You are on page 1of 3

BAITANG 8

Asignatura: Filipino

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa akdang


pampanitikan sa Panahon ng mga katutubo, Espanyol at Hapon.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
panturismo.
KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO: Nakikilala ang mga Pang-uri at Kaantasan nito.

I. Layunin:
A. Nakikilala ang mga Pang-uri at Kaantasan Nito.
B. Nakapagbibigay sa bawat halimbawa ng Lantay, Pahambing at Pasukdol
C. Nakabubuo ng Paghahambing Gamit ang mga Pang-uri

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Kaantasan ng Pang-uri
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. Del
Rosario at Nestor S. Lontoc (pahina 310-312)
C. Kagamitan: Laptop

III. Pamamaraan:
A. Paglahok
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Balik-Aral
Pagbabalik-aral sa mga pahayag tungkol sa Kayarian ng Pang-uri.
Tanong:
Ano na nga ba ulit ang apat na Kayarian ng Pang -uri?
4. Pagganyak:
Magpapakita ang guro ng tatlong larawan. Tatanungin ang klase kung ano
ang nais ipahiwatig ng mga larawan.
Itatanong sa buong klase:
1. Ano ang nais ipahiwatig ng unang larawan?
2. Sa pangalawang larawan ano ang inyong nakikita?
3. Sa pangatlong larawan, ano ang inyong nakikita?, ano ang napapansin niyo sa larawan?

Paglalahad
Tatlong uri njg Kaantasan ng Pang-uri

 Lantay – Ito ay naglalarawan lamang ng isa o payak na pangngalan o panghalip


Halimbawa: Ang makulay na guryon ay magandang pagmasdan.
 Pahambing – Ang pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o
panghalip. Ito ay may dalawang uri.
 Magkatulad – Ang paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad.
Ginagamit dito ang panlaping ka, magka, sing, gaya, tulad, at iba pa.
Halimbawa: Magkasing-yaman ang mag-ama sa kuwento.
 Di-Magkatulad – Ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait,
pagtanggi, o pagsalungat.
 Palamang – May higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambing. Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang
lalo, higit, di-hamak, mas, at iba pa.
Halimbawa: Ang ganitong panuntunan ay maaaring maging daan ukol sa lalong
maunlad na kabuhayan.
 Pasahol – Kapag may higit na negatibong katangian ang pinaghahambingan.
Gumagamit ng di-gaano, di-gasino, di-masyado.
Halimbawa: Di-gaanong istrikto ang anak kumpara sa ama.

 Pasukdol – Nasa pinakadulong digri ang kaantasan ng pasukdol. Ito ay maaaring


positibo o negatibo. Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng mga
katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan, at kung minsa’y pag-uulit ng pang-uri.
Halimbawa: Pinakamaganda ang panuntunang ito na nagbigay-daan sa lalong maunlad
na kabuhayan.

Panuto: Salungguhitan ang mga pang-uring makikita sa bawat pangungusap at isulat sa


patlang ang kaantasan nito.

_______________ 1. Ang aking magulang ay ubod ng mapagmahal.


_______________ 2. Simple lamang ang aming buhay ngunit masaya.
_______________ 3. Ang aking ina ay masasabi kong ulirang ina.
_______________ 4. Ang aking ama ay saksakan ng sipag.
______________ 5. Mataas na mataas ang pagtingin ko sa kanila.
______________ 6. Magsimbait ang aking nanay at tatay.
______________ 7. Higit na maganda ang relasyon naming magpapamilya pagkatapos ng
naganap na trahedya sa amin.
______________ 8. Nagkaroon ako ng bagong kaalaman kung paano ko mapauunlad ang
aking buhay.
______________ 9. Di na gaanong magulo ang aking isip tungkol sa mga bagay nan ais kong
mangyari sa aking buhay.
______________ 10. Ang maliit na tampuhan ay madaling nalulutas sa ngayon.

D. Pagtataya
Panuto: Gumawa ng paghahambing sa sumusunod. Gamitin ang mga pang-uri
at kaantasang hinihingi sa loob ng panaklong.
Halimbawa: Amerika – Hapon
(maunlad: pahambing na magkatulad)
Magkasing-unlad ang Amerika at Hapon.
1. Bahay niyo at bahay ng kaibigan mo: (pahambing na pasahol)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________.
2. Tatay mo: sa lahat ng tatay sa mundo (pasukdol)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________.
3. Nanay mo: nanay sa isang komersyal sa telebisyon (pahambing na palaman)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________.
4. Ikaw: Kapatid mo (magkatulad)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________.
5. Perlas: (lantay)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________.

E. Takdang Aralin:

You might also like