You are on page 1of 4

Intro: Magandang araw sa lahat! Isa sa mga pinakaabangang balita.

Nagbabalita ng live mula


sa Attica Greece, Giro Dela Pena, kamusta?

1st reporter: Magandang araw Fhinley. Nandito ako ngayon sa Attica Greece kung saan
nakalugar ang lungsod ng Athens. Sa katunayan ang ganda ng lugar na ito, ano. Samahan niyo
ako na libutin ang Attica at Athens.

Ang Attica o Attic Peninsula ay isang historical na rehiyon ng sumasaklaw sa lungsod ng


Athens.

Ngunit ano nga ba ang Athens? Ano ang tugkol dito? Ano ang meron sa lugar na ito? Ating
tuklasan ngayon din mismo.
Ang Athens ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng greece. Ito ang capital at pinakamalaking
lunsod ng Greece. Ito ay isang maburol at mabatong lupain
Ang pangalan ng Athens, ayon sa alamat, si Poseidon ay nakipagkompetensiya kay Athena.
Nanalo si Athena kaya ipinangalan sa kaniya ang siyudad.

Sumikat ang Athens dahil ito ang naging sentro ng kalakalan at kultura ng Greece.

Alam niyo ba na ang siyudad na ito ay ang lugar na ginanapan ng pinakaunang Modernong
Palarong Olimpiko noong 1896 at ang lungsod ay muling ginanapan sa ikalawang pagkakataon
noong Palarong Olimpiko sa tag-init noong 2004.

Ang mga unang nanirahan naman sa Athens o Atenas ay mula sa iba’t ibang ethnic groups that
were organized in several kingdoms.

Outro: Ipapasa ko ngayon ang pagbabalita kay Willhianne. (Tawagan yung pangalan)
Willhianne.

2nd reporter: Magandang araw! Ilan sa mga ipinagmamalaki ng taga-Athens ay ang kalayaang
politikal, mga artista, manunulat, at pantas. Hindi katulad ng mga Spartan, naniniwala sila na
ang buhay ng isang lalaki ay kulang kung hindi niya ginagamit ang kaniyang kaisipan sa
paghulma ng kaniyang talento. Ang mga babae naman ay pinag-aaral lamang ng mga gawaing-
bahay.

Ngayon naman ay bumalik tayo sa nakaraan at tuklasin ang tungkol sa mga kaganapan ng
Athens. Ano ang mga nangyari noong panahon? Ang mga naging kaganapan noon ay ating
tunghayan.

Archaic Times
Ang Ancient Athens ay umusbong sa ekonomiya sa mga siglong ito, ngunit nawala ang kontrol
sa buong Attica, na ngayon ay nahahati sa mga maliliit na kaharian. Nabawi ng siyudad ang
kapangyarihan sa Attica noong ika-pitong (7) siglo.
Sa loob ng isang siglo, ang lungsod ay pinamumunuan ng mga heneral ng militar. Ang
kaantasan ng bawat mamamayan ay nakasalalay sa kayamanan, na ibig sabihin na ang mga
mahihirap ay walang karapatan at ang pagkaalipin ay isang kalakal o isang importanteng
bagay.

Noong 8th century BC, binuksan ni Solon, isang Athenian poet at mambabatas ang landas
tungo demokrasya at inalis ang kawalang-katarungan sa mga kapos pala. Ang Oracle ng
Delphi, ang pinakamakapangyarihan sa sinaunang Greece, ay ideklara kasabay nito ang
Acropolis of Athens bilang province of the Gods.
(Acropolis of Athens- historical landmark of the city/Athens)

Pagkatapos ng panahon na ito ay ang Classical times


Ito ang panahon pagkatapos ng Persian Wars noong 490-470 BC. Ang Ancient Athens ay
umunlad bilang nangungunang lungsod-estado sa Greece. Ang panahaon na ito ay ang rurok
sa kasaysayan ng Athens.

