You are on page 1of 49

FLORANTE

AT LAURA
Ibigay ang kahulugan ng
mga salitang di-pamilyar:

1.Mahabagin

- maawain
2. Susugbahin
- susuungin
3. Sula
- kislap
4. Malabay

- mayabong

5. Gunita

- alaala
Kabanata 7:
SI FLORANTE AT SI
LAURA
“May sakit pa kayang lalalo ng tindi
Sa ang sumisinta’y mawalay sa kasi?
Guniguni lamang di na ang mangyari
Sukat ikalugmok ng pusong bayani.”
Bilang parangal at pagkilala ng Hari sa
pagkahirang na Heneral kay Florante ay
tatlong araw na piniging ito sa palasyo.
Sa loob ng tatlong araw na iyon ay si
Menandro lamang ang malimit na pumansin
sa kanya, palibhasa’y ito lamang ang
nakaaalam ng lahat.
Sinabihan ni Menandro si Florante na huwag
mabalisa dahil muli rin nitong masisilayan si
Laura. Aniya, “mahina ang puso ni Florante at
marupok ang kanyang pananalig.”
Sinagot siya ni Florante na ang talagang
masakit ay ang katotohanang susuong siya sa
digma na hindi nalalaman ni Laura ang kanyang
nararamdaman.
Hindi naman lubos na nabigo si Florante.
Kinabukasan, nang ang kanyang hukbo ay
tutungo na sa Krotona ay tila maamong
kalapating dumapo sa kanyang mga palad ang
pagkakataon.
Nakausap ni Florante si Laura. Nakiramay
si Laura sa pagkamatay ng ina ni Florante.
Ipinagtapat ni Florante na ang kanyang
kalungkutan ay naragdagan mula nang
mamalas si Laura. Ito’y sa kadahilanang
iniibig na niya ang dalaga.
Hindi agad nakasagot si Laura. Ang mga
salitang pag-ibig ay noon lamang niya
narinig.
Sinabihan ni Laura si Florante na sa
ibang pagkakataon na nila pag-uusapan ang
tungkol sa sinabi ni Florante. Sumagot si
Florante na “ang pagmamaramot ni Laura ay
sapat na upang makitil ang kanyang buhay.”
Namalas ni Laura ang masidhing
kalungkutan ni Florante.
Sinabihan ni Laura si Florante na ayaw niya
itong lumisang malungkot. Dagdag pa niya,
papatnubayan niya ng dalangin ang binata.
Nagpasalamat si Florante kay Laura. Sa
pagpapaalam ni Florante kay Laura ay sinabihan
niya itong “kung ‘di man maibabalik ang kanyang
bangkay ay dadalawin ng kanyang mga alaala si
Laura.”
Ang namumulang mukha ng araw
ay iilang dipa na lamang sa
naghihintay na kanluran. Mabagal ang
kanyang paglalakbay na tila tinitipid
ang kanyang liwanag o natatakot na
lumusong sa matarik na bangin ng
kamatayan. Datapwat ang atas ng
tadhana ang hindi magbabago.
Nang hapong yaon, Sa kanyang alaala ay
nagbabalik ang magandang mukha ni
Florante, sa kanyang pandinig ay tila awit
ng anghel ang mga bulong ng binata.
Siya’y nag-aalala na baka hindi makabalik si
Florante.
Nang gumabi, bago siya nahiga sa
kamang batbat ng mga mahal na
palamuti ay idinalangin niya ang
kanyang irog.
“Bathala, ibalik Mo po sa akin si
Flrante. Iligtas sa kamatayan…ibigay
mo po sa kanya ang
tagumpay..ipahintulot mong muli
kaming magkita..”
Nahiga na siya at ipinikit ang mga
matang may luha at ipinaubaya ang
kapalaran sa Lumikha.
Umaga. Ang buong bayan ay
ipinagdiriwang ang hukbong patungo
sa Krotona.
“Mabuhay si Florante! Mabuhay ang
Albanya! Mabuhay ang Krotona.”
Nang paalis na ang hukbo ay natapat si
Florante sa durungawan ni Laura.
Nasilayan niya ang langis ng kanyang
buhay. Nagpahid ng luha si Laura. Luha
ng pagmamahal at pag-ibig para sa
kanya.
Muntik nang mawalan ng diwa si
Laura nang mawala na sa kanyang
paningin si Florante.
Mabilis na lumakad ang hukbo
ngunit ang diwa at damdamin ni
Florante ay naiwan sa Albanya. Si
Laura ang laman ng kanyang dibdib.
Kaya’t naisip niyang kailangan niyang
maging limbas sa pakikipaglaban. Kailangan
niyang makamit ang tagumpay upang
maging bayani at karapatdapat kay Laura.
Kaya’t ang gunita niya kay
Laura ay naging malabay na
pakpak ng agila. Ang pag-ibig ay
naging mabisang kalasag!
Nang dumating ang hukbo sa labas ng Krotona
ay nadurog na ang matitibay na kuta sa bayo ng
mga kalaban.
Subalit sumapit si Florante. Ang mababangis
na Moro sa pamumuno ni Hen.Osmalik ay
sinalakay ng niya at ng buong hukbo. Sila ay
nagulo at hindi matutuhan ang gawin. Ginipit
sila ng mga kawal ng batang heneral.
Nang mapatay ni Florante si
Osmalik ay nasindak at nangilabot na
ang kanyang mga kawal. Si Menandro
ay naging isang tunay ding bayani.
Kaya’t hindi naglaon ay nakamit din
nila ang maningning na tagumpay.
Sila ay sinalubong at binati ng Hari
ng Krotona kasama ang buong bayang
nailigtas.
Sadyang hindi nga naman lubos ang
katuwaan. “Kapag may ligaya ay may
kalungkutan”.
Ang tagumpay ay hindi magiging
mahalaga para kay Florante hanggang
hindi siya nakababalik sa Albanya.
Ang limang buwang inilagi niya sa
Krotona ay tila limang taon.
Sila’y nagbalik at nang sila’y malapit
na ay natanaw ni Florante na ang
nagwawagayway ng bandila ay iba na.
Bandila na ng mga Moro sapagkat
nasalakay na sila ni Aladin na isa ring salot
sa pakikidigma, kinikilalang pangalawa ni
Osmalik.
Sa unahan nila ay may isang binibini
na may takip sa mukha at gapos ng matibay
na lubid.
Parang sumabog na bulkan ang dibdib
ni Florante nang makita niyang si Laura ang
babaeng iginapos. Agad naman niya itong
pinakawalan.
“Ipaghihiganti kita, uusugin ko ang
malupit na Emir hanggang sa maitindig ang
kapurihan at karangalan ng Albanya.
“Ang buong kaharian ay nasa kamay ng mga
Moro. Ang mga tao’y piniit sa madilim na
kulungan.
Ibinuhos ni Florante ang kanyang lakas. Kasama
si Menandro at ang buong hukbo. Nagapi at
parang dinaanan ng salot ang mga manlulupig.
Nang maubos ang mga kalaban ay pinasok nila
ang kulungan at pinalaya ang mga tao kasama si
Konde Adolfo. Gayon an lamang ang tuwa at
pasasalamat ng hari. Pinuri at ipinagbunyi nila si
Florante.
Pangkatang Gawain:
Madali
10 segundo
1 puntos
1. Ano ang pamagat ng ikapitong kabanata?

