You are on page 1of 227

MODYUL 2

ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT


TRANSISYUNAL NA PANAHON
Inihanda ni: JESSER T. PAIRAT
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Dahil sa mga digmaan bago pa ang
Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta
ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid
ng mga burol at sa mga taluktok ng
bundok upang maprotektahan ang
kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t
ibang pangkat . Ang mga pook na ito ay
naging pamayanan. Dito nagsimula ang
mga lungsod-estado o polis kung saan
hango ang salitang may kinalaman sa
pamayanan tulad ng pulisya, politika at
politiko. May malalaki at maliliit na polis.
Ang pinakahuwarang bilang na dapat
bumuo ng isang polis ay 5,000 na
kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang
nailalagay sa opisyal na talaan ng
populasyon ng lungsod estado.
Sa panahon ng digmaan, ito ang
naging takbuhan ng mga Greek para
sa kanilang proteksyon. Sa
acropolis, matatagpuan ang
matatayog na palasyo at templo
kung kaya’t ito ang naging sentro ng
politika at relihiyon ng mga Greek .
Samantala, ang ibabang bahagi
naman ay tinawag na agora o
pamilihang bayan.
Sa mga lungsod-estado,
naramdaman ng mga Greek na
sila ay bahagi ng pamayanan. Ito
ang dahilan kung bakit
ipinagkaloob naman nila dito
ang kanilang katapatan at
paglilingkod. Hindi lahat ng mga
nasa lungsod - estado ay
mamamayan nito. Ang mga
lehitimong mamamayan ay
binigyang karapatang bomoto ,
magkaroon ng ari - arian ,
humawak ng posisyon sa
pamahalaan , at ipagtanggol
ang sarili sa mga korte .
Bilang kapalit,
1. Sila ay dapat na makilahok sa
pamahalaan at
2. tumulong sa pagtatanggol sa mga
polis sa panahon ng digmaan