Si Pericles, isang pinakadakilang estadista o stateman ng Greece ay siyang unang


mamamayan “First Citizen” ng (democratic) Athens. Isa syang matalinong estadista, heneral,
mananalumpati, at pilosopo. Natawag ang panahon niya noon na “The Golden Age of Pericles”
kung kailan nya pinamunuan at pinatatag ang demokrasya sa Athens. Ito ay naganap noong
461-429 BC.

Outro: Ayun lamang mula sa akin para sa historya/history ng Athens, (mag)babalik sayo
Fhinley.

Newscaster: Ayun na nga, ano? Marami tayong nalaman tungkol sa mismong siyudad at mga
pangyayari noon sa Athens, gusto ko lamang na magdagdag ng konting kaalaman, ang mga
Athenians ay nagbibigay ng matinding diin sa sining, arkitektura at panitikan. Ngayon naman
alamin natin ang tungkol sa batas at reporma na ipinatupad noon at ngayon. Nakatutok si Nica
Dela Cruz

3rd reporter: Magandang araw sa inyong lahat at maraming salamat Fhinley! Ako po ay si
reporter Nica na magsasabi tungkol sa mga batas at reporma sa lungsod ng Athens.

Sa simula, ang siyudad na Athens ay pinamunuan ng hari, ngunit hindi nagtagal pinalitan ng
mga aristokrata ang mga hari bilang pinuno ng pamahalaan noong 800 BCE. Itong mga
aristokrasya na ito ay pinamumunuan sa pamamagitan ng isang konseho na may tatlong
namumunong archon o opisyal. Nagpapatupad ng batas na ang mga maharlika na tanging
pumapabor lamang sa mayayaman. Dahil doon, nagsimulang magprotesta ang mga
mangagalakal, manggagawa, at magsasaka.
Noong 621 BCE, si Draco ay itinalaga ng mga archon. Siya ay isang maharlika, na sumulat ng
unang kodigo ng mga batas ng Athens. Binuo ito ni Draco na may layuning bawasan ang mga
di-makatwirang desisyon ng pagpaparusa at mga away-dugo sa pagitan ng mga partido.
Ngunit sa kabila nito, ang kodigo ng batas ay kapansin-pansin sa kanilang kalupitan. Ito ay
nasabing sinulat sa dugo, sa halip na tinta. Kamatayan/death penalty ang ipanapataw na
parusa sa halos lahat ng mga kriminal na pagkakasala, kahit minor offences lamang.
Halimbawa ng nakasaad sa batas ay: sinumang may utang na ang katayuan ay mas mababa
kaysa sa kanyang pinagkakautangan ay magiging alipin.

Noong 594 BCE ang sumunod na pagbabago. Sa pangunguna ni Solon na isang manunulat,
statesman, at mangangakalakal. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Ilan sa mga
ginawa reporma ni Solon ay:
1. Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal ang pagkakaalipin
nang dahil sa utang.
2. Ginawa niyang kapaki-pakinabang ang pagsasaka. Dahil sa hindi maganda ang lupa sa
pagtatanim ng butil, minabuti na lang na magtaning ng ubas at puno ng oliba. Dahil dito,
yumabong ang panganglakal ng mga Athenian.
3. Pinasigla niya ang industriya sa pamamagitan ng paghiling sa bawat ama na turuan ang
anak niyang lalaki na mangalakal.
4. Gumawa siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang
ipinanganak mula sa mga magulang ng Athenian ay maaaring maging hurado sa korte.
5. Gumawa rin siya ng sistemang legal na pinapayagan ang mga mamamayan na mag-
akusa laban sa sino mang gumawa ng kamalian.

Ang repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay: nagbigay ng kapangyarihan sa mga


mahihirap at karaniwang tao. Si gitna ng malawakang repormang ginawa ni Solon, di nasiyahan
ang mga aristokrata. Para sa kanila daw kasi, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap.

Sa loob 22 taon, tinanggihan ni Solon ang kahilingang maging “Ruler for LIfe”.

