You are on page 1of 17

Ang Kauna-unahan Nating Ninuno

Noong unang-unang panahon, ang Pilipinas ay


karugtong ng lupang Asya. Ang pantayan-lupa sa
paligid ng Kapuluang Malay ay higit na mababa
noong panahong iyon kaysa ngayon.

Ang Sumatra, Java, at Borneo ay nakakabit sa


Tawi-Tawi, Jolo at Basilan sa Zamboanga. May isa
pang lupang-tulay, na nagkakabit naman sa Borneo sa
mga pulo ng Balabac at Palawan.
Ang Kauna-Unahan Nating Maninirahan
Ang kauna-unahan nating maninirahan sa
Pilipinas ay nanggaling sa Asya at tumawid sa mga
lupang-tulay. Isa sa mga unang dumating dito ay
ang mga kalayu-layuang ninuno ng kasalukuyang
mga Negrito. Sila ay maliliit, maiitim ang balat, at
kulot ang mga buhok. Ang mga Negritong
naninirahan ngayon sa bulubundukin ng Zambales
ay mga inanak ng mga unang nakarating dito mula
sa Asya. Ang hindi nila pakikisalamuha sa ibang
angkan at pananatili nila sa sariling ugali ay siyang
naging dahilan na walang pagbabago sa kalagayan
ng mga Negrito hanggang ngayon.
Ang mga Indonesyo
Pagkaraan ng ilan pang taon, ibang uri naman ng tao
ang dumating sa ating bansa. Noong panahong iyon,
nawala na ang mga lupang-tulay. Ang mga bagong
dating na nanggaling sa Timog-Silangang Asya ay
nakasakay sa mga bangka. Sila ay matatangkad at
balingkinitan, mahahaba at tuwid ang buhok,
kayumanggi ang balat. Tinatawag natin silang mga
Indonesyo. Sila ang mga kalayu-layuang ninuno ng
Pilipinong di-Kristiyano at ng mga Pilipinong di-
Muslim. Ang mga Ifugao at Kalinga sa Mountain
Province, at ang mga Bagobo sa Mindanao ay mga
inanak ng mga unang Indonesyong nandayuhan sa
ating bayan.
Ang Ating Mga Ninunong Malay
Ilang taon pa ang nakaraan nang dumating ang
mga Malay. Sila ang kalayu-layuang ninuno ng
nakararaming Pilipino. Sakay sila ng mga
bangkang nanggaling sa Timog Asya at sa Timog-
Silangang Asya.

Ang mga nandayuhang Malay ay nanirahan sa


iba't-ibang pook ng Pilipinas. Ang iba ay
nagtungo sa mga pulo ng Bisaya. Sila ang
kalayulayuang ninuno ng kasalukuyang mga
Bisaya.
Mga Tanong
1. Tungkol saan ang maikling kuwento?
2. Paano nailarawan ang mga Negrito?
Indonesyo? At malay? Ano ang mga
ginamit na salita?
3. Pansinin ang mga salitang may diin sa
pangungusap. Nakikilala mo ba ang mga
ito?
PANG-URI
 Angtawag sa mga salitang
naglalarawan o nagbibigay-turing
sa mga pangngalan at panghalip.
Kaantasan ng Pang-Uri
1.Lantay
- Ito ay naglalarawan lamang ng
isa o payak na pangngalan o
panghalip.
Halimbawa:
Ang makulay na guryon ay
magandang pagmasdan
2. Pahambing
- Ang pang-uring ginagamit sa
pagtutulad ng dalawang pangngalan o
panghalip. Ito ay may dalawang uri.
a. Magkatulad – Ang paghahambing
kung patas sa katangian ang
pinagtutulad. Ginagamit dito ang
panlaping ka, magka, sing, magkasing,
gaya tulad, at iba pa.
Halimbawa: Magkasing-yaman ang mag-
ama sa kuwento.
b. Di-magkatulad – Ang paghahambing
kung nagbigay ito ng diwa ng pagkakait,
pagtanggi o pagsalungat.
 Palamang – May higit na positibong
katangian ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambing. Naipakikita ito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang lalo, higit, di-hamak, mas, at iba
pa.
Halimbawa: Ang ganitong panuntunan ay
maaaring maging daan ukol sa lalong
maunlad na kabuhayan.
Pasahol – Kapag may higit na negatibong
katangian ang pinaghahambingan.
Gumagamit ng di-gaano, di-gasino,di-
masyado.
Halimbawa: Di-gaanong istrikto ang ina
kompara sa ama.
3. Pasukdol – Ito ay maaaring positibo o
negatibo. Ang paglalarawan ay masidhi kung
kaya maaaring gumamit ng mga katagang
sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan, hari ng
_____, at kung minsa’y pag-uulit ng pang-
uri.
Halimbawa: Pinakamaganda ang panuntunang
ito na nagbigay-daan sa lalong maunlad na
Gawain A
Tukuyin ang pang-uring makikita sa
pangungusap at sabihin ang kaantasan nito.
1. Ang aking magulang ay ubod ng
mapagmahal.
Sagot: ubod ng mapagmahal/ pasukdol