Ang lahat ng ito, ay


1. nakadagdag sa paglago ng
kalakalan,
2. nagbigay daan sa pag-unlad ng
mga lungsod estado at
3. pagbilis sa paglaki ng populasyon
na naging pangunahing dahilan
naman kung bakit nangibang lugar
ang mga Greek . Ang iba ay
napadpad sa paligid ng mga
karagatang Mediterranean at Iton.
Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t
ibang panig ng daigdig, natutuhan ng
mga Greek ang mga bagong ideya
at teknik.
1. Sa mga Phoenician nakuha nila ang
ideya ng alpabeto na naging bahagi
naman ng kanilang sariling alpabeto
. Ginamit din nila ang mga teknik ng
mga Phoenician sa paggawa ng mas
malalaki at mabibilis na barko .
2. Sa mga Sumerian naman ay namana
nila ang sistema ng panukat .
3. Sa mga Lydian ay natutuhan nila ang
paggamit ng sinsilyo at barya sa
pakikipagkalakalan .
Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag
ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog
na bahagi ng tangway ng Greece.
Ang Sparta ang hindi umasa sa kalakalan dahil
sa magandang klima , sapat na patubig at
matabang lupa na angkop sa pagsasaka.
Pinalawak nila ang kanilang lupain sa
pamamagitan ng pananakop.
Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga
lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga
helot o tagasaka sa malawak nilang lupang
sakahan at naging alipin. Maraming
pagkakataon na nag-alsa sila laban sa mga
Spartan ngunit ni isa rito ay walang
nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng
nito, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin
ang kanilang hukbong militar at nagtatag ng
isang pamayanan ng mga mandirigma upang
maging laging handa sa kahit anong pag-aalsang
gagawin ng mga Helot
Pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng
Sparta ay magkaroon ng mga kalalakihan at
kababaihang walang kinatatakutan at may
malalakas na pangangatawan. Ang mga bagong
silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang
mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay
dinadala sa paanan ng kabundukan at
hinahayaang mamatay doon . Samantala, ang
malulusog na sanggol ay hinahayaang lumaki at
maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang
sumapit ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng
pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala
na sa mga kampo - militar upang sumailalim sa
mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo
militar.
Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang
ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang
walang reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilya sa panahon
ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong
mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay
inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo,
kung saan hahati na sila sa gastos
Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay
nakikiisa upang mapigilan ang mga pag-
aalsa ng mga helot. Maging ang mga
kababaihan ay sinasanay na maging
matatag. Di tulad ng mga kababaihang
Greek na limitado ang ginagampanan sa
lipunan, ang mga kababaihang Spartan
ay maraming tinatamasang karapatan.
1. Sila ang mga nag - aasikaso ng lupain
ng kanilang mga asawa habang ang mga
ito ay nasa kampo militar .
2. Nangunguna din sila sa mga palakasan
at malayang nakikipaghalubilo sa mga
kaibigan ng kani - kanilang mga asawa