Noong mga 546 BCE naman, isang politikong nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa
pamahalaan ng Athens. Binawasan niya ang pribilehiyo ng mga maharlika sa panunungkulan.
Dahil doon, kahit mayaman siya, nakuha niya ang suporta at tiwala ng karaniwang tao.

Naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng Athens noong 510 o 508 BCE, sa ilalim
ng pamumuno ni Cleisthenes ang “Ama ng Demokrasya ng Athens”.
Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ay ipinatupad ni Cleisthenes ang
isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng
ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng 6,000
boto, siya ang palalayasin sa Athens ng 10 taon. Ostracism ang tawag sa sistemang ito.
Bagamat kaunti lamang ang naitatapon ng sistemang ito, nabibigyan ng mas malaking
kapangyahan ang mga mamamayan.
Outro: Ayun lamang ang aking maibabalita tungkol sa batas at reporma ng Athens. Para
naman sa edukasyon, nakatutok dyan si Antonia. (Tawagin ang pangalan) Antonia?

4th reporter: Magandang araw! Ang pangunahin layunin lamang ng edukasyon sa Athens ay
upang makabuo ng mabubuting mamamayan, mga taong bihasa sa sining at aghan, mga taong
handa para sa kapayapaan o digmaan. During primary school, ang mga nakababatang lalaki ay
natuto ng calisthenics at madalas na tinuturuan kung paano maglato ng bola, habang ang mga
nakatatandang lalaki ay tinuturuan ng mas maraming aktibidad na pangmilitar, tulad ng
pagtakbo, boxing, at wrestling.
Ang Illiad at Odyssey ni Homer, na mga national epic poems, ay mandatory para sa
kanila. Ito ay dapat itinuturo sa lahat ng elementarya sa Atenas/ Athens. Tinuturuan din ang
mga kung paano tumugtog ng lira, kumanta, at mag-aritmetika/matematika.

Hindi tulad ng Sparta, ang layunin ay hindi makabuo ng mahusay na mga sundalo, ngunit
upang makabuo ng mahusay na mga kabataang lalaki na matatalino, malakas at kaakit-akit.

Mapapansin natin na mga lalaki lamang ang itinuturing na mga mamamayan. Ang mga batang
babae naman kasi ay tinuturuan sa bahay na may layunin na sila ay maging housemakers o
tiga-gawa ng mga gawaing bahay. Pagbabasa at pagsusulat ang tinuturo sa kanila.

Outro: Ayun lamang ang lahat para sa edukasyon. Maraming salamat, (mag)babalik sayo
Fhinley.

TRIVIA TIME:
Bago matapos ang programa/balitaan ngayong araw ay magbibigay ako ng ilang trivia tungkol
sa Athens. Ang Athens ay kilala dahil sa tatlong lugar o tourists destination; ito ay ang
Acropolis, na isang historical landmark, Ang Parthenon, na isang lumang templo na dinedicate
para kay Athena, at ang huli ay ang The Temple of Olympian Zeus, na tinayo sa pagitan ng 174
at 134 BC.
Alam nyo ba na ang templo na ito ay isa sa mga malalaking templo na nabuo sa ancient
world. At syempre sa pangalan palang, ito ay dinedicate kay Zeus na “king of the gods in Greek
mythology”. (Hindi nyo alam yun noh?)
That’s it for trivia time.

(Fhinley) Outro ng balitaan: Tunay nga na kamangha-mangha ang Athens. Ito ay talagang
masasabi na napakahistorikal na lugar. Pagdating pa lamang sa pag-alam natin sa mismong
siyudad hanggang sa mga historya, pangyayari, sistema, at mamamayan ng lugar, ating ngang
masasabing ito ang lugar ng kapanganakan ng demokrasya.

Sa susunod muli na pagbabalita. Ako si (newscaster?) Fhinley, ako si reporter Giro, ako si
reporter Willhianne, ako si reporter Nica, ako naman po si reporter Antonia (mula) (ng) (name
ng balita or station)

You might also like