You are on page 1of 8

AGUSAN DEL SUR COLLEGE, INC.

Bayugan City, 8502 CARAGA Philippines


Telefax (085) 231-2150
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Mala Masusing Banghay Aralin


sa Pagtuturo ng Filipino sa
Junior High

Inihanda ni:
Mary Grace Revil
Guro

Ipinasa kay:
KEVIN JOHN A. MONTALBAN
Asst. Head for Academics
Mala Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino
sa Junior High

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang;


a. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng
mga tauhan;
b. Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng
tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito; at
c. Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.
II. Paksang Aralin: Kwentong -bayan
Lunsaran: Nakakalbo ang Datu
Sanggunian: Baybayin Paglalayag sa Wika at Panitikan
Kagamitan: Fill tip pen, cartolina, chalk at board
Wika: Ang Mga Pahayag na Nagbibigay Patunay
Istratehiya: Lecture Method

III. Pamamaraan
A. Tuklasin
 Panimulang Gawain
-panalangin
-pag tsek ng attendance

B. Linangin

1. Pagganyak
“Sulat ko , Hulaan Mo !”

Panuto: Ang klase ay hahatiin sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay


pipili ng isang representante. Bibigyan sila ng mga pira-pirasong papel kung saan
nakasulat ang mga salitang may kaugnay sa gawain. Ang isang representante ng
pangkat ay ang magsusulat sa mga salita gamit ang beywang at huhulaan naman
ng kanyang mga kapangkat . Ang bawat pangkat ay bibigyan ng tatlong minuto
sa pagsulat at paghula.
Pangkat 1 Pangkat 2
1. Datu 1. Ang Datu
2. Kwentong-bayan 2. Pinuno
3. Nagpapatunay 3. Maharlika
4. Pabula 4. Kapangyarihan
5. Alamat 5. Rajah

1.1 Paglalahad

Kaugnay sa ating gawain ay may babasahin


tayong isang kwentong-bayan na Nakakalbo ang
Datu

1.2 Paghahawan ng balakid

Pero bago iyan ay aalamin muna natin


ang mga mahihirap na salitang makikita sa
teksto.

Panuto: Piilin sa hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang sinalungguhitan sa


hanay A.

Hanay A Hanay B Mga Sagot

1. malambing a. maamo a
2. bubunutin b. nagsusumamo e
3. taglay c. walang buhok d
4. kalbo d. taglay c
5. nagsisisi e. tatanggalin b

Magaling! Tama ang inyong mga sagot.


Gamitin naman ang mga mahihirap na salita sa
sarili ninyong pangungusap.

Magaling!

1.3 Pamantayan
Bago tayo magsimula sa ating talakayan,
ano nga ba ang dapat gawin ng isang mabuting
mag-aaral habang nagbabasa ng isang teksto?

Ano pa?
Maaasahan ko ba iyan sa inyo, klas?
Magaling!

2. Habang Nagbabasa

Basahin ng mabuti ang akda


dahil magkakaroon tayo ng
aktibiti mamaya

2.1 Pagbabasa ng mga teksto

Kwentong-bayan
Ang Kwentong-bayan ay mga salaysay tungkol sa mga tauhang
likha ng imahinasyon na maaaring kumakatawan sa mga uri ng tao sa lipunang
pinanggalingan ng kwento. Maaari rin itong salaysay tungkol sa pook, mga
mamamayan, paniniwala, kaugalian, tradisyon o relihiyong baying pinagmulan ng
kwentong-byan. Bilang isang anyong pampanitikan, may apat na katangian ang
kwentong- bayan ito ay:
1. Nagpasalin-salin sa magkakasunod na henerasyon sa pamamagitan ng
tradisyong oral;
2. Nasa anyong tuluyan o prosa;
3. Tungkol sa mga Diyos at Diyosa, sikoy,sirena, anito, kapre, tiyanak, tikbalang,
aswang, manananggal at iba pang elemental na makikita o pinaniniwalaan sa
baying pinagmulan ng kwento ; at
4. Naglalaman ng mga tradisyon, pagpapahalaga at paniniwala ng baying
pinagmulan nito.
Mayroon ding tatlong uri ang mga kwentong-bayan. Ang mga ito ay;
1. Mito- ang mga mito ay mga kwentong partikular na tumutukoy sa mga diyos at
diyosa at kung paano nakig-ugnayan sa kanila ang mga tao.
2. Mito- ang mga kwento na hayop ang tauhan at karaniwang nagbibigay aral o
paalala tungkol sa buhay a pakikipagkapwa.
3. Alamat- tungkol naman ito sa pinagmulan ng bagay, lugar, pangalan , o hayop.

