You are on page 1of 21

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Klasikong Kabihasnan sa Africa,
America at mga Pulo sa Pacific
Alamin

Nalaman mo sa nakaraang modyul ang kontribusyon ng Klasikang Kabihasnang Romano


at paano nito naimpluwensyahan ang uri ng pamumuno at pamumuhay ng mga bansang
kanilang nasasakupan. Ngayon, pag-aaralan naman ninyo ang iba pang kabihasnan na
umusbong sa ibang dako ng daigdig. Nasa ay mapulutan natin ng aral ang kanilang mga
pagsisikap para mapaunlad ang kanilang pamumuhay sa kabila ng mga hamon ng kalisakan
at banta ng pananakop.
Sa modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
a. Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa :
 Africa (Songhai, Mali, atbp.)
 Mesoamerica (Aztec, Maya, Olmec, Inca, atbp)
 Mga Pulo sa Pacific (Nazca)

1. Maipaliliwanag mo ang mga mahahalagang kaganapan sa mga klasikong


kabihasnan sa Aprika;
2. Masusuri mo ang kaganapan sa mga klasikong kabihasnan ng Amerika at ng mga
Pulo sa Pasipiko;
3. Mapapahalagahan mo ang mga kontribusyon sa sibilisasyon ng AFrika, Amerika,
at ng mga Pulo sa Pasipiko.

Tayo na’t pag-aralan at tuklasin ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong


kabihasnan!

1
Aralin Ang Kabihasnang Klasikal ng
1 Africa
Bagamat may pakikipag-ugnayan na ang Aprika sa iba’t ibang kontinente, kaunti
lamang ang alam ng mga dayuhan ukol dito. May ilang kuwento tungkol sa Aprika upang
ilarawan ito. Ilan sa mga kuwentong ito ay walang katotohanan ngunit may mangilan-ngilan
din na may bahid ng katotohanan na maging si Herodotus, isang kilalang Griyegong
historyador, ang naglarawan sa Aprika noong 400 BC na isang lugar na…

may malalaking ahas, may mababangis na leon, mga oso at buriko


Dito rin ang mga nilalang na walang mga ulo
at mga mababangis na mga lalaki at mga babae…at iba pang mga di
kapanipaniwalang mga halimaw
-Ayon sa aklat ni Herodotus Vol. 1 book 4 ni Goerge Rawlison 1910

Marami sa mga kathang kuwento na ito ang nananatili hanggang sa CE 1800. Kahit na
noon kaunti lamang ang nakakaalam sa kasaysayan at sibilisasyon sa Aprika kung kaya’t
tinawag nila ito na “Ang Madilim na Kontinente”.
Kaya sa pamamagitan ng modyul na ito inyong matuklasan ang pag-usbong at pag-
unlad ng Klasikong kabihasnan ng Africa.

Tuklasin
Gawain 1. ImbestigaSaysayan
Panuto: Palatandaan ng isang maunlad na kabihasnan ang matatag na arkitektura na ipinatayo
bunga ng magkakaibang dahilan. Bilang isang imbestigador, suriin ang sumusunod na arkitektura
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong.

Pangalan ng Gusali?

2
Suriin
Basa
hin Mo!

Tulad din ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo, may natatanging
sibilisasyong umusbong sa sinaunang Aprika. Malaki ang naging impluwensya ng heograpiya
sa naging pamumuhay ng mga tao sa sinaunang Aprika. Ang mga tao ay natutong makibagay
sa pabago-bagong klima sa nararanasan. Kapag nagbago ang klima o lumaki ang
populasyon sa lugar na kanilang tinitirhan, sila ay humahanap ng panibagong lugar kung
saan matutugunan nila ang kanilang pangangailangan.
Pagsapit ng 1500 AD ang mga sibilisasyong ito ay nagkaroon na ng ugnayan sa mga
tao sa Europa at Asya. Ito ang naging dahilan upang ang kanilang wika, kultura’t tradisyon ay
labis na naimpluwensyahan ng mga dayuhang ideya at gawi.