Sagot: Si Florante at si Laura


2. Ilang araw piniging ang pagkakahirang ni
Florante bilang Heneral ng hukbo?

- tatlo (3)
3. Sino lamang ang pumansin kay Florante
noong nagkakaroon ng pagpipiging?

- Menandro

4. Sino ang namuno sa mga mababangis na


Moro sa pagkubkob sa Krotona?

- Heneral Osmalik
5. Buuin ang kasabihang nabanggit sa kab.3..
“Kapag may ligaya ay may
kalungkutan”.

6. Ilang buwan ang inilagi ni Florante at ng hukbo


sa Krotona?

-Lima (5)
7. Sa pagbabalik ng hukbo ni Florante sa Albanya,
kaninong bandila ang nakita nilang iwinawagayway?

- Moro

8. Sino ang kinikilalang pangalawa ni Hen.Osmalik na


kumubkob sa Albanya?

- Aladin
9. Ano ang pamagat ng ikawalong kabanata?

- Dalangin

10. Ano ang pamagat ng ikasiyam na kabanata?

- Maningning na tagumpay
Katamtaman
15 segundo
2 puntos
1. Ayon kay Florante, “hindi ang
tabak ng kalaban ang kikitil sa
kanyang buhay, ang
______________ ni Laura ang
itinuturing niyang papatid sa
kanyang paghinga.”
-pagmamaramot
2. Ayon kay Laura, kay Florante niya unang narinig ang
salitang _________.

- PAG-IBIG

3.Kumpletuhin ang pahayag ni Laura kay Florante,


“Florante, lumakad ka na. Papatnubayan kita ng aking
mga __________.”
- Dalangin
4. Ano ang kolektibong katawagan
para sa mga di-binyagang
sumakop sa kaharian ng Krotona?

- Moro
5. Nang lumalakad na ang hukbo ni
Florante patungong Krotona, para
sa kanya ay naiwan ang ______ at
______ niya sa Albanya.

- diwa at damdamin
MAHIRAP
3 puntos
20 segundo
1. Kumpletuhin ang pahayag ni
Menandro kay Florante:
“ Kayhina ng iyong ______;
Kayrupok ng iyong _________.

-puso ; pananalig
2. Tila ________ __________ dumapo
ang pagkakataon kay Florante nang
masilayan niya ang kanyang iniirog
bago sila tumungo sa Krotona.

- maamong kalapati
3. Ayon aky Florante, ang mga
luha ni Laura ay simbolo ng
_________ at _________.

- pagmamahal at pag-ibig
4. Kumpletuhin ang pahayag ni Florante nang
iligtas niya si Laura sa pagkakagapos:

“Ipaghihiganti kita, uusugin ko ang malupit


na _______ hanggang sa maitindig ang
kapurihan at karangalan ng Albanya.”

- Emir
5.Ano ang kailangang ihandog ni
Florante kay Laura upang siya’y
maging isang tunay na bayani?

- TAGUMPAY
1. Isiping ikaw ay susuong sa isang
pakikibaka, ano ang itinuturing mong
pinakamabisang sandata na maaari mong
gamitin upang makamit mo ang tagumpay?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Paano mo makakamit ang tagumpay sa


tamang paraan?
Takdang Aralin:
Isulat sa kalahating papel.
Magsaliksik tungkol sa uri ng tayutay na:
1.Simile o pagtutulad
2.Pagwawangis o metapora
3.Pagsasatao
4.Pagmamalabis
Magbigay ng tig-lilimang halimbawa.

You might also like