Professional Documents
Culture Documents
Naaalala rin ni Francisco ang mga lugar sa kanilang pinagtatagpuan noong sila ay
matamis na nagsusuyuan, gaya ng ilog Beata, puno ng mangga at ilog Makati, dito ay
sinasariwa niya ang matamis nilang suyuan. Kaya siya ay nagsisisi kung bakit di pa niya
naitanan si Selya noong panahong iyon. Sana’y din na naagaw ni Mariano Kapule. At siya
ay napapaiyak kung nagugunita niya ang nangyari sa kanyang buhay, lagi niyang
hinahanap si Selya na nagdulot sa kanya ng libong kaligayahan, sana daw ay din na sila
nagkahiwalay. At dahil sa kanyang mga kasawian ay naisip niyang sulatin ang “Florante
at Laura” na si Selya ang naging inspirasyon at dito ay inilarawan niya ang tinamong
kasawian kay Selya
Sa Babasa Nito
Isang pasasalamat ni Francisco sa sino mang babasa ng tula at magpapahalaga nito.
Hinihiling niyang subukang unawain ang malalim na wikang ginamit dito dahil kung
susuriin ng husto ay malalamang ito ay malinaw at wasto.
Sinabi ni Florante sa kanyang sarili na kaya niyang tiisin ang pagdurusa, kung ito ang
gustong mangyari ng Maykapal. Iisa lamang ang tangi niyang hiling, ang maalala siya ng
kanyang minamahal sa si Laura. Di niya maiwasang maalala ang kanilang suyuan, at
iniisip niya na baka agawin si Laura ng kanyang karibal na si Adolfo.
Ayon sa kanya, bago siya tumungo sa digmaan, may pabaon sa kanya si Laura ng
luhaang bandang may letrang L, dahil natatakot si Laura na masugatan siya. Nang
dumating siya na may munting galos, agad ginamot ni Laura. Kaya’t ngayo’y tinatanong
niya sa kanyang sarili, kung nasaan na ang lahat ng pag-aaruga ni Laura sa kanya.
Pagkatapos patayin ang mga leon, agad kinalagan ni Aladin si Florante na sa sandaling
iyon ay wala pang ulirat. Nang magkamalay, ang naging bukambibig ay ang kanyang
sinisintang si Laura.
Nang matauhan si Florante, sinabi ni Aladin na huwag siyang mag-alala dahil ligtas na
siya. Sa di inaasahan, sinabi niya sa gererong Moro na sana ay hinayaan na lamang
siyang mamatay. Hindi akalain ni Aladin na ganito ang sasabihin ng binata sa kanya.
Sinabi ni Florante na hindi dapat palakihin ang mga bata sa saya dahil kapag ito'y
namihasa, kapag lumaki na ay mahihirapan. Madalas, ang mga taong ganito ay masakitin
at maramdamin.
Ipinadala sa Atenas si Florante upang mag-aral nang siya’y 11 taong gulang upang doon
ay mamulat ang kanyang kaisipan.
Kabanata 16: Sa Atenas. Si Adolfo (saknong 205-214)
Ang guro ni Florante sa Atenas ay si Antenor, isang mabait at matalinong guro doon. Sa
Atenas niya nakilala ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde Sileno, na tampulan ng
paghanga ng kanyang mga guro, at ng kanyang mga kamag-aral dahil sa katalinuhan at
kagandahang-asal nitong pinapakita.
Nagkaroon ng tatlong araw na piging para kay Florante. Sa piging na iyon ay sandali
lamang silang nagkasarilinan ni Laura at ipinahayag ang kanyang damdamin sa dalaga.
Nang pupunta na si Florante upang makidigma, nagbaon ng luha si Laura sa kanyang
pag-alis.
Limang buwan pa siyang nanatili sa Krotona. Nais niyang bumalik agad sa kanyang
bayan sapagkat sabik na sabik na siyang makita si Laura. Pagdating nila sa Albanya ay
namangha siya sapagkat ang bandilang nakawagayway sa kanilang bayan ay bandila ng
mga Moro. Niligtas ni Florante si Laura sa kamay ng isang pangkat ng mga Moro na
magpaparusa at pupugot ng ulo sa kanyang kasintahang si Laura dahilan sa pagtanggi
nito sa pagsuyo ng Emir o gobernador ng mga Morong sumasakop sa kanilang bayan.
Nilusob nila Florante ang reynong Albanya, nasakop ito at nailabas sa piitan ang hari, ang
kanyang ama at si Adolfo, na ikinulong sa karsel ng palasyo kasama ng ibang kaginoohan
sa Albanya. Labis ang kagalakan ng hari at si Adolfo lamang ang nagdadalamhati sa
kapurihang tinanggap ni Florante. Muling sinalakay ng pangkat ni Miramolin ang Albanya
at nagaping muli ni Florante ang mga kalaban. Labimpitong kaharian pa ng
mga Moro ang pinagtagumpayan nila ni Menandro. Sa Etolya, may sulat na
nagtatagubilin kay Florante ang Haring Linceo na iwanan ang hukbo kay Menandro at
umuwing nag-iisa sa palasyo nito. Hindi niya akalain na pagdating niya ay dinakip agad
siya ng may 30,000 sandatahan ni Adolfo at dali-dali siyang ikinulong sa bilangguan. Ang
lahat pala ng naganap sa palasyo, ang pagpatay sa hari at Duke Briseo ay pakana
ni Adolfo. Nalaman din niyang malapit nang ikasal si Laura kay Adolfo. Dahil dito, ninais
na niyang mawalan ng sariling buhay.
Ang sabi ng isang babae, nang malaman niyang pupugutan ang kanyang
kasintahang nasa bilangguan ay pumayag na siyang pakasal sa sultan kapalit ng paglaya
ng kanyang kasintahan. Pinawalan naman agad ito, subalit nang gabi ding iyon ay
nagbalat-kayo ang babae ng isang gerero at tumakas sa Persya upang hanapin ang
minamahal niyang si Aladin. May ilang taon ding siyang naglilibot hanggang sa sumapit
sa gubat at nasaklolohan ang kausap niyang babae.
Anong laking tuwa nina Florante at Aladin nang malamang ang nagsisipag-usap pala ay
sina Laura at Flerida.
Isinalaysay naman ni Laura ang nangyari sa Albanya na samantalang nasa ibang bayan si
Florante – ang pagkakaagaw ni Adolfo sa trono, ang pagpugot sa ulo ng hari at sa mga
kabig nito. Sinabi niyang pinadalhan niya ng sulat si Florante upang ipahatid ang
nangyari sa Albanya subalit ang natanggap ni Florante ay isang sulat na huwad sa ngalan
ng haring ama ni Laura na mahigpit na nagbibiling umuwi siyang nag-iisa sa Albanya.
Dumating naman si Florante pagkaraan ng isang buwan. Ito ang naging paraan kung
paano nadakip si Florante ng mga kawal ni Adolfo. Ikinulong sa piitan at pagkalipas ng
ilang araw ay ipinadala sa gubat at doon ay ipinagapos. Samantala, humingi ng limang
buwang taning si Laura upang isaalang-alang ang mungkahing pagpapakasal ni Adolfo sa
kanya. Sa katunayan ay inaantala lamang ni Laura ang mga panahon upang makabalik si
Florante. Kaya nang wala ng paraan upang mahimok si Laura ay dinala ito sa gubat
upang sana’y pagsamantalahan kundi lamang ito naipagtanggol ni Flerida. Sa
pagkakapana ni Flerida kay Adolfo, naging isa siyang bangkay.