2. Simple lamang ang aming buhay pero


masaya.
Sagot: simple, masaya/ lantay
3. Siya ay maganda ngunit pangit naman ang
ugali.
Sagot: maganda, pangit/ lantay

4. Magsimbait ang aking nanay at tatay.


Sagot: magsimbait/ pahambing

5. Ang Mt. Everest ang pinakamataas na


bundok.
Sagot: pinakamataas/pasukdol
Gawain B Pangkatang Gawain
Pangkat I – COMMERCIAL
Magsagawa ng isang maikling patalastas ng
kahit anong produkto. Gumamit ng mga pang-uri.
Pangkat II –DULA
Magsadula ng isang sitwasyon. Gumamit ng
antas ng pang-uri sa dulang isasagawa.
Pangkat III- TALK SHOW
Pumili ng dalawa o higit pang mga president sa
ating bansa at gamitin ang kaantasan ng pang-uri
upang ilarawan ang mga ito.
Pangkat IV- PAGHAHAMBING
Paghambingin ang ina at ama pagdating sa
gampanin nito sa pamilya. Gumamit ng mga pang-
uring nasa kaantasang pahambing.
PAMANTAYAN 5 PUNTOS 4 PUNTOS 3 PUNTOS 2 PUNTOS 1 PUNTOS

Paggamit ng Pang-Uri Wasto at angkop ang Angkop ang mga Di-gaanong angkop Ang mga pang-uring Lubhang hindi angkop ang
mga pang-uri na pang-uri na ang mga pang-uring ginamit ay hindi mga pang-uring ginamit sa
ginamit sa pakikipag- ginamit sa ginamit sa angkop sa pag-uusap. pag-uusap.
usap pakikipag-usap. pakikipag-usap.

Nilalaman at paksa Malaman at natumbok Medyo kulang ang Kulang ang Malabo ang Lubhang Malabo ang
ang pinapaksa. pagbibigay buhay pagbibigay-buhay pagpapakahulugan at pagpapakahulugan at wala
sa paksa. sa paksa at lumihis wala sa paksa sa paksa
ng konti sa paksa,

Paglalahad/ Pag-uusap Maayos, malinaw, at Maayos ngunit Di-gaanong maayos Mahina at hindi Sobrang hina at hindi
malakas. medyo di malinaw ngunit malakas. maayos. maunawaan ang nais
at di malakas. ipahayag.
Pokus na Tanong
 Sa ating mga tinalakay, ano ang
magandang naidudulot ng paggamit ng
pang-uri at kaantasan nito sa ating pang
araw-araw na pakikipagtalastasan o
pakikipag-usap?
Pagtataya/ Quiz
Tukuyin kung anong kaantasan ng pang-
uri ang mga sumusunod na salitang may
salungguhit. Isulat ang lantay, pahambing,
o pasukdol sa sagutang papel.
1. Magkasing lakas ang pananampalataya ni
Pedro at Simon.
2. Siya ang pinakamahusay sa klase.
3. Higit na maputi si Ben kaysa kay Eric.
4. Hari ng kakisigan ang aking ama.
5. Mas mabango ang sampagita kaysa rosas.
Takdang-Aralin
Gumawa ng isang tula na patungkol sa
iyong ama o ina, na may tatalong saknong
at gamitin ang kaantasan ng pang-uri.

You might also like