztec nang dumating ang mga Espanyol
• Tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan sa taong 1521.
• Sa pagsapit ng 1680, naubos ang mga pamayanang Aztec dahil sa epidemya, pang-aalipin at digmaan.

Ang mga Inca (1200 BCE - 1521 CE)


• Itinatag sa Peru at naging Imperyo na lumawak hanggang sa katimugan ng Timog Amerika
• Ang salitang Inca ay nangangahulugang “imperyo”.
• Nagtatag ng maliit na kaharian ang mga Incan matapos umunlad ito sa lambak ng Cuzco (Lungsod ng Cuzco)
• Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia at Argentina.
• Inti – diyos ng araw ng mga Inca.
• Sapa Inca – tinuturing ng mga Inca bilang kanilang Hari.
• 1438, itinatag ni Sapa Inca Pachacuti (Pachacuti Inca Yupanqui) ang kanyang pansariling lungsod ng “Macchu Picchu”.
Lipunan
• Pagpapanatili ng extended family group na tinatawag na ayllu.
• Ang bawat isa sa mga ayllu ay nagtatayo ng mga kanal pang-irigasyon at gumagawa ng mga terrace farms.
• Sila ay maaaring maging magsasaka sa sakahan ng estado, goods crafting, at tumulong sa proyektong pambayan.

Ang mga Inca (1200 BCE - 1521 CE)


Mga tauhan sa panrelihiyong seremonya:
• Pari - namumuno sa pagsagawa ng mga ritwal
• Mamakuna - “virgins of the sun”, alalay ng pari. Batang babae, walang asawa at sadyang pinili para maglingkod
panghabambuhay.
• Yamacuna - Batang lalaking naglilingkod ng kanilang buong panahon para sa estado at relihiyon.
• Quipu - set ng mga lubid na may buhol na nagtatala ng datos. Isang kalendaryo sa pang-araw at isa sa pang-gabi
Pagbagsak ng Inca
• Sinakop ng mga Espanyol ang Inca noong 1532 sa pamumuno ni Francisco Pizarro.
• Noong 1525, namatay sa empidemya si Huayna Capac. Sa kaniyang pagkamatay nagdulot ito ng tunggalian sa kaniyang
mga anak na sina Atahuallpa at Huascar.
• Noong 1533, pinatay si Atahuallpa, isa sa mga anak ni Huayna Capac at makalipas ang isang taon sinakop ng mga Espanyol
ang Cuzco gamit ang maliit na hukbo.

Mga Kaharian at Imperyo sa Africa at kanilang mga Kontribusyon


Heograpiya ng Africa
Ang heograpiya ng Africa ay mahalaga dahil isa ito sa dahilan kung bakit hindi
agad napasok at nahati-hati ang mga kanluraning bansa. Tinatawag itong Dark Continent
dahil sa hindi nila ito kaagad masisiyasat, kayat hanggang ika-19 na siglo ang kaalaman
nila tungol sa kontinente ay limitado lang.
Ang pinakamaulan at pinakamaliit na parte ng Africa ay malapit sa Equator.
Matatagpuan dito ang isang uri ng kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno
ay malalaki, matataas, at may mayayabong na dahon na tinatawag na Rainforest. Ang
hangganan ng rainforest ay tinatawag na Savanna, isang malawak na damuhan o grassland
na may mga puno. Sa hilaga ng equator matatagpuan ang Sudan na nasa isang grassland.
Matatagpuan naman sa hilaga ng Sudan ang Sahara ang pinakamalaki at pinakamalawak
na disyerto sa daigdig. Hindi natitirhan ang Sahara at ang laki nito ay higit kaysa sa Europa.
Mayroon itong tinatawag na Oasis, lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig
na kayang bumuhay ng halaman at hayop. Magkakalayo ang mga kabihasnang sumibol at
namayani sa malawak na kontinente dahil sa heograpiya nito.
Isa sa mga kultura na umunlad sa Africa ay tinatawag na Trans-Sahara na umusbong malapit sa Sahara. Nakatulong ang
pakikipagkalakalan sa kanilang pamumuhay, dahil dito nakarating sa Europa at iba pang bahagi ng Asya ang mga produktong
African.
Ang kalakalang Trans-Sahara
• 3000 BCE, umusbong ang isang kalakalang tinatawag na Trans-Sahara. Kalakalan ito sa pagitan ng Hilagang Africa at
Sudan.
• Tumagal ito ng hanggang ika-16 na siglo.
• Tinawag na Trans-Sahara dahil ang mga nomadikong tribo ay tumawid ng Sahara sa pamamagitan ng caravan dala ang
kanilang mga kalakal.
• Caravan - pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay.
• Ang kadalasang gamit sa caravan ay mga Kamelyo.
• Pumunta ang mga taga-Carthage sa Sahara upang mamili ng mga hayop gaya ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling
hiyas. • Nagtatag ng pamayanan ang mga muslim sa Morocco
• Unti-unting nakilala ang islam at namayani ito sa mga kultura at kabihasnan sa Kanlurang Africa.
• Pinalaganap ito ng mga Berber, mga pamayanang mangangalakal sa Hilagang Africa.
• Sila ay nagtungo sa Kanlurang Africa upang bumili ng ginto kapalit ng mga aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at iba pa.