Apat na Uri ng Rehiyong Ekolohikal ng Africa

1. Lupain sa Baybay Dagat


2. Disyerto - Halimbawa Sahara
 Oasis - isang pook sa disyerto na may tubig na nagmumula sa mga bukal
3. Savanna - panahanan ng maraming tao dahil dito makikita ang mga lupang sakahan
4. Mga Ilog - Ilog Niger, Nile, Zambezi at Congo

Ang Kalakalang Trans-Sahara

Noong 3000 B.C.E., isang masaganang kalakalan ang umunlad sa pagitan ng


Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara. Ang kalakalang
Trans- Sahara ay tumagal hanggang ika-16 na siglo. Tinawag itong kalakalang Trans-
Sahara dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng
caravan, dala-dala ang iba’t ibang uri ng kalakal.

Samahang Panlipunan

 Nakaugat sa ugnayang pampamilya


 Pamumuhay ng sinaunang tao - pagsasaka, pangangaso, pangingisda at pangangalap
ng pagkain
 Gonja - pari - may kontrol sa distribusyon ng lupain at nagtatakda ng
panahon ng pagtatanim at uri ng pananim

Kasaysayan at Sining

 Griot - tagapag-ingat ng mga dokumento o historyador


- bawat pamilyang maharlika ay may isang griot
 Laganap ang paglilok sa kahoy ng mga hugis tao at hayop
Hal. Zaire - estatwa ng mga hari at reyna

Mga Sinaunang Imperyo sa Kanlurang Africa

 Ginto ang pangunahing kalakal


 Nanggaling ito sa kagubatan ng Wangara
 Umaangkat ng asin galing sa kanlurang Asia

3
A. Sinaunang Kaharian ng Ghana

 Itinatag ang kaharian malapit sa pamilihan ng ginto


 Pinuno o Ghana - hari ng ginto
 Pangunahing hanapbuhay - pangangalakal at pagsasaka
 Hari - banal dahil siya lang ang tanging may karapatang makipag-usap sa diyos
 Nakarating ang Islam noong 7 siglo
 Bumagsak ang Kumbe - Saleh at sinakop ng mga Muslim sa loob ng 10 taon
 Bagaman nabawi ang trono ngunit hindi na muling naging isang dakilang imperyo ang
Ghana kaya napilitang umalis ang mga mangangalakal dito.

B. Kaharian ng Mali

 Lalawigan ng Ghana
 Sumikat dahil sa pamamahala ni Sundiata Keita
 Mansa ang tawag sa kanilang hari
 Mansa Musa - siya ang nagpawa ng Sankore Mosque
 Yumaman dahil sa kalakalan ng ginto at Gintong Guinea ang tawag sa gintong galing
sa Kanlurang Africa
 Timbuktu ang sentro ng kultura
 Matatag ang sistema ng katarungan
 Humina ang kapangyarihan sa pag-alis ni Mansa Musa

C. Kahariang Songhai

 Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Haring Dia Kossoi ang Islam. Bagama’t hinikayat
niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam ngunit hindi niya pinilit ang mga ito.
 Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong Mali subalit hindi ito
nagtagal sa pagiging bihag ng Mali
 Noong 1335, lumitaw ang bagong dinastiya sa pamumuno ni Haring Sunni Ali, ang
Songhai ay naging isang malaking imperyo
o Pinawalak niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng
kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne.
o Iginalang at pinahalagahan pa rin niya ang mga mangangalakal at iskolar na
Muslim na nananahan sa loob ng kaniyang imperyo
 Askia - heneral na pumalit kay Sunni Ali na nagpalawak sa kaharian na
mula sa Kanlurang Africa hanggang sa Lake Chad
 Natalo ng mga Moroccan ang Songhai dahil higit na epektibong sandata ang baril
kaysa pana at espada
 Hindi nagtagal, tuluyang nagkawatak-watak ang imperyong Songhai

4
ang larawan ay
buhat sa Aral. Pan. Learners Manual pahina 197. Inilathala noong March 24, 2014

