You are on page 1of 6

HARI NG MINOAN

SUBMITTED BY:
LYRA H. SALVADOR
HARING MINOS
Si Haring Minos ang kinikilalang maalamat na hari ng isla ng Creta
(Crete) noong panahon ng kabihasnan ng Minoan. Isinunod sa pangalan
niya ang kabihasnang Minoan ng arkeologong si Sir Arthur Evans.
Sinasabing siya ay may palasyo sa Knossos na may
nakatagong labyrinth (isang lugar na pasikut-sikot o maze ang daan
papunta sa labasan), na ipinagawa kay Daedalus, isang bihasa at kilalang
manggagawa (craftsman) noon. At isang Minotaur (isang nilalang na may
ulong toro at katawang tao), ang nakatgo sa loob ng labyrinth.
Sa mitolohiya, si Haring Minos ay ang unang hari ng Creta (Crete), anak
siya nina Zeus at ng isang Prinsesa ng Fenicia (Phoenician). Nakuha niya
ang trono sa pamamagitan ng tulong ng Griyegong diyos na si Poseidon.
Sa tuwing sasapit ang ika-siyam na taon, pinapipili niya si Haring Aegeus
ng pitong batang lalaki at pitong batang babae para ipadala sa labyrinth, at
ihandog bilang pagkain ng Minotaur. Sa pagkamatay niya, naging hukom
si Haring Minos ng mga patay sa underworld.
HARI NG
MYCENAEAN
HARING AGAMEMNON
Si Agamemnon ay ang anak na lalaki ni Haring Atreus ng
Mycenae at ni Aerope. Siya ang kapatid na lalaki ni
Menelaos. Ang kaniyang asawa ay si Klytaimnestra.
Naging anak niya kay Klytaimnestra sina Iphigeneia,
Elektra, Orestes at Chrysothemis. Sa Digmaan ng Troya,
kinuha niya sa Kassandra bilang isang alipin. Binigyan
siya ng babala ni Kassandra na papatayin siya ng kaniyang
asawang si Klytaimnestra, subalit hindi siya naniwala. Sa
paglaon, pinatay nga siya ni Klytaimnestra at ng
mangingibig nitong si Aegisthos, habang nasa kanilang
tahanan.
HARI NG ATHENS
HARING PERICLES
Si Pericles isang strategos o heneral na inihalal ng
mga kalalakihang mamamayan ang namuno sa
Athens. Pinamahalaan ni Pericles ang buong Athen
na gawing pinakamarangyan ang Athens sa
panahon niya. Ipinakilala niya ang kahalagahan ng
demokrasya dahil lahat ng mamamayan sa Athens
ay binigyan niya ng pagkakataon mahirap man o
mayaman na magkaroon ng trabaho. Labis na
nabahala ang mga mayayaman dahil sa patakaran
na ipinatupad ni Pericles.Itinatag niya ang Delian
League na isang samahan na isang tanggulan ngnit
hindi nagtagal.

You might also like