habang masaya silang nanonood ng mga
palarong tulad ng pagbubuno o
wrestling, boksing , at karera
Ang Sparta ang responsable sa
pagkakaroon ng pinakamahusay na
sandatahang lakas sa buong daigdig. Sa
simula, labu - labo kung makipagdigma
ang mga Greek. Oo nga’t sama-samang
nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang
mga sundalo ay isa-isang nakikipaglaban
sa mga kaaway hanggang sila ay
manghina at mamatay. Nang lumaon ang
mga Griyego, lalo na ang mga Spartan, ay
mas naging maparaan sa kanilang
pakikipagdigma.
Sa halip na lumusob ng isa-isa sa mga kalaban, sila ay nananatiling sama-sama sa
pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan, hawak ang pananggalang sa
kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbong ito na tinaguriang phalanx
ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma . Kapag
namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na sinasalitan ng susunod
pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng
kanilang polis.
Sa simula ng 600 B.C.E., ang
Athens ay isa lamang maliit na
bayan sa gitnang tangway ng
Greece na tinatawag na Attica.
Ang buong rehiyon ay hindi
angkop sa pagsasaka kaya
karamihan sa mga mamamayan
nito ay nagtrabaho sa mga
minahan , gumawa ng mga
ceramics, o naging
mangangalakal o mandaragat .
Hindi nanakop ng mga kolonya
ang Athens. Sa halip, pinalawak
nito ang kanilang teritoryo na
naging dahilan upang ang iba
pang nayon sa Attica ay sumali
sa kanilang pamamahala.
Sa sinaunang kasaysayan, ang
Athens ay pinamunuan ng mga
tyrant na noon ay
nangangahulugang mga pinunong
nagsusulong ng karapatan ng
karaniwang tao at maayos na
pamahalaan . Bagamat karamihan
sa kanila ay naging mabubuting
pinuno, may mangilan-ngilan din
na umabuso sa kanilang posisyon
na nagbigay ng bagong kahulugan
sa katawagang tyrant bilang
malupit na pinuno sa ating
panahon, sa kasalukuyan.
Sa simula,
ang Athens ay pinamunuan
ng hari na inihalal ng
asembleya ng mamamayan
at pinapayuhan ng mga mga
konseho ng maharlika . Ang
asembleya ay binubuo
naman ng mayayaman na
may malaking
kapangyarihan . Ang mga
pinuno nito ay tinawag na
Archon na pinapaburan
naman ang mga may kaya
sa lipunan
Di nagtagal,
nagnais ng pagbabago ang mga
artisano at mga mangangalakal .
Upang mapigil ang lumalalang
sitwasyon ng mga di nasisiyahang
karaniwang tao, nagpagawa ang
mayayamang tao o aristokrata ng
nakasulat na batas kay Draco,
isang tagapagbatas. Malupit ang
mga batas ng Greek at hindi ito
binago ni Draco ngunit kahit na
paano ang kodigong ginawa niya ay
nagbigay ng pagkakapantay –
pantay sa lipunan at binawasan ng
mga karapatan ang mga
namumuno .
Sa gitna ngpagbabagong ito nanatiling di kontento ang mga mamamayan ng
Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking
pagkakautang. Marami rin sa kanila ang nagnais ng mas
Ang sumunod na pagbabago ay naganap
noong 594 B.C.E. sa pangunguna ni Solon na
mula sa mga pangkat ng aristokrata na
yumaman sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa
pagiging matalino at patas . Inalis niya ang
mga pagkakautang ng mahihirap at
ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil
sa utang . Gumawa rin siya ng sistemang
legal kung saan lahat ng malayang
kalalakihang ipinanganak mula sa mga
magulang na Athenian ay maaaring maging
hurado sa mga korte.

Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan


sa mga mahihirap at karaniwang tao . Nagsagawa rin siya ng mga repormang
pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang
pamumuhay ng mga mahihirap . Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga
ilang pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ng
malawakang repormang ginawa ni Solon, di nasiyahan ang mga aristokrata. Para sa
kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa kasalukuyan,
Noong mga 546 B.C.E., isang politikong
nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa
pamahalaan ng Athens . Bagamat mayaman
siya, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala
ng karaniwang tao. Mas radikal ang mga
pagbabagong ipinatupad niya tulad ng
pamamahagi ng malalaking lupang sakahan
sa walang lupang mga magsasaka .
Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng
malawakang trabaho sa malalaking
proyektong pampubliko . Pinagbuti niya ang
sistema ng patubig sa lungsod ng Athens, at
nagpatayo ng magagandang templo .
Ipinakita rin niya ang kaniyang interes sa
sining at kultura sa pamamagitan ng
pagbibigay suporta sa mga pintor at sa mga
nangunguna sa drama . Ang pagsulong niya
sa sining ang
Noong 510 B.C.E., naganap muli ang
pagbabago sa sistemang politikal ng Athens sa
pamumuno ni Cleisthenes. “Ama ng
Demokrasya ng Athens”

Hinati niya ang Athens sa sampung distrito.


Limampung kalalakihan ang magmumula sa
bawat distrito at maglilingkod sa konseho ng
tagapayo upang magpasimula ng batas sa
Asembleya, ang tagagawa ng mga pinaiiral na
batas .
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaboto sa
asembleya ang mga mamamayan , may - ari
man ng lupa o wala
Upang mapanatili ang kalayaan ng mga
mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes ang
isang sistema kung saan bawat taon ay
binibigyan ng pagkakataon ang mga
mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing
panganib sa Athens . Kapag ang isang tao ay
nakakuha ng mahigit 6,000 boto , siya ay
palalayasin sa Athens ng 10 taon . Dahil sa ang
pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong palayok
na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng
pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay
tinawag na ostracism. Bagamat kaunti lamang
ang naipatapon ng sistemang ito, nabigyan ng
mas malaking kapangyarihan ang mga
mamamayan.
Sa pagsapit ng 500 B.C.E., dahil sa lahat ng mga
repormang naipatupad sa Athens, ang
pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang
ng demokrasya sa Athens, kung saan
nagkaroon ng malaking bahagi ang mga
mamamayan sa pamamalakad ng kanilang ng
kanilang pamahalaan.
Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng
Peloponnesian ay isang malaking trahedya
para sa Greece. Nagkaroon ng malawakang
pagkawasak ng ari-arian at pagkamatay ng mga
tao. Lumala rin ang suliranin sa kawalan ng
hanapbuhay, pagtaas ng presyo ng mga bilihin,
at kakulangan sa pagkain.
Noong 461 B.C.E., si Pericles, isang strategos o
heneral na inihalal ng mga kalalakihang
mamamayan ang namuno sa Athens. Taon-taon ay
nahahalal si Pericles hanggang sa sumapit ang
kaniyang kamatayan noong 429 B.C.E. Sa loob ng
mahabang panahon ng kaniyang panunungkulan,
maraming pinairal na mga programang
pampubliko si Pericles. Lahat ay naglalayong
gawing pinakamarangyang estado ang Athens.
Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na
demokrasya sa Athens kung kaya’t dinagdagan
niya ang bilang ng mga manggagawa sa
pamahalaan at sinuwelduhan niya ang mga ito.
Lahat ng mamamayan ay nagkaroon pagkakataong
makapagtrabaho sa pamahalaan mayaman man o
mahirap. Kaya di nagtagal mga ikatlong bahagi
(1/3) ng populasyon ng Athens ay bahagi na ng
mga gawain ng pamahalaan.
Mahalaga ang edukasyon para sa mga
Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-aaral sa
mga pribadong paaralan kung saan sila ay
natuto ng pagbasa, matematika, musika,at mga
obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat
din silang talakayin ang sining, politika at iba
pang usapin. Ang palakasan ay bahagi rin ng
kanilang pag-aaral.

Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay


nagsasanay sa militar ng 2 taon at pagkatapos ay
maaari nang maging mamamayan ng Athens at
makibahagi sa pamahalaan nito.
Samantala, ang mga kababaihan ay itinuring na
mas mababa sa mga kalalakihan. Hindi sila
nabigyan ng pagkamamamayan at hindi
maaaring makibahagi sa pamahalaan. Hindi rin
sila maaaring magmay-ari. Ang kanilang buhay
ay umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga
ng mga anak. Sa edad na 14-16 sila ay
ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang
mga magulang.
Pagsasaka ang karaniwang
ikinabubuhay ng mga
Athenian. Ang mga ani ay
kanilang kinakain. Ang mga
sobrang produkto ay
ipinapalit nila ng iba pang
kagamitang pambahay.
Bagamat marangya at
magarbo ang ang mga
gusaling pampubliko, ang mga
tahanan naman ay simple
lamang, maging ito ay pag-
aari ng mayayaman o
karaniwang tao.
Sa kabuuan, simple lamang ang
naging pamumuhay sa sinaunang
Greece.Ngunit mula sa simpleng
pamumuhay na ito ay lumitaw ang
pinakamahuhusay na artista,
manunulat, at mga pilosopo na
tinitingala sa sandaigdigan
hanggang sa ating makabagong
panahon.
Ilan sa mga labi ng iskulturang Greek ay
matatagpuan din sa mga templo ng Crete,
Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang
Greek na iskultor ay si Phidias. Ang
estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus
sa Olympia ay ilan lamang sa mga obra
maestra niya. Ilan pang mga natatanging
iskultura ay ang Collossus of Rhodes ni
Chares at Scopas ni Praxiteles na
parehong itinanghal na Seven Wonders of
the Ancient World.
Nagkaroon din ng kaalaman sa
makabagong medisina sa
sinaunang Greece. Ang
pinakadakilang Greek na
manggagamot ay si Hippocrates na
kinilala bilang Ama ng Medisina.
Itinaas niya ang larangan ng
medisina bilang agham at hindi
bunga ng mahika.
Ang pamamaraang ito ay kinikilala ngayon
na Socratic Method. Di nagustuhan ng
mga Athenian ang ginawang pagtatanong
ni Socrates lalo na ang mga tungkol sa
mga diyos-diyosan at ilang patakaran ng
Athens. Dahilan dito siya ay nakulong at
nahatulan ng kamatayan. Ngunit bago pa
siya naparusahan, siya ay nagpakamatay
sa pamamagitan ng paglason sa sarili. Ang
lahat ng mga ideya ni Socrates ay hindi
niya naisulat.
Samantala, si Aristotle, ang pinakamahusay na
mag-aaral ni Plato, ay nagpakadalubhasa sa
pag-aaral ng halaman, hayop, astronomiya, at
pisika na pawang nangangailangan ng
masusing pagmamasid. Ayon sa kaniya, ang
alinmang teorya ay maaari lamang tanggapin
kung ito ay batay sa masusing pagmamasid ng
mga katotohanan. Kinilala si Aristotle na Ama
ng Biyolohiya. Ilan sa mga tanyag niyang aklat
ay ang Poetic, isang pagsusuri sa mga iba’t
ibang duladulaan, ang Rhetoric na nagsasabi
kung paano dapat ayusin ng isang
nagtatalumpati ang kanyang talumpati, at ang
Politics kung saan tinalakay ng mga
mamamayan ang iba’t ibang uri
ngpamahalaan.
Gabay na Tanong
1. Ano ang dahilan ng paghina ng mga lungsod-estado ng Greece?
• 2. Ano ang nagbigay-daan sa paglakas ng Macedonia?
• 3. Ano ang maituturing na kontribusyon ng Imperyong Macedonia sa
mundo?
• May karapatan ang tribune o
mahistrado na humadlang sa mga
hakbang ng senado na magkasama sa
mga plebeian. Kapag nais hadlangan ng
isang tribune ang isang panukalang-
batas, dapat lamang niyang isigaw ang
salitang Latin na veto! (Tutol Ako!). Sa
loob ng isang siglo at kalahati,
nagkaroon ng higit na maraming
karapatan ang plebeian. Noong 451
B.C.E, dahil sa mabisang kahilingan ng
mga plebeian, nasulat ang mga bataas
sa 12 lapidang tanso at inilagay sa rostra
ng forum upang mabasa ng lahat. Ang
12Tables ang kauna-unahang nasusulat
na batas sa Rome at naging ugat ng
Batas Roman.
Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-estado
ng Greece, libo-libong Greek ang tumungo sa
Italy. Tinangay din ng mga heneral ng Rome
ang mga gawang sining at aklat ng Greece sa
pagbabalik nila sa Rome. Kumalat ang
kabihasnang Greece sa Rome at maraming
Roman ang tumungo sa Athens para mag-aral.
Naimpluwensiyahan ng Greece ang
kabihasnang nabuo sa Rome. Gayunpaman,
may sariling katangian ang kabihasnang
Roman. Pangunahin na rito ang kaalaman sa
arkitektura, inhenyeriya, at sistema ng
pamahalaan at batas.
Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome
sa mga usaping panlabas, dinagdagan ng
Senate ang kapangyarihan at katanyagan nito
sa pamamagitan ng pangangasiwa ng mga
kasunduan. Bagama’t ang pagpapatibay ng
mga tratado at deklarasyon ng digmaan ay
dapat na isinasangguni sa Assembly, ang
lupong ito ay nagsisilbing tagapagpatibay
lamang ng nais ng Senate. Ang monopoly ng
kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa
katiwalian sa pamahalaan. Madalas na gamitin
ng mga opisyal na ipinapadala sa mga
lalawigan ang kanilang katungkulan upang
magpayaman. Ang mga pagkakataon sa
katiwalian ay lumalaki dulot ng mga kapaki-
pakinabang na kontrata para sa kagamitan ng
hukbo.
Gabay na Tanong:
•Ano ang dahilan ng mga kaguluhang
naganap sa Rome?

