You are on page 1of 27

Balikan

Natin!
Kung bibigyan ka ng
pagkakataong tumulong,
ano ang maaari mong
magawa para sa mga taong
nasa larawan?
Hanap
Salita!
PANUTO: Bigyang kahulugan ang
mga salitang di pamilyar na may
salungguhit. Magpapatugtog ang
guro ng isang awitin habang ang
misteryosong kahon ay umiikot sa
klase. Ihihinto ang tugtog at kung
sino man ang matapatan ng kahon ay
siya ang bubunot dito.
Pagkatapos ay babasahin ang nakasulat
sa papel at tutukuyin kung anong
pangungusap ang nagtataglay ng
kahulugan nito. Idikit ito sa tapat ng
pangungusap at gamitin sa
makabuluhang pangungusap ang
salitang may salungguhit.
Pangkatang
Pagbasa!
Pagsagip Mula sa
Pangil ng mga Leon
(Saknong 126-142)
ni Francisco “Balagtas” Baltazar
126
Sa tinaghoy-taghoy na kasindak-sindak,
gerero’y hindi na napigil ang habag,
tinunton ang boses at siyang hinanap,
patalim ang siyang nagbukas ng landas.

127
Dawag na masinsi’y naglagi-lagitik,
sa dagok ng lubhang matalas na kalis,
Moro’y di tumugot hanggang di nasapit
ang binubukalan ng maraming tangis.
128
Anyong pantay-mata ang lagay ng araw,
niyong pagkatungo sa kalulunuran,
siyang pagkataos sa kinalalagyan
nitong nagagapos na kahambal-hambal.

129
Nang malapit siya’t abutin ng sulyap
ang sa pagkatali’y linigid ng hirap,
nawalan ng diwa’t luha’y lumagaslas,
katawan at puso’y nagapos ng habag.
130
Malaong natigil na di nakakibo,
hininga’y hinabol na ibig lumayo,
matutulog disin sa habag ang dugo,
kundangan nagbangis leong nangagtayo.

131
Naakay ng gutom at gawing manila,
nag-uli sa ganid at nawalang-awa
handa na ang ngipi’t kukong bagong hasa,
at pagsasabayan ang gapos na iwa.
132
Tanang balahibo’y pinapangalisag,
nanindig ang buntot na nakagugulat,
sa bangis ng anyo at nginasab-ngasab,
Puryang nagngangalit ang siyang katulad.

133
Nagtaas ang kamay at nangakaakma
sa katawang gapos ang kukong pansira,
nang darakmain na’y siyang pagsagasa
niyong bagong Marteng lumitaw sa lupa.
134
Inusig ng taga ang dalawang leon,
si Apolo mandin sa Serpiente Piton,
walang bigong kilos na di nababaon
ang lubhang bayaning tabak na pumutol.

135
Kung ipamilantik ang kanang pamatay
at saka isalag ang pang-adyang kamay,
maliliksing leon ay nangalilinlang
kaya di nalao’y nangagumong bangkay.
136
Nang magtagumpay na ang gererong bantog
sa nangakalabang mabangis na hayop,
luha’y tumutulong kinalag ang gapos
na kaawa-awang iniwan ng loob.

137
Halos nabibihay sa habag ang dibdib,
dugo’y nang matingnang nunukal sa gitgit,
sa pagkalag niyang maliksi’y nainip
sa siga-sigalot na madlang bilibid.
138
Kaya ang ginawa’y inagapayanan,
katawang malatang parang bagong bangkay,
at minsang pinatid ng espadang tangan,
walang awang lubid na lubhang matibay.

139
Umupo’t kinalong na naghihimutok,
katawang sa dusa hininga’y natulog,
hinaplos ang mukha’t dibdib ay tinutop,
nasa ng gererong pagsaulang-loob.
140
Doon sa pagtitig sa pagkalungayngay,
ng kaniyang kalong na kalumbay-lumbay,
nininilay niya at pinagtatakhan
ang dikit ng kiyas at kinasapitan.

141
Namamangha naman sa magandang kiyas
kasing-isa’t ayon sa bayaning tikas,
mawiwili disin ang iminamalas
na mata, kundangan sa malaking habag.
142
Gulong-gulong lubha ang kaniyang loob,
Ngunit napayapa nang anyong kumilos
Itong abang kandong na kalunos-lunos,
Nagising ang buhay na nakakatulog.
Pangkatang
Gawain
Pangkat teatro
uno
pangkat Pangkat
Nota CHARITY Pluma

Pangkat Pangkat
teatro dos dibuhista
PAMANTAYAN Lubhang Kasiya-siya Kasiya-siya Hindi Kasiya-siya
3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos
Presentasyon Lubhang malinaw, maayos, at Di-masyadong malinaw at Hindi malinaw at maayos ang
makaagaw ng atensyon ng maayos ang presentasyon at presentasyon at hindi nakuha
tagapakinig ang presentasyon. bahagyang nakuha ang ang atensyon ng tagapakinig.
atensyon ng tagapakinig.
Tema at Nilalaman Lubhang may kaugnayan sa tema Di-lubhang kaugnay sa tema Walang kaugnayan sa tema
ang ginawa ng pangkat at ang ginawa ng pangkat at ang ginawa ng pangkat at
napakahusay ng pagsasaayos at mahusay ang pagsasaayos at hindi maayos ang paglalahad
pagkakabuo ng nilalaman. pagkakabuo ng nilalaman. ng nilalaman.
Angkop na Salita Angkop ang mga salitang ginamit Hindi masyadong angkop ang Hindi angkop ang mga
at naipaunawa ito sa tagapakinig. mga salitang ginamit at salitang ginamit at hindi ito
bahagyang hindi naipaunawa maunawaan ng tagapakinig.
ito sa tagapakinig.

Partisipasyon at Nakikiisa ang lahat ng kasapi ng Di-nakikiisa ang ibang kasapi ng Ang namumuno lang sa
Pangkat pangkat sa pag-uusap tungkol sa pangkat. Bahagyang hindi pangkat at mangilan-ngilang
gawain at nakasunod sa tamang nakasunod sa tamang oras na kasapi ng pangkat lamang ang
oras na itinakda. itinakda. nakikiisa at kailangan pang
pagbutihin na makasunod sa
oras na itinakda
Bakit mahalagang tumulong
sa nangangailangan nang
walang hinihinging kapalit?
Panuto: Tukuyin ang damdaming
namamayani sa mga piling taludtod at
saknong. Piliin ang titik ng tamang sagot sa
loob ng kahon.
1. Sa tinaghoy-taghoy na kasindak-sindak,
gerero’y hindi napigil ang habag
 
2. Malaong natigil na di nakakibo,
hininga’y hinabol na ibig lumayo,
 
3. Sa bangis ng anyo at nginasab-ngasab,
Puryang nangangalit ang siyang katulad
 
4. Inusig ng taga ang dalawang leon,
Si Apolo mandin sa Serpiente Piton,
Walang bigong kilos na di nababaon
Ang lubhang bayaning tabak na pamutol.
 
5. Namamangha naman ang magandang kiyas
kasing-isa’t ayon sa bayaning tikas,
 
Mga Sagot:
1. c
2. e
3. a
4. b
5. d
Gawaing Bahay
Gumupit ng balita sa pahayagan/dyaryo
tungkol sa mga taong nagpakita ng
pagmamahal at pagtulong sa kapwa.
Idikit ito sa inyong kwaderno at
humandang ibahagi ito sa klase.
Maraming
Salamat po!
Dan Khristoffer G. Rendal

You might also like