Nakakalbo ang Datu


Kwentong-bayan mula sa Mindanao
muling isinalaysay ni Ramilito B. Correa

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga


nasasakupan.  Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook.  Nalimutan ng datu
ang mag-asawa.  Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang
mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay.  Naging pihikan
ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan.  Sa
tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring
umibig ang datu.  Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang
dalagang maganda na ay mababait pa.  Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa
dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.
Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin.  Siya ay batang-bata at
napakalambing.  Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa.  Mahal na
mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya.  Dahil sa
pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata
ang asawa. Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu.  Sa ganito,
magmumukhang kasinggulang ko lamang siya. Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin.  Sa
tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa.
Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.
Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa.  Maganda, mabait si
Farida ngunit kasintanda ng datu.  Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga
puting buhok ng datu.  Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu.  Kapag tulog na ang datu,
palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay
ang datu.  Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya
nag-asawa.  Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang
manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili.
Kalbo! Kalbo, ako!  sigaw ng datu.
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends
and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.80-81.

3. Pagtatalakay Pang-unawa
Saan ba patungkol ang mga akdang ating binasa?
Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?

Sino pa?

Ano ang kaibahan sa dalawang asawa ng datu?

Ilarawan ang datu sa kwento.

Bakit hindi agad nakapag-asawa ang datu?

Ano-ano ang katangian ng datu na naipakita


sa paraan niya ng pagpili ng mapapangasawa?

Batay sa kwento , ano ang ibig sabihin ng pagmamahal?


Tama iyan. Magaling!

Ang mga Pahayag na Nagbibigay Patunay

1. KAPANI-PANIWALA - salita ang nagpapakita na ang ebidensiya ay makatotohanan at


maaaring makapagpatunay.
2. MAY MATIBAY NA PATUNAY- katunayang pinalakas at pinatatag ng
mapagkakatiwalaan at malinaw na mga ebidensya o mga impormasyon.
3. NAGPAPAHIWATIG- hindi direktang nakikita, nahihipo, naaamoy o naririnig ang
ebedinsya subalit may mga pahiwatig na totoo ang pahayag.
4. NAGPAPAKITA- salitang nagpapahayag na totoo ang isang bagay na pinatutunayan.
5. NAGPAPATUNAY- ito ang salitang nagpapatunay sa katotohanan ng pahayag.

A. PANGWAKAS NA GAWAIN

IV. ILIPAT
GRASPS

Sa puntong ito, ay hahatiin ko ang klase


sa tatlong pangkat at kinakailangan ninyong
bumuo ng masining na presentasyong may
kaugnayan sa mensaheng nangingibabaw sa
akdang binasa. Maliwanag ba? Opo, Ma’am.

Bibigyan ko lamang kayo ng limang


minuto sa paghahanda at tatlong minuto sa
pagtatanghal.

Para magabayan kayo sa inyong


gagawing presentasyon ay narito ang GRASPS:

GRASPS

Goal Nakakatanghal ng dula-dulaan

Role Artista
Audience Guro at mga kapwa mag-aaral
Situation Buwan ng Wika
Product Dula-dulaan,
Standard Ang inyong ginawa ay mamarkahan batay sa mga sumusunod:

DULA-DULAAN

Kaugnayan sa tema - 5
Wastong gamit ng wika - 10
Orihinalidad - 5
Kooperasyon – 5
Kabuuan : 25 puntos

Rubriks sa Pagsasadula:
DULA-DULAAN

Pamantayan Lubos na Naipamalas Di-Gaanong


Naipamalas Naipamalas

Kaugnayan sa tema 5 4 3
Wastong gamit ng wika 10 9 8
Orihinalidad 5 4 3
Kooperasyon 5 4 3

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Basahin muli ang akda isulat sa kwaderno ang mga pahayag na nagbibigay
patunay.

You might also like