Lungsod - Estado sa Silangang Africa

A. Kaharian ng Zimbabwe

 Marunong gumawa ng kasangkapang bakal


 Nagmina ng ginto at ipinagpalit ng tela, tanso at porselana
 Matatag ang kaharian bunga ng masiglang pakikipagkalakalan sa mga Portuguese
 Itinuturing na banal ang hari

B. Kaharian ng Kanem – Bornu

 Haring Saif ang unang hari na nagpasigla sa kalakalan sa buong kaharian


 Ipinapalit sa asing nagmumula sa hilaga ang produktong tela at katad
 Sinalakay kaya inilipat ang kaharian sa dakong kanluran ng Lake Chad
 Haring Idris Alooma ang pinuno na lalo pang nagpalakas na kaharian
 Islam ang relihiyon
 Nabuwag ang kaharian nang mamatay ang huling hari noong 1846

C. Estado ng mga Hausa

 Dakong hilaga ng Nigeria


 Pangangalakal ng Garing, katad at kola
 Sinalakay nina Uthman dan Fodio noong 1800

D. Kaharian ng Asante

5
 Oser Tutu at Okomfo Akokye ang sikat na pinuno
 Makapangyarihan dahil sa maunlad na kalakalan at pagkatatag ng isang malakas na
hukbo
 Nagmumula ang malaking kita sa kalakalan sa pagbili ng ginto, kola at alipin
 Pinili ang mga opisyal ayon sa kanilang kakayahan
 Sinakop ng mga Ingles ang Asante noong 1896

Pagdating ng mga Europeo

 Natuklasan ng mga Europeo ang Africa sa kanilang paghahanap ng mgga bagong


pamilihan
 Portuguese ang unang nakipagkalakalan sa mga Africans

 Kalakalan ng mga Alipin

 Kinilala sa Africa ang pagiging alipin bilang kalagayan sa buhay


 Ginagawang alipin ang mga bihag sa labanan, ang mga may utang at mga
criminal
 Naganap ang pakikipagkalakalan ng alipin sa Kanlurang Africa sa mga estado
ng Benin, Dahomy at Asante
 Tumagal ang

Isaisip

History Makers I-idol Mo!!!


Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong mga napag-aralan tungkol sa
Kabihasnang Africa. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.

IMPERYONG
PINUNO MAHALAGANG NAGAWA
PINAMUNUAN
Ang gold dust lang ang ipinagbili
Al-Bakri
para mapanatiling mahal ang ginto.

Sundiata Keita Mali

Mansa Musa Pinagawa ang Sankore Mosque

Askia Songhai

Haring Saif Kanen Bornu

6
Isagawa

Gawain 1. Hangad at Inaasam ng Puso’t Isipan (Pagbuo ng Pagkatao)


Punan ng tapat na kasagutanang reflective journal sa ibaba. At Isulat ang kasagutan sa
inyong sagutang papel

Ano ang mga nasusulat Ano ang iyong personal na


tungkol sa pang-aalipin opinyon tungkol sa pang-aalipin
sa Africa?
sa Africa?
African Slavery

Ano ang iyong maimumungkahi para tuluyang


wakasan ang pang-aalipin sa Africa?

Aralin Ang Klasikong


2 Kabihasnan ng America

Alamin
Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang maunawaan at masusuri ang pag-
usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabinasnan ng America.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito sistematikong inayos upang mas
madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang
iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtatalakay tungkol sa:


 Paksa 2 – Kabihasnang Klasikal ng Amerika

Tuklasin

7
Gawain: Concept Map
Kompletuhin ang concept map ng mga impormasyon ng bawat kabihasnan. Isulat ang
tatlong mahalagang pamana ng bawat kabihasnan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Kabihasnan ng America

MAYA INCA
AZTEC

Suriin

Ang Kabihasnang Klasikal ng America


Ang kabihasnan ay hindi lamang naitatag sa Asya at Europa. May mga lumitaw ring
mga kabihasnang klasikal sa ibang bahagi ng daigdig samantalang pawala na ang mga
pangunahing mga kabihasnan.
Sa America, nagsimula ang mamamayan sa pagsasaka. Nang naglaon, naging
makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado at sumibol ang
mga kabihasnan.

