You are on page 1of 2

Pangalan : __________________________________________

Baitang/ Seksyon : 10
Sabjek : Filipino 10
Markahan : Ikatlong Markahan

MODYUL 5
MGA AKDANG MULA SA AFRICA AT PERSIA
Aralin 5: Pagbabago
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES
1. Maipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa takstong binasa
Learning Targets:

a. Maibabahagi ang ideya at konseptong nalalaman sa tulong ng pagguhit


b. Maibibigay ang katumbas na kahulugan ng mga salita sa akda
c. Maipapaliwanag ang dahilan ng pagkakalikha ng sanaysay na binasa
d. Magagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe
e. Makapagsulat ng sanaysay patungkol sa paghahatid ng mensahe

Pagbibinhi

Gawain 1: I-guhit MO!

Panuto: Iguhit sa isang puting papel ang nakikita mong maunlad sa ating bansa at kulayan ito.

Pagpupunla

Gawain 2: Hanapin MO!

A. Panuto: Humanap ng ilang mga salita sa babasahing sanaysay sa pahina 249 hangang 250 at
ibigay ang katumbas na kahulugan. Kung walang makita ay gumawa ng sariling
halimbawa.

Mga Salita sa Akda Kahulugan

B. Panuto: Tingnan ang larawan sa pahina 248. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
2. Napuntahan mo na ba ang lugar kung saan nakalagay ang larawang nakita? Saan? Bakit at
ano ang silbi ng nasa larawan?
3. Senyales ba ito ng pag-unlad ng isang bansa?

“Sa ADSCO ganap akong edukado. Daan ko sa pag-asenso. Future ko sigurado!”


Pag-uuhay

Basahin Mo!
Panuto: Basahin ang sanaysay na pinamagatang “Kaharian ng Persia ni Felicidad Q. Cuaño sa pahina
249 hanggang 250.

Pag-aani
Gawain 3: Sagutan MO!
A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba. Isulat sa iyong sagot sa sagutang papel.
1. Bakit napiling isulat ng may-akda ang paksang Persian Empire?
2. Paano niya inilarawan ang Persian Empire?
3. Saan kilala at napabantog ang Persian Empire?
4. Ano-ano ang imbensiyon na nagsimula sa Persia?
5. Bakit naging makabuluhan ang imbensiyon ng Persia sa pagtatayo ng kanal?
6. Ano ang halaga ng imbensiyong ito sa makabagong sibilisasyon?
7. Ano ang sinasabi ng antigong estatwa na nahukay ang mga inhinyerong taga-Europa?
8. Ano ang naging magandang bunga ng ipinagawa ni Haring Darius?
9. Sino ang makikinabang sa kaniyang ipinagawa?
10. Paano gustong maalala ng may-akda ang Persian Empire?

Paggigiik
Gawain 4: Opinyon MO!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakapaloob sa pahina 251 at sagutan ang mga sumusunod
na katanungan. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. May katotohanan ba ang sinabi ng pangulo sa kaniyang SONA?


2. Alin sa mga sinabi niya ang sa palagay mong malayong maisasagawa?
3. Bukal ba sa kaniyang kalooban ang kanyang sinabi?
4. Ilahad ang ilan sa kaniyang mga sinabi na inyong pinaniniwalaan at pinasusubalian.

Pagsasaing
Gawain 5: Kunin MO, Ilipat MO!

Panuto: Mula sa sanaysay na binasa, kunin ang mga pahayag na sinabi ng tuwiran at ilipat ito sa di
tuwirang pahayag.

Mga Tuwirang Pahayag Mga Di-tuwirang Pahayag


1. 1.
2. 2.
3. 3.

Paghahain

Gawain 6: I-Sanaysay Mo!

Panuto: Sumulat ng sanaysay na naghahatid ng mensahe ukol sa pagtulong na gagawin mo upang ang
bansa ay umunlad, lumago at sumulong. Isulat ito sa isang buong papel.

“Sa ADSCO ganap akong edukado. Daan ko sa pag-asenso. Future ko sigurado!”

You might also like