•Ano ang ipinapahiwatig ng mga


nabanggit na kaguluhan sa relasyon ng
mga patrician at plebeian? Ipaliwanag
• Sa ating bansa sa kasalukuyan, mayroon
bang katulad na sitwasyon? Ipaliwanag.

Noong 53 B.C.E., napatay sa isang labanan si
Crassus. Tanging si Caesar at Pompey na
lamang ang naiwang maghahati ng
kapangyarihan. Sa pananaw ng mga nasa
Senate, higit na may pag-asa silang
makitungo kay Pompey kumpara kay Caesar.
Hindi lingid sa kanila ang tagumpay at galing
ni Caesar. Isang matagumpay na heneral si
Caesar. Popular din siya dahil sa mga
reporma niya sa mga lalawigan tulad ng
pagbaba ng buwis at pagkakaloob ng lupa
sa mga beterano ng hukbo. Inutusan ng
Senate si Caesar na bumalik sa Rome nang
hindi kasama ang kaniyang hukbo.
Subalit sinalungat ni Caesar ang utos ng
Senate at bumalik sa Rome na kasama
ang kaniyang hukbo. Sa takot nila sa
kapangyarihan ni Caesar, tumakas
papuntang Greece ang karamihan sa
mga kasapi ng Senate, kabilang si
Pompey. Hinabol sila ni Caesar at natalo
nito ang puwersa ni Pompey. Ginawang
diktador si Caesar sa kaniyang pagbalik
sa Rome sapagkat kontrolado na niya
ang buong kapangyarihan. Bilang
diktador, binawasan niya ang
kapangyarihan ng Senate ngunit
dinagdagan naman niya ang bilang nito,
mula 600 naging 900 ang kasapi nito.
Binigyan ng Roman citizenship ang lahat
ng naninirahan sa Italy. Sa mga
lalawigan, ang pagbabayad ng buwis ay
inayos habang ang pamahalaan ay
pinagbuti.
Nangamba ang Senate na
maaring ideklara ni Caesar ang
sarili bilang hari at magwakas
ang Republika. Binuo ang isang
sabwatan upang patayin si
Caesar. Isa sa mga sumali sa
sabwatan ay si Marcus Brutus,
matalik na kaibigan ni Caesar.
Noong March 15, 44 B.C.E.,
isinakatuparan ang pagpatay kay
Caesar. Habang nagpupulong
ang Senate, sinaksak si Caesar
ng unang grupo ng senador sa
pangunguna nina Brutus at
Gaius Cassius.
AUGUSTUS: UNANG ROMAN EMPEROR

• Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo


sa pamangkin na si Octavian. Noong 43 B.C.E, kasama sina Mark Antony
at Marcus Lepidus, binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang
ibalik ang kaayusan sa Rome. Ito ay dahil binalot ng kaguluhan ang Rome
mula nang mamatay si Caesar. Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate,
tinalo nila ang hukbo nina Brutus at Cassius.
Habang nasa Egypt, napamahal kay
Antony si Cleopatra, reyna ng Egypt.
Nang dumating sa Rome ang balita na
binigyan ni Antony ng lupa si Cleopatra at
balak salakayin ang Rome, bumuo ng
malaking hukbo at plota si Octavian
upang labanan si Antony. Naganap ang
malaking labanan sa pagitan ng dalawang
puwersa sa Actium noong 31 B.C.E.
Matapos matalo sa Actium, iniwan ni
Antony ang kanyang hukbo at sinundan si
Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod na
taon, nagpakamatay si Antony dahil sa
maling pag-aakala na nagpakamatay si
Cleopatra. Samantala, dahil
nagpakamatay na ang minamahal na si
Antony at sa harap ng pagkatalo kay
Octavian, nagpakamatay na rin si
Cleopatra.
LIMANG SIGLO NG IMPERYO
Si Augustus ay tagapagmana ng isang malawak na
imperyo. Ang hangganan nito ay ang Euphrates River
sa silangan; ang Atlantic Ocean sa kanluran; ang mga
ilog ng Rhine at Danube sa hilaga; at ang Sahara desert
sa timog. Sa pagsapit ng Ikalawang siglo C.E., ang
populasyon ng imperyo ay umabot sa 100 milyon na
binubuo ng iba’t ibang lahi, pananampalataya, at
kaugalian
Sa pangkalahatan, tahimik at masagana
ang unang dalawa at kalahating siglo ng
imperyo. Ang panahong ito ay mula sa
27 B.C.E. hanggang 180 C.E.
Kadalasang tinatawag ang panahong ito
bilang Pax Romana o Kapayapaang
Roman. Umunlad ang kalakalan sa loob
ng imperyo. Ang mga daan at
karagatan ay ligtas sa mga tulisan at
mga pirate. Sagana ang imperyo sa
lahat ng uri ng pagkain na nanggagaling
sa Egypt, Hilagang Africa, at Sicily. Ang
kahoy na gamit sa paggawa ng bahay at
iba pang produktong agrikultural ay
nagmumula sa Gaul at Gitnang Europe;
ginto, pilak, at tingga sa Spain; tin sa
Britain; tanso sa Cyprus; at bakal at
ginto sa Balkan.
Umunlad din ang panitikan sa panahon
ng Pax Romana. Ang mga makatang
sina Virgil, Horace, at Ovid ay nabuhay
sa panahong ito. Sinulat ni Virgil ang
Aineid, ang ulat ng paglalakbay ni
Aeneas pagkatapos ng pagbagsak ng
Troy. Samantalang binigyang-buhay ni
Ovid ang mga mitong Greek at Roman
sa akda niyang Metamorphoses.
Sinulat ni Pliny the Elder ang Natural
History, isang tangkang pag-isahin ang
lahat ng nalalaman tungkol sa
kalikasan. Sinulat ni Tacitus ang
Histories at Annals na tungkol sa
imperyo sa ilalim ng pamamahala ng
mga Julian at Flavian Caesar. Sinulat ni
Livy simula 27-26 B.C.E ang From the
Founding of the City, ang kasaysayan
ng Rome.
Layunin