Imperyong Ghana
• Unang dakilang imperyo sa kanlurang Africa
• Sumibol ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara.
• Nagkaroon ng malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto gaya ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Ang mga ito
ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pa.
• Ang mga tao ay malayang nagtatanim sa matabang lupa sa kapatagan ng rehiyon.
• Koumbi Saleh – Kabisera ng Ghana na naging sentro ng kalakalan
• Soninke – Unang mga tao na nanirahan sa rehiyon mula 300 – 500 CE
• Berbers – mga taong naninirahan sa disyerto. Nakipagkalakalan ng asin at ginto sa Ghana.
• Ala Hamdani – isang manunulat na Arabe, ayon sa kanya ang Ghana ay may pinakamayamang minahan ng ginto sa mundo.
• Tinawag ang Ghana na“Lupain ng mga Ginto.”
• Kilala ang Ghana bilang masisipag na mangangalakal.
• Ang kaisipang ito ay naging isang mahalagang ambag sa lipunan natin ngayon sapagkat isa ang Ghana sa mga lahi na
nagtatag ng maayos na kalakaran sa daigdig.
• Bumagsak ang imperyong Ghana dahil sa pagkatuyo ng mga lupain at sa pagkawala ng monopoly ng kalakalan.
Imperyong Mali
• Namayagpag noong 1235 hanggang 1670 sa kanlurang Africa.
• Tagapagmana ng imperyong Ghana at pumalit bilang pangunahing kaharian sa kanlurang Sudan.
• KANGABA – dito nagsimula ang estado at isa sa mahalagang outpost ng Ghana.
• Ang pangunahing relihiyon ay Islam.
• Mansa – ito ang tawag sa kanilang hari, nangangahulugan itong “Emperor” o “Sultan”.
• Sundiata Kieta – Sinalakay at winakasan niya ang kapangyarihan ng Ghana (1240).
• Mansa Muna – Pinakatanyag na Hari.
• Pinalawak niya ang teritoryo ng imperyo ng Mali.
• Nagtatag siya ng epektibong sistema ng pamamahala.
• Nagtalaga siya ng mga Hukom, Tagapagtala at nga Kawani.
• Katulad ng Imperyong Ghana, ang Mali ay umunlad dahil sa pakikipagkalakalan.
• Binubuo ng 3 estado at 12 lalawigan.
• Ang sentro ng 3 lungsod ay:
Timbuktu – Sentro ng kaalaman at komersyo, Gao – Naging Kabisera ng Songha Djene.
• Si Mansa Muna ay pumanaw noong 1337.
• Unti-unting humina ang imperyong Mali at humiwalay ang maliliit ng estado upang masarili ang kalakaran ng Ginto at Asin

Imperyong Songhai
• Humalili sa imperyong Mali nilang pinakamakapangyarihang imperyo sa kanlurang Africa noong ikaw-14 na siglo.
• Ang mga tao ay naninirahan sa baybayin ng ilog Niger.
• Gao – Sentro ng imperyong Songhai.
• Sila ay nakikipag kalakalan sa mga Berber sa Ilog Niger.
• Dinala rin sa kanila ng mga Berber ang relihiyong Islam
• Dia Kossoi – Hari ng Songhai, tinanggap niya ang relihiyong Islam noong 1010.
• Sila ay sinakop ng mga Mali noong 1325
• Sunni Ali Ber - Sa ilalim ng kanyang pamamahala ang Songhai ay naging isang malaking imperyo, sinakop nya ang
Timbuktu at iba pang sentro ng kalakalan.
• Hinati niya ang kanyang imperyo sa mga lalawigan at nag talaga ng mga Gobernador.
• Isa sa pinakamalaking Islamic Empire sa kasaysayan
• Saklaw nito ang mga bahagi ng bansang Gambia, Senegal, Mali, Burkina Faso, Niger, Guinea, at Mauritania.

Ang mga Pulo sa Pacific

PULO SA
PACIFIC AMBAG O KONTRIBUSYON

• Matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanasia at


Micronesia.
• Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito.
• Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing kabuhayan
Nagtatanim sila ng taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog
Polynesia
• Sa pangingisda naman nakakukuha ng tuna, hipon, octopus, at iba pa.

• Naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o Mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o
“lakas.”
• Mayroon silang batas na tinatawag na Tapu.
• Pulo ng mga Coral o atoll at napapaligiran ng niyog.
• Ang mga pamayanan ay matatagpuan malapit sa mga lawa. Tinatag nila ang pamayanan nila sa
bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo.
Micronesia • Ang pangunahing kabuhayan ay pagsasaka ng taro, breadfruit, niyog, at pandan.
• May kaalaman din sila sa paggawa ng palayok.
• Gumamit sila ng batong ginawang pera o Stone Money.
• Ang relihiyon nila ay tinatawag na Animisno.
• Pinamumunuan ng mga mandirigma
• Tagumpay sa digmaan ang karaniwang paraan ng pagpili ng kanilang pinuno
• Ang kanilang kultura ay hinubog ng mga alintuntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan,
karahasan, paghihiganti, at karangalan.
• Ang pangunahing sinasaka ay Taro at Yam, nagtatanim din sila ng pandan at sago na pinagkukunan ng
sago
Melanesia
• Sila ay nangingisda, nag aalaga ng baboy, at nangangaso ng mga marsupial at ibon para sa kanilang
ikabubuhay.
• Karaniwang kinakalakal ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin ang mga gawa
nilang bangka
• Naniniwala sila sa Animism. Laganap din sa ibang isla ang paniniwala sa mana.

SAGUTANG PAPEL
Gawain 1: Aming pagkakapareho?
Tignan ang diyagram sa ibaba. Ang tatlong isla sa Pasipiko ay mayroong mga bagay na pagkakapareho at pagkakaiba.
Tukuyin ang mga pagkakaiba at pagkakapareho ng mga Pulo sa Pasipiko batay sa mga ambag, kultura at paniniwala nito.
Pagkakapareho
Micronesia Melanesia Polynesia

Pagkakaiba
Micronesia Melanesia Polynesia

Gawain 2: Aking na-iambag


Sagutan ang talahanayan sa ibaba. Isulat ang mga hinihingi sa loob ng kahon. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang iyong
kasagutan.
Magbigay ng mga natatanging ambag ng kabihasnang:
1. Aztec 2. Maya 3. Olmec 4. Mali 5. Polynesia

Aztec Maya Olmec Mali Polynesia

Gawain 3: Tama o Mali?


Sagutin ng tama o mali ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang tama kung wasto ang pangungusap at kung mali ay bilugan ang
salitang nagpapamali sa pangungusap.

_______1. Ang pangunahing relihiyon sa Imperyong Mali ay Islam.


_______2. Ang mga sinaunang tao sa Mesoamerica ay nagtatanim ng mga produkto sa lupain ng Valley of Mexico.
_______3. Savanna ang tawag sa kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno ay malalaki, matataas, at may
mayayabong na dahon.
_______4. Ang pinakamalawak na disyerto sa daigdig ay ang Sahara.
_______5. Berber ang tawag sa pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay.
_______6. Ang Koumbi Saleh ang Kabisera ng Ghana na naging sentro ng kalakalan.
_______7. Ang mga taga-Polynesia ay naniniwala sa mana.
_______8. Pinamumunuan ng mga mandirigma ang pulo ng Micronesia.
_______9. Si Ala Hamdani na pinuno ng Imperyong Mali ay pumanaw noong 1337.
_______10.Si Inti ang Diyos ng araw ng mga taga-Inca.

Gawain 4
Batay sa iyong napag-aralan sa modyul na ito iyong ibuod ang mga natatanging kontribusyon ng mga klasikal na kabihasnan.
Punan ng tamang impormasyon ang talata upang mabuo nang tama ang mga pangungusap sa ibababa.
Isa sa mga kabihasnan sa Mesoamerica, ang Aztec na mahuhusay na inhinyero, gumawa sila ng tinatawag na
__________________ upang taniman, ito ay mga artipistal na pulo. Ang mga ____________________ naman ay ang mga taong
unang gumamit ng Goma na nang galing sa dagta ng ____________________. Isa ang __________________ sa mga kulturang
umusbong sa Africa. Sila ay gumagamit ng __________________ upang tawirin ang disyerto. Namayagpag ang
___________________ noong 1235 hanggang 1670 BCE sa kanlurang Africa. At sila ay pinamunuan ng isang mahusay na pinuno
na si ___________________.
Gawain 5
Pagkatapos mong mabasa ang aralin, sagutin ang katanungan sa ibaba. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang iyong kasagutan
Alin sa mga kabihasnan ang sa tingin mong pinakamalaki ang naging impluwensya sa ating panahon ngayon?

You might also like