1. Kabihasnang OLMEC

 Ang kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Central America


 Olmec o mga taong goma o rubber people ang mga pamayanang naninirahan sa
baybayin ng Golpo ng Mehiko noong 1200 BCE
 Nakasentro sa relihiyon ang buhay ng mga Olmec
 Ang mga pinuno nila ay nagpatayo ng mga templong hugis piramide at sa tuktok ng
mga templong ito nagaganap ang mga seremonyang panrelihiyon
 Pok-a-tok ang panritwal na laro na tila kahalintulad ng larong basketbol, subalit ang
mga manlalaro ay hindi maaaring gumamit ng kanilang mga kamay upang hawakan
ang bolang yari sa goma. Sa halip, gamit ang siko at baywang. Ang matatalong
manlalaro ay isasakripisyo sa kanilang mga diyos
 Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na may espesyal na kakayahan tulad ng
Jaguar. Maraming carvings ang natagpuan sa mga tirahan ng mga Olmec at
naniniwalang nagbibigay ito ng masaganang ani sa kanila
 Ginagamit nila ang Slash and Burn na Sistema ng agrikultura
2. Kabihasnang TOLTEC

8
 Ang imperyo ng mga Toltec ay umusbong sa Central Mexico noong ika-10 dantaon
C.E kung saan ang pangunahing lungsod ay Tula
 Pinaniniwalaang ang mga Toltec ay nagmula sa kulturang Teotihuacan na mga
nagsilakbay matapos ang pagbagsak nito noong 700 C.E.
 Sinasabing ang mga Toltec ang kauna-unahan sa mga kulturang gumamit ng
puwersang militar upang masakop ang kanilang mga karatig-lugar
 Lumawak ang imperyo nito at sinaklaw ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala,
kabilang ang Yucatan Peninsula. Nagawa nilang masakop ang lupaing dating sakop ng
Mayan
 Ang kauna-unahang hari at taga-pagtatag ng Tula ay si Chalchiuh Tlatonac. Ang mga
pinuno ng Toltec ay pinaniniwalaang diyos. Sinasamba ng mga sumusunod na kultura

3. Kabihasnang Maya

 Namayani sa Timog Mexico hanggang Guatemala ang maliit na pamayanang


magsasaka na umunlad at pinamumunuan ng “halach uinich” o tunay na lalaki
 Nakilala ang mga Maya sa larangan ng matematika at astronomiya
 Nabuo ang Sistema ng panulat at kalendaryo
 Naging sentro ng bawat lungsod-estado ang Pyramid
 Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa produktong pangkalakal ay mais, asin, tapa,
pinatuyong isda
 Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 C.E. subalit sa
pagtatapos ng ikalawang siglo C.E. ang ilang sentro ay nilisan, ang paggamit ng
kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak
4. Kabihasnang Aztec

 Aztec “isang nagmula sa Aztlan” sa Hilagang Mexiko na nakapagtatag ng pamayanang


Technochtitlan sa lawa na naging sentro ng kalakalan
 Nakabatay sa pagtatanim ang ekonomiya ng Aztec
 Chinampas o patanimang nakalutang sa tubig sa gitna ng lawa ang kanilang
tinataniman dahil hindi sapat ang lupang taniman
 Dahil sa sobrang produkto, nakipagkalakalan, umunlad at naging makapangyarihan
 Pinakamahalaga ang Diyos ng araw na tinawag nilang Huitzilopochli, na siya ring
tinawag na Diyos ng Digmaan
 Ang iba pa nilang Diyos na sina Tlaloc, ang diyos ng ulan at Quetzalcoatl, ang diyos ng
hangin at karunungan
 Natalo ang kanilang emperador na si Montezuma II ni Hernando Cortez noong 1521
dahil napagkamalan nila si Cortez na ang kanilang panginoong nagsasabi na babalik
 Noong 1680, ang dating tinatayang 1.2 milyong kataong naninirahan sa dating
sentrong Aztec ay naubos dahil sa epidemya ng smallpox, pang-aalipin, digmaan, labis
na paggawa, at pagsamantala