• 1. Naipapaliwanagang konsepto ng produksyon.


• 2. Naibibigay ang iba’t-ibang salik ng produksyon
• 3. Nasusuri at naipapaliwanag ang kabuuang daloy ng
produksyon.
• 4. Nakakagawa ng isang poster na nagpapakita ng mga
suliraning nakakaharap ng bansa hinggil sa ating produksyon
• 5. Naipapahayag ang kahalagahan ng produksyon sa
ekonomiya
Ano ang Pagkonsumo?
• • Pagbili at paggamit sa
• mga kalakal o serbisyo
• upang tugunan ang
• kanilang
• pangangailangan.
• • Kapag natutugunan ng
• tao ang kanyang
• pangangailangan siya ay
• nakakaranas ng
• kasiyahan (satisfaction).
Maari bang isa-isahin ninyo ang mga
pamantayan ng matalinong mamimili?
pagsasanay
Pagpili ng tamang sagot sa mga salitang nasa loob ng kahon
Tuwiran Produktibo
Maaksaya Mapanganib

• __________1. nagaganap pag ang ating gnagamit na produkto ay


agad na nagbibigay sa atin ng kasiyahan
• __________2. ito ang pagpili ng intermediate goods
• __________3. kung hindi nagbibigay ng kasiyahan sa tao. Maaring
bunga ang pagbili ng mga salik na nakaimplwensiya sa pagkonsumo.
• __________4. pagbili ng bagay na maaring nagdala ng perwisyo sa
tao
pagganyak
•PAGLALAHAD
PAGLALAHAD
Panimula:
Sa ating pang-araw-araw na buhay, kaakibat ng ating
pagkonsumo ay ang produksyon upang matugunan ang ating
mga pangangailangan at kagustuhan. Ngunit naitanong mo
naba sa iyong sarili kung papaano nabuo ang mga produkto at
serbisyo? Kung ano ang mga sangkap na kinakailangan upang ito
ay mabuo?
• Ang mga salik na ginagamit sa pagbuo ngprodukto ay tinatawag na
input. Ito ay mga bagay na kinakainlangan upang mabuo ang produkto.

• Maaring nyo bang magbigay ng isang halimbawa ng OUTPUT

• Alam nyo po ba na mayroong apat na salik ang produksyon?

• Ngayon isa-isahin natin ito sa pamamagtang ng mga sumusunod na


Gawain.
Pangkatang Gawain
• Ngayon naman upang mas maintindihan natin ang ibig
sabihin ng Produksyon, Hahatiin ko ang klase sa apat (4)
na grupo at bibigyan ng limang (5) minuto upang mag-
brainstorm. Pagkatapos ipaulat sa kanila ang apat na
salik ng produksyon
Pagtalakay
Produksyon
• Paglikha ng kalakal o
• serbisyo na tumutugon sa
• mga pangangailangan at
• kagustuhan ng tao.
•Ngayon naman ay tingnan ninyo ang
Concept Mapping sa harapan.
•Pupunan natin ang diagram na ito.
•Ating paghahambingin ang apat na salik
ng produksyon at titingnan natin kung
ano ba ang pagkakaiba nila.
•Susuriin natin mamaya ang inyong mga
sagot kung tama ba ito.
Concept mapping
• Kung itutuon natin ang ating sarili sa Concept Mapping, Ano ang
Kaibahan ng apat na salik ng produksyon?