5. Kabihasnang Inca
 Ang Inca ay nagangahulugang imperyo
 Sa Timog Amerika, sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking
bahagi ng Bulubunduking Andes

9
 Inca ay angkang namumuno sa Andes na naninirahan sa matabang lupain ng Lambak
ng Cuzco at nakapagtayo ng Lungsod-estado
 Nasakop ng Inca ang Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina
 Ang lipunang Inca ay organisado – mula sa emperador at sa mga maharlika pababa sa
mga magsasaka
 Ang batayan ng lipunang Inca ay ayllu, ito ay binubuo ng mga pamilyang sama-
samang naninirahan at gumagamit sa bukid at ani
 Chicha ang beer na madalas nilang iniinom na mula sa mais
 Naniniwala na dapat kikilos ang lahat ng tao at pinagbabawal ang paghingi ng limos
 Sumasamba sila sa maraming Diyos. Una ay si Viracocha, ang tagalikha ng mundo at
pangalawa ay si Inti na diyos ng araw na pinaniniwalaan na pinagmulan ng
maharlikang pamilya
 Nasakop ng mga Espanyol ang mga Inca sa pamumuno ni Francisco Pizarro
 Matatagpuan ang mga labi ng gumuhong templo, tanggulan at pyramid sa Cuzco,
Peru, at Tianhuanaco sa Bolivia

Isaisip

Gawain: Punan Mo!

Basahin at alalahanin ang mga mahahalagang kontribusyon ng kabihasnang Klasikal ng


Amerika. Punan ito ng tamang sagot.

Kabihasnang Klasikal
Mga Kontribusyon
ng Amerika

Kabihasnang Maya Nabuo ang Sistema ng panulat at kalendaryo

Nakabuo ng patanimang nakalutang sa tubig sa gitna ng lawa na


Kabihasnang Aztec
tinatawag na Chinampas

Kabihasnang Inca Nakaimbento ng inuming beer (Chicha) na galing sa mais

Isagawa
Gawain: Kompletohin mo!
Magbigay ng tatlong ideya na may kinalaman sa konsepto na nasa kanan

10
Mga Konsepto Katangian
1.
Ang katangi-tanging kultura 2.
ng Sinaunang Amerika 3.

1.
Ang kilalang pinuno ng 2.
Sinaunang Amerika 3.

1.
Ang pamana ng sinaunang 2.
Amerika 3.

Aralin
Ang Kabihasnang Klasikal ng
3 mga Pulo sa Pacific

Tuklasin
Gawain 1. ImbestigaSaysayan
May mga pulo sa Pasipiko na alam kong pamilyar na sa inyo. Subukan mong
isalarawan ang mga pulo batay sa mga naging kaalaman mo dito. Pumili ng dalawang pulo
na bahagi ng Polynesia. Isulat ang inyong paglalarawan sa inyong sagutang papel. Para
madali ang gagawing paglalarawan, gamitin ng Limang Tema ng Heograpiya sa paglalarawan

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Pacific_Culture_Areas.jpg

Suriin

Basahin:
Mga Pulo sa Pasipiko

11
Sa karagatang Pasipiko ay matatagpuan ang mga rehiyon ng Oceania. Kabilang dito
ang mga rehiyon ng Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ito ay binubuo ng 20,000-30,000
pulo na nakakalat sa Pacific Ocean na tinitirhan ng mga mamamayan na sanay sa kulturang
pangkaragatan. Tinatawag ng mga manggagalugad na “Garden of Eden” dahil sa likas na
yaman nito at turismo ang pinakamahalagang industriya sa maraming pulo.
1. Polynesia (Maraming Pulo)

 Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa


silangan ng Melanasia at Micronesia
 Ito ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna,
Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia,
Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn
 Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa Polynesia
 Ang sentro ng pamayanan ay ang Tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok
 Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda
 Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana
 Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas.”
 Ang sinaunang kababaihan sa Marquesas ay hindi maaaring sumakay sa
bangka sapagkat malalapastangan niya ang bangka na may angking mana
 Gayundin, ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang
mapanganib na gawain ay dapat nakabukod
 Bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat nilang kainin upang
hindi mawala ang kanilang mana
 Kamatayan ang pinakamabigat na parusang igagawad sa matinding paglabag
sa tapu

2. Micronesia (Ang Maliliit na Pulo)


 Mula rin sa salitang Griyego na mikros at nesus ang kanilang pangalan. Ang “mikros”
ay nangangahulugang maliit at nesos naman ay mga pulo
 Mga nasakop ay ang Carolines Island, wake Islands, Marshall Islands. Gilbert Islands
(ngayon ay Kiribati), Nauru, Marianas Island, Guwam, ta Palau
 Papuan ang wikang gamit nila ay nagmula sa grupo ng mga wika
 Ang kanilang pinuno ay pinipili at hindi namamana
 Ang pagpili ng sa pinuno ay nababatay sa taglay na katangian tulad ng talino sa
pakikipaglaban at paghimok ng karapatan ng nakararami
 Ang mga katutubo ay naninirahan sa kagubatan
 Naniniwala sila sa espiritu ng kalikasan
 Ang mga tahanan ay yari sa kahoy, kawayan, at dahon ng niyog
 Nabubuhay sa pamamagitan ng pangangaso, pagtatanim, at pangingisda
 Gumagawa ng Bangka na kanilang ginagamit sa paglalakbay sa mga ilog papunta sa
mga pulo
 Karamihan ay mga pulo ng Coral at napaliigiran ng niyog
 Mahusay na mandaragat at mahilig sa tattoo

3. Melanesia (Ang Black Island)

 Mula sa salitang Griyego na “melas” na nangangahulugang “maitim” at “nesos” na


nagangahulugang “mga pulo”
 Nasasakop ang Fiji, Papua New Guinea, New Celedonia, Norfolk Islands, Solomon
Islands, at Vanatu

12
 Papuan ang tawag sa karamihan ng taga-Melanesia
 Ang mga tao dito ay nagtataglay ng maitim na balat
 Mahusay na manlalayag na gumagamit sa araw, buwan, at mga bituin bilang gabay sa
paglalakbay
 Mahusay sa paggawa ng Bangka tulad ng ut ng mga Carolinian at mga parao ng mga
katutubo ng Marianas na tinatawag na Chamorro
 Naniniwala sila sa espiritu ng kalikasan at sa mga espiritu ng kanilang ng kanilang mga
ninuno
 Pangingida at pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay
 Mga mahusay na manlililok at manggagawa ng palyok at ang New Guinea ay mahilig
sa musika
 Sinaunang pamayanan ay pinamunuan ng mandirigma na naghuhubog ng
katapangan, karahasan, paghihiganti at karangalan

Isaisip

Gawain: Punan and Chart

Panuto: Punan ng kinakailangang impormasyon ang talahanayan. Isulat ang wastong sagot
sa inyong sagutang papel.

Kahulugan ng
Pulo sa Pasipiko Kabuhayan Paniniwala
Pangalan ng Pulo

Polynesia

Micronesia

Melanesia

Isagawa
Gawain 1. Hangad at Inaasam ng Puso’t Isipan (Pagbuo ng Pagkatao)
Gawin ang pagninilay-nilay batay sa iyong nabasa at bilang pagpapahalaga sa Klasikal na
Kabihasnan sa Africa, America at mga Pulo sa Pacific, punan ang mga patlang ng mga
naangkop na salita

13
Naniniwala ako na ang mga klasikal na kabihasnan na umusbong at umunlad sa
Africa, America at sa mga pulo sa Pacific ay
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Sapagkat______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
dahil dito _____________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
kung kaya ako ay_______________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________s
a pamamagitan ng ____________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________
LAGDA SA IBABAW NG PANGALAN

https://www.pxfuel.com/en/free-photo-jmzwn

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng wastong
sagot sa inyong mga sagutang papel.

1. Anong kontinente ang tinawag na “Dark Continent” ng mga kanluranin dahil hindi
ito nagagalugad kaagad?
A. Africa B. America C. Asia D. Europe
2. Ano ang tawag sa hari ng Kahariang Mali?

14
A. Gonja B. Hari C. Mansa D. Oba
3. Sino ang nagtatag ng kaharian ng Kanen Bornu sa dakong silangan ng Lake
Chad?
A. Haring Idris C. Haring Akokye
B. Haring Saif D. Haring Sunni Ali
4. Kaninong grupo ang lumusob sa mga taga Kahariang Songhai?
A. Taga- Monaco C. Taga- Egypt
B. Moroccan D. Kahariang Ghana
5. Ang ang tawag sa maunlad na kalakalan sa pagitan ng Hilagang Africa at
Kanlurang Sudan?
A. Trans- Africa B. Trans-Sudan C. Trans-Sahara D. Trans- Siberia
6. Sa Ghana, sino ang may tanging nagmamay-ari ng minahan ng ginto sa
Wangara?
A. Pari B. Hari C. Minero D. Heneral
7. Sino ang unang Europeo na nakipagkalakalan sa mga African?
A. Portuguese B. Indian C. Dutch D. French
8. Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa pagitan ng Hilagang Africa at
Kanlurang Sudan?
A. Dahil sa Sahara nagmumula ang kanilang nga panindang produkto
B. Dahil sa Kanlurang Sudan lamang maaaring makikipagkalakalan ang
Hilagang Africa
C. Dahil sa Hilagang Africa lamang maaaring makikipagkalakalan ang
Kanlurang Sudan
D. Dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa
pamamagitan ng caravan
9. Sa kultura ng mga taga-Polynesia, ano ang tawag sa mga pagbabawal o
prohibisyon para hindi mawala o mabawasan ang mana?
A. Pagsasakripisyo B. Pag-aayuno C. Tohua D. Tapu
10. Ano ang batayan sa pagpasya sa laki ng pamayanan sa Polynesia?
A. Batay sa laki ng pulo
B. Batay sa dami ng tao na naninirahan
C. Batay sa kagustuhan ng kanilang pinuno
D. Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain
11. Anong kabihasnan ang tinatawag na “taong goma”?
A. Inca B. Maya C. Olmec D. Toltec
12. Ano ang tawag sa paraan ng pagtatanim ng kabihasnang Aztec na nakalutang
ang taniman sa gitna ng lawa?
A. Ayllu B. Chicha C. Chinampas D. Pok-a-tok
13. Mahilig sa mga palaro at pista ang mga Mayan na maihahalintulad ito sa larong
basketball na hindi ginagamitan ng mga kamay. Anong tawag sa laro ng mga
Mayan?
A. Chicha B.Chinampas C. Obsidian D. Pok-a-tok
14. Sumasamba ang mga Aztec sa kalikasan. Sino ang Diyos ng araw na kanilang
sinasamba?
A. Huaca B. Huitzilopochtli C. Tlatoc D. Quetzalcoatl
15. Isang komplikadong kabihasnan ang binuo ng mga Maya. Alin sa sumusunod
ang hindi sumusuporta sa pahayag?
A. Mga ilang lungsod ang naging sentrong kaalaman
B. Nahubog ang kultura sa mga kabundukan ng Andes
C. Nabuo ang sistema ng panulat at kalendaryo
D. Pinamunuan ng pari ang lungsod-estado
16. Sino ang Espanyol na nanakop sa mga lupain ng Imperyong Inca?
A. Francisco Pizarro C. Hernando Cortez
B. Hallach Uinic D. Montezumma II
17. Sa kabihasnang Inca, ang lahat ng mamamayan ay gumagawa ng trabaho
mapabata man o matanda, ano nga ba ang kanilang pananaw?
A. Ang mga mamamayan ay nagtutulongan kaya walang niisang tao na