Sa iyong palagay saan kaya dito ang pipiliin niyo at


bakit?
Paglalahat
• Balikan muli natin ang ating pinag-aralan.
• Ano ang ibig sabihin ng Produksyon?
Paglikha ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao
Proseso kung saan pinagsasama ang mga salik ng produksyon (input) upang mabuo ang
isang produkto (output)

• Ano naman ang apat na salik ng produksyon?


1. LUPA- sumasaklaw ito sa lahat ng orihinal at lahat ng hindi mapapalitang yaman ng kalikasan

2. PAGGAWA - ang lakas paggawa ang pinakamahalagang salik ng produksyon. Maituturing na


lakaspaggawa ang lakas-taong ginagamit sa paglikha ng o paggawa ng kapaki-pakinabang na bagay

3. KAPITAL o PUHONAN Tumutukoy sa salapi at kagamitang ginagamit sa paggawa at pagbuo ng


mga produkto .

4. ENTREPRENYUR - tawag sa taong gumagawa ng paraan upang pagsama-samahin ang mga


naunang salik ng produksyon upang mabuo ang isang produktong maaring makatugon sa
pangangailangan ng tao
. Paglalapat
• Bilang mag-aaral, ano kaya ang inyong maisasangguni upang
mapahalagahan ang salik ng produksyon

• Linangin ng wasto ang lupa upang mapakinabangan ito.


• Gamitin ang pag-iisip at talento ng tao upang makabubuo ang
isang produkto .
• Ang puhunan ay isang salik na mahalaga sa paggawa upang
matugunan ang pangangailangan.
• Kailangang malikhain, mabilis, at matlino sa pagpapasya ang
entreprenyur upang magtagumpay din ang negosyo.
Kahalagahan
Pagtataya
Test I. Ibigay kung anong salik ng produksyon ang ss nalarawan:
2.
3.
4.
5.
Test II -A
2
B. Multiple choice
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

• 1. Ang salik ng produksyon na nagbibigay ng mga hilaw na sangkap.


a. Lupa c. Lakas-paggawa
b. Entreprenyur d. Capital

• 2. Ang kabayran sa lupang ginamit sa produksyon


a. Kita b. renta c. Sahod d. Capital
• 3. Samahang pangangalakal na itinayo upang tumulong sa mga
pangangailangan ng mga kasapi? a. Sosyohan c. Korporasyon
b. Kompanya d. Kooperatiba

• 4. Ang halaga na katumbas ng isang produkto?


a. Kita b. Presyo c. Kayamanan d. Serbisyo

• 5. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na


magsimula ng negosyo.
a. entreprenyur c. mamimili
b. lakas paggawa d. Kalahok
Key Answers
Test I TestII - A
1. Lupa 1. 1- harina 1- mangagawa
2. Kapital 2- tubig 2- Kapital
3. Mangagawa 3- sugar 3- entreprenyur
4. Entreprenyur 4- eggs
5. Mangagawa 5- salt
Test II - B 2. 1- goma 1- mangagawa
1. a 2- pako 2- Kapital
2. b 3- glue 3- entreprenyur
3. b 4- lagare 4- lupa
4. a 5- martilyo
5. a
Gawain: Poster Making Contest!

• Panuto: Bawat pangkat ay gagawa ng isang poster na


naglalaman ng iba’t-ibang suliranin na kinakaharap ng ating
bansa namay kinalaman sa produksyon.
Gamit:
Illustration Board
Any Coloring Materials
Marker

Kriteria sa paggrado:
Nilalaman- 40%
Pagkamalikhain- 20%
Ugnayan sa topiko- 20%
Mensahe- 10%
Kalinisanng gawa- 10%
Kabuuang: 100%

You might also like