15
nakaupo lang.
B. Lahat ng mamamayan ay kikilos para matutustusan ang kanilang
pangangailangan.
C. Naniniwala na dapat kikilos ang lahat ng tao at ipinagbabawal ang paghingi
ng limos.
D. Naniniwala sila na kailangan nilang kumilos para bigyan sila ng biyaya ng
Diyos.
18. Bakit mahilig sa pagpapatato ang mga mamamayan ng Polynesia?
A. Dahil ito ay tanda ng katapangan at kagandahan.
B. Dahil ito ay tanda ng pagsunod sa mga ninuno.
C. Dahil ito ay nagpapahalaga sa mga artisan.
C. Dahil ito ay nagpapahalaga sa ninuno.
19. Bakit tinawag ng mga manggagalugad na “Garden of Eden” ang pulo sa
Pacific o Oceania?
A. Dahil bihasa sila sa sining.
B. Dahil sa mga likas na yaman dito.
C. Dahil sa mga mataas ang kanilang pananampalataya.
D. Dahil turismo lamang ang pinakamahalagang industriya.
20. Ang mga Pulo sa Pacific ay napapaligiran ng mga anyong tubig. Batay sa
pahayag, ano ang maaaring gawaing pangkabuhayan ng mga mamamayan dito?
A. Pagsasaka at pangingisda
B. Pangangaso at pangingisda
C. Pagsasaka at pakikipagkalakalan
D. Pangingisda at pakikipagkalakalan

Republika ng Pilipinas
Rehiyon VII
Probinsya ng Bohol
TABUAN NATIONAL HIGH SCHOOL
TABUAN, GARCIA- HERNANDEZ, BOHOL

ARALING PANLIPUNAN 8
SAGUTANG PAPEL WEEK 3
Klasikong Kabihasnan sa Africa, America at mga Pulo sa Pacific
PANGALAN: _______________________________________________ ISKOR: _________________

16
TAON AT PANGKAT: ________________________________________ PETSA: _________________

Isaisip: History Makers I-idol Mo!!!

IMPERYONG
PINUNO MAHALAGANG NAGAWA
PINAMUNUAN
Ang gold dust lang ang ipinagbili para mapanatiling mahal ang
Al-Bakri
ginto.
Sundiata Keita Mali
Mansa Musa Pinagawa ang Sankore Mosque
Askia Songhai

Haring Saif Kanen Bornu

Isagawa Hangad at Inaasam ng Puso’t Isipan (Pagbuo ng Pagkatao)

Ano ang mga nasusulat tungkol sa pang-aalipin sa Africa? Ano ang iyong personal na opinyon tungkol sa pang-aalipin sa Africa?

African Slavery

Ano ang iyong maimumungkahi para tuluyang wakasan ang pang-aalipin sa Africa?

Tuklasin: Gawain: Concept Map.

Kabihasnan ng America

MAYA INCA
AZTEC

Isagawa Gawain: Kompletohin mo!

Mga Konsepto Katangian

17
1.
Ang katangi-tanging kultura ng
2.
Sinaunang Amerika 3.
1.
Ang kilalang pinuno ng Sinaunang
2.
Amerika 3.
1.
Ang pamana ng sinaunang Amerika
2.
3.

Isaisip: Gawain: Punan and Chart

Kahulugan ng Pangalan
Pulo sa Pasipiko Kabuhayan Paniniwala
ng Pulo

Polynesia

Micronesia

Melanesia

Tayahin Panuto:

1.______ 6. ______ 11.______ 16._______

2.______ 7. ______ 12.______ 17._______


3.______ 8. ______ 13.______ 18._______
4.______ 9. ______ 14.______ 19._______
5.______ 10._____ 15.______ 20._______

PAALALA: HUWAG SAGUTAN ANG MODYUL AT IBALIK ITO KASAMA NG


SAGUTANG PAPEL NA MAY SULAT NANG IYONG SAGOT. SAGUTAN LAMANG ANG
MGA HINIHINGI SA SAGUTANG PAPEL. SALAMAT SA PAGSUNOD.

18